Chapter: CHAPTER -TWENTY FOUREIRAH SALVATORE POV"How much longer were you planning to hide from me that the baby you're carrying is mine?"Parang tumigil ang mundo ko.Mabagal akong napatingin sa papel na hawak ni Black.Nanlamig ang buo kong katawan.Hindi ko alam kung paano niya nalaman, pero nang makita ko ang papel na nasa kamay niya, alam kong wala nang saysay ang pagtatanggi.Napasinghap ako nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bewang.Dahan-dahan niya akong hinila palapit sa kanya."Eirah," mababa niyang tawag.Napilitan akong tumingin sa kanya."Hindi mo pa rin ba sasabihin sa akin ang totoo?"Itinaas niya ang papel na hawak niya."May hawak na akong DNA result."Mariin ang kanyang titig."I know I'm the father."Parang lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang mas pinalapit niya sakin ang mukha niya sa mukha ko.Halos wala nang espasyo sa pagitan namin."This proves everything."Bahagyang kumunot ang kanyang noo."Anak ko ang batang dinadala mo, isn't he?"Napayuko ako.Hindi ko na kayang magsin
Last Updated: 2026-06-04
Chapter: CHAPTER -THIRTY THREE**BLACK ZEVIAN DEL FIERRO POV** Tahimik akong nakikinig habang nagsasalita si Eirah. Kahit kalmado ang paraan ng kanyang pagsasalita, ramdam kong pilit niyang kinokontrol ang kaba na bumabalot sa kanya. Saglit na bumaba ang tingin ko sa kanyang tiyan. Hindi pa naman gaanong halata. "That's all. Thank you," pagtatapos ni Eirah matapos niyang maayos na maipresenta kay Mr. Chua ang proposal para sa partnership ng aming mga kumpanya. "Excellent," komento ni Mr. Chua, halatang nasiyahan sa kanyang narinig. Bahagya akong sumandal sa upuan bago tumingin sa kanya. "So, Mr. Chua, what do you think?" Ngumiti siya. "The proposal is impressive. And I must say, Ms. Salvatore delivered it very well. I don't see any reason not to proceed." Tumango ako. "Then let's move forward with the signing." "Agreed." Lumipat ang tingin ko kay Eirah. "Ms. Salvatore, please hand over the documents that require his signature." Agad naman siyang tumango. Tumayo na ako mula sa aking
Last Updated: 2026-05-30
Chapter: CHAPTER -THIRTY TWO**EIRAH SALVATORE POV**Dahan-dahang huminto ang taxi na sinasakyan ko sa tapat ng Del Fierro Building.“Ito po, manong,” sabi ko habang inaabot ang bayad sa driver.Pagkabukas ko ng pinto ay agad akong bumaba. Saglit akong napatigil at napatingala sa building.Napabuntong-hininga ako bago muling ibinalik ang tingin sa entrance ng kumpanya.Pero bago pa ako makapaglakad, biglang nag-ring ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha mula sa bag at sinagot.“Nasa labas na po ako ng company,” sabi ko agad.“Okay, bilisan mo. Pumunta ka na dito sa conference room. Maya-maya lang dadating na ang Chua Group,” sabi ni Lolo mula sa kabilang linya.“Opo, Lo,” sagot ko bago ibinaba ang tawag.Huminga muna ako nang malalim bago nagsimulang maglakad papasok ng building.---“Good morning, Ma’am Eirah,” nakangiting bati ng guard nang makita ako.“Good morning rin po,” sagot ko, at matipid na ngiti bago dumiretso sa elevator.Pagdating ko ay sarado pa ito kaya agad kong pinindot ang button.Tahimik akong
Last Updated: 2026-05-29
Chapter: CHAPTER - THIRTY ONE**EIRAH SALVATORE POV**Ting... Ting...Sunod-sunod na tunog ng cellphone ko ang gumising sa akin mula sa mahimbing na tulog.Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko habang inaabot ang phone na nasa ilalim ng unan ko. Halos pikit pa ang mga mata ko dahil sa antok habang tinitingnan ang mga notifications.May messages mula kay Lolo, sa Del Fierro Company, at sa doctor ko.Ngunit agad na napunta ang atensyon ko sa mensahe ng doctor kaya iyon ang una kong binuksan.«“Good morning, Ms. Salvatore. Kailangan na po namin ang blood sample ninyo para sa panandaliang exam dahil may meeting po ang lahat ng doctors mamayang tanghali.”»Napabuntong-hininga ako bago mabilis na napatingin sa oras.8:00 AM.“Damn...” bulong ko habang napapabangon agad mula sa kama.Mabilis akong tumakbo papunta sa banyo.---Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras.Agad akong nagsabon at nag-shampoo bago mabilis na nagbanlaw.Pagkatapos maligo ay binalot ko agad ng puting towel ang katawan ko habang pinapatuyo ang buhok
Last Updated: 2026-05-24
Chapter: CHAPTER - THIRTY**EIRAH SALVATORE POV** Habang naglalakad ako palabas ng kumpanya ay paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang sinabi ni Lolo. Gusto niyang makita ang ama ng anak ko. Napahigpit ang hawak ko sa bag habang pilit pinapakalma ang sarili ko. Paano ko sasabihin sa kanila na si Mr. Del Fierro ang ama ng batang dinadala ko? At bakit parang biglang napunta sa kasalan ang lahat? Sa kasulatan naman… apo lang ang hinihingi niya. Pero ngayon, pakiramdam ko ay unti-unti niya akong itinutulak sa isang responsibilidad na hindi ko pa kayang harapin. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang may tumatawag na pala sa akin. “Ma’am!” Napakurap ako nang may kumakaway na kamay sa harapan ko. Ang guard pala ito sa lobby. “Ahh… p-po?” gulat kong tanong. Napangiti siya bago bahagyang natawa. “Ang lalim yata ng iniisip n’yo, Ma’am.” “May iniisip lang po,” nahihiya kong sagot. Bahagya namang natawa si manong guard. “Kanina pa po kasi kayo natutulala rito. Akala ko may
Last Updated: 2026-05-21
Chapter: CHAPTER -TWENTY NINE**EIRAH SALVATORE POV**Huminga muna ako nang malalim at inayos ang sarili ko bago kumatok sa pinto ng opisina ni Lolo.One knock....“Come in,” agad kong narinig na sagot niya mula sa loob.Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at agad na bumungad sa akin ang isang eleganteng babae na nakaupo sa harap ni Lolo.Bahagya akong natigilan.Suot niya ang isang simple ngunit mamahaling black dress. Mahaba ang kulot niyang buhok at halos perpekto ang mukha niya.She looked exactly like the women I usually see on magazine covers.“Good afternoon, Lo,” bati ko bago napatingin sa babae.“And… good afternoon, Ms.”Dahan-dahan niyang ibinaba ang suot niyang sunglasses bago ngumiti sa akin.“Eirah,” tawag ni Lolo kaya agad akong lumapit sa mesa niya.“This is Jane Velegas,” pagpapakilala niya. “A famous international model, and starting today, she’ll be the new director of this company.”Bahagya akong nagulat.Si Jane Velegas?Kilala ko siya.Ilang beses ko na siyang nakita sa social media at sa mga
Last Updated: 2026-05-20

THE CEO ONE NIGHT STAND
Akala ni Yallah Cruz, nahanap na niya ang perfect love at ang taong para sa kanya—ang boyfriend niyang si Clark Gray. On their 2nd anniversary, she planned to surprise him at ibibigay niya ang ultimate gift: ang sarili niya, ang kanyang innocence, at ang buong puso niya.
Pero cruel ang tadhana. Sa halip na masayang welcome, nahuli niya itong may kahalikan at kasiping na ibang babae. Brokenhearted at sobrang nasaktan, tumakbo palayo si Yallah at nilunod ang sarili sa alak para lang makalimot sa sakit.
Dahil sa kalasingan at labis na lungkot, kusa siyang lumapit sa isang gwapong estranghero. Lost in her grief and the heat of the moment, nakasama niya ito at nagkaroon sila ng unforgettable night of passion. Akala niya, one night stand lang at hindi na sila magkikita pang muli.
Pero ang hindi niya alam...
Ang lalaking nakasama niya ay walang iba kundi si Noah Grayson, the son of the big boss at ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya.
Ngayon, under na siya sa kanya. Kilala agad ni Noah ang pabango niya, ang mga mata, at ang katawan niya...
"Don't even try to run away, because you can't escape me anymore."
Naiipit sa masakit na past kasama si Clark at sa intense obsession ng bagong boss, mapipigilan pa ba ni Yallah ang lalaking nagsasabing sa kanya lang siya? Or will she fall deeply in love with the billionaire who swears to love and protect her forever?
Witness the story of love, revenge, and possession habang inaangkin muli ni Noah ang babaeng para sa kanya
Read
Chapter: CHAPTER 18YALLAH CRUZ POV Hindi pwede 'to. Paulit-ulit kong sinabi sa sarili kanina na iiwasan ko na siya. Pero bakit ngayon,gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Magising ka Yallah! Hindi kayo bagay sa isa't isa. Iba ang mundo niya...mundo ng mga mayayaman at makapangyarihan at may fiancee pa siya na naghihintay sa kanya! sigaw ng isip ko, pilit kong kinakalma ang sarili. Akmang tatayo at aalis na sana ako nang bigla niyang hawakan ang pulsuhan ko marahas pero malambing, walang kahirap-hirap akong hinila pabalik sa yakap niya kaya napasandal ulit ako sa mainit at matigas niyang dibdib. Nagkatinginan kami. Napakalalim ng mga itim niyang mata, puno ng pagnanasa, pagmamahal at kagustuhan na halos malunod ako. Unti-unti siyang lumalapit, palapit nang palapit hanggang sa naramdaman ko na ang mainit niyang hininga na dumadampi sa labi ko. Isang dipa na lang, magdidikit na ang mga labi namin. Agad ko itong pinigilan sa marahang pagtulak sa dibdib niya at yumuko ako nang mabilis. Ayaw kong mak
Last Updated: 2026-04-27
Chapter: CHAPTER 17YALLAH CRUZ POVInayos ko na ang itsura ko , sinuklay ko ang magulo kong buhok gamit ang daliri ko, pinunasan ang huling bakas ng luha at kinalma ang sarili ko hanggang sa mawala ang panginginig. Huminga ako ng malalim, ilang beses, bago dahan-dahang lumabas ng pinto.Paglabas ko, nakita ko ang lahat ng kasamahan ko sa opisina ay nakatingin sakin. Alam kong halata ang pamumula ng mga mata ko, alam kong nagbubulungan sila. Pero hindi ko sila pinansin. Ibinaba ko lang ang tingin at dumiretso agad sa desk ko.Inayos ko lahat ng papel na nabasa ng luha ko kanina, pinatag-patag para hindi halata, pilit na pinapakita na abala lang ako kahit durog pa rin ang loob ko."Oi Yallah, okay ka lang ba?" tanong sakin ni Kate na mabilis na lumapit.Tumingin ako sakanya at pilit na ngumiti, kahit halatang peke lang. "Oo okay lang ako," sagot ko nang mahina."Parang hindi ah? Namumula yang mga mata mo, umiiyak ka ba?" sunod-sunod na tanong niya.Hindi na ako umimik pa. Ibinalik ko na lang ang atensy
Last Updated: 2026-04-22
Chapter: CHAPTER 16YALLAH CRUZ POV Nakaupo ako ngayon sa desk ko at nakayuko nang sobrang baba, halos dumikit na ang noo ko sa mesa. Pilit kong tinatakpan ang mukha ko gamit ang buhok ko para walang makahalata na umiiyak ako, pero kahit anong pigil ko, kahit anong takip ko, tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Basa na ang pisngi ko, basa na ang notebook at papel sa harap ko, at pati na rin ang damit ko sa bandang dibdib ay nababasa na ng mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ganito kasakit? Bakit parang dinudurog ang puso ko nang paulit-ulit? Bakit pakiramdam ko ay ninakawan ako ng bagay na hindi ko naman pag-aari? Siya ba... siya nga ba talaga yung fiance ni Noah? Yung matagal nang bulong-bulungan sa buong opisina? Yung babaeng sinasabi nilang para talaga sa kanya? Tumugma lahat ng nakita at narinig ko kanina. Maganda siya, elegante, at kitang-kita sa itsura at suot niya na galing siya sa mayaman at respetadong pamilya. Lahat ng galaw niya may angk
Last Updated: 2026-04-22
Chapter: CHAPTER 15NOAH GRAYSON POV "Yes Mom... okay lang po," sagot ko na lang kahit durog na durog na ang loob ko. Nakita ko kung paano lumawak ang ngiti ni Reyah hanggang sa abot ng tenga niya. Parang nanalo sa pinakamalaking premyo sa buong mundo. Yumakap pa siya nang mahigpit kay Mama at nagpasalamat nang paulit-ulit, nag-arte pa na parang sobrang inosente at mabait. "Thank you so much Tita! Thank you Noah! I promise, gagawin ko lahat para maging successful ang company at mapaligaya kayo!" sabi niya sabay kindiwink pa sa akin na parang may pagmamay-ari. Nagtagal pa sila ng halos kalahating oras sa loob ng opisina. Pinag-usapan nila lahat—ang start date niya sa trabaho, ang malaking office space na ibibigay namin sa kanya, ang benefits, at kung paano niya pamumunuan ang buong design department. Nakikinig lang ako sa gilid, tahimik pero kumukulo ang dugo sa loob ko. Wala akong magawa. Wala akong karapatang tumutol dahil desisyon na ito ni Mama at ng Board. Hanggang sa nagpaalam na si mom, da
Last Updated: 2026-04-22
Chapter: CHAPTER 14NOAH GRAYSON POV"Boss, sorry to interrupt..." Saad ni Ken na halatang kinakabahan at pinagpapawisan. "Nandito po sa labas si Madam Grayson... at kasama po niya si Ms. Reyah Ramson."Nanigas ang buong katawan ko.Reyah? Anong ginagawa niya dito?Hindi pa ako nakakasagot ay bumukas na ang pinto. Pumasok si Mama na may dalang malaking ngiti, at sa tabi niya ay si Reyah. Nakasuot ito ng mamahaling damit, nakahawak nang mahigpit sa braso ni Mama, Agad akong tumayo para bumati. "Mom, bakit po kayo naparito?" tanong ko habang hinalikan ang pisngi niya."Bumisita lang kami. At may importante tayong pag-uusapan," sagot ni Mom sabay upo sa sofa. Umupo rin si Reyah at hindi inalis ang matalim na tingin sa akin.Nakatayo pa rin sa gilid ko si Yallah. Hawak niya ang tray at nakayuko, halatang hindi alam kung aalis ba siya o mananatili. Ramdam ko ang kaba niya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na "Okay lang yan, dito ka lang" pero hindi ko magawa. Nandito si Mom at hindi pa pwede. Hindi pa pwede
Last Updated: 2026-04-22
Chapter: CHAPTER 13YALLAH CRUZ POVAbala ako sa pagdedesenyo nang biglang tumunog ang intercom."Ms. Cruz, please come to my office now," malamig at seryosong boses ni President Noah.Nanigas ako. Bakit nanaman niya ako pinatawag? Alam niya kaya na late ako? Naku, patay!Napalingon ako sa mga katrabaho ko na nakatingin na rin sa akin. Hindi pa ako nakakagalaw nang tumunog ulit ito."And make me a cup of coffee. Black. Strong," dagdag na utos niya."Bakit siya ang inuutusan? Hindi ba't secretaries lang ang gumagawa noon?" bulong ng isa."Oo nga, parang ang special naman," sagot naman ng isa pa.Hindi ko na lang sila pinansin. Tumayo ako at dumiretso sa kusina.Habang nagtitimpla ako ng kape, may biglang lumapit na babae. Naka-cross arms ito at masama ang tingin."Masyado ka yatang malapit kay Boss. Hindi mo ba alam na may fiance na siya?" sabi nito.Natigilan ako. Huminto ang kamay ko sa paghalo.May fiance na siya? Si Noah?"Bakit ka tulala? Nagulat ka ba?" tinarayan niya ako. "Sinasabi ko lang 'to para
Last Updated: 2026-04-21