NEMESIS LOPEZ
Pagkatapos ng klase ay agad akong umuwi. Natagalan pa ako dahil masyadong tripping yung professor at pinag overtime kami dahil behind na kami. Ang sarap nyang iumpog sa totoo lang dahil ilang weeks syang hindi pumasok tapos ngayon irurush nya kami sa mga practicals.Pagpasok ko palang ng gate ay nagulat ako sa boses ng madrasta ko at sigurado akong full volume ang sigaw na yon dahil naalog pati ang earwax ko sa tenga. Tinignan ko ang wrist watch ko at alas sais na ng gabi. Medyo na late talaga ako.Biglang bumukas ang pinto ng backdoor nang papasok na ako sa kwarto nang magulat ako ma sinalubong ako ng sampal ng madrasta ko." Madam." Gulat kong sambit" Sa paanong paraan mo nagawang pagnakawan ang sarili mong pamilya?" Nanggigigil nyang sigaw sakin." Pagnakawan? Anong pinagsasabi nyo madam? Ni pagkain nyo nga hindi ko magawang bumawas dahil hindi ako kasama sa budget. Pagnanakawan ko pa kayo?"Nagtataka ako at sa paanong paraan naman nya ako mapagbibintangan na nagnakaw.Hinalughog nya ang kwarto ko at pati ang mga drawers.Nanlaki ang mga mata ko nang may mahila si Madam na isang gintong necklace." Bakit nandito ito dito?"Halos lumuwa ang mata ko sa nakikita ko habang umiiling.Hindi sakin yan, at mas lalong wala akong naaalala na may nilagay akong kwintas jan gayong mga face towel at bra ang nakalagay jan." Sabihin mo, bakit nandito sa drawer mo ang kwintas na paborito ko?"Hindi ako makasagot dahil maski ako ay hindi ko din alam.Halos lumuhod ako nang makita kong isa isang nilagay ni madrasta ang mga damit ko sa Isang sako na nasa dulo ng kwarto ko dahil sa parr na yon ang nagsisilbing bodega talaga." Madam! Parang awa nyo na wag nyo akong palayasin!" Iyak ako ng iyak dahil ayaw akong pakinggan nito.Binato nya ang sako at saka tinulak ako palabas ng gate." Lumayas ka." Matigas nyang sabi.Kahit masakit ang pwet ko at balakang sa pagkakasalampak ko sa daan ay agad akong tumayo para pigilan ang pagsarado ng gate pero huli na. Napadlock na ni Madam mula sa loob ang gate at may kataasan ito kaya hindi ko maakyat.Saglit akong natulala sa kawalan.Parang naglaho na lang ng parang bula ang mga pangarap ko! Ang bahay na pinakakaingatan ng ama ko simula pa nung una. Ang pangarap kong mas guminhawa ang buhay, ang pangarap kong maging masaya at mabawi ang bahay!Hindi ko alam kung ano nang gagawin ko, at hindi ko rin alam kung paano ako makakahanap ng part time o ng matutuluyan.Bilang pumatak ang ulan at sobrang lakas nanaman nito. Napatingin ako sa langit, wala man lang akong makitang bituin o kahit na anong liwanag. Tumalon ang puso ko nang biglang kumidlat at kumulog ng pagka lakas lakas.Pati ang panahon, binibigyan ako ng problema! Nanginginig ako at basang-basa na.Kinuha ko ang sako at saka sinimulang hilahin ito. Bahala na kung saan ako mapadpad.Napansin kong naglalakad na pala ako sa isang tulay lutang ako pero nasa matino pa ring pag-iisip. Napatingin ako sa ilalim. Mukhang isang bagsakan lang.I felt a stinging pain sa kaliwang bahagi ng dibdib ko. Hindi ko alam kung alin sa kamalasan ko sa buhay ang iniiyakan ko ngayon."Ito ba, ito ba ang tatapos sa lahat ng problema ko?" Umiiyak parin ako pero hindi na halata dahil sa patak ng ulan na tumatama sa mukha ko.Napatingala ako sa langit at tinitignan ang kidlat na gumuguhit sa langit. Ano kaya kung tamaan nalang ako ng kidlat ngayon.Tumikhim ako at saka nagsalita." Dad hindi ko na po kaya. Miss na miss ko na po kayo, at hirap na hirap na ako." Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ako ng malalim, handang-handa na akong mamatay at makita ang yumao kong ama.Dahan-dahang bumigat ang pakiramdam ko. Ipinikit ko ang mga mata ko, handa nang bumagsak mula sa pinaka ibabaw ng tulay. Nagda dasal lang ako sa isip ko na kung hindi man ako sa langit mapupunta sa gagawin ko ngayon, payagan sana nilang makita ko ulit ang Daddy ko."Hoy!" Biglang may humila sa damit ko kaya hindi natuloy ang pagtalon ko."Magpapakamatay ka ba Nemesis?" Paglingon ko ay nakita ko si Hezekiah na humahangos at hindi mapinta ang pagmumukha.Sa lahat ba naman ng taong makakakita sakin bakit sya pa." Wala kang pakialam Hezekiah. Bumalik kana sa lugar kung saan ka nababagay. Saka bakit ka nandito?"" Sayo ba ang tulay? Natural pauwi na ako at aksidenteng nakita kita. Ano bang pumasok sa utak mo?" Bulyaw nya sakin." Wala kanang pakialam don." Sabi ko at saka itutuloy ang pagtalon. Pero dalawang pares na ng kamay ang pumigil sakin. Ah hindi tatlo. Kasama yung driver."Pabayaan niyo ako! Gusto ko nang mamatay!" Tatalon sana ulit ako pero pinigilan nila akong tatlo habang nagpupumiglas ako."Aba't ang tigas ng ulo mo Nemesis ah .Hindi mo ba alam kung gaano kalalim ang ilog na tatalunan mo?" Sigaw nya sakin." Miss Lopez, kumalma ka. Maghunus dili ka muna. May solusyon yang problema mo."" Eh kung isama kaya kita sa pagtalon nang malaman mo ang pinakamadaling solusyon?" Pabalang kong sigaw." Wag ma'am, maikli lang ang buhay. Kapag tumalon ka jan sa malalim na tulay mamamatay ka." Singit ng driver."Mabuti nga yun para mas siguradong mamatay ako!"Pagkasigaw ko, sinampal niya ako ng napakalakas! Sinong sumampal sakin? Si Hezekiah."Gumalang ka bakla ha! Mas matanda kami sayo!" Tapos gamit ang pamaypay nya, pinalo-palo niya yun saakin."Masakit ba? Ha!" Palakas ng palakas ang palo niya. "Oh yan, natauhan ka na ba, nakakaloka kang babae ka!"Hindi ko sila gaanong kilala at hindi ko rin alam kung bakit pa nila ako pinapakealaman. Pero kahit sinasaktan niya ako at pinagagalitan ng ganito, ramdam kong nag-aalala lang siya. Sila rather.Naupo kami sa may gilid kung saan hindi kami nababasa ng ulan."Sino may sabi sa yong pwede mong bawiin ang buhay mo ng ganun na lang! Wala ka kang karapatan!" Mukhang ang attempt ko mauuwi pa sa life lesson."Sinosoli ko lang ang buhay na pinahiram saakin." Binatukan ako nung isang lalaki na kasama nila."Wag kang pilosopo kay Ki- Hezekiah! Kahit gaano pa kalaki yang problema mo, hindi solusyon ang pagpapatiwakal ano!" Napatingin ako sa kanya. " Dapat masaya lang tayo."" Gusto ko lang makita ulit ang Daddy ko. " Tumulo nanaman ang luha ko and this time, mas masagana ang luha na lumalabas sa mata ko ngayong may kasama ako.Bumibigat din ang paghinga ko. Naramdaman ko nalang ang pagsapo ng kamay ni Hezekiah sa noo ko." She has a fever. Dali isakay nyo sya."Utos nyaAt yun ang huling katagang sinabi nya bago ako tuluyang mawalan ng malay.HEZEKIAH ALLARD'S POINT OF VIEW" Doc, ayos lang po ba sya?"" She must be a victim of Domestic Violence or something? May iilang pasa sya at sugat."" Hindi po namin alam doc. Nakita lang po namin sya sa may bandang tulay Doc. We don't have any Idea what's going on." Sagot ko.Hinigit ako ni Ivan at saka kinausap sa hallway habang abala pa ang Doktor kay Nemesis." Anong plano mo ngayon? Mukhang mas mapapadalas ang pagkikita nyo ni Miss Lopez. " sabi ni Ivan.Binalingan ko sya at saka tinapik ang magkabilang balikat. " Didn't I tell you I'm only doing this because of Frinzse? But for now, hindi naman maganda kung pabayaan natin sya. Besides, you're the one who supported this idea? Don't interfere with Frinzse's life nor stir up her emotions." Babala ko sakanya." I'm stirring up Who's emotions now? Baka kako ikaw, you're making a false hope towards your child. Saka why am I supporting you with this? Donovan is a Hardcore playboy. Nag iisip kaba Kiah? Both Nemesis and Frinsze will be hurt habang umaasa. Clarify things with your Niece and Miss Lopez habang maaga pa. Hindi malabong umasa si miss Lopez. I expect you know what's best for this matter. Yes I supported you But I didn't tell you to take it seriously. " Seryoso nyang bulong sakin na sakto lang na ako ang nakakarinig.Natameme naman ako sa sinagot sakin ni Ivan. He's right, I don't have to take it seriously.Hinawakan ko ang kamay nya na medyo nanginginig. I know his anxiety rose again." I'm sorry, please don't be mad." Hinging paumanhin ko." It's fine. Ayoko lang na gumagawa ka ng desisyon na sigurado akong mahihirapan ka."I felt his hand behind and caress my back to comfort me." Mauna na ako. I'll see you tomorrow.." Sabi nya atsaka iniwan muna akong nakaupo sa seat malapit sa bedside ni Nemesis.NEMESIS LOPEZIn this world full of pain, I choose to be kind. I choose to try and see the bigger pictures of life where agony and anguish will not foster within me. Pero hindi ko nagawa. I even tried to take my life away. But to no avail. I failed.So many scars never fade within me. Kahit pagbaliktarin man, alam kong nasasaktan ako. Am I okay? Of course not. This is the price of war that I never get to win and I paid it by wasting my time.The world is full of chaos and turmoil. We have a lot of choices but it's either we live or die in the process.But now that I failed to kill myself, I'll try to fight till there's nothing left to say and whatever it takes I'll fight till my fears go away. Alam kong hindi na maliwanag ang mundong ginagalawan ko. But I'll move along until the sun will rise once again.Living in a world full of pain is a challenge and hell. Growing up as a fighter will tell you that behind every smile, there is always pain. Such that a smile is invented to hide every torment and suffering.We all know what will happen at the end of the day. We are both inferior and superior. Why choose to drown if you can sail across the oceans. Why choose to get lost in the wilderness when you can live in it.Tama si Hezekiah. Hindi ko nga dapat ginawa yon. I deserve his beating." Miss Lopez? Earth to miss Lopez?" Napangiti ako ng mapakla.May mga mabubuting tao parin talaga. I guess I never saw the good in people. I always see them as someone who will leave me at the end of the day." Doc hindi sya nagsasalita."Nakakasilaw na penlight ang bumungad agad sakin pagmulat ko ng mga mata ko." Miss Lopez?"For some reasons, ayaw bumuka ng bibig ko. I want to pero ano naman ang sasabihin ko?" She's experiencing traumatic mutiny. It's only temporary. She's still in shock and she needs further observation within 24 hours and after that I'll refer you to a therapist." Rinig kong sabi ng doktor" Is she going to be fine doc?"" For now, just keep an eye on her. We never know, patients with traumatic history needs a good companion. I'll leave the rest to you. I'll be back after I'm done with my other patients. The nurses will take care of you." Sagot ng doktor.Narinig ko nalang na nagpapasalamat si Hezekiah sa doktor bago sumara ang pinto. I let a single tear out from my eyes.Ivan's POVPagtapak ko palang sa palapag ng inuupahan ko ay ang bibig kaagad ng Landlady ang sumalubong sakin." Ano ka ba naman Ivan. Kelan ka ba talaga magbabayad?" tanong sakin ng landlady ko na mukhang caterpillar sa daming layers ng taba. Joke, kainis kasi eh. Isang week palang akong late sa inuupahan ko dito sa Tenement eh." Madam Thelma naman, eh hindi pa ako nakaka hits, sa 11 pa ako magkakapera kaya most probably sa 11 din ako makakabayad, sorry talaga" paliwanag ko naman" Sa 11? Eh sa susunod pa yun na linggo ah! Wala kana bang ibang mapagkukunan? Sa 11 yung bayarin mo sa upa at kung magiistay ka pa dito next month, kukunin ko din yung bayad para Hindi ako mapeperwisyo kakabalik dito. Ang kunat mong singilin!"" Madam, hindi ba pwedeng sa susunod nalang yung pang sunod ko na buwan?"" Pareho din naman yun , kung ayaw mong mag bayad pang next month okay Lang yung Bayad mo na 5K pero pagkatapos nun. Pwede kanang lumipat at maghanap ng bagong uupahan.. Ang dami daming naghahanap ng bakante dito sa Tenement ko. 5,000 na ngalang babayaran mo buwan buwan hindi mo pa magawa! Nakakasira ka ng araw. " Bulyaw sa akin ni madam.Kung sabagay, ito na yung cheap na offer dito sa Syudad na nakita ko so far. Mayroon namang room type lang pero hindi maganda kasi isa akong artist at madami akong gamit.Sakto lang naman ang space pero okay na may aircon naman sa kwarto kahit papano, saka Ceiling Fan sa Sala at saka sariling Banyo tapos may lababo din at saka libre na yung tubig saka kuryente kasi solar naman yung ginagamit ng tenement. Nasa Rooftop yung solar panels. Saka malaki din tong inuupahan ko. Hindi carry kapag sa Electric company pa iaasa ang kuryente." Oo na po magbabayad ako sa 11. Hahanap ako ng paraan" sabi ko. Shit lang kakahingi ko lang kay Hezekiah nung nakaraan eh.Nag humph! Lang si Madam at saka tumalikod." Uy ayos ka lang ba? Ang Highblood naman ni madam." Tanong sakin ni Sir Clifford na kakalabas lang din sa kanyang sariling Flat. Magkatabi lang kami ng kwarto kasi." Okay lang po sir, ano pabang bago dun kay madam. Eh mainit dugo nun sakin eh. Kaya baka palayasin ako at ilabas lahat ng gamit ko kapag hindi ko nasunod yung gusto."" May klase kaba kanina?"Tumango lang ako at ngumiti." Nako kelangan makahanap ka ng paraan. Baka bungangaan ka ulit nung impaktang yon." Biro ni sir Clifford." Eh malayo palang yata yun tinatawag na pangalan ko eh." sabi ko naman at idinaan nalang sa tawa yung problema ko." Ohsya tara na muna sa baba at ililibre nalang kita ng hapunan. " Sabi ni Clifford" Kumain na ako sir eh. Salamat nalang!" Sabi ko at saka nagpaalam na ako na papasok sa loob.Saktong pagpasok ko ay may tumawag sa Cellphone ko."Hello?"" Kuya Ivan, may pera ka ba daw jan? Kelangan kasi namin ng ipapagamot sa pamangkin mo na si Shannon. Eh baka naman kuya pwedeng pautang."Napahinga nalang ako ng malalim. Heto nanaman sila sa word na utang. Uutang pero ni minsan hindi ako binayaran." Eh nung nakaraang araw lang ako nagpadala diba? Naubos ba yun agad? Bente mil yun Isabella! Hindi madali kumita ng pera ngayon saka nag aaral pa ako. Hanapan nyo ng paraan yan. Hindi ko responsibilidad si Shannon"" Eh kuya, maawa ka naman kay Shannon, bumalik kasi asthma nya kaya papakonsulta namin sya sa doktor. Kargo de konsensya mo din kapag may nangyari sa pamangkin mo."Napahilamos nalang ako sa pagka irita ko. Kung kelan talaga masama ang mood ko saka pa sila mambibwisit." Magkano ba yung kelangan sa pagpapakonsulta?"" Kung pwede sana kuya 15K yung -" Ano? 15K? Saan naman ako kukuha ng ganyang kalaking halaga sa sitwasyon ko ngayon? Ni minsan ba sinubukan nyo maghanap ng trabaho? Hindi nyo nga alam siguro yung pakiramdam na mapagod kasi ako yung nagkakandaugaga dito sa pagtatrabaho at pag aaral dito sa Syudad para mataguyod kayong matatamad jan sa bahay. Ni pag alaga nga kay inay at itay siguro hindi nyo magawa ng maayos."" Mayaman ang pamilya ng kinarelasyon mo kuya. Pwede ka naman siguro makahingi. Saka matagal na kayo ni Kiah. Kinse mil lang naman kuya. Yung sobra sa bahay ay kila nanay din naman mapupunta."" Kakahingi ko lang kay Hezekiah ng pera. Makakahalata yun kapag sunod sunod akong humihingi."Narinig kong humihikbi ang kapatid kong si Isabella sa kabilang linya. Stop with the crocodile tears." Ibibili ko din naman sila nanay ng mga kelangan nila." Dagdag nya." Diba sabi ko panghuling padala ko na yan sainyo ngayong buwan? Bat ba ang hirap nyong paliwanagan na hindi ako bangko. Nag usap na tayo. Lagi nalang Shannon, lagi nalang utang, lagi nalang may sakit. Minsan ba naisip nyo din magtrabaho? Minsan naisip nyo din ba na halos gutumin ko sarili ko dahil sa kaka ngawa nyo jan? Mga pabigat kayo sa buhay ko." sabi ko over the phonecall. I really want to say this in their face to make myself feel better at the very least." Eh kuya, yung pinadala mo nga sakto lang dun sa Gamot at saka pinambili namin ng nebulizer ni Sha-" Problema ko paba yon? Ako pa ngayon ang mamomroblema sa ibang kulang jan? Kung tutuusin nga ang swerte swerte nyo dahil may naipapadala ako jan. Go get a job. Kung ayaw nyo magtrabaho, edi mamatay kayo sa gutom. Ang aga aga nyong magpa init ng ulo. Ni minsan hindi ko na sana kayo responsibilidad. Kaso maaga kang nabuntis. Sa edad na disiotso may kinakarga ka nang anak. " Bulyaw ko" Kung ayaw mo magpautang kuya, edi wag."By that inend nya yung call. Darn it. Kinse mil? Kakapadala ko lang nung isang araw ng Bente mil kaya hindi ako nakabayad sa inuupahan ko.Masyado na kasi akong family oriented.Muntik ko nang maibato ang cellphone ko nang akala ko ay si Isabella ulit ang tumawag. Pero lumiwanag agad ang mukha ko nang makita kung sino ang tumatawag. It's him." Hello."" Oh bakit ka naman parang namatayan jan?"" Nothing, mejo inaantok lang ako." Sagot ko" By the way, Nemesis will stay in our house fo a while. Just to let you know, I'm just doing her a favor and she's practically homeless." Sabi nyaNapakagat nalang ako ng labi ko. Alam kongg napapraning lang ako pero kahit mataba si Nemesis. I know a beauty when I see one. Hindi maikakaila na kapag naging malapit silang dalawa ay possibleng mahulog ang loob ni Donovan sakanya.Hindi ko hahayaan na ang relationship na inaasam ko for how many years ay maaagaw ng isang babae.Hindi ako makaapayag.Oo tama kayo. Hindi si Hezekiah ang mahal ko. I had my eyes on Donovan.Hezekiah is fine but he's just so gay. I took advantage of him, yes because he had money as well. But I don't feel anything from him. I'm always bewitched by Donovan's dominance.Nang mag umaga ay maaga akong nagising. Nagbihis lang ako pagkatapos maligo at saka nag commute papunta sa bahay nila. Titignan ko lang ang sitwasyon ngayon.Sumakay lang ako sa People's Jeep at saka nagbayad.Papautangin kaya ako ni Hezekiah?Ipinilig ko nalang ang ideya na uutang ako. Mahahanapan ko naman ito ng paraan.Bumaba na ako at saka naglakad papunta sa gate nila at nag doorbell. Agad naman akong pinagbuksan ng maid.Agad ko namang nakita si Hezekiah pero may kasama sya. Nandoon din si Donovan at parang nag aalala sya kay Nemesis and he is combing her hair and also Hezekiah. They're taking care of her?" Looks like she's going to steal your spotlight now Uncle Ivan." Nagulat ako nang may biglang magsalita sa tabi ko. " You've been uncle's friend and Dada's for a long time after all."I inclined my head to face downward." Well, I guess she can have those now." Mapait kong sabi.That's the reality. We have a private relationship since then. No one knows. Not a single soul." I never thought you are thinking that way. I meant spotlight of having my titos attention as of now. You are of course irreplaceable as my old dad's friend and a closest friend of tito Hezekiah. And I meant it with no means of offense."It's true that I'm starting to feel a bit jealous with her. Not because Kiah liked her and suddenly befriend her. But because Donovan might really give the attention to her and possibly, she'll be a part of this family.I'm so used na binabantayan ang galaw nya for a few years and now I guess it's time for me to fight for that spot." Are you alright Uncle Ivan?" Frinsze asked. " Don't think too much about what I said. I just said that to make myself feel better. I don't know maybe Uncle Hezekiah will like her. It's fine on both ways."I just nodded and didn't proceed." I'll go ahead now. Don't tell your dad or uncle I was here. I'm in a hurry."She just salute and sauntered her way towards her Dad as she gracefully dance all the way to them.They look like a cute family.Naramdaman ko ang isang guhit ng sakit sa dibdib ko.I immediately get out of the mansion. Hindi ko pa kaya ang pagbabago na akala ko matagal pang mangyayari. Donovan and Hezekiah's Attention is focused on Nemesis.Nemesis POVHindi ako mapalagay. Kakauwi ko lang sa bahay. Dahil hindi naman kami pwedeng magsiksikan dun sa shop kapag hindi working hours. Himalang nandito ngayon si Heather dahil naputulan ng linya ng tubig ang bahay nya.Pero nag aalala ako. Sigurado akong babalik yung dalawang yun sa District lalo na at parang may iba silang pakay dun bago paman nila ako nakita.Agad akong bumangon at saka bumaba sa unang palapag. Agad kong binuksan ang pinto ng isang guest room pero wala sya dun. He's in another room perhaps? Pumasok naman ako kaagad nang hindi kumakatok and there I saw na kakalabas lang pala nya ng shower." What the hell babae ka?! What are you doing in this room? Don't you know how to knock dear?" gulat na tanong niya sakinOh gosh, agad akong namula sa nakita ko. He's just wearing a damn towel habang pinapahiran ang kanyang basang buhok." Ah ano kasi. Ah sorry, maybe it's a bad hour after all. We can talk after mong magbihis."Agad kong sinarado ang pinto ng kwarto at saka
Donovan's POV " Hiraiya. We'll let you off this time kapag sinabi mo samin na hindi ka na tatapak sa Brothel na yon." bungad ko sakanya sa labas ng Bahay pagkakita ko nang dumating kami ni Hezekiah mula sa Entertainment District. " Ano ka sineswerte? I'll do anything I want as much as you guys can do anything as you desired. You're not the person who can just boss me around." sabi nya at napansin ko ang mga katabi nyang maleta. " Where do you think you're going?" nagtataka kong tanong sakanya dahil ngayon ko lang napansin ang dalawang malalaking maleta. "KUNG SAAN HINDI KO KAYO MAKIKITA. I had Enough. Feel free to remove my name sa last will and testament ni Daddy. I don't care. He never became a good father anyway." sabi nya. " Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hindi ka magkakaroon ng magandang buhay kapag naglayas ka." " Let her go. I want to see kung saan aabot ang pagmamatigas nya. Malaki na si Hiraiya." singit ng panganay ni Dad sa ibang babae. " I really don't underst
Nemesis POV" Ano ka ba naman kasi! Hindi ka marunong makipagsuntukan. Bakit pinatulan mo pa! Nakakainis ka!" Bulyaw ko kay Triton habang ginagamot ang pasa nya sa mukha. " Sabado ngayon! Nag iisip ka ba?" dagdag ko" Pasensya naman! Eh sinugod ako ng dalawang yon eh may magagawa pa ba ako?" sagot nyaUmirap lang ako at idiniin pa lalo ang bulak na may betadine sa nasugatan nyang pisngi. Kung hindi ba naman tanga at kalahati tong isang to." Ne-" Wag nyo akong kausapin. Hindi ko kayo kilala." pagpuputol ko sa magsasalita palang na si Hezekiah." Hindi pa nga nagsasalita eh. " Singit ni DonovanLumingon ako at tinutukan ng matatalimnna tingin ang dalawa." You're not welcome in this brothel gentlemen. Kung pwede lang umalis na kayo at maghanap ng ibang pwedeng mapasukan dito da distrito. " sabi ko" What happened to you? "" Ano sa tingin mo?"" Hinanap kita but hindi ka namin mahagilap. " sabi ni Hezekiah.Patuloy parin ako sa pag aasikaso kay Heather na ngayon ay humihilik na. It's
Donovan’s Point of View “ Where have you been Hiraiya? We are all worried sick searching for you!” bulyaw ni Hiro “ Get dressed, you’ll be meeting your fiancé.” Utos ko “ I can't believe you guys are still pushing this marriage thing! I've told you a hundred times I don't like that guy.” Sigaw samin ni Hiraiya. She’s dad’s daughter sa ibang babae pero her mother died and she’s residing with dad sa Hawaii but she’s been here with us for about a year and a half. Pero kilala na naming sya eversince bata pa sya. “It's not just about what you like, Hiraiya. It's about the family's honor and future.” Singit ni Hezekiah “Hezekiah's right. This marriage is a business decision, not a matter of the heart.” Pagsasang ayon ko “Look, Hiraiya, we understand it's not ideal, but it's what's best for the family.” Sabat ni Hiro “Best for the family? What about what's best for me!” “It's not just about you.” Galit na sabi ni Hezekiah. Oh come on. “ I have a responsibility to myself too! And that
“ Urgh!” Napasinghal at Napahampas ako sa bedside table nang magising ako.Ginulo ko ang buhok ko at tinignan ang katabi ko. Tulog na tulog.Nakatingin ako ngayon sa vanity mirror sa harap ko. Tulad ng mga nakaraang gabi ay patuloy ko parin na ginagawa ang ganitong linya ng trabaho. Why did I stay? Simple lang naman ang sagot. I don’t want to go back to the world that hurt me a lot. The Red Light District is pretty much the same. But I saw real people here. Each person has a story. That’s probably why I stayed beside Heather who constantly helped me in tough times.Siren is a Rank name. I earned that Rank for being the client’s favorite. I wasn’t Siren a few years ago. But every time I come up on stage, they are bidding for my service.. Sa pagkakataong iyon, nakakalimutan kong ako si Nemesis. Nemesis who is a plain woman, disrespected, downgraded, discriminated and was always falsely accused." Goodmorning Siren" bati sakin ni Mr. Windsor na pumupungas pungas pa.Binalingan ko sya.
HEATHER'S POINT OF VIEW Humahangos ako na tumatakbo papuntang pedestrian lane. Damn traffic. I had to storm out of the taxi in the expressway because there's been a traffic accident. Nasa kabilang side naman yung shop na pinagtatrabahuhan ko. Ewan ko ba kung yung oras lang yung mabagal o ako mismo. Ang dami kasing inuutos sa shop." Late ka nanaman REHTAEH!" Ayon binaliktad nanaman po ang pangalan ko at sa hindi inaasahan napakabantot nito pakinggan. Paniguradong highblood nanaman tong ponsia pilata na to sakin. " Nako naman Sirena parang Hindi kapa nasanay sakin oh heto may pampalubag loob naman ako sayo bago ka sumalangit." natatawa kong sabi habang inaabot sakanya ang Milktea na binili ko sa tapat lang ng shop. Nandito ao sa Montague Seraglio. Ito ang shop na pinagtatrabahuan namin ni nemesis. Oo tama. Nemesis is now working here with me.Sobrang sikat na ngayon ang shop na ito sa buong Red Light District." How's the negotiation with Mr. Windsor?" Tanong ko dahil kanina pa sya