I was forced to marry him, now i can't escape him

I was forced to marry him, now i can't escape him

last updateLast Updated : 2026-09-12
By:  MilanWrites Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
60Chapters
670views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Give me a good enough reason to stop and stay away from you, Thalie. Because if you can't give me a reason why you're avoiding me like this, I'm going crazy. Tangina, Nababaliw ako kapag hindi kita nakikita." Saad nito kasabay ng pagluhod nito sa harapan ng dalaga.

View More

Chapter 1

Chapter 1

"Huy! Maaga pa para diyan. Baka mas mauna kapang dumating kaysa sa Hiring Manager ha?" Natatawang biro ni Claire tsaka siya umupo sa harap ng salamin tsaka ito nagtaas ng kilay nang makita ang suot ni Thalie.

"Hoy babae, baka naman pagkamalan kang manang diyan sa suot mo? Palitan mo nga! Masyado ka namang manang kung manamit!" Singhal pa nito.

Ngumiti ito tsaka tumingin sa kanyang damit. "Okay naman ah?" Saad nito tsaka tumingin pa sa malaking salamin. "Hay nako, Thalie. May Job interview ka ngayon. Ayusin mo naman 'yang suot mo. Baka naman 'di kana papasukin ng guard niyan. Balita ko, maselan at strikto at masungit 'daw ang may-ari ng Jewel's Company at napipili lang 'daw ang nakakapasok dun. Kaya kung ako sayo, palitan mo na 'yang pantalon at t-shirt mo." Mahabang salaysay ni Claire.

"Aba eh, kung sa suot lang naman sila bumabase siguradong hindi din sila makakakuha ng mahusay na taga-disensyo ng mga alahas." Biro naman ni Thalie tsaka sila sabay na tumawa.

"Ah basta! Magpalit ka ng damit. Huwag nang matigas ang ulo. Sa pagkakaalam ko kasi, ang dami mong damit na halos hindi na 'din magkasya sa damitan mo. Tapos, iyan pa talaga ang napili mo?" Singhal ni Claire. Kumportable din kasi ang dalaga sa ganoong klaseng pananamit. Ito na din kasi ang nakasanayan niya mula bata hanggang sa ngayong dalaga na ito.

Agad naman tumayo si Claire tsaka binuksan ang cabinet tsaka ito naghanap ng damit para sa kanyang kaibigan. Huminto ito nang makita ang isang emerald green dress kung saan kitang-kita ang hubog ng balingkinitang katawan kapag suot ito ni Thalie.

Ngumiti ito ng malawak tsaka agad itong kinuha at tumingin kay Thalie.

"Huwag mong sabihin na-" Ngumiti ito tsaka lumapit sa dalaga. "Oo tama ka. Ito nga ang isusuot mo. Magbihis ka na dali." Saad nito tsaka mabilis nitong hinila at pinapasok sa banyo.

Wala na itong nagawa kundi ang suotin ito. Napabuntong hininga nalang si Thalie tsaka lumabas ng banyo. Bahagya itong naka simangot dahil hindi ito ang kasuotang napupusuan nito. Hindi ito ang kasuotang kumportable para sa kanya.

Napakahilig niya sa mga damit na kagaya nalang ng t-shirt at long pants kung saan halos hindi madapuan ng lamok ang kanyang nga paa kaya nanatili itong makinis at maputi.

Muli itong napatingin sa salamin kung saan makikita ang kabuoang pigura nito. Ayaw din kasi nito ang mga ganitong klaseng damit dahil halos napagkakamalan nilang siya ay si Rhialie. Ang kanyang kambal.

"Rhialie, ikaw ba iyan?" Tanong ni Claire habang tumatawa pa. Bahagyang napasimangot ang dalaga sa biro ng kanyang kaibigan. "Hmm!" Inis na sagot nito. "Joke lang naman, jusko para kayong pinagbiyak na bunga. Ang ganda ganda mo naman Thalie. Para kang anak mayaman ah?" Dagdag pa nito tsaka ito pinisil sa ilong.

"Baka kalaunan niyan, ako nanaman ang aako sa kasalanan niya." Sagot nito na may halong pagkainis.

Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit mas gusto nito na magsuot ng mga lumang damit kaysa magsuot ng damit na parang kay Alie (Rhialie)

('Kung sabagay, bagay din naman kay Alie ang magsuot ng mga sosyalin dahil mayaman naman ang umampon sa kanya') Sa isip ng dalaga.

nanatili naman sa pagiging mahirap si Thalie. kailangang magtrabaho para sa lahat ng gastusin sa hospital at mga gamot ng kanyang ina.

Matapos itong magbihis, agad itong lumabas ng inuupahan nila ni Claire at dumiretso sa Jewel's Company. Pagkapasok nito sa loob, agad nitong nakita ang mga nakaupo sa mahabang upuan. Lahat sila mga babae at tama nga si Claire. Magaganda at sosyalin ang kanilang mga suot. Napabuntong hininga na lang ito tsaka nakiupo sa may bakanteng upuan.

Ilang oras na nagtiyag ang dalaga hanggang sa matawag ang kanyang pangalan. "Ms. Nathalie Hansen." Aga itong lumapit at umupo.

"How do you handle a high-end client who complains that our gold prices are too high compared to local pawnshops or smaller jewelry stalls?" Diretsong tanong ng babae.

"Ipiliwanag ko po sa kanila nang maayos na ang binabayaran nila sa amin ay hindi lang ang timbang ng ginto, kundi ang superior craftsmanship, ang exclusivity ng disenyo, at ang lifetime warranty ng produkto. Sasabihin ko rin na ang aming mga hiyas ay may sertipiko at garantisadong tunay, kaya mas mataas ang appraisal value nito sa hinaharap. Sa huli, ipaparamdam ko sa kanila na ang pagbili sa amin ay isang pangmatagalang investment para sa kapayapaan ng kanilang isip." Magalang at diretsong sagot ng dalaga. Napataas naman ng kilay ang babae.

Ilang mga katanungan pa ang ibinato sa kanya at sa wakas ay natapos din.

Pagkalabas nito sa Jewel's Company ay agad itong dumiretso sa karindirya dahil hindi din ito nag-agahan.

Pagkapasok nito sa karindirya ay sakto naman ang pagtunog ng kanyang cellphone. Agad nitong kinuha tsaka napakunot nalang ng noo nang makita kung sino ng tumatawag.

"Hello? Asan ka? Pasama naman, Mall tayo." Anyaya ng kanyang kapatid. Bahagya itong napapikit.

Alam kasi nito ang bawat galaw at takbo ng isip ng kanyang kapatid sa tuwing magkasama silang nasa labas.

Agad kumirot ang dibdib ng dalaga.

'May gana pa siyang pumunta ng mall ngayon habang si mama nasa hospital at hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pangbili ng gamot at pangbayad sa hospital.' Sa isip nito.

Kulang na kulang naman ang sinasahod nito bilang taga-hugas ng pinagkainan sa karinderya sa tapat ng L.L.S University. Halos pinagsasabay na din kasi nito ang pag-aaral at trabaho mula 5pm hanggang 10 pm. Mabuti nga at nakakuha pa ito ng scholarship mula sa mayamang umampon kay Alie. "huy! Ano na?" Sigaw mula sa kabilang linya.

"Pasensiya na, busy ako ngayon. Sabado ngayon at kailangan kong pumunta sa-" hindi nito pinatapos sa pagpapaliwanag at muling nagsalita. "Jusko naman, magrelax ka naman minsan. Puro ka nalang trabaho." Mayabang at may mapagmataas na tono mula sa kabilang linya.

Napayukom ito ng kamao.

'Kung sana tulungan mo lang ako sa responsibilidad nating dalawa edi sana may oras naman ako para diyan'. Sa isip ng dalaga.

"Alam mo, halos hiyang-hiya na ako sa school pag katabi kita. Nagmumukha kang yaya ko. Kaya tara na, samahan mo na ako. You don't have to worry about anything, I'll take care of it. And para wala ka namang masabi, I'll pay you. Just come with me." Saad pa nito.

"At para naman may pang gastos ka diyan sa mama mo." Muling napayukom ang kamao ni Thalie sa sinabi ng kanyang kapatid . 'mama mo' .

Hindi maiwasan ng dalaga ang mainis sa simple pagkakasabi ni Alie sa salitang 'mama mo'. Alam nito sa sarili niyang iisa lang ang ina nila ngunit sobrang nakakainsulto ang pagtanggi nitong mag-ina din sila.

Dapat nga ay magpasalamat pa ito dahil hindi niya sana nararanasan ang ginhawa ng buhay kung hindi ito pinaampon ng kanyang ina noong sanggol pa lamang sila.

Walong buwan palang ang kambal na si Thalie at Alie nang pabalik-balik sa hospital ang kanilang ina dahil sa sakit ni Alie na hindi kayang ipagamot dahil sa kakulangan ng pera.

Ilang beses itong humingi ng tulong mula sa kanilang natitirang kamag-anak ngunit walang nag-abalang tumulong.

Hanggang sa nakasalubong ng kanilang ina ang nagtatalo na mag-asawa sa gilid ng kalsada. Base sa kanilang kasuotan, mag-asawa itong kayang-kayang bilhin ang buhay ng kanyang anak na may sakit.

Pasimple itong lumapit tsaka bahagyang nakinig kung ano ang pinagtatalunan ng mag-asawa. Sa sandali itong pakikinig, napagtanto nitong 'kawalan ng anak' ang kanilang kanina pa'y pinatatalunan.

Hindi ito nagdalawang isip at nakipag-usap. Noon pa gustong umampon ng sanggol ang mag-asawa ngunit ayaw nilang umampon galing sa bahay ampunan.

Halos hindi mahinto sa pagpapasalamat ang mag-asawa sa gustong mangyari ng ina ng kambal. Agad nilang inayos ang legal na proseso para malipat ang apelido ng mag-asawa sa sanggol na si Alie. Agad 'din dinala ng mag-asawa ang sanggol sa ibang bansa upang ihanap ng mahusay na doktor para sa kanyang sakit.

Nagtagal ang mga ito ng halos isang taon sa ibang bansa at umuwi nang tuluyan ng gumaling ang karamdaman ni Alie.

Bilang kabayaran sa ginawa ng ina ng kambal, nangako ang mag-asawa na tustusan ang pag-aaral ng isa pang sanggol na si Thalie mula sa unang hakbang ng kanyang pag-aaral hanggang sa makapagtapos ito at makakuha ng magandang trabaho.

Agad na pumayag at nagpasalamat ang kanilang ina kahit durog na durog na ito dahil sa paghihiwalay ng kambal.

"S-sige." Tanging sagot na lang ng dalaga. Naisip nito, malaki-laki din ang ibinabayad ni Alie sa kanya bilang taga-bitbit ng mga paper bags na may lamang nagmamahalang mga damit kaya okay lang ito sa kanya.

'mas malaki din ang kikitain ko dito kaysa magtrabaho sa karindirya' sa isip nito.

"Okay.." Sagot nito tsaka kinausap kanyang driver. "Manong, sa may harapan ng Jewel's Company ng boyfriend ko." Saad nito tsaka pinatay ang cellphone.

Napatulala nalang ito habang hinihintay si Alie. Halos tangayin na ng hangin ang kanyang isipan dahil mahigit isang buwan na ng kanyang ina sa hospital.

Ilang minuto lang ang nakalipas nang may pumaradang mamahalin at sosyalin na kotse sa may tapat ng karinderya.

Bumaba ang kapatid nito tsaka ito hinanap. Natigilan ito ng makita ang kanyang kambal. Biglang kumunot ang noo nito tsaka napayukom ang kanyang kamao sa inis, napataas ang kilay habang nakatingin sa suot ni Thalie.

Suot kasi ni Thalie ang dress na galing sa kanya. Bahagya itong nainis dahil napagtanto niyang mas maganda at mas sexy parin si Thalie kumpara sa kanya. Hindi ito papayag na pareho sila maganda sa paningin ng mga tao at mas lalong ayaw nitong pumayag na mas maganda si Thalie kumpara sa kanya.

Agad itong nag-isip ng hindi maganda tsaka nagsalita.

"Didn't I tell you not to wear that when we're together? That dress doesn't suit you. An old t-shirt and old pants suit you better! Get dressed, I don't feel comfortable when we're wearing the same clothes." Reklamo nito.

Paborito kasi ni Alie ang kulay emerald green kung saan ito din ang kulay ng dress na kanyang suot ngayon. Para sa kanya, mas lumalabas ang kanyang kaputihan at kagandahan kapag itong kulay ang kanyang suot.

Ayaw na ayaw ni Alie na magmukhang malinis ang kanyang kambal para patuloy itong magmukhang alalay lamang niya. Gusto nito na sa kanilang dalawa ay siya palagi ang nasa itaas kung saan siya palagi ang pinupuri at pinapansin.

Masaya ito sa tuwing sinasabing 'mukhang alalay mo lang si Thalie'.

"Walang problema. Dalhin mo ako sa bahay, magbibihis lang ako saglit pero--gusto ko munang ipaalam sayo kung magkano ang gusto kong bayad bilang alalay mo." Diretsahang sagot ng dalaga sa kanyang mapanlait na kapatid.

"Okay, magkano ba?" Tanong nito habang nakangiti pa.

"Twenty thousand pesos. Kasama na 'dun ang pamamahiya mo, panlalait mo at pagkain ko ng tira-tira mo. Gagastusin ko ang perang 'yan para sa mama ko na mama mo 'din." Sagot nito. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng dalaga.

"Ang laki naman-" hindi nito pinatapos ang kanyang sasabihin at agad itong sumingit. "Okay lang kung ayaw mo. Sige, alis na. Pupunta pa akong trabaho -" Saad nito tsaka akmang aalis ng muli siyang magsalita kasabay ang paghawak niya ng braso ni Thalie.

"Okay...okay...deal!" Sagot nito.

'Papayag din pala eh!' sa isip nito.

Wala din naman problema kay Alie sa gastusin dahil mas masaya ito sa tuwing pinapahiya ang kanyang kambal kaysa sa pagbabayad ng twenty thousand pesos.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
60 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status