แชร์

Chapter 6: 'HER TOXIC LIFE'

ผู้เขียน: Heel Kisser
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2023-06-30 20:06:35

Napasinghap si Belle, kasabay nang pagmulat ng kaniyang mga mata na para bang bigla siyang umahon mula sa kailaliman ng dagat.

Nangibabaw ang malakas na tunog ng kaniyang phone na nakapatong sa ibabaw ng maliit na drawer, katabi ng kaniyang kama.

Kinapa niya ito at bago niya ito bigyan ng pansin, kinusot muna niya ang kaniyang mga mata.

Hindi pa siya kuntento sa isang kusot lang kaya tinuloy-tuloy na lang niya hanggang sa nagpasya na lang siyang sagutin ito na hindi tinitingnan kung sino ang tumawag.

"Hello..." tamad niyang tugon.

Narinig niya hikbi ng kaniyang kapatid na dalagita sa kabilang linya. "Ate si Mama..."

Tila biglang lumipad palayo ang antok niya at napakuyom ng kamao. "Ano na naman nangyari?"

Katulad ng kaniyang inaasahan, masamang balita na naman ang natanggap niya mula rito.

Wala pa siyang kain dahil bagong gising lamang siya, ngunit nagpasya agad siyang maligo at nagbihis nang mabilisan.

Dumaan muna siya sa eskwelahan ng kapatid niyang si Bella para magbayad ng tuition fee para sa exam nito.

Muntik nang hindi makakuha ng exam ang kapatid niya lalo na't late na naman siyang nagising, mabuti na lang at naihabol niya ito.

"Thank you, ate..." Bakas sa boses ng kapatid niya kagustuhang umiyak. Aalis na sana siya pero hinabol siya nito para lang magpasalamat.

Nakaharap na siya sa gate para sana lumabas pero huminto siya at hinarap ito. Mugto ang mga mata nito sa kakaiyak na halatang nahihiya rin sa kaniya.

"Bella..." Huminga na lang siya nang malalim dulot ng awa. "Huwag mo na siyang isipin. Bumalik ka na sa classroom mo, at mag-take ka na ng exam, baka maubusan ka ng oras."

Yumuko ito at humagulhol ng iyak. "S-Sorry ate...sorry talaga. Dapat hindi mo na ito ginagawa—"

Inagaw niya ang pagsasalita nito. "Bella, ate mo ako." She huffed. "Responsibilidad ko ang pag-aaral mo. Inako ko iyan eh. Kung hindi ako pumunta dito para bayaran ang tuition mo, kasalanan ko. Hindi pwedeng hahayaan kitang hindi makakuha ng exam. Malaking galos kapag nagpabaya ako ngayon."

Yumuko ito, umiiyak pa rin ngunit hindi ito pwedeng magtagal na ganoon kaya sumenyas na lang siya gamit ang ulo. "Sige na, bumalik ka na doon, aalis na ako."

Malamig ang asta niya dulot ng galit. Tumalikod na lang siya at deretsong lumabas ng gate. Binati siya ng gwardya pero wala siyang pakialam.

Papunta sa lugar kung saan nakatira ang ina niya at step father niya, nag-jeep na lamang siya. Pagbaba niya sa may iskinita, naglakad lang siya patungo sa bahay ng mga ito.

Maraming mga basagulerong sumasalubong sa kaniya ngunit simpleng tingin lamang ang ibigay niya sa mga ito, umiiwas na agad at maririnig na lang niya ang mga bulong-bulong ng mga ito na, "Sungit talaga."

Pagdating sa tirahan nito, nakita niya sarado ang bahay. Alam niyang nasa trabaho ang asawa ng ina niya bilang construction worker, at iyon ay ang ama ni Bella.

Napakuyom ang kamao niya habang nakatitig sa saradong pintuan. Kapag kasi sarado ito, alam na niya kung nasaan ang kaniyang ina.

"Mukhang may kasalanan na naman ang ina mo, Belle ah. Nandito ka eh."

Bumuntong-hininga siya upang maibsan ang inis, at hindi binigyan ng pansin ang babaeng kumausap sa kaniya.

Alam niyang toxic ang pamilyang meron siya pero hindi niya hinahayaang pati sa kaniya ipapamukha ito.

Umalis na lang ang ali nang maramdaman ang nambabanta niyang aura. Malinaw na takot ito sa kaniya. Humakbang na lang siya paatras at umalis.

Nakita niya ang mga nakaparadang tricycle sa kanto. Kinawayan niya ang driver na nasa unahan at agad naman itong kumilos upang dalhin ang tricycle sa harap niya.

"Dalhin mo ako sa Eagles-Bet." Agad siyang pumasok, walang modong umupo.

"Susugurin mo na naman ang nanay mo." Binaliwala niya ang sinabi nito at nagpasya na lang itong magmaneho.

Kapag galit siya lalo na kung nanay niya ang dahilan, walang pwedeng kakausap sa kaniya. Walang may nangangahas magbiro sa kaniya sa lugar na ito dahil ang tingin ng mga tao sa kaniya ay bulaklak ni Vilkas. Kilalang makapangyarihan, at delikado.

Iyon rin ang may-ari ng Eagles-Bet and Angel's house. Isang delikadong tao at makapangyarihan.

Wala pang sampong minuto nakarating na siya sa malaking building na may pangalan na Eagles-Bet, ito ay isang pasugalan; iba't ibang sugal, majong, baraha, dice, bilyaran at marami pang klase.

Bumaba lamang siya at binayaran ang tricycle driver. Bago pa siya pumasok tinawag siya nito dahilan para lumingon siya. "Ingat ka sa nanay mo ha, kahit mas matapang ka sa kaniya sa rambulan hindi mo pa rin kabisado ang utak niyan."

Hinarap niya ito and she huffed. "Hindi ako takot sa kaniya manong. Baka siya ang mag-ingat sa akin."

Tumalikod na lang siya at pumasok sa loob ng Eagles-Bet, malawak na hallway ang bumungad sa kaniya na parang walang pinagkaiba sa hotel ang entrance.

Kung ibang tao, kailangan may permission card silang hawak dito. Ngunit dahil siya si Belle, ang alas ni Vilkas na may-ari ng pasugalan na ito, kahit maglabas masok siya, welcome siya rito ano mang oras.

"Nasaan si Bernadette?" matapang niyang tanong sa bouncer. Ang nanay niya ang tinutukoy niya.

Huminga ito nang malalim suot ng tensyon at ginulo ang sariling kulot na buhok nito. "Nakaupo na kasi—"

Hindi na nito natuloy ang sasabihin ng magtanong siya ulit. "Nasaan nga?"

Pinatabingi nito ang ulo bilang senyas na sumunod na lang siya. Pagpasok nila sa mismong pasugalan kung saan ang mga larong pusoy ang una niyang nasilayan gumala ang paningin niya sa buong paligid.

Nakita niya ang nanay niya, nakaupo na nga sa gitnang bahagi at kasalukuyang naglalaro. Malalaki ang mga hakbang niyang lumapit sa talbe na kinabibilangan nito at mabilis na dinampot ang libo-libong pera na nakapatong sa harapan nito bilang taya.

"Mukhang nanalo ka na." Sumunod ang paningin nito sa pera na nasa kamay niya. Napatingin rin lahat ng kalaban nito sa kaniya.

Mabilis itong tumayo at pinanlakihan siya ng mga mata, "Pera ko iyan."

Balak nitong hablutin ang pera sa kamay niya pero mabilis siyang umiwas. "Pera ko ito, pang tuition ni Bella. Kinuha mo lang." Nag-tagis ang kaniyang mga ngipin.

Kinalabit siya ng bouncer sa siko. "Ahm, Berhin..."

Hinablot niya ang braso niya mula sa paghawak nito, marahan naman ang paraan nito pero naiirita siya. Tumahol naman ang nanay niya sa kaniya. "Anong pinagsasabi mo?! Pera ko iyan! Napanalunan ko iyan ngayon-ngayon lang huwag mong angkinin! Akin na!"

Iniwas pa rin niya ang kamay niya sa kabila ng paghawak ng bouncer sa kaniyang magkabilaang braso, gano'n na rin ang dalawang bouncer na nanay niya. Lumapit na nga ang mga ito para umawat. "Sa'yo?! Ito?" Tinaasan niya ito ng kilay.

Nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa kamay niyang nakukuyumos ang pera. "Oo akin iyan!" Tumaas lalo ang boses nito.

"Sinungaling! Muntik nang hindi makakuha ng exam si Bella, dahil ninakaw mo ang pambayad sa tuition fee niya!" Dinuro niya ito, pero tinatabig nito ang daliri niya. Hindi lang siya nagpatinag. "Akala mo hindi ko alam?! Wala ka na ngang dulot na ina, magnanakaw ka pa!"

Tumabingi ang ulo niya nang lumipad sa mukha niya ang palad nito. Napahawak siya sa kaniyang kanang pisngi at dahan-dahang napatingin dito.

Hindi siya makakilos agad dahil sa hinawakan siya ng mga staff at ganoon din ang ginagawa ng iba sa nanay niya.

"Huwag na huwag mong masabi-sabi sa akin iyan! Anak lang kita!" Dinuro nito ang sarili. "Ako pa rin ang nanay mo! At oo, kinuha ko ang pera ni Bella, eh ano naman ngayon? Dumami naman ah. Dapat magpasalamat ka!"

"Ang kapal—" Susugod sana siya pero pinipigilan siya ng mga staff na naging dahilan ng pagbara niya sa mga ito. "Bitawan niyo nga ako!" Hinila niya ang braso niya at sumigaw nang mas malakas, hindi sa nanay niya kundi sa mga staff. "Bitaw sabi!"

Binitawan nga siya ng mga ito, nakaabang naman ang mga kamay sakaling susugod siya. "Alam mo ba ang sinasabi mo, Bernadette?! Si Bella?! May pangarap iyon! Ikaw wala! At kung wala kang pangarap, huwag mo siyang idamay!"

"Oo na walang pangarap kung wala. Ano naman tapos? Ang mahalaga nadagdagan na ang pera! Ano pa ba ang problema mo ha? Pinaparami ko nga nagrereklamo ka pa? At tsaka..." Tinabig nito ang mga staff at lumapit sa kaniya. "Bakit si Bella lang ba ang pamilya mo? Nanay mo ako, obligasyon mo rin akong bigyan—"

"Wala akong utang sa'yo, Bernadette! Nanaginip ka na naman, diyan! At ano kamo? Nanay kita?" Tumawa siya ng pagak. "Hindi ko ramdam, hoy! Ang alam ko lang bugaw kita! Binenta mo ako, di ba? Kaya nga si Boss Vilkas ang nagmamay-ari sa akin ngayon kasi bibili niya ako sa'yo! At ang halaga ko? Matagal nang ubos iyon, Bernadette!"

Tumaas ang sulok ng labi niya at inasar ito. "Tinalo mo lahat sugal! Kaya wala akong karapatan na sustentuhan ka! Dahil nong binenta mo ako, burado ka na bilang magulang ko. Wala ka nang karapatan sa akin!"

Masyadong makulit ang staff kaya napilitan siyang itulak ito at hinarap ulit ang nanay niya.

Tinaas niya ang pera malapit sa mukha nito. "Ito? Akin ito, wala kang karapatan dito. Kaya mo lang naman ito hawak, kasi ninakaw mo. Ninakaw mo kay Bella!"

Sinipa niya ang upuan, at tumalikod sa mga ito. Sobrang nang-iinit ang mukha niya sa galit. Gusto niyang umiyak pero pinigilan niya ang sarili niya. Ayaw niyang makita ng ibang tao na umiiyak siya dahil lang sa ina.

"Ang kapal ng mukha mo, Birhen! Ibalik mo ang pera ko!" Alam niyang sumusugod ito pero tumakbo siya para makatakas.

Wala siyang pakialam kung dehado ito sa paglalaro, ang mahalaga hindi niya ito kinukunsinti.

Sobrang sama ng loob niya sa isiping wala siyang magulang. Mayroon siyang ina pero hindi anak ang turing sa kaniya. Masyadong masakit.

Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya niyang magpigil ng emotion. Nakaalis na nga siya sa lugar na iyon, nakuha na niya ang pera niya, dala naman niya ang matinding sama ng loob.

Nakarating siya sa park at habang naglalakad siya sa kalsada, tumutulo ang mga luha niya. Lalo na kapag nakakita siya ng mga dalagitang kasama ang kanilang mga ina o ama hindi niya maiwasang mainggit.

Mainit ang panahon, ngunit dahil maraming puno sa park, nagpasya siyang maglakad-lakad muna para man lang makahinga.

Nakakita siya ng bench malapit lamang sa kalsada, bale nasa pagitan ito ng dalawang park. Dahil sa tawid nito ay malawak rin na bermuda grass at may mga bench rin na naroon.

Nagpunas siya ng luha at umupo. Nagsimula na namang umiyak. Pero para sa kaniya, ayos lang umiyak, parte ng buhay at hindi ibig sabihin noon ay talunan siya.

Ngunit habang nasa kasalukuyan siya sa pag-comfort sa kaniyang sarili may biglang lumapit na babae sa kaniya at may nakasunod ring isa pang babae sa likuran nito.

"Besh! Sandali lang, ano ba ang gagawin mo?"

Sinundan ito ng boses ng babaeng nasa una. "Hoy! Malandi ka!" Ang mas nakakagulat dahil siya ang tinuturo. Napahawak siya sa kaniyang dibdib sa mapagtanong na paraan. "Oo, ikaw ang kapal ng mukha mong mang-agaw ng asawa!"

Walang anu-ano'y, hinila nito ang buhok niya at kinaladkad pababa papunta sa may kalsada.

Napatili siya sa sakit sa kaniyang anit at walang nagawa kundi ang sumunod ng lakad habang hawak-hawak niya ang kamay nito sa buhok niya.

"Ang kapal ng mukha mong manira ng pamilya! Ang dapat sa'yo, nginungod-ngod sa dumi!" Pilit siya nitong pinapayuko na para bang balak nitong i-hagod ang mukha niya sa semento.

Todo pigil naman ang kasama nitong babae. At dahil kumulo na naman ang dugo niya lalo na't hindi niya alam kung sino ang asawa nito, kung talagang guest ba niya ang asawa nito. Gamit nang mahaba niyang kuko, kinalmot niya ang braso ng babae.

Nabitawan siya nito habang nagsisigaw sa hapdi at mabilis siyang tumayo at inayos ang sarili. "Ako talaga kinanti mo? Kung ganon alinganga ka!" Mabilis siyang lumapit at hinawakan ang blonde na buhok nito.

Agad namang umawat ang kasama nito. "Hoy! Bitawan mo ang bestfriend ko! Ano ba?"

Tinulak niya ito. "Neknek mo! Pagkatapos niyang hila-hilain ang buhok ko, bibitawan ko siya? Pwes nagkamali kayo ng kinanti at pinagbintangan. Hindi ako kabet ng kahit sino dahil wala akong boyfriend!"

Lalaban pa sana ang babaeng hawak niya sa buhok pero hinila niya ang buhok nito paibaba.

Tumingala ito, luckily mas matangkad siya. "Ang kapal ng mukha mo!" sigaw nito at pilit na inaabot ang buhok niya. "Jess, tulungan mo nga ako, ang sakit ng anit ko, pesteng malandi 'to!"

"Oo tulungan mo siya! Makakatikim ka rin sa akin. Hindi mo naman pala ako kaya eh, ang tapang mong manugod!" singhal niya.

Diniin niya ito hanggang sa mapaluhod. Sumusugod ang kasama nito pero sipa niya ang nasasalubong nito.

"Ano ba, binatawan mo nga siya!" Bumangon ulit ang kaibigan nito at sumugod. Malas lang niya dahil hindi tumama ang sipa niya rito at nahawakan ang buhok niya. "Nakita mo na pinipigilan ko nga siyang huwag kang saktan, di ba? Tapos ikaw rin itong ayaw magpaawat? Eh kung gulo edi gulo!"

Pagkahila nito sa buhok niya, nagpumilit na lumaban rin ang babaeng blonde na buhok, ngayon siya na ang pinagtulungan ng mga ito.

Pinipilit siyang payukuin hanggang sa napadapa na siya sa kalsada at ninudnod na nila ang mukha niya sa semento.

Hindi pwedeng magasgasan ang mukha niya kaya pinipilit niyang lumaban, luckily may humintong sasakyan, lumagpas lang sa kanila ng kaunti. Sa pagbukas nito, nangibabaw ang boses ng lalaki. "What the fuck! Let her go!"

Binitawan siya ng mga babae, tila natakot pa. Mabilis rin siyang bumangon at tumayo.

May humawak na mapagprotektang kamay sa kaniyang braso, ngunit imbis na tingnan niya kong sino ito na may mabangong amoy, sinugod niya ulit ang babae, agad na dinakma ang buhok. "Akala mo siguro uurungan kita! Pwes hindi! Kakalbuhin kitang letche ka!"

"Hey stop!" Hinawakan ng lalaki ang kamay niya. "Jessa act!"

Niyapos siya nito sa tiyan at saka naman tumulong ang babaeng kasama nanabunot sa kaniya upang alisin ang kamay niya sa buhok nito.

Nang makabitaw siya binuhat siya ng lalaki papunta sa sasakyan habang siya naman ay nagpupumiglas. Parang naistatwa na lang ang babaeng blonde ang buhok na nakatingin sa kanila.

"S-Sir, Hivo..." nauutal na sabi nito, namutla na parang nakakita ng multo.

Dahil sa pangalan na sinambit nito dahan-dahan siyang tumingin sa lalaki na kasalukuyang masama ang paningin sa dalawang babae.

Nanlaki na lamang ang mga mata niya ng makilala ito. Walang iba kundi ang doctor na CEO, si Hivo Soulvero.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (3)
goodnovel comment avatar
Excelgc GC
paunlock nmn Po please
goodnovel comment avatar
jimmy navida
paunlock po
goodnovel comment avatar
Ancheta Jhan Shareef
paunlock please
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • THE CEO'S ENTERTAINER   SNEAK PEAK

    7 years later, ipinagdiwang ang ika-60 na taong gulang ni Olivia sa Sansmith Residence na kasalukuyan nang pag-aari ni Mark. Si Belle at Hivo ay mayroon na ring anak na kambal—lalaki at babae na sa anim na taong gulang na rin ngayon; Natalie Vilkas Soulvero, and Noah Vilkas Soulvero. Si Mark naman ay nagkaroon na rin ng pamilya at talagang si Eloise nga ang naging asawa nito. Mayroon na ring anak ang mga ito na si Ace Caleb Reyes Sansmith. Talagang required ang pangalang Ace sa pamilyang Sansmith at si Ace na lang talaga ang tanging magmamana ng Sansmith properties. Limang taong gulang naman ito. Si Nyx and Zayn naman, ay sila din ang nagkatuluyan. Mayroon namang anak ang mga ito, limang taong gulang din, at mas matanda lang si Ace ng ilang buwan. Ang pangalan naman nito ay Si Celeste Garcia Hernandez. Si Levon lang talaga ang wala pang pamilya at naging ninong na lang ng mga bata. Pero hindi pa sigurado kung sa taong ito ay maging single pa rin ito sa hanggang next year lalo na't

  • THE CEO'S ENTERTAINER   Chapter 104: 'END'

    Si Belle, nagmula sa isang entertainer, namuhay bilang entertainer, ngunit sa isang iglap lang nakita na lang niya ang sarili niyang kinikilala ng lahat bilang tagapag-mana. Bukod roon, ang akala niyang pangarap niyang sira na ay natutupad na. Nakamit din niya ang inaasam-asam niyang buhay. Ang maranasang maglakad sa binuksang pintuan suot ang wedding gown, tanda na siya ay magpapabasbas upang maging pag-aari ng isang Hivo Soulvero. Hindi na nagpalit ng pangalan si Hivo bilang Ace One Sansmith. Iyon na kasi ang pangalang nakasanayan nito at mananatili talaga itong tagapagmana ng Soulvero properties. Si Mark naman ay nanatiling Mark ngunit niyakap ang apilyedong Sansmith. Kasalukuyan na rin itong nakatayo, sa tabi ng kambal, kasama ng ina ng mga ito na si Olivia at ang matandang Soulvero. Ngunit si Ysabel, kasama ang kaniyang ama nag-aabang sa kaniya sa gitna upang ihatid siya kay Hivo sa Altar. Napakagandang wedding gown ang kaniyang suot. Talagang binigay ni Hivo ang pangarap ni

  • THE CEO'S ENTERTAINER   Chapter 103: 'THE SONS' LOVE'

    Sa hospital, isang malaking kwarto ang inihanda para sa kanilang tatlo. Tatlong higaan rin ang naroon at higit na mas inaasikaso ay si Olivia. Mas matindi ang damage nito sa katawan, si Ysabel naman nangangailangan ng recovery dahil nga naging malnourished ito dulot ng pagkakulong ng mahabang panahon. Habang siya, bugbog sa katawan lang ang kailangan asikasuhin sa kaniya at ang sugat niya sa ulo. Obligado ang kanilang pamilya—priority ng mga doctor at kasama na si Nyx at Zayn na nag-aasikaso. Ang daddy niya ang nasa loob para sa kaniya, dumating rin agad ang matandang Soulvero at hindi makapaniwalang buhay pa ang anak. Si Nana Meli ang nagbantay para kay Olivia. Ngunit kahit alam niyang ligtas na sila, hindi pa rin niya maiwasang mag-alala. Hindi pa kasi bumabalik ang asawa niya at si Mark. May dalawang oras na silang nanatili sa hospital at kakabitaw lang sa kaniya ni Nyx, wala pa ring Hivo at Mark na bumabalik. "Huwag kang bumangon, Belle," matigas na suway ng kaniyang ama. Iya

  • THE CEO'S ENTERTAINER   Chapter 102: 'CONCEDED'

    Kung titingnan niya'y hindi malalaman kung saan nakatayo talaga ang mga kalaban. Ngunit dahil kabisado ni Hivo at bihasa siyang mag-connect the dot, paniguradong ganoon din si Mark, alam nila kung saan banda ang mga ito.Alam niya si Alex at Caspian ay nahihirapan maging ang ninong niya. Kaya ang pagkapanalo ay nakasalalay sa kanilang magkambal. "Nahihilo ka na ba, boi?" asar na tanong pa ni Mark kay Lyndon. Maririnig niya sa iyak ni Felicia na talagang takot na takot na ito. "Mananalo kayo ngayon, sige, pero babalik ako, tandaan niyo iyan!" sigaw pa ni Lyndon na mas ikinatawa niya. Pagtingin niya sa kaniyang ninong na sunod-sunod na lang sa likuran niya ang nagagawa ay tumaas ang kilay nito. Nagtanong siya, "Saan ka nga ulit dadaan?" Narinig niya ang nag-aalburotong paghinga ni Lyndon. "Oo nga pala, nakalimutan niya, nasa atin pala ang access at tayo lang ang makakapagbukas ng daanan," pamimilosopo pa ni Mark. Hindi niya ito kasama sa iisang pwesto at ang dalawang kaibigan nito a

  • THE CEO'S ENTERTAINER   Chapter 101: 'SAVED'

    Nakayakap sa kaniya si Robelyn, binitawan naman siya ni Dreor at lumapit kay Olivia na kasalukuyang inaalalayan ni Nana Meli at iba pang tauhan ng kaniyang ama. Iyak nang iyak si Ysabel na nagsusumbong sa kaniyang ama kung ano ang ginawa ni Felicia. Pero mas malakas ang iyak ni Nana Meli. "Anong ginawa nila sa'yo ma'am? Bakit...bakit ka lumpo?" Si Olivia ang kausap nito. Dahil sa tanong nito tumingin sa mga ito ang lahat. Nagpunas ng luha si Ysabel at sumagot sa tanong. "Dahil sa mga orihinal na dokumento at hindi niya sinabi kung saan, tinorture siya. Binasag ang mga buto niya sa paa." Dumaloy lang din ang luha niya. Lumapit siya kay Ysabel at sa kaniyang ama. Lumong-lumo naman ang daddy niyang sinalubong siya ng yakap at bumulong sa kaniya. "I'm sorry...anong ginawa ni Felicia sa'yo?" Nagpunas siya ng luha at nagsumbong, "Ginapos saka binugbog. Hindi naman niya magagawa iyon kung hindi ako nakagapos. Duwag eh," aniya, hindi pa rin talaga nawawala ang yabang. Humarap sa kanila s

  • THE CEO'S ENTERTAINER   Chapter 100: 'CUNNING BLOODLINE'

    "What's going on?!" litong-lito na sigaw ni Lyndon at agad na binulyawan ang mga tauhan. "Ano pang hinihintay niyo?! Kilos!" Maliban kay Alex at Caspian, pati kay Gordon, kumilos ang mga tauhan nito at pinaulanan ng bala ang mga chamber na umangat pataas. Napahiyaw siya sa takot at napapikit ngunit napagtanto niya bandang huli walang kahit isang balang tumagos sa katawan niya. Napaawang ang nga labi niyang tumingin sa katabi ng chamber na kinaroroonan niya. Makikita niya si Ysabel na nagtataka sa nangyayari pero ang ina ng kambal tawa pa rin ito nang tawa na ang ibig sabihin, naisahan nila ang mga Hulterar. Sarado ang chamber, dapat wala siyang maririnig sa kapal ng crystal nito pero hindi, dahil mula sa taas maririnig niya ang boses ng mga ito. Tila ba'y connection ng buong paligid.Pati ang boses ni Olivia, naging malapit sa pandinig niya. "Nice to see you again, Lyndon. Mukhang nauto ka ng mga anak ko." Kitang-kita niya mula sa kinaroroonan niya ang pagbuka ng bibig ni Felicia

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status