Share

Chapter 4

NEMESIS LOPEZ

Tulala lang ako ngayon habang nakatitig sa white board.

" Hoy Miss Lopez!" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Sierra sa tabi ko Humarap ako sakanya. " Aksidente lang yon!" Sigaw ko sakanya, tumawa siya ng malakas. Shit!

Hindi ko parin makalimutan na aksidenteng nagkahalikan kami ni Donovan.

" Anong Aksidente? Kinakausap kita kung may time ka mamaya after lunch mag mall. Isasama ka namin ni Villiene. Bakit kaba tulala." Nakasimangot na sabi ni Sierra

Natauhan naman ako nang marealize ang nasabi ko.

" Ano kasi, Aksidente kong.-" naputol ako sa sasabihin ko. Hindi, hindi ko na sasabihin. Baka maging laman ako ng tuksuhan dito sa classroom.

" Aksidenteng?"

" Wala , wag mo na akong intindihin, hindi lang ako nakatulog ng maayos." Ngumiti ako ng pilit.

" GOODMORNING Everyone!" Biglang tumaas lahat ng balahibo ko nang marinig ko ang boses nya." The Professors and Staffs had an emergency meeting. For those who have classes this morning and afternoon. You can go home now. Classes will resume tomorrow." Sabi nya at itinapon ang tingin sakin at kumaway.

Agad namang lumingon ang ilang pares ng mata sa gawi ko.

Please, wag ngayon. Halos mapamura ako nang lumapit sya samin ni Sierra.

" Hey Ladies." Greet nya samin.

" Hezekiah! Fancy seeing you here." Malambing na sabi ni Sierra.

" Looking Good Sierra." Sabi nya at saka ginulo ang buhok niya. Close sila?

" And you." Tinuro nya pa ako." I have a bone to pick with you." Hinawakan nya ang kamay ko at saka kinaladkad ako palabas saka pinaupo sa may bench. " Wait here, I'll get back to you."

" Tarantado ka ah, hihila hilahin mo ako dito tapos paghihintayin mo ako dito ." Useless na ang sinabi ko dahil nasa kumpol na sya ng mga officers.

Kaagad kong natanaw ang mukha niya. Ngiting ngiti pa siya habang kinakausap ang mga officers habang panaka nakang nakatingin sa gawi ko. Hindi ko alam kung ako ba ang pinag uusapan nila dahil natatawa sila.

It hit me. This is reality. Hindi dapat ako nakikipagkaibigan sa mga katulad nila na mga normal. Sigurado ako na ako ang pinag uusapan nila.

Bumalik ako ng classroom at nakita ko si Sierra at Villiene na nagbubulungan at nagtatawanan din. Paglapit ko ay bigla silang natahimik.

" How's the talk with Mr. President? Sorry mejo maingay at chismosa kami ni Villiene." Habang natatawa pa ulit.

Ngumiti lang ako ng mapait at kinuha na ang bag ko.

" Teka saan ka pupunta!"

" Uuwi, masakit ang ulo ko." Pagsisinungaling ko at saka dumiretso sa pinto.

Nakita ko syang nakikipag usap pa sa mga officers. Tinawag nya ako pero nilampasan ko lang sila at nagpatuloy lang hanggang sa makalabas na ako ng gate.

" Nemesis!"

Sinalpakan ko ng headset ang tenga ko. Pumara ako at sumakay sa Ejeep.

" Manong hindi yan sasakay! Pakisarado na." Sigaw ko.

Please manong makisama ka wag kanang mang asar. Naka cross finger pa ako at sa hindi inaasahang pagkakataon ay sinarado nga nya ang pinto ng ejeep.

Nakahinga ako ng maluwag.

" Doble bayad mo iha ha." Sabi nya habang nakangisi.

Pisti.

Busangot akong nakababa sa bus stop. Kasi naman doble ang binayaran ko sa Jeep. Pero ayos nalang dahil mas masisikmura ko pa na magbayad ng doble kaysa sa harapin sila.

Kumunot ang noo ko nang makita ang limousine sa harap ng bahay. Wag nyong sabihin na naunahan nya ako dito sa bahay.

" Miss Nemesis!" Umulhot ang ulo ni Frinzse galing sa bintana ng Limo." I was about to leave pero nakita kita. Don't you have class?" Tanong nya sakin.

Mukhang hindi nya kasama si Hezekiah.

" Don't tell Dada na nandito ako. I just want to see where you live so I can visit." Sabi nya at pinakita nanaman ang malalim nyang dimple.

Tumango lang ako.

" I really want you to be my mom. I'll see you around Miss. My class starts at 10 am. I'll see you around." Sabi nya at nag hug sya sakin. " I don't really think you're my dada's type but I like you." Dagdag nya bago sumakay ulit sa Limo at umalis na.

Not his type?

Kahit pagbaliktarin ang mundo isa lang ang sagot jan. Hinding hindi namin magugustuhan ang isat isa.

Napabuntong hininga lang ako at saka pumasok na sa gate.

Napasalampak ako ng higa sa kama ko at napapikit.

Ano ba tong kagaguhan ang pinasok ko.

My life was rewritten in a blink. It was peaceful enough but now it's not.

Dahil lang sa aksidenteng pag krus ng landas namin ng Hezekiah na yon. Baklang yon talaga.

Ipinikit ko ang mata ko at nakatulog.

HEZEKIAH ALLARD'S POINT OF VIEW

" You kissed her? Did you actually kissed her?" Tanong ni Villiene sakin habang kinikwelyuhan ako.

" Gaga ka talaga, masisikmura ko bang humalik ng babae?" Asik ko sakanya.

" We know Kia, but look! If you look carefully at Nemesis' face. She's a keeper." Singit ni Sierra

" Kaya pala wala sa sarili yon at bigla nalang umalis. Kasalanan mo pala." Sumbat ni Villiene

" Eh kung sabunutan ko nalang kaya kayong dalawa." Naiinis kong sabi." Hindi nga ako ang nakahalikan ng baklang yon. Si DONOVAN."

" Oh my goodness, seryoso ka? Yung kuya mong babaero ay n*******n si Miss Lopez? Ang swerte ng Kuya mo. Ang malas ni Nemesis." Komento ni Sierra.

Sana ayos lang ang baklitang yon. E kasi naman inaalok nang sumakay sa sasakyan nagpupumilit pang mag bus. Eh saktong may toyo ang kuya ko kaya nahila nya si Nemesis para kaladkarin papuntang sasakyan.

FLASHBACK

" That's it. I'll be late na sa Meeting sa Opisina. " yamot nyang sabi

Lumabas si Kuya ng kotse at bigla syang hinigit. Pero dahil may kabigatan sya ay nabuwal sya sa kinatatayuan nya at dahil nagulat sya ay natumba silang dalawa.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang naglapat yung labi nilang dalawa.

Kaloka!

Nakita ko nalang sya na tumayo at tumakbo.

Si kuya ay nakabulagta pa sa basang daan. Ang sarap nyang picturan at isend ang litrato sa media.

" Hoy kuya wala na ang kahalikan mo halika na." Sabi ko

Natauhan nang makita sya na malayo na ang tinakbo. For a plus size woman she does run fast.

" That bitch." Sabu ni kuya. Minsan talaga gusto kong bangasan ang bibig nya dahil masyadong basa.

" I'll change mg clothes bumalik muna tayo."Suhestyon nya

Huminga nalang ako ng malalim at bumalik sa pagmamaneho sasakyan. Bukas nalang ako hihingi ng sorry kay Nemesis para kay Kuya.

End of Flashback

Kaya nitong umaga ay sinubukan ko syang kausapin. Pero itong mga officers ay may nireport sakin na mga students na nag aakyat bakod din katulad ni Nemesis at sa kasamaang palad sumabit sila at napicturan iyon kaya nakalimutan ko siya dahil tawang tawa ako sa mga parang Christmas tree decoration na mga nakasabit, yun ngalang mga estudyante.

The second I saw her again ay nagmamadali na sya palabas ng gate at hindi ko na naabutan.

" Hey Kiah!" Sabi ng bagong sulpot at sabay akbay sakin.

" Sige lakasan mo pa nang marinig ng campus ang tawag nyo sakin." Saway ko sakanya.

" Eh para mas nakaka asar. " nakangisi nyang sagot sakin. " Pasasaan ka ngayon?" Tanong nya.

" Didiretso na ako sa SBO office."

" Sama ako, tambay nalang ako dun sayo."

He's Ivan Addison. Medyo makulit.

" Tara na nga para may pakinabang ako sa oras ko." sabi ko. " Mauna na kami." Paalam ko sa kambal at nag wave lang sila sakin.

Pagpasok ko sa Office ay wala pa ang mga officer. Kaya umupo nalang ako sa table ko at pumirma ng mga event proposal ng iba't ibang department.

" How's the party? Did it go well for Frinzse?" Tanong nya sakin.

" Sa tingin ko galit sya sa nangyari. Gusto kong magsorry okay pero hindi nya ako pinapansin." Sabi ko

" Why? Sino yung galit? Si Frinsze?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko  pero kelangan ko namang sabihin kay Ivan ang totoo.

" Donovan and Miss Lopez kissed"

Tumawa lang si Ivan.

" Well then, I don't see a problem with that. I mean Donovan is not married yet. You can even hire Nemesis as Frinzse's temporary mother. It's what the kid wants. Pamangkin mo yun. We have to set aside our wants and prioritize what's important."

" Kapag naging busy ako sa pakikialam sa buhay ni Nemesis baka magselos ka haha." Napapailing kong sabi.

" You know your limits and I knew you for years more than our official relationship. So I won't bargain my trust by just changes in a mere point of view." Sabu nya. " You're obviously doing it for Donovan and not for yourself. So I don't see a problem."

" Masyado na tayong malalim. Umahon kana. Thank you for trusting." Sabi ko at saka inayos na ang mga documents para ibigay sa mga Teachers.

NEMESIS' POINT OF VIEW

Nitong hapon ay pumasok na ako sa bahay at nagsimulang magluto dahil maya maya pa ay dadating na sila.

" Tumataba ka yata lalo Nemesis."

Nilingon ko kung sino ang nagsalita.

" Ikaw pala Gem." Sabi ko." Anong gusto mong lutuin ko?"

I can feel that we're going to trade barbs a few moments later.

" Try mong gawing inasal yung fats mo nang mapakinabangan naman." That's what I'm talking about.

" Wag mo akong umpisahan, pumapatol ako sa mga unggoy."

Sya yung Half sister ko na kung maka asta ay parang hindi ako kadugo.

" Anong sabi mo?"

" Unggoy na nga bingi pa. I wonder how you lived your life by just being a bitch and not as being a Lopez. Don't you think it's a disgrace para sa bloodline ni Daddy na ganyan ka umasta?"

" Oh look who's talking! Kung hindi lang mabait si mom. Hindi kana nakatira dito sa bahay na to."

" Sa lahat ng makakapal ang mukha. Kayo ng nanay mo ang may pinaka. This is my house and I'll make sure mababawi ko ang bahay na to. Watch your mouth, baka nakakalimutan mong minsan kanang pinagkamalang hindi anak ni Daddy."

" Tignan natin kung hanggang saan yang tapang mong baboy ka." Sabi nya at tumungo para lumabas ng bahay. Marahil magpapahangin.

" Likewise my dear monkey sister." Sabi ko at saka pinagpatuloy ang pagluluto.

Pagkatapos ay lumabas na ako at nag freshen up nalang para matulog dahil wala akong ganang kumain as of the moment.

DONOVAN'S POINT OF VIEW

" Dada, kelan mo iimbitahin si miss Nemesis dito sa bahay?" Himig na umaasang tanong Frinsze sakin habang umiinom ng gatas nya.

" I don't know. I never thought about it."

" You don't like her? Uncle Hezekiah told me."

Kumunot naman ang noo ko. So he's starting already huh.

" It's not like that." Sagot ko. " I have to go love. Take care okay." Sabi ko at saka lumabas na.

Tinawag pa nya ko pero hindi ko na muna siya pinansin at naglakad na ko papuntang parking lot. Kukulitin lang ako lalo nitong si Frinsze.

Pumasok na ako sa sasakyan at saka nagseatbelt.

" Saan tayo young Master?"  Tanong ng driver ko sakin.

" Lopez Residence sir. We have to pick up someone." Sabi ko.

I had her address since my good brother almost shove it to my face.

Nemesis' Point of View

Kakatapos ko lang maligo dahil sa kasamaang palad ay may pasok pa. Nakaka imbyerna na pumasok pero kelangan kasi may practical exam ngayon ang magaling na professor namin na kahit kailam hindi ko nakita kahit ang kalbo nyang ulo.

Palabas na ako ng bahay ng mapatid ako at sa kasamaang palad, natumba ako sa damuhan.

At dahil mabigat ako. Medyo masama ang pagkakatumba ko.

Potek naman.

" That shit is painful. Ang uniform ko!" Nanggagalaiti kong sigaw. Shit this morning. Kaka plantsa ko lang nitong uniform ko.

" Pigs."

Binalingan ko yung unggoy kong kapatid na pumatid sakin.

" Gem. Anong kagagahan to? Umagang umaga naninira ka ng araw. Gusto mo ba talagang makatikim ng pisikalan?"

" It's an eye for an eye Nemesis."

Tumayo ako at pinagpag ang uniform ko. Di hamak din at hindi na maipagkakaila na mas malaki ang katawan ko at mas mataas ako compared sakanya.

" What are you going to do?"

I grabbed a handful of her hair and aggressively dragged her to somewhere I know she would definitely remember for the rest of her existence.

" Walanghiya ka Nemesis bitawan mo ako" Sabi nya habang nagpupumiglas

Pero wala akong narinig. My body is not something she can protest with.

Since tag ulan talaga ngayon at medyo maputik ay halos madaming puddles dito.

Lumabas ako sa gate at kinaladkad yung unggoy kong kapatid at binalya sa may bakanteng lote na kung saan ay may hukay na hindi kalaliman at napupuno ng tubig ulan.

Hindi ko na alintana kung may tumalsik na putik yung damit ko. May mga bakas na din ng kalmot ang kaliwang kamay ko.

I practically shoved her there and stared at her with great hatred.

" And stay there! That's where you belong!"

" Walang hiya ka!"

" Miss Lopez?" Napalingon ako na nagsalita sa likuran.

" Mr. Donovan?" Kumunot ang noo ko. Anong ginagawa nya dito?

" Hey Nemesis! Tulungan mo akong maka akyat!" Sigaw nya sakin.

" You belong there. You're down below and I'm up here. I may be a loser in this life but I won't be a loser towards you. I had the most pathetic life and you got it all. Are you perhaps being an ingrate ha Gemimah? Napaka kapal ng mukha mo. I*****k mo yan sa kaluluwa mo." May dalang pagkamuhing sabi ko sakanya.

" Subukan mong tulungan si Gemimah itutulak kita kasama nya." Wala akong pakialam kung isa pa syang Allard. Mainit ang ulo ko ngayon.

Pumasok ako sa loob ng bahay at nagbihis nalag ako. Ng White tshirt at jeans. Inayos ko muna ang sarili ko. I applied a bit of powder din sa mukha ko.

Naririnig ko na din ang sigaw ni Gem sa loob ng bahay. She's probably trying to erase the hell I inflicted her. I may be living in a literal Abaddon right now but I won't let a single soul who messed up with my day in a maximum level not to taste a drop of it.

Paglabas ko ng gate ay nagulat pa ako na nandito pa ang hunyango at nakasilip pa sa gate.

" Anong ginagawa mo dito?"

" Get in, I'll explain on the way." Sabi nya."

" Anong kalokohan to Mr. Donovan?" Nakakunot noong tanong ko sakanya

" Goodness me! Will you just get inside!"

" Chill! Bat ang init ng mood ng mga tao ngayon. " Asar kong sabi.

I used to be quiet talaga pero Ewan ko. I'm loosing my cool in Front of this walking disorder here.

Pumasok ako sa kotse.Buti naman at hindu limousine.

" I'm sorry for what happened at Frinzse's birthday. I meant to apologize talaga but you ran away. Hindi ko na alam ang gagawin ko." He explained.

" It's fine, nahihiya lang ako sa nangyari. I know it was an accident pero it feels wrong. " sabi ko.

" I'm glad. I'm really sorry. I really feel bad."

" Don't sweat it. I already had a bad day. Don't make it worse please. It's okay. I'm fine now. It was uncalled for." Inihilig ko nalang ang ulo ko sa headrest ng kotse nya.

" You look pretty today."

I cringed but I didn't mind. My mind's a mess right now.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status