RAMIRO
Nang magising ako ay naramdaman kong nakagapos na ang mga kamay ko at may mga katabi ako sa sasakyan na siyang gumigitgit sa akin na marahil ay mga tauhan din ng organization. “Baka gusto ninyong tanggalin ito?! hindi naman ako tatakas eh!” singhal ko dahil napakahigpit na talaga ng pagkakatali at nasasaktan na ang mga kamay ko. “Ganyan ka lang, saka ka namin kakalagan kapag nakausap na natin si Lieutenant Mantala,” saad ni Tyrone na sa tingin ko ay nasa driver’s seat at nagmamaneho. “Ang tungkod ko dinala niyo ba?!” tanong ko dahil hindi ako makakalakad ng wala iyon. “Oh, ayan ang tungkod mo, pati na ang eyeglass mo, baka sabihin mo wala kaming konsiderasyon at masyado kaming malupit sayo eh,” saad ni Iñigo na isinuot sa akin ang Rayban ko at ipinahawak sa akin ang tungkod ko. “Dove, papunta na kami… kahit anong mangyari, wag mong ibibigay sa amin ang mga documents at files, malakas ang kutob ko na pag napunta sa kanila iyon ay may masamang mangyayari,” saad ko sa isip habang nararamdaman ko ang pag andar ng kotse. Kilalang kilala ko si Laila at alam kong hindi niya iyon ibibigay sa akin kahit pa lumuha pa ako ng dugo sa harap niya. Nang makarating kami sa bahay ni Dove ay kinalagan na nila ako at dahil wala na akong magawa dahil papatayin nila ako kapag pumalag pa ako ay kinausap ko na si Dove ngunit nagulat ako sa nabalitaan ko, napag alaman kong nagka amnesia pala siya kung kaya’t hindi niya matandaan ang mga files at documents na hinihingi ko. That’s good, in that way, maantala pa ang lahat ng mga planong binubuo ng organization. Sinabi ko na lamang na babalikan ko siya pati ang sira ulo niyang asawa na si Ross na tinaboy kami. Humanda talaga siya kapag bumalik ang alaala ni Dove, hays kawawa. “Oh, paano ba yan? wala daw kay Lieutenant Mantala ang mga documents, pwede bang pakawalan niyo na ako?!” singhal ko sa kanila dahil tinutulak tulak na ako ulit ng kung sinong hindi ko naman kilala na bumalik na sa kotse. “Not so fast, Ramiro, ang sabi mo kay Lieutenant Mantala ay babalikan mo siya kung kaya’t kailangan natin siyang balikan sa mga susunod na araw,” saad ni Inigo. “Oo nga, wag niyo sabihing wala kayong balak pakawalan ako habang hindi pa bumabalik ang ala ala ni Dove, maawa na kayo sa bulag,” saad ko sa kanila. “Still, you need to be under surveillance,” saad naman ni Tyrone. “Fuck you, all,” saad ko na walang nagawa kundi bumalik sa kotse. Pagpasok ko ay pinag aralan kong mabuti ang bawat galaw nila. Ilang sandali ay umandar na ang kotse, ang isa kong katabi ay medyo malaki ang pangangatawan habang ang isa ay sakto lang, sa tantiya ko ay lima lamang kami sa kotse. Kailangan kong makatakas dito, wala akong balak tulungan sila. Sapat na ang pag terminate sa akin sa organization, hindi ko na hahayaang manganib pa lalo ang buhay ko sa kanila. Maya maya ay biglang kumalabog ng malakas ang kotse at nawala sa manibela si Tyrone. “Uy, ano iyon?” tanong ni Inigo na sinuri na ang paligid habang ako ay prente lang na nakaupo at walang ka imik imik. “Wala, magmaneho ka lang,” saad ni Inigo at sinunod naman iyon ni Tyrone, sa tingin ko ay papasok na kami sa isang tunnel na dinaanan namin kanina kung kaya’t kailangan ng bilisan ang pagpapatakbo ng kotse. Tanga talaga kahit kailan ang mga taong ito tsk tsk! napapangisi na lang ako dahil hindi nila alam ang ginawa ko. “Hoy bulag! anong nginingisi ngisi mo dyan?!” tanong ng katabi ko na hindi ko naman kilala kung sinong poncho pilato ba yan, siguro ay mga bagong pasok ang mga ‘to ng organization kung kaya’t hindi ko makilala ang boses. “Wala kang pakialam!” singhal ko pa na nang aasar ngunit maya maya ay bigla kong narinig ang isa sa mga katabi ko. “Boss, boss, boss! flat ang gulong! babangga tayo!” singhal nito at iyon na ang hudyat upang tumakas ako, binigwasan ko ang katabi ko na kanina pa ay gusto ko ng bangasan ang pagmumukha habang ang katabi ko naman ay pinagpapalo ko ng tungkod ko. Naramdaman ko naman na sinakal ako ni Inigo ng necktie sa leeg at balak na akong patayin sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya habang si Tyrone naman ay pilit na iniiwasang wag kaming mabangga. “Fuck you, Castillejo!” singhal ni Inigo na nanggigigil sa pagsakal sa akin ngunit swerteng nakawala ako sa kanya at siya naman ang sinakal ko. “Fuck you too, Inigo! hindi yo ako mapapatay dahil mauuna kayo sa akin, mga ungas!”” singhal ko, halos masamid samid na siya sa pagsakal ko at nagpupumiglas na siya, ang dalawang katabi ko naman ay knock out na dahil sa lakas ng pagkakabigwas at pagpalo ko ng tungkod kanina kung kaya’t binitiwan ko na si Inigo at saka kinuha ang tungkod ko at nagmadaling binuksan ang pinto ng kotse, inihulog ko sa kotse ang isa kong katabi at saka ko sinunod ang sarili ko upang makalabas na ako ng kotse ngunit nagulat ako ng bigla kong marinig na sumalpok ang kotse sa tunnel at gumawa ng pagsabog. Muntik na ako doon, buti nakalabas ako kaagad dahil kung hindi ay aksidente din ang abot ko. Kinapa kapa ko ang tungkod ko at nilisan na ang lugar.Wala na akong pakialam pa sa kanila. Kailangan kong makatakas. Nang gabing iyon ay bumalik ako sa bahay ko, bagama’t mahirap ay nasanay na ako, kung dati ay nagmamaneho ako ng sarili kong kotse noong nakakakita pa ako, ngayon ay nagco commute na lang ako pauwi dahil kailangan ko na ng tulong sa mga direksyon upang makauwi ako. Mabilis akong nag empake ang pinagkukuha ang mga gamit ko, habang nag iimpake naman ako ay biglang nag ring ang cellphone ko kung kaya’t kinapa kapa ko iyon at mabilis na sinagot ng maabot ko iyon. “Hello?” “Hello, sino ‘to?” “Tss, nabulag ka lang hindi mo na ako kilala? Jenny ‘to,” “Oh, Jenny, anong atin? at saka… anong nangyari kay Dove? bakit wala siyang maalala?” “Alam mo, nagtataka talaga ako, hindi ko alam kung bulag ka lang ba o baka bingi ka na rin ata,” “Tigilan mo ako,” “Don’t worry, Ramiro, Ibabalik ko si Dove sa dati, kalma ka lang,” “Sige, sabi mo eh, may tiwala naman ako sayo, Lieutenant Rivas,” Iyon lang at namatay na ang tawag kung kaya’t binilisan ko ng mag impake.RAMIROIt was an ordinary day that day. Pumasok sa eskwelahan ang mga bata habang ako naman ay pumasok din sa opisina. Si Eleizha naman ay nagpaalam na mag go grocery lang daw. Walang naiwan sa Mansyon ngunit hindi pa rin ako kampante matapos ang natanggap kong tawag mula kay Nico. Ang sabi ko ay magkita kami dito sa opisina pagkatapos ng trabaho ko dahil marami akong aasikasuhin. “Wendy?” tawag ko sa secretary ko, kaagad naman itong lumapit. “Amin na yung mga project proposals, pipirmahan ko na lahat para mai-go na natin,” saad ko sa kanya at kaagad niya namang kinuha iyon. “Ito na po sir, yung ngayong month,” saad nito at ibinigay iyon sa akin. “Pakitawag na rin si Devon,” utos ko, si Devon ay sa mga malapit sa akin na investor at consultant ko. Nang makapasok si Devon sa opisina ko ay hinatak ko pababa ang mga blinds. “Mukhang seryoso pag uusapan natin ah,” saad pa nito. “Uhm oo, listen, uhm, kapag one week na tapos hindi pa rin ako pumapasok Sabihin mo sa lahat na nag vaca
RAMIRO“Come on boy, he’s the one who killed your father, pull the trigger,” saad sa akin ni Master Chi habang hawak ang kamay ko gamit ang isang baril. Tandang tanda ko pa kung paano magmakaawa ito para sa buhay niya ng mga oras na iyon. “Ramiro, wag! Wag mong papakinggan ang bawat sabihin nila, mga mamamatay tao ang mga yan!” “Avenge your father, boy, sumisigaw ng hustisya ang dugo ng iyong ama. Wag mong hayaang makalusot pa ang walang hiyang ‘to. There are no second chances,” saad ni Master Chi. “Ramiro, nakikiusap ako sayo,” saad naman ng aking tiyuhin. Hawak hawak siya ng ilang mga tauhan ni Master Chi, pinaluhod nila ito sa harapan ko habang duguan ang mukha. “Pull the trigger,” utos ni Master Chi. Naguguluhan ang isip ko ng mga oras na iyon. Ayokong patayin ang tiyuhin ko ngunit sa sama ng loob ko dahil sa pagkamatay ng aking ama ay gusto kong sundin si Master Chi at kalabitin ang gatilyo. Maya maya ay nararamdaman ko ng inaalalayan ni Master Chi ang daliri ko upang kal
RAMIRO5 YEARS LATER…Nagsilang si Eleizha ng isang malusog na batang lalaki at pinangalanan namin siyang Ram Elizalde, para sunod sa pangalan naming dalawa. Nanirahan kami sa Castillejo Mansion at lumaki si Ram na puno ng pagmamahal at pangaral.Nagawa kong ibangon muli ang kumpanya ng aking ama at ako na ngayon ang nagpapatakbo nito at dahil na rin sa tulong ni Don Octavio ay nakapag aral ako at nakapagtayo ng isa pang modular company; Ang RMDC Modular Lab. kung saan kumokontrata kami ng mga projects katulad ng kitchen renovations, countertops, loft type bed, cabinets, TV Console, wardrobe, hotel media console, kiosk in shops, study and office tables at marami pang iba. Naghire din ako ng mga skilled workers upang may mas matutunan pa ako sa kanila sa paggawa ng modular.Ngayon ay nasa kumpanya ako at nakaupo habang nagka kape. Bigla namang lumapit ang aking anak na si Ram na sumampa at umupo sa hita ko. “Daddy, I have a question,” saad ni Ram.“Yes?”“Daddy, did God create evil?”
RAMIRO“It’s up to you if you will pull the trigger now or kiss me, handa akong mamatay para sayo Siobeh,” saad ni Aarav ngunit tumulo na ang dugo mula sa kanyang bibig. “No, you can’t die, I’m pregnant,” saad ni Siobeh at saka walang kagatol gatol na hinalikan si Aarav at hindi na nakatiis ngunit pagkatapos ng halik na iyon ay bumagsak ang katawan nito kay Siobeh. “No! no! no! Aarav!” saad ni Siobeh na nagpapanic habang inaalalayan ang katawan ni Aarav dahil wala ng malay ito. “Halika na! I know a place where he can be cured!” saad ko na kaagad na tinulungan si Siobeh na buhatin si Aarav, tumulong na rin si Nico at isinakay namin si Aarav sa kotse. Nagmadaling magmaneho si Nico at pumunta kami sa clinic ni Gaia.“Anong nangyari sa kanya?” tanong ni Gaia.“He lost his empire to a mafia heiress,” saad ko naman at napailing na lang si Gaia. Kaagad naming dinala si Aarav sa emergency room at doon ay ginamot siya ni Gaia. Habang ginagamot siya ay panay ang pagsisisi ni Siobeh sa nang
RAMIRONang makalapag kami ay naghanda na kami ni Nico ngunit napag alaman ko na pinadala din pala ni Eleizha ang mga bodyguard niyang si Diamond at Cheat kung kaya’t sabay sabay na kaming pumasok sa loob at saka inatake ang lahat ng humaharang sa amin papasok ng shopping centre. Nang makapasok kami sa pinakaloob ay nakarinig kami ng mga putok ng baril kung kaya’t nagtago kami sa mga pader habang hawak ang mga baril namin. “Boss, dito tayo!” saad ni Diamond na itinuro sa akin ang daan. “Kabisado ko dito, alam ko rin ang mga pasikot sikot,” saad naman ni Nico.“Okay, you lead the way,” saad naman ni Cheat.Paano ba namang hindi niya makakabisado ang lugar na ito? eh nagtrabaho siya dito. Dumaan kami sa likod kung saan iyon ay secret passage papunta sa private office ni Aarav ngunit ang gago, wala doon! nasaan na kaya iyon?! Kaagad kong tinawagan si Aarav. “Hoy, Ulupong nasaan ka?! sumagot ka!” “Dito na sa parking lot, bilisan niyo, putang ina! hindi ko sila kayang ubusin!” saad
RAMIRONgayon ay nasa front deck na kami ni Eleizha at kami na lamang dalawa ang naroon. Tahimik na rin ang mga bisita at ang iba naman ay mga lasing na kung kaya't nagsitulog na. “Are you happy now, Hon?” tanong ko kay Eleizha na niyakap siya mula sa likod. “Alam mo hindi nangyari yung perfect wedding na gusto ko eh pero binigyan ako ni Lord ng wedding na sobrang worth it at sobrang unforgettable,” saad niya na ngumiti at lumingon sa akin. “Aba, kung hindi ikaw ang pakakasalan ko hindi ako magtitiis na magpakabasa doon, ganyan kita ka-mahal kahit na topakin ka,” saad ko na inilagay sa kanya ang suot kong baseball cap dahil mahamog na sa labas at balabal lang ang suot niya at maxi dress. “Bahala ka ngayon dyan, ako na si Mrs. Eleizha Fortez-Castillejo, kaya tiisin mo talaga ang topak ko dahil asawa mo na ako,” “Eh ano pa nga ba? Pero seryoso, salamat sa hindi pag iwan sa akin simula noon hanggang ngayon, hindi mo ako iniwan kahit na nabulag ako, tinanggap mo pa rin ako, hanggang