Share

THE CEO ONE NIGHT STAND
THE CEO ONE NIGHT STAND
Author: Jash♥️

CHAPTER 01

Author: Jash♥️
last update Petsa ng paglalathala: 2026-04-18 21:16:11

YALLAH CRUZ POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa condominium ni Clark Grayson, ang boyfriend ko. May dala-dala akong box ng favorite niyang cake at isang mamahaling relo na pinag-ipunan ko para sa kanya.

Dahil ngayon ang 2nd anniversary namin, naisipan ko siyang i-surprise. At higit sa lahat... handa na akong ibigay sa kanya ang matagal na niyang hinihingi. Ang sarili ko. Ang pagkababae ko at ang unang karanasan ko.

Habang papalapit ako ng papalapit sa pinto ng unit niya, hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko. May kakaibang kaba na bumabalot sa dibdib ko, parang may masamang kutob ang damdamin ko. Pero pinilit kong itaboy iyon at pumasok gamit ang duplicate key na binigay niya.

Pagkabukas ko ng pinto... nanlumo ako at parang gumuho ang mundo ko sa aking nakita.

Sobrang dumi at gulo ng buong condo. May mga nagkalat na bote ng alak, tirang pagkain, at usok na hindi mawala-wala. Pero hindi doon napunta ang atensyon ko... kundi sa mga ungol na nanggagaling sa kwarto niya.

Dahan-dahan akong umakyat at sumilip sa maliit na butas ng pinto.

At doon... doon ko nakita ang pinakamasakit na eksena na hinding-hindi ko makakalimutan.

Nakita ko si Clark na nakapatong sa isang babae. Walang saplot, walang hiya, at halatang nasa gitna sila ng init ng pagnanasa. Humahalik siya sa leeg nito habang mahigpit ang yakap.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Nabitawan ko ang dala kong cake at regalo.

BAGSSS!!

Narinig niya ang ingay kaya napahinto at napatingin sa direksyon ko. Mabilis siyang bumaba at nagbihis habang papalapit sa akin.

"Babe...," nauutal na sabi niya.

Hindi ako nagsalita. Tumalikod ako at akmang aalis na sana nang hawakan niya ang kamay ko.

"Please let me explain," pakiusap niya.

Hindi ko na nakontrol ang emosyon ko at malakas ko siyang sinampal. Tunog na umalingawngaw sa buong kwarto.

"Explain? Ano pang ipapaliwanag mo?!" sigaw ko habang umiiyak. "Akala mo ba maniniwala ako sayo? Dalawang taon! Dalawang taon mo akong niloko at pinaglaruan! Akala ko totoo lahat, pero isa lang palang malaking kasinungalingan ang lahat!"

"Magsama kayo! Wala na tayong dapat pag-usapan!" sigaw ko at mabilis na tumakbo palabas.

Malakas ang buhos ng ulan habang naglalakad ako sa daan. Hinayaan ko lang na basain ako ng tubig, para matakpan ang pag-agos ng mga luha ko. Sobrang bigat sa pakiramdam, parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit.

Dumaan ako sa convenience store at bumili ng alak. Umupo ako sa gilid ng kalsada at uminom... isa, dalawa, tatlong bote... hanggang sa maramdaman ko na umiikot na ang paningin ko at lumalabo na ang paligid.

Wala akong pakialam sa mundo. Basta ang gusto ko lang, makalimot. Kahit panandalian lang.

Hanggang sa may nakita akong dalawang lalaki na lumabas mula sa hotel. Kahit sobrang labo na ng paningin ko, pinilit kong tumayo at lumapit.

Nang makalapit ako, biglang nawalan ako ng balanse at akmang babagsak sana ako nang...

 

NOAH GRAYSON POV

"Boss, naghihintay na po si Old Master sa inyo," paalala ni Ken.

"Okay," sagot ko at akmang pupunta na sana sa kotse nang biglang may humarang at lumapit sa akin. Isang babae... basang-basa sa ulan at halatang lasing na lasing.

Bigla siyang nawalan ng balance kaya mabilis ko siyang nasalo at niyakap ang bewang niya para hindi matumba.

Nagkatitigan kami... at sa sandaling iyon, parang tumigil ang ikot ng mundo.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatitig sa kanya. All I know is I can't take my eyes off her. She is breathtakingly beautiful. Maliit na mukha, makakapal ang kilay, mapula at manipis ang labi, at mga matang parang nang-aakit kahit malungkot. Never in my whole life nakakita ako ng babaeng kasing ganda at kasing pino niya.

"Boss?" tawag pansin sa akin ni Ken kaya natauhan ako.

"Kailangan na nating umuwi. Lumalakas na po ang ulan," sabi niya.

Tinulungan ko munang tumayo nang maayos yung babae at akmang aalis na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila ito palapit sa kanya.

"Tulungan mo ako..." bulong niya, mahina at paos pero tumagos diretso sa puso ko.

Tumingin ako kay Ken. "Ikaw na muna umuwi. Sunduin mo na lang ako dito bukas ng umaga," utos ko nang walang pag-aalinlangan.

Kinuha ko ang kamay niya at ipinulupot ito sa leeg ko. Binuhat ko siya gaya ng isang bride. Bigla siyang humilig at aksidenteng nahalikan ang tenga ko.

Isang mainit na kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko. Tiningnan ko siya at nakapikit ang mga mata niya. Kaya... dinala ko siya sa loob ng hotel.

Nakarating kami sa pinto ng private suite ko. Binuksan ko ito at pumasok kami. Pinaupo ko siya sa malambot na sofa at akmang aalis ako para isara ang pinto nang bigla niya akong hawakan sa kamay at hinila palapit.

"Wag mo akong iwan..." mahina niyang sabi, puno ng lungkot at pagmamakaawa.

Dahil sa hatak niya, napaluhod ako sa harap niya at sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.

Tumingin siya sa akin at ngumiti ng nakakaloko pero nakakaawa. Inilagay niya ang parehong kamay sa leeg ko at dahan-dahang inilapit ang mukha niya.

At sa isang iglap...

Hinalikan niya ako.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • THE CEO ONE NIGHT STAND    CHAPTER 18

    YALLAH CRUZ POV Hindi pwede 'to. Paulit-ulit kong sinabi sa sarili kanina na iiwasan ko na siya. Pero bakit ngayon,gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Magising ka Yallah! Hindi kayo bagay sa isa't isa. Iba ang mundo niya...mundo ng mga mayayaman at makapangyarihan at may fiancee pa siya na naghihintay sa kanya! sigaw ng isip ko, pilit kong kinakalma ang sarili. Akmang tatayo at aalis na sana ako nang bigla niyang hawakan ang pulsuhan ko marahas pero malambing, walang kahirap-hirap akong hinila pabalik sa yakap niya kaya napasandal ulit ako sa mainit at matigas niyang dibdib. Nagkatinginan kami. Napakalalim ng mga itim niyang mata, puno ng pagnanasa, pagmamahal at kagustuhan na halos malunod ako. Unti-unti siyang lumalapit, palapit nang palapit hanggang sa naramdaman ko na ang mainit niyang hininga na dumadampi sa labi ko. Isang dipa na lang, magdidikit na ang mga labi namin. Agad ko itong pinigilan sa marahang pagtulak sa dibdib niya at yumuko ako nang mabilis. Ayaw kong mak

  • THE CEO ONE NIGHT STAND    CHAPTER 17

    YALLAH CRUZ POVInayos ko na ang itsura ko , sinuklay ko ang magulo kong buhok gamit ang daliri ko, pinunasan ang huling bakas ng luha at kinalma ang sarili ko hanggang sa mawala ang panginginig. Huminga ako ng malalim, ilang beses, bago dahan-dahang lumabas ng pinto.Paglabas ko, nakita ko ang lahat ng kasamahan ko sa opisina ay nakatingin sakin. Alam kong halata ang pamumula ng mga mata ko, alam kong nagbubulungan sila. Pero hindi ko sila pinansin. Ibinaba ko lang ang tingin at dumiretso agad sa desk ko.Inayos ko lahat ng papel na nabasa ng luha ko kanina, pinatag-patag para hindi halata, pilit na pinapakita na abala lang ako kahit durog pa rin ang loob ko."Oi Yallah, okay ka lang ba?" tanong sakin ni Kate na mabilis na lumapit.Tumingin ako sakanya at pilit na ngumiti, kahit halatang peke lang. "Oo okay lang ako," sagot ko nang mahina."Parang hindi ah? Namumula yang mga mata mo, umiiyak ka ba?" sunod-sunod na tanong niya.Hindi na ako umimik pa. Ibinalik ko na lang ang atensy

  • THE CEO ONE NIGHT STAND    CHAPTER 16

    YALLAH CRUZ POV Nakaupo ako ngayon sa desk ko at nakayuko nang sobrang baba, halos dumikit na ang noo ko sa mesa. Pilit kong tinatakpan ang mukha ko gamit ang buhok ko para walang makahalata na umiiyak ako, pero kahit anong pigil ko, kahit anong takip ko, tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Basa na ang pisngi ko, basa na ang notebook at papel sa harap ko, at pati na rin ang damit ko sa bandang dibdib ay nababasa na ng mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ganito kasakit? Bakit parang dinudurog ang puso ko nang paulit-ulit? Bakit pakiramdam ko ay ninakawan ako ng bagay na hindi ko naman pag-aari? Siya ba... siya nga ba talaga yung fiance ni Noah? Yung matagal nang bulong-bulungan sa buong opisina? Yung babaeng sinasabi nilang para talaga sa kanya? Tumugma lahat ng nakita at narinig ko kanina. Maganda siya, elegante, at kitang-kita sa itsura at suot niya na galing siya sa mayaman at respetadong pamilya. Lahat ng galaw niya may angk

  • THE CEO ONE NIGHT STAND    CHAPTER 15

    NOAH GRAYSON POV "Yes Mom... okay lang po," sagot ko na lang kahit durog na durog na ang loob ko. Nakita ko kung paano lumawak ang ngiti ni Reyah hanggang sa abot ng tenga niya. Parang nanalo sa pinakamalaking premyo sa buong mundo. Yumakap pa siya nang mahigpit kay Mama at nagpasalamat nang paulit-ulit, nag-arte pa na parang sobrang inosente at mabait. "Thank you so much Tita! Thank you Noah! I promise, gagawin ko lahat para maging successful ang company at mapaligaya kayo!" sabi niya sabay kindiwink pa sa akin na parang may pagmamay-ari. Nagtagal pa sila ng halos kalahating oras sa loob ng opisina. Pinag-usapan nila lahat—ang start date niya sa trabaho, ang malaking office space na ibibigay namin sa kanya, ang benefits, at kung paano niya pamumunuan ang buong design department. Nakikinig lang ako sa gilid, tahimik pero kumukulo ang dugo sa loob ko. Wala akong magawa. Wala akong karapatang tumutol dahil desisyon na ito ni Mama at ng Board. Hanggang sa nagpaalam na si mom, da

  • THE CEO ONE NIGHT STAND    CHAPTER 14

    NOAH GRAYSON POV"Boss, sorry to interrupt..." Saad ni Ken na halatang kinakabahan at pinagpapawisan. "Nandito po sa labas si Madam Grayson... at kasama po niya si Ms. Reyah Ramson."Nanigas ang buong katawan ko.Reyah? Anong ginagawa niya dito?Hindi pa ako nakakasagot ay bumukas na ang pinto. Pumasok si Mama na may dalang malaking ngiti, at sa tabi niya ay si Reyah. Nakasuot ito ng mamahaling damit, nakahawak nang mahigpit sa braso ni Mama, Agad akong tumayo para bumati. "Mom, bakit po kayo naparito?" tanong ko habang hinalikan ang pisngi niya."Bumisita lang kami. At may importante tayong pag-uusapan," sagot ni Mom sabay upo sa sofa. Umupo rin si Reyah at hindi inalis ang matalim na tingin sa akin.Nakatayo pa rin sa gilid ko si Yallah. Hawak niya ang tray at nakayuko, halatang hindi alam kung aalis ba siya o mananatili. Ramdam ko ang kaba niya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na "Okay lang yan, dito ka lang" pero hindi ko magawa. Nandito si Mom at hindi pa pwede. Hindi pa pwede

  • THE CEO ONE NIGHT STAND    CHAPTER 13

    YALLAH CRUZ POVAbala ako sa pagdedesenyo nang biglang tumunog ang intercom."Ms. Cruz, please come to my office now," malamig at seryosong boses ni President Noah.Nanigas ako. Bakit nanaman niya ako pinatawag? Alam niya kaya na late ako? Naku, patay!Napalingon ako sa mga katrabaho ko na nakatingin na rin sa akin. Hindi pa ako nakakagalaw nang tumunog ulit ito."And make me a cup of coffee. Black. Strong," dagdag na utos niya."Bakit siya ang inuutusan? Hindi ba't secretaries lang ang gumagawa noon?" bulong ng isa."Oo nga, parang ang special naman," sagot naman ng isa pa.Hindi ko na lang sila pinansin. Tumayo ako at dumiretso sa kusina.Habang nagtitimpla ako ng kape, may biglang lumapit na babae. Naka-cross arms ito at masama ang tingin."Masyado ka yatang malapit kay Boss. Hindi mo ba alam na may fiance na siya?" sabi nito.Natigilan ako. Huminto ang kamay ko sa paghalo.May fiance na siya? Si Noah?"Bakit ka tulala? Nagulat ka ba?" tinarayan niya ako. "Sinasabi ko lang 'to para

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status