Share

Chapter 5: 'CUNNING IS THE MUST'

It hard to believe for Hivo that an entertainer named Belle Elfero is a virgin. She has been working for six years according to her.

Her age is twenty-one, exactly as stated in her permit but it does not state how many years she has been working to the bar.

Sa edad na bente-uno and exactly anim na taon itong nagtatrabaho roon, ibig sabihin nagsimula ito sa edad na disi-sais.

Alam niya na sa loob ng dalawang taon na pagsisimula nito may mga nagaganap na raid. Nakakapagtaka na hindi siya nag-leak.

Malalaman rin kasi ng health center na ang babaeng iyon ay minor at hindi rin maaring nagtrabaho ito sa loob ng dalawang taon na walang permit.

Bukod sa positibong rason na magaling siyang magtago sa mga panahong iyon, maaring may malaking tao ang nasa likod nito kung bakit tuloy ang pagtratrabaho nito sa edad na 16 at 17.

Huminga lamang siya nang malalim at ipinarada ang sasakyan sa tapat ng Elle Light bar. Hindi ito katulad sa bar na pinagtatrabahuhan ng entertainer. Tamang inom, usap, at may pool rin para sa ibang gustong magwalwal habang naliligo.

Lumabas siya ng sasakyan, at ni-lock ito gamit ang remote matapos isara. Agad siyang tumalikod sa Lamborghini Sian niyang itim habang pinapasok sa bulsa ang kaniyang susi.

Agad siyang pumasok sa Elle Light, at awtomatikong sinipat ng kaniyang mga mata ang kabuuan nito. Unang bumungad sa kaniya ang mga nagsasayawang nagwawalwal. May mga staff na bumabati sa kaniya ngunit nasa sistema na niya ang dedmahin ang mga ito.

Umakyat lamang siya itaas, deretso hanggang rooftop kung saan naroon ngayon si Zayn and Levon, ang kaniyang mga kaibigan simula pa noong mga bata sila.

"Hivo!" Nangibabaw agad ang tawa ni Levon at sinalubong siya nito ng tapik sa balikat. "Late ka yata, saan ka ba sumabit?"

Lumapit rin sa kaniya si Zayn dala ang isang baso ng alak. "Masyado ka nang masipag kapag sinabi mong may appointment ka pa sa ganitong oras ng gabi."

Tinapunan niya ng tingin ang round maple high table sa kanan malapit sa balustrade kung saan naroon nakapatong ang brand ng alak na iniinom ng mga ito kasama ng ibang baso at mga food pairings.

Ballantine's iyon, isa sa mga alak na patok sa kaniyang panlasa. Kinuha niya ang baso mula sa kamay ni Zayn at inikot-ikot ang laman nito. Tumingin siya rito at sandaling pinagmasdan ang puno na kuryusidad nitong mukha.

Umismid siya at nilagok ang alak, dinamdam ang init na hatid nito sa kaniyang lalamunan kasabay nang malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa balat niya.

Pagkatapos niyang uminom, kumurba ang tipid ngunit galak na ngiti sa kaniyang mga labi. "May nahanap na ako." Humakbang siya patungo sa lamesa.

Awtomatiko namang nagtanong si Levon. "May nakahanap ka na?"

"Babaeng papakasalan," deretsong sagot niya kasabay nang pagkuha niya ng tinidor na binalot pa ng tissue.

Pinunasan niya ito habang binabaliwala ang kilos ni Zayn na umupo sa high chair sa kaliwa niya banda at nakaharap rin sa lamesa nila.

"Oh...sino naman ang malas slight swerte na babaeng iyan?" tanong ni Levon na umupo rin sa isa pang high chair.

Sinamaan niya ito ng tingin dahil sa salitang 'malas slight swerte' nito. Kumibit balikat naman ito at agad na nagpaliwanag. "Kung baga malas kapag ang babaeng ito, galing sa mayamang pamilya, swerte kung mahirap."

Naintindihan niya ang point nito. Itinabi niya ang tissue at nagsimulang tumusok ng prawns na tila ginawang tempura. "She's not come from a high-influence family, but I think she'll consider it as malas. Umayaw eh."

Zayn scoffed, habang tumatagay. "Yabang mong magsabi na may nahanap ka na. Rejected ka naman pala."

Nanahimik siya sandali, dama ang pagkadismaya dahil sa rejection. Alam niyang pinagmamasdan siya ng mga kaibigan niya.

Siya naman ay nag-isip, gusto niya paring kunin ang babae sa kabila ng pagtanggi nito, pero hindi niya alam kung paano ipaliwanag sa mga kaibigan niya ang lahat tungkol dito.

"Saan mo ba nakilala ang babaeng ito?" Pumitas ng ubas si Levon matapos magtanong at deretong binato ito sa bunganga.

Nakapatong ang braso nito sa bilog na lamesa, ngumunguya na tumingin sa kaniya. Wala siyang balak maglihim sa mga ito, alam niya na maintindihan pa rin siya, kahit sabihin pa niyang isang bayaran ang babaeng tinutukoy niya.

"She's an entertainer," agad niyang sagot na naging dahilan nang paghinto sa pag-inom ni Zayn na tumingin sa kaniya. Nasa bibig na kasi nito ang baso, kunot na kunot pa ang noo.

Para namang naistatwa si Levon na tumitig sa kaniya at kalaunan nagsalita rin. "Seryoso ka? Entertainer?" Tumango siya. "Entertainer tapos mukha kang basted diyan." Tumawa ito. "Anong nangyari sa'yo?"

Gumatong pa si Zayn. "Entertainer? Pero tinanggihan ka? At bakit entertainer? Dumi niyan uy!" Sinamaan siya nito ng tingin, binaliwala naman niya iyon.

Inabot niya ang bote ng Ballantine's, nagsasalita habang tinatagayan ang kaniyang baso. "Ganito kasi iyon." Sandali niyang nilapag ang bote matapos mangalahati ang baso niya. Hinila niya ang high chair sa kaniyang kanan at inupuan ito, ginaya niya ang position ni Levon.

"Nag-volunteer ako sa health center kanina. Nagkaroon kasi ng emergency si Doc Nyx pero sandali lang iyon, rush time na kasi at tatlong babae lang din naman ang na-smear ko." He smacked his lips. "And that entertainer is one of them."

"So..." Levon head poked to the side.

"So..." He smirked. "I found out that entertainer is still pure."

Tiningnan niya ang reaction ni Levon, naningkit ang mga mata nito tila binabasa kung tama ba ang sinabi niya.

Tiningnan niya rin ang reaction ni Zayn, at napakurap naman ito na para bang hindi nag-absorb sa isipan nito ang mga sinabi niya. "A-Ano...anong pure? Virgin? Ang entertainer?"

Tumango siya proudly. "Yeah."

"Entertainer pero virgin?" tanong rin ni Levon.

Inulit niya bilang pagkumpirma. "Entertainer pero virgin at anim na taon siya sa trabahong iyon."

Tumawa si Levon. "What the fuck?! Paano nangyari iyon? Ano iyon magic? Paano siya nagkakapera kung sarado siya? Six years na nagtrabaho?" He shook his head. "Oh, com'on!" Napakatok pa ito sa lamesa na halatang hirap maniwala.

Sumandal naman siya sa sandalan ng upuan at nag-cross ng mga braso. Nagkatinginan naman ang dalawa niyang kaibigan.

"Sabihin na lang natin na ito ang halimbawa ng kasabihang don't judge the book by its cover," aniya, tumaas ang sulok ng labi habang inaalala ang kagandahan ng babae. "Noong nakita ko siyang sumasayaw, hindi ako makapaniwala na hindi pa siya gamit kahit nakita ko na ang proweba. Siguro magaling lang talaga siya magpaingay sa entablado. Masyado siyang mainit sa mata."

"Tuso..." Pagtumbok ni Zayn na may kasamang pag-ismid.

Tumango siya bilang pagsang-ayon. "Mismo."

Napailing na lang si Levon. "Kakaiba...maganda ba ito?"

"Tinatanong pa ba iyan?" ismid ni Zayn kumuha ng tinidor at tumusok ng prawns. "Sigurado naman akong hindi siya mag-aaksaya ng oras sa babaeng iyon kung hindi." Tumingin ito sa kaniya. "Right, man?"

Umiwas na lang siya ng tingin bilang tugon at uminom ng alak.

"Teka...so noong nakita mo ang babaeng ito sa health center," Levon asked sounds like investigating the crime. "Nalaman mong untouched siya, nasa intensyon mo talaga ang puntahan siya doon sa pinagtatrabahuhan niya? Saan ba ito?"

"Angel's house," tipid niyang sagot.

"Oh...sikat iyon ah. At talagang pumunta ka roon?" Tumawa ito, at nagpayugyog ng tuhod. "Curious ako kung magkano ang ginastos mo." Nagpatabingi ito ng ulo habang nakatingin sa kaniya. Ngiting-ngiti na parang iwan. Halatang nang-aasar. "So na-table mo siya? Inalok mo...sabi mo kasi kanina Rejected ka."

Umismid siya. "Pero hindi ibig sabihin no'n susuko ako."

"Wow! Seryoso? Sounds like you're in love. Lol!" Tumawa si Zayn sumabay si Levon.

Nangatwiran naman siya. "Ibang usapan kasi ito. You know my reasons, correct?" Huminga siya nang malalim. "So hindi ako susuko. Kung kinakailangan ligawan ko siya, gagawin ko," aniya.

"Entertainer iyan, Hivo." Mukhang tutol si Levon. Simamaan pa siya nito ng tingin. "Mautak 'yon, kapag pinakasalan mo 'yon, iiputan ka no'n sa ulo. Baka magulat ka na lang mas malala pa pala 'yon sa ninong mo."

"Levon..." Nagpatunog siya ng kaniyang dila lalo na't napansin niyang tila sumasang-ayon si Zayn rito. "Mukhang hindi niyo naman ako kilala. Para saan pa naging kaibigan ko kayo, since childhood, di ba? Kung tuso siya mas tuso ako, at talagang tuso ang kailangan ko. Gusto ko siya, kukunin ko siya, kahit bayaran ko siya ng mahal wala akong pakialam basta maprotektahan ko lang ang mga pag-aari ng lolo ko."

"Baka nga kamo mas mapapahamak ang kompaniya mo dahil sa entertainer na—"

Pinutol niya ang pagsasalita ni Zayn. "Entertainer or not may posibilidad na gaguhin ako. Huwag niyo masyadong maliitin ang entertainer. Intindihin niyo kasi ang point ko." Napasuntok siya sa lamesa dahil sa hindi na niya naiwasang mainis.

Napansin ito ng mga kaibigan niya na nagdulot sa kanila na mag-dahan-dahan. Huminga nang malalim si Levon.

"Relax. Hindi ka namin pinipigilan dito," anito and mentioned him with his finger. "Masyadong mabilis kasi ang desisyon mo, dude. Kakakilala mo lang sa babae, halos wala pa ngang bente-kwarto oras." Nagpatunog ito ng dila.

Sinamaan niya ito ng tingin. Nagtaas ng hintuturo si Zayn. "Ako concern lang, pero hindi kita pipigilan kung gusto mo talaga. Desisyon mo iyan, nagpapaalala lang kami."

Hivo huffed at huminga nang malalim. "Yeah..." He nodded. She is an entertainer in 6 years, but still a virgin. That means she's cunning." Bumuka ang bibig ni Levon para magsalita pero dinuro niya ang nguso nito hudyat na manahimik muna at nagpatuloy siya.

"Ibig sabihin wala siyang sabit. Wala akong dapat alalahanin sa mattres niya. Malabong magkaroon ng hadlang sa loob nito, habang nagtatrabaho siya sa akin. If she kept herself safe for six years in that sinful place, she will surely keep herself more when she is in my power. At walang sasabotahe sa amin."

Sandaling nanahimik ang mga ito, iniisip ang mga sinasabi niya. Tumingin pa si Levon kay Zayn, bahagya namang tumango si Zayn na tila sumasang-ayon na at tumingin na ito sa kaniya. "Pero hindi siya ligtas sa ninong mo," tanong ni Zayn.

Tumawa siya, tumingala sa kalangitan. "That's the reason why I really need her. In the six years she's been working there, she's learned how to trick people. Why do you think she's still a virgin?"

Pinatabingi niya ang kaniyang ulo kasabay ng pagtaas ng sulok ng labi niya habang proud na nakangiti. "Malalaking tao na ang mga kaharap no'n, baka nga ang ilan sa mga ito ay mga sindikato. She's attractive, sexy and unclaimed, it's impossible that no high-powered business people chase her down to offer millions just to have her, correct?"

"Parang gusto kong makita ang babaeng ito," Levon murmurs at nagpaigting ng panga. "Magkano ba ang inalok mo?" Tanong nito.

Sumagot siya. "The highest I offered was ten million but she still refused."

"Pucha ten million, then she refused?" gulat na tanong ni Zayn napatukod ang siko sa lamesa na hindi sadya. Tumingin pa kay Levon.

Tumango siya at sinabing, "Magpapakasal lang daw siya sa lalaking mahal niya. Malinaw, true love ang hanap."

"Oh..." Laughter bubbled up in Zayn throat. "True love? Uso pa ba iyon? Iyong ibang babae nga willing bumukaka sa mga mayayaman, ginagawa pa nga nila ang lahat para maging reyna ng lalaking puno ng pera ang bulsa, tapos siya..." Nailing-iling nalang ito ng ulo at napatunog ng dila.

"Sa madaling salita mga babaeng katulad ni Samantha Hulterar," singit ni Levon at ang fiancee niya ang tinutukoy nito. Agad naman siyang tumingin kay Zayn na mabilis pa sa alas-kwatrong umiwas rin ng tingin. Biglang nailang.

"Kung sabagay." Pumalo nang mahina sa lamesa si Levon. Umayos ito ng upo at sinabing, "Medyo lamang nga ang entertainer na iyon sa fiancee mo kung katawan lang ang pag-uusapan." Tumingin ito kay Zayn. "Correct?"

Knowing that Zayn is Samantha's ex-boyfriend. Zayn just chortle at uminom ng alak. Tumango nang bahagya. "Hmm. Medyo ganoon na nga."

"Deny ka pa, aminin mo na kasi!" Marahang sinipa ni Levon ang paanan ng high chair nito. "Walang kaso kay Hivo iyon, hindi naman niya kursunada ang ex mo kung tutuusin." Pinitik ni Levon ang braso niya. "Correct?"

Siya rin ang rason kung bakit iniwan ni Samantha si Zayn. Mas mataas ang estado niya sa buhay kompara kay Zayn kaya hindi na nakakapagtaka kung mas hinangad siya ni Samantha—ang kaisa-isahang tagapagmana ng Hulterar industry.

Si Zayn kasi, professional lang. Isang doctor kagaya niya at nagtatrabaho sa hospital na pagmamay-ari niya. Nakapagtapos ng pag-aaral sa tulong rin ng lolo niya, at ang nanay nito ay ang dating yaya ng kaniyang ina na matagal na ring pumanaw.

Si Levon naman, isang engineer, at katulad niya isa ring CEO ng Malvidar real estate group at mas focus ito sa negosyo kaysa sa pagiging structural.

"So anong balak mo ngayon?" pagbasag ni Levon sa sandaling katahimikan at siya ang kausap. "Nag-refuse na iyang entertainer mo, ipu-push mo pa rin?" tanong nito. Tumikhim lang si Zayn at kumain ng ubas.

"I have no choice but to find another way to get her. Do you think the 'ligaw' option is a good idea?" Huminga siya nang malalim kasama ang pagtaas ng kilay. Dismayado pero disidido.

Tumingin siya kay Zayn, nasamid ito sa alak na kasalukuyang nilalagok. Napahimas ito sa lalamunan at nauubo habang nagsasalita. "Awkward. Not sure kung bagay sayo."

Ngumisi naman si Levon at tinuro ng bahagya si Zayn. "I'm second to that," saad nito.

Nagmura na lang siya, totoo naman kasi na wala siyang alam sa panliligaw at first time niyang gawin ito kung sakaling itutuloy niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status