Chapter 7Sa pagsisikap naming ni Nanang ay nagtapos ako ng elementarya. Kahit pa sabihing ako ang pinakamatalino sa aming klase, hindi naging sukatan iyon sa aming baryo. Nang mga panahong iyon, daig ng mapera ang matalino. Hindi man lang ako nakakuha ng parangal dahil walang ma-idonate na kahit ano ang pamilya ko. Matalino ako ngunit wala akong pera ngunit alam kong babawi ako kapag nasa High School na ako. Sa mga panahong iyon noon, sapat na sa akin na sa araw ng aking pagtatapos ay hindi ako nag-iisa sa aking upuan. Naroon si Nanang sa tabi ko. Proud na proud na nakatapos ang anak niya. Lumuluha siya ng abutin ko ang una kong diploma. Ngunit alam kong hindi lang dalawa o tatlo ang iaabot ko sa kaniya. Pangarap kong iahon siya at darating ang araw na maghaharap kaming dalawa ng aking ama para ipamukha kung ano ang narating nang pinabayaan at itinakwil niyang anak. Gusto kong maibigay kay Nanang ang buhay na dapat niyang matamasa. “Nang, mag-aaral ba ako ng high schoo
Chapter 8Kaya nga kahit anong laban ang gawin ko ay hindi ko pa rin kayang labanan ang umusbong na pagka-crush ko kay Jinx. Siya ang unang bumihag sa akin. Siya ang pinangarap kong mamahalin ko habang-buhay. Siya ang nakikita kong makakasama ko sa aking pagtanda. Kahit pa sabihin nilang imposible dahil kami ay parang langit at lupa. Kahit pa pagtawanan ako, ramdam kong siya nga talaga ang itinadhana sa akin.Guwapo si Jinx. Hindi nga lang siya katangkaran ngunit sa paningin ko ay siya ang pinakaguwapo sa buong campus. Bilugin ang kaniyang mga mata na may makapal na kilay. Matangos ang ilong at may tamang umbok at kapal ang mga labi. Dahil sa bata pa kami noon ay wala pang laman ang dibdib niya pero mabalbon siya. Makinis ang balat at maputi sa karaniwan. Ako naman, nang mga panahong iyon ay pumuti na rin dahil bihira nang mabilad sa araw. Matangkad ako sa karaniwang tangkad ng mga kaklase kong babae. Isa ako sa mga pinakamatangkad na babae sa buong campus namin. Maayos ang manipis n
Chapter 9Ilang araw pagkatapos kong natanggap sa aming school paper ay siya na ang kusang lumalapit sa akin. Madalas na siyang nagkukuwento. Hindi siya nagbabanggit sa mga bagay na alam niyang hindi ko alam. Doon siya nagfo-focus sa mga simpleng bagay na alam niyang may masabi ako. Ramdam kong nag-adjust siya para sa akin bagay na lalo kong nagustuhan sa kanya. Mula noon, may kausap na ako.Isang umaga habang naglalakad ako papasok sa school ay biglang may bumusina. Gumilid ako ngunit patuloy pa rin ang aking paglalakad habang nagre-review sa daan. Dahil nga wala kaming kuryente kaya sa umaga habang naglalakad ay isinisingit ko pa rin makapag-review. Muling pumitada ang hindi ko alam kung sino e, nakagilid na nga ako. Nilingon ko. Sumabit sandali ang aking paghinga nang makita ko si Jinx na nakangiti sa akin.“Tara,” sabi niya sa akin.Naguluhan ako. “Tara? Saan?”“Sa school.”“Eto nga papunta na ako sa school.”“Sakay ka na lang sa akin para mabilis kang makarating at doon ka sa roo
Chapter 10“Saan galing ang mga ito?” tanong ko.“Padala nina Daddy at Mommy sa akin. Galing America,” simpleng sagot lang niya. Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko iyon."Galing sa America? Ibig sabihin, imported ang mga pinagbibigay mo sa akin?”“Khaye naman ilang buwan ka nang nakakain ng mga ‘yan ngayon mo lang alam?’“Seryoso ba? Hindi ko alam. Kung alam ko lang e di sana hindi ko inuubos para makapag-uwi ako para kay Nanang.”“Sige hayaan mo, damihan ko bukas para makapag-uwi ka kay Nanang mo.”Tinupad niya ang sinabi niya. Kay nanang lang may problema. “Baka iba nay an Khaye ha? Bakit ka binibigyan ng ganyan kung wala siyang gusto?”“Nang, mabait lang yung tao, saka ako naman gumagawa ng assignment niya at ilang mga project.”“Sigurado ka?”“Oho. Saka Nang araw-araw siya nagdadala.”“Mayaman, imported e.”“Paano moa lam na imported.”“E, ganyan na ganyan nga ang mga kinakain nila doon sa bahay ng tatay mo. Hindi ako maalam magbasa pero marunong akong kumilala. Marunong
Chapter 11Nasa second year high school na kami nang may transferee galing sa Manila na si Cheenee. Kahitr sa unang araw pa lang, may naramdaman na akong kakaibsa sa mga tingin at sulyap ni Jinx kay Cheenee. Hindi ko man gusto yung nararamdaman kong pagseselos ngunit wala naman akong maaring gawin kundi ang tanggapin na ganoon talaga. Sino ba naman kasi ang hindi magka-crush sa maputi, magaling pumorma, seksi, matangkad at magandang kagaya ni Cheenee kumpara sa kagaya ko lang na simple at maitim dahil sa aking pagbubukid? Alam kong wala akong panama sa kagaya ni Cheenee. Kahit sa paraan ng pagsasalita walang-wala ako. Kahit pa sabihing ako ang pinakamatalino sa klase pero pagdating sa pagbigkas ng mga salita, wala pa rin akong binatbat. Ewan ko ba? Para kasing may ibang punto ang mga tiga-Manila. Parang napakasarap lang silang pakinggang magsalita ng Tagalog. Kahit nga ang ihambing ang sarili ko sa kagaya ni Cheenee ay wala akong karapatan.Physical Education namin noon nang magkatab
Chapter 12Minsan nga iniisip ko, kaya siguro naalangan rin ako sa kanya dahil sa alam ko namang amoy putik ako. Hindi nga ako makabili ng shampoo o conditioner. Sabong panlaba ang ginagamit na panligo. Rubber band lang ang pinapantali ko sa mahaba at maitim kong buhok. Kumakalam ang sikmura dahil minsan walang mabaon na pagkain. Mabuti nga nang dumating si Jinx, hindi ko na pinoproblema ang miryenda ko sa recess. Lagi siyag may dala para sa akin.Bumuntong-hininga ako nang nilingon ko si Cheenee. Hindi naman talaga ako magugustuhan ni Jinx kasi siguro sa wala akong nailalagay na kahit anong kolorete sa mukha ko, hindi gaya ni Cheenee na pusturang-pustura kahit pareho lang naman kami ng uniform. Isa pang kinadehado ko ay ang katigasan kong kumilos dala na rin ng pagtratrabaho ko sa bukid. Malayo sa kilos at pagsasalita ni Cheenee. Tanggap kong kahit kailan, hindi ako magiging kasinlambot niya. Hindi kasimputi, hindi kasimbango ngunit lalaban naman ako sa tangkad, kaseksihan at ganda
Chapter 13“Ano nga, please, for God’s sake, tapatin mo na lang ako kasi nagpapakatotoo na ako sa’yo. It takes a lot og guts na magtanong sa’yo ng ganito no?” “Seryoso ka ba talaga?”“Mukha ba akong nagbibiro? Ang labo mong kausap.”“Hindi kasi talaga ako makapaniwala. Ikaw, liligawan mo ang katulad ko lang? Ikaw, mahal mo ang ang kagaya ko? Ikaw, gusto ang mahirap at magsasakang kagaya ko? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Alam mo bang pinapasok mo?” sunud-sunod na paglilinaw ko. Baka kasi pinagti-tripan lang niya ako. Alam ko kasing gano’n rin naman siya sa iba naming mga kaklase na alam niyang may gusto sa kanya. “Hindi ba puwede, kailan naman hindi naging posible?” balik tanong niya sa akin. “Magkaibigan tayo hindi ba? Barkada? Ginagawa mo ba ito dahil sa ginawa ni Cheenee sa’yo? Gustong mong may mapaglibangang iba?” “Kung inisip kong maglibang lang, hindi sa’yo. Hindi ko magagawa ‘yan sa best friend ko. Ginagawa ko ito dahil gusto kita. Mahal kita Khaye noon pa. First yea
Chapter 14Nasa ikatlong taon na ako ng sekundarya nang biglang isang umaga ay kinausap na ako ni Jinx nang masinsinan.“Baka ito na ang huli kong paghihintay sa’yo.”“Ano?”“Hindi na kita mahihintay e.”“Pasensiya ka na ha. Okey lang naman kung mauna ka na. Kaya ko namang maglakad papuntang school.”“So, ganoon na lang ‘yon?”“Oo ano ka ba? Kung hindi mo na ako mahintay e di huwag mo na lang akong hintayin.”“Sige. Hindi na lang muna kina hihintayin. Nakakapagod kasing maghintay lalo parang wala naman na talaga akong mahintay.”“Kaya sinabi ko noon sa’yo pa, first year tayo na hindi mo na ako hintayin pa. Ikaw lang itong mapilit e.”“Okey. Mukhang wala rin naman pala ako sa’yo?”“Anong sinasabi mo? Yung paghihintay mo pa ba dito sa waiting shed ang pinag-uusapan natin?”Hindi na siya sumagot pa. Pinaandar na niya ang kanyang motor. Tahimik akong umangkas.Iba ang umagang iyon sa mga nakaraang umaga.. Hindi siya nagsasalita. Tahimik naming binaybay ang daan papunta sa aming school. W