Share

CHAPTER 05

Author: Jash♥️
last update publish date: 2026-04-18 21:16:29

YALLAH CRUZ POV

Pagkatapos kong maligo at magbihis, mabilis kong sinuot ang aking office uniform. Kinuha ko na ang ID ko at ang bag ko, handa na akong harapin ang panibagong araw.

Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Papa na nakaupo sa sala at tahimik na nagbabasa ng dyaryo. Lumapit ako sa kanya.

"Pa," tawag ko sa atensyon niya.

Agad naman itong lumingon at tumingin sa akin.

"Magpapaalam na po ako, aalis na po ako," paalam ko nang magalang.

Tumango lang siya nang may seryoso pero malambing na tingin. "Ingat ka."

"Saan po si Mama?" tanong ko.

Itinuro lang niya ang kusina gamit ang tingin niya. Pumunta ako doon at nakita ko si Mama na abala sa pagluluto ng almusal.

Dahan-dahan akong lumapit at niyakap siya nang mahigpit mula sa likuran, at hinalikan ko siya sa pisngi.

"Ma, magpapaalam na po ako," bulong ko at kumalas sa yakap.

Lumingon siya sa akin at ngumiti, hinaplos pa ang buhok ko.

"O siya, mag-ingat ka sa trabaho, anak. Ingat ka palagi," malambing na sabi niya bago ako tuluyang palayain.

"Opo Ma, paalam po!" sagot ko at mabilis na lumabas ng kusina at ng bahay.

Paglabas ko ng gate, swerte naman at may paparating na taxi. Agad ko itong pinara at huminto naman ito.

"Manong, sa Grayson Building po," sabi ko sa driver pagkasakay ko.

Tumango lang ito at pinaharurot agad ang sasakyan.

Ako nga pala si Yallah Cruz at isa akong Intern Designer sa kumpanyang iyon. Ilang buwan na rin ako doon at mahal ko ang trabaho ko.

-------- Fast Forward --------

Huminto ang taxi sa tapat ng building. Bumaba ako at naglakad papasok, pero kakaiba ang atmosphere.

Nagtaka ako kasi sobrang ingay at nagsisigawan ang lahat ng empleyado sa labas at lobby. Parang may fiesta o may celebrity na darating.

Lumapit ako sa katrabaho at kaibigan ko.

"Anong meron? Bakit parang magwawala na kayo?" tanong ko nang natatawa.

"Hindi mo ba alam?!" gulat na sagot nito.

Hindi naman ata ako magtatanong kung alam ko, isip ko.

"Hindi," sagot ko.

"Darating kasi ngayon yung bagong Boss! Yung bagong President ng company! Si Mr. Noah Grayson!" sagot nito habang kinikilig at halos mawala na ang boses.

"Ah... ngayon pala siya darating. Akala ko sa susunod na linggo pa," sabi ko habang inaayos yung bag ko.

Biglang sumigaw nang napakalakas ang lahat ng mga babae at tumakbo pa-labas.

"NANDITO NA SIYA!!!" sigaw nila habang nagtatalon sa kilig.

Napatingin din ako sa labas. May isang napaka-magarang itim na sasakyan ang huminto sa harap ng pinto. Mabilis na tumakbo ang guard at binuksan ang pinto sa passenger side.

Una kong nakita ang mamahalin at makintab na sapatos na humakbang sa semento.

At nang tuluyan nang lumabas ang may-ari nito... nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Isang lalaki na sobrang tangos, nakasuot ng perpektong suit, at may awtoridad na naglalakad... pero ang mukha... bakit sobrang pamilyar?

Bakit parang yung lalaking kasama ko kagabi...

---------

Parang nanigas ang buong katawan ko at parang tumigil ang ikot ng mundo.

Yung lalaking kasama ko kagabi... siya yung bagong President ng company?!

Hindi ako makapaniwala. Siya? Si Noah Grayson? Ang lalaking nakasama ko sa hotel, ang lalaking kumuha ng pagkababae ko... siya pala ang magiging boss ko?!

"Good morning, Mr. President!" sabay-sabay na bati at sigaw ng lahat sa kanya.

Ramdam ko ang kaba na parang naninigas ang mga tuhod ko. Bago pa man siya makalapit at makita ako, mabilis akong tumalikod at dali-daling kinuha ko ang face mask ko sa loob ng bag ko at isinuot iyon agad.

Sana... sana lang makalusot ako. Sana hindi niya ako makilala.

Nakatalikod ako at kunwari ay abala ako sa pag-aayos ng gamit ko sa bag, pero ramdam ko na papalapit na siya nang papalapit.

Nasa likuran ko na siya. Ramdam ko ang presensya niya at ang lamig na dala niya.

Sana dumaan na lang siya... sana hindi niya ako mapansin.

Pero hindi nangyari ang inaasahan ko.

Huminto siya sa tapat ko. Tumigil ang mundo. Pakiramdam ko tumitigil ang paghinga ko dahil sa bigat ng tingin niya na nakadikit sa akin. Alam kong nakatingin siya... alam kong sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa.

"Turn around," malamig at dumadagundong na utos niya mula sa likuran ko.

Dahil sa takot, dahan-dahan akong humarap sa kanya at yumuko nang mababa, hindi ko kayang tumingin ng diretso sa mga mata niya.

"Why are you wearing a mask?" seryoso at malamig niyang tanong.

Napalunok ako at kinabahan lalo. "Ahh... m-may ubo po ako, sir," sagot ko at kunwari pa umubo. "Cough... cough..."

"okay"-sagot nito sakin at umalis na sa harap ko.

Naka hinga naman ako ng maluwag dahil hindi ako nito nakilala.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE CEO ONE NIGHT STAND    CHAPTER 15

    NOAH GRAYSON POV "Yes Mom... okay lang po," sagot ko na lang kahit durog na durog na ang loob ko. Nakita ko kung paano lumawak ang ngiti ni Reyah hanggang sa abot ng tenga niya. Parang nanalo sa pinakamalaking premyo sa buong mundo. Yumakap pa siya nang mahigpit kay Mama at nagpasalamat nang paulit-ulit, nag-arte pa na parang sobrang inosente at mabait. "Thank you so much Tita! Thank you Noah! I promise, gagawin ko lahat para maging successful ang company at mapaligaya kayo!" sabi niya sabay kindiwink pa sa akin na parang may pagmamay-ari. Nagtagal pa sila ng halos kalahating oras sa loob ng opisina. Pinag-usapan nila lahat—ang start date niya sa trabaho, ang malaking office space na ibibigay namin sa kanya, ang benefits, at kung paano niya pamumunuan ang buong design department. Nakikinig lang ako sa gilid, tahimik pero kumukulo ang dugo sa loob ko. Wala akong magawa. Wala akong karapatang tumutol dahil desisyon na ito ni Mama at ng Board. Hanggang sa nagpaalam na sila dahil

  • THE CEO ONE NIGHT STAND    CHAPTER 14

    NOAH GRAYSON POV"Boss, sorry to interrupt..." Saad ni Ken na halatang kinakabahan at pinagpapawisan. "Nandito po sa labas si Madam Grayson... at kasama po niya si Ms. Reyah Ramson."Nanigas ang buong katawan ko.Reyah? Anong ginagawa niya dito?Hindi pa ako nakakasagot ay bumukas na ang pinto. Pumasok si Mama na may dalang malaking ngiti, at sa tabi niya ay si Reyah. Nakasuot ito ng mamahaling damit, nakahawak nang mahigpit sa braso ni Mama, Agad akong tumayo para bumati. "Mom, bakit po kayo naparito?" tanong ko habang hinalikan ang pisngi niya."Bumisita lang kami. At may importante tayong pag-uusapan," sagot ni Mom sabay upo sa sofa. Umupo rin si Reyah at hindi inalis ang matalim na tingin sa akin.Nakatayo pa rin sa gilid ko si Yallah. Hawak niya ang tray at nakayuko, halatang hindi alam kung aalis ba siya o mananatili. Ramdam ko ang kaba niya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na "Okay lang yan, dito ka lang" pero hindi ko magawa. Nandito si Mom at hindi pa pwede. Hindi pa pwede

  • THE CEO ONE NIGHT STAND    CHAPTER 13

    YALLAH CRUZ POVAbala ako sa pagdedesenyo nang biglang tumunog ang intercom."Ms. Cruz, please come to my office now," malamig at seryosong boses ni President Noah.Nanigas ako. Bakit nanaman niya ako pinatawag? Alam niya kaya na late ako? Naku, patay!Napalingon ako sa mga katrabaho ko na nakatingin na rin sa akin. Hindi pa ako nakakagalaw nang tumunog ulit ito."And make me a cup of coffee. Black. Strong," dagdag na utos niya."Bakit siya ang inuutusan? Hindi ba't secretaries lang ang gumagawa noon?" bulong ng isa."Oo nga, parang ang special naman," sagot naman ng isa pa.Hindi ko na lang sila pinansin. Tumayo ako at dumiretso sa kusina.Habang nagtitimpla ako ng kape, may biglang lumapit na babae. Naka-cross arms ito at masama ang tingin."Masyado ka yatang malapit kay Boss. Hindi mo ba alam na may fiance na siya?" sabi nito.Natigilan ako. Huminto ang kamay ko sa paghalo.May fiance na siya? Si Noah?"Bakit ka tulala? Nagulat ka ba?" tinarayan niya ako. "Sinasabi ko lang 'to para

  • THE CEO ONE NIGHT STAND    CHAPTER 12

    YALLAH CRUZ POVNagising ako nang dahil sa matinding sikat ng araw na tumatama sa aking mga mata. Dahan-dahan kong iminulat ang paningin at umupo sa kama.Agad kong tiningnan ang orasan sa mesa.7:00 AM.Nanlaki ang mga mata ko at napabalikwas ako ng bangon!"Naku! Late na ako!"Wala na akong oras para damhin pa ang antok. Agad akong tumakbo papasok ng CR at binuksan ang gripo.Pinadali ko ang pagligo. Mabilis lang akong nagsabon at nagbanlaw. Kailangan kong maging presko at mabilis para makapasok agad. ------------Natapos nanga akong maligo, kinuha ko agad ang tuwalya na nakasabit sa pinto ng CR at binalot iyon nang maayos sa aking katawan. Dahan-dahan akong lumabas at dumiretso agad sa aking aparador.Wala nang oras para mamili pa nang matagal. Mabilis kong hinawi ang mga damit at agad na napako ang tingin ko sa isang blue blouse at black skirt. Perfect 'yan para sa office—simple pero presentable.Mabilis ko itong isinuot at inayos ang bawat butones at gilid. Sinigurado kong maay

  • THE CEO ONE NIGHT STAND    CHAPTER 11

    YALLAH CRUZ POV Huminto ang taxi sa tapat ng pamilyar naming gate. Pagkabayad ko ay agad akong bumaba, bitbit ang mabigat na bag at ang mas mabigat pang nararamdaman sa loob ng dibdib ko. Pagpasok ko sa loob ng bahay, sinalubong ako ng amoy ng bagong luto na kanin at ang mahinang tunog ng telebisyon. Nakita ko sina Mama at Papa na magkatabing nakaupo sa sofa, payapang nanonood. Parang biglang huminto ang oras. Sa labas, ang gulo-gulo ng mundo ko--andiyan si Clark na nanggugulo, at si Noah na nagpapagulo sa puso ko--pero dito sa loob, tahimik lang. Nilapitan ko sila para mag-mano. "Ma, Pa..." tawag ko sa kanila para makuha ang atensyon nila. "Oh, anak! Nandiyan ka na pala," masayang sabi ni Mama habang inaayos ang suot niyang salamin. Napansin ko ang pag-aalala sa mga mata niya nang makita ang itsura ko. "Hingal na hingal ka yata? Gabing-gabi na ah." "Opo, Ma. Medyo marami lang pong inasikaso sa trabaho," pagsisinungaling ko. Ayokong malaman nila na hinarang ako ng ex ko sa labas

  • THE CEO ONE NIGHT STAND    CHAPTER 10

    YALLAH CRUZ POVDahan-dahan kong inayos ang lahat ng gamit sa ibabaw ng desk ko. Tinupi ko nang maayos ang mga papel na may mga designs at dahan-dahang inilagay iyon sa loob ng bag ko.Tapos na ang trabaho ko sa araw na ito.Napatingin ako sa maliit na orasan na nakalagay sa gilid ng mesa.5:35 PM.Oras na para umuwi.Bumuntong-hininga ako at tumayo. Kinuha ko ang bag ko at isinabit ito sa balikat ko. Bago ako umalis, sinigurado ko munang maayos ang upuan at wala nang kalat. Sanay ako na malinis ang desk ko.Lumabas ako ng department area at naglakad papunta sa elevator.---------pagpasok ko nang elevator,Habang naghihintay, hindi ko maiwasan na matulala nang bigla siyang pumasok sa isip ko, si Noah. Yung paraan ng paghawak niya sa akin kanina, yung lambing ng boses niya... nakakapanibago pero...Bakit ko siya iniisip ano bang nangyayari sakin"-tanong ko sa sarili ko habang sinasampal-sampal ang mukha ko Pero agad ding nawala ang pag iisip ko nang bumukas ang elevator, kaya lumabas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status