Kung titingnan niya'y hindi malalaman kung saan nakatayo talaga ang mga kalaban. Ngunit dahil kabisado ni Hivo at bihasa siyang mag-connect the dot, paniguradong ganoon din si Mark, alam nila kung saan banda ang mga ito.Alam niya si Alex at Caspian ay nahihirapan maging ang ninong niya. Kaya ang pagkapanalo ay nakasalalay sa kanilang magkambal. "Nahihilo ka na ba, boi?" asar na tanong pa ni Mark kay Lyndon. Maririnig niya sa iyak ni Felicia na talagang takot na takot na ito. "Mananalo kayo ngayon, sige, pero babalik ako, tandaan niyo iyan!" sigaw pa ni Lyndon na mas ikinatawa niya. Pagtingin niya sa kaniyang ninong na sunod-sunod na lang sa likuran niya ang nagagawa ay tumaas ang kilay nito. Nagtanong siya, "Saan ka nga ulit dadaan?" Narinig niya ang nag-aalburotong paghinga ni Lyndon. "Oo nga pala, nakalimutan niya, nasa atin pala ang access at tayo lang ang makakapagbukas ng daanan," pamimilosopo pa ni Mark. Hindi niya ito kasama sa iisang pwesto at ang dalawang kaibigan nito a
Sa hospital, isang malaking kwarto ang inihanda para sa kanilang tatlo. Tatlong higaan rin ang naroon at higit na mas inaasikaso ay si Olivia. Mas matindi ang damage nito sa katawan, si Ysabel naman nangangailangan ng recovery dahil nga naging malnourished ito dulot ng pagkakulong ng mahabang panahon. Habang siya, bugbog sa katawan lang ang kailangan asikasuhin sa kaniya at ang sugat niya sa ulo. Obligado ang kanilang pamilya—priority ng mga doctor at kasama na si Nyx at Zayn na nag-aasikaso. Ang daddy niya ang nasa loob para sa kaniya, dumating rin agad ang matandang Soulvero at hindi makapaniwalang buhay pa ang anak. Si Nana Meli ang nagbantay para kay Olivia. Ngunit kahit alam niyang ligtas na sila, hindi pa rin niya maiwasang mag-alala. Hindi pa kasi bumabalik ang asawa niya at si Mark. May dalawang oras na silang nanatili sa hospital at kakabitaw lang sa kaniya ni Nyx, wala pa ring Hivo at Mark na bumabalik. "Huwag kang bumangon, Belle," matigas na suway ng kaniyang ama. Iya
Si Belle, nagmula sa isang entertainer, namuhay bilang entertainer, ngunit sa isang iglap lang nakita na lang niya ang sarili niyang kinikilala ng lahat bilang tagapag-mana. Bukod roon, ang akala niyang pangarap niyang sira na ay natutupad na. Nakamit din niya ang inaasam-asam niyang buhay. Ang maranasang maglakad sa binuksang pintuan suot ang wedding gown, tanda na siya ay magpapabasbas upang maging pag-aari ng isang Hivo Soulvero. Hindi na nagpalit ng pangalan si Hivo bilang Ace One Sansmith. Iyon na kasi ang pangalang nakasanayan nito at mananatili talaga itong tagapagmana ng Soulvero properties. Si Mark naman ay nanatiling Mark ngunit niyakap ang apilyedong Sansmith. Kasalukuyan na rin itong nakatayo, sa tabi ng kambal, kasama ng ina ng mga ito na si Olivia at ang matandang Soulvero. Ngunit si Ysabel, kasama ang kaniyang ama nag-aabang sa kaniya sa gitna upang ihatid siya kay Hivo sa Altar. Napakagandang wedding gown ang kaniyang suot. Talagang binigay ni Hivo ang pangarap ni
7 years later, ipinagdiwang ang ika-60 na taong gulang ni Olivia sa Sansmith Residence na kasalukuyan nang pag-aari ni Mark. Si Belle at Hivo ay mayroon na ring anak na kambal—lalaki at babae na sa anim na taong gulang na rin ngayon; Natalie Vilkas Soulvero, and Noah Vilkas Soulvero. Si Mark naman ay nagkaroon na rin ng pamilya at talagang si Eloise nga ang naging asawa nito. Mayroon na ring anak ang mga ito na si Ace Caleb Reyes Sansmith. Talagang required ang pangalang Ace sa pamilyang Sansmith at si Ace na lang talaga ang tanging magmamana ng Sansmith properties. Limang taong gulang naman ito. Si Nyx and Zayn naman, ay sila din ang nagkatuluyan. Mayroon namang anak ang mga ito, limang taong gulang din, at mas matanda lang si Ace ng ilang buwan. Ang pangalan naman nito ay Si Celeste Garcia Hernandez. Si Levon lang talaga ang wala pang pamilya at naging ninong na lang ng mga bata. Pero hindi pa sigurado kung sa taong ito ay maging single pa rin ito sa hanggang next year lalo na't
Belle screamed loudly when the taxi she was riding suddenly stopped. She knows the reason because her eyes caught the boy running in the middle of the road and he was about to be hit by a black luxury car."Kuya nabangga ba?" she asked the driver holding her chest due to nervousness.Maraming sasakyan na ang nagsisihintuhan upang alamin ang insidente. "Hindi ko alam, miss. Hindi ko makita ang nanay eh," sagot naman ng driver na katulad niya sinisikap ring may makita sa unahan.Nais niyang marinig ang ingay sa labas upang kahit paano, ay maintindihan niya ang mga nagaganap. But the window is closed and it is forbidden to open it especially in such a situation.Tanaw niya ang pagbukas ng pintuan ng itim na sasakyan, malapit lamang sa taxi na sinasakyan niya. A man in black trouser pants and a white dress shirt came out. She appreciated his being look like a perfect art na halos hindi na niya napigilan ang paghaba ng kaniyang leeg matanaw lamang ito. Napakagat na siya ng labi dahil sa
It was the first time that there's a man had seen her alas. Hindi mawala sa kaniyang isipan ang mukha nito, kung paano kumunot ang noo nito nang makitang hindi pa siya gamit lalo na't isa siyang entertainer. Gabi na naman, panahon na naman ng kaniyang trabaho at saktong pag-pasok niya sa entrance, sinalubong siya ni Mark, isa sa mga waiter ng bar pero naging malapit sa kaniya. Taas-baba ang tingin nito sa kabuuan niya kasabay nang pasimpleng paghagis ng vape na hawak nito sa dibdib niya. Halatang sadya, ngunit alam niya ang galawan ng lalaki, kaya mabilis rin siyang umakto upang saluhin ito. "May mga bagong babaeng dumating, lipat ka raw ng dressing room," saad nito sa kaniya sinabayan pa ng pagtabingi ng ulo pampaangas ng galaw. "Na naman?" reklamo siya at sumimangot. Humithit siya ng vape, tiniis ang epekto ng usok sa lalamunan niya at habang ginagawa niya iyon pinagmamasdan siya nito habang sinasabing, "May pwesto ka pa rin naman. Ang pinagkaiba lang, maiingay ang mga kasama m
The VIP room door was left open owing to the floor manager was so excited to talk to the guest.Ngunit ang lalaki ay deretso lang sa kaniya ang mga mata. Under his gaze, she felt like she had committed a great crime, o di kaya'y baka may balak itong masama sa kaniya. Pero mukhang wala naman sa aura nito ang maging masama."Good evening, sir!" Abot tenga ang ngiti ng floor manager na umupo sa tabi nito. Siya naman ay nananatiling nakatayo sa may kurtina. Lihim na nakadiin ang kaniyang mga daliri sa paa sa heels na suot niya dulot ng kaba.She just had a chance to clench her fist in the hem of her fitted dress nang bumaling ang attention ng lalaki sa floor manager. Ipit ang mga hitang nakaupo si Mommy Tess sa couch ngunit ang mga tuhod nito ay nakaharap sa lalaki upang mas makausap nito ito nang mas magalang na may halong tuwa. Magkadikit ang mga palad nito, habang sinasabi ang mga pagmamalaki nito sa kaniya. "Maraming guest talaga ang nag-request sa akin na paupuin siya sa kanila, p
"Two million." Umiling pa rin si Belle sa alok ng doctor. "No parin, sorry talaga." "Kahit five million?" tanong ulit nito, mababakas na ang lungkot sa mga mata. Umiling pa rin siya, humithit ng vape, at nilaro ang usok na lumalabas sa bibig niya. "Bakit ba dito ka naghahanap ng mapapangasawa? Marami namang iba diyan. Tsaka, entertainer ako," pagtukoy niya sa trabaho niya na ang ibig sabihin hindi nararapat bigyan ng halaga. Kung baga sa ibang tao katulad ng doctor na ito, hindi siya importante. Sinong baliw na negosyante ang gusto siyang gawing asawa? Maraming babaeng mayaman na nababagay sa doctor na ito, bakit siya talaga? Muling tumagay ang lalaki, marahan lang ang pagkilos nito pero kayang maghatid ng tensyon sa kaniya, kung baga may aura itong nagdedemand ng respeto. Habang inikot-ikot nito ang baso nagsasalita ito. "Ikaw na ang nagsabi, hindi lahat ng entertainer ay kahusga-husga. Let's just say na... there is something different about you, kung baga unique, for example