Home / Romance / THE CEO'S MIDNIGHT REMEDY:MA'YAS SECRET HEALER / Chapeter2: "Midnight sa Forbes Park"

Share

Chapeter2: "Midnight sa Forbes Park"

Author: DanicaWrites
last update publish date: 2026-10-06 18:16:55

Hindi makapaniwala si Maya sa narinig. Limang milyon kapalit ng isang buwan na pagpapanggap. Para sa nanay niya, gagawin niya ang lahat. Kahit pa ang ibig sabihin nun ay kailangan niyang matulog sa iisang bubong kasama ang pinakamasungit na CEO sa buong Pilipinas. Alam niyang delikado ito, lalo na at may rule na bawal ma-in love. Pero paano kung sa loob ng isang buwan na iyon, mahulog talaga ang loob niya? Huminga siya ng malalim at tinitigan ang mga mata ni Drake. Malamig pero parang may tinatago itong lungkot na hindi niya maintindihan.

Alas-onse y media ng gabi, nakatayo si Maya sa harap ng malaking gate ng Forbes Park. Nanginginig ang kamay niya habang hawak ang maliit na maleta niya. Isang maleta lang ang dinala niya. Yun lang ang meron siya. Mga lumang damit, isang pares ng sapatos, at picture ng nanay niya. Suot niya ang pinakamaganda niyang damit. Isang simpleng white dress na binili niya sa ukay-ukay sa Cubao. Pero kahit simple, maganda siya. Mahaba ang buhok niya, nakalugay. Naglagay siya ng konting lipstick na hiram pa sa katrabaho niya.

Malamig ang hangin sa Forbes Park. Tahimik. Walang tricycle, walang nagtitinda ng taho, walang ingay. Iba sa Tondo kung saan siya lumaki. Dito, kahit hatinggabi, amoy mamahaling pabango ang hangin. Natatakot si Maya. Pakiramdam niya hindi siya bagay dito. Pakiramdam niya pagpasok niya sa gate na to, hindi na siya makakalabas pa.

"Good evening, Ma'am. Kayo po ba si Miss Santos?" Tanong ng guard sa gate. Naka-uniporme at nakangiti pero formal.

"Opo," mahinang sagot ni Maya. Halos pabulong.

"Pinapapasok po kayo ni Sir Drake. Sa dulo po, yung pinakamalaking bahay, white house. Diretso lang po kayo."

Pumasok si Maya. Hilahila ang maleta niya na may sira na gulong. Naglakad siya sa loob ng Forbes Park. Ang gaganda ng bahay. Ang lalaki. Parang mga palasyo sa teleserye. May mga ilaw na kulay dilaw sa bawat poste. May mga punong malalaki na maayos ang gupit. At ang tahimik. Walang tao sa labas. Alas-dose na kasi ng hatinggabi. Bawat hakbang ni Maya, mas bumibilis tibok ng puso niya.

Sa dulo, nakita niya ang white house na sinasabi ng guard. Mas malaki pa sa inaasahan niya. Tatlong palapag. May swimming pool sa harap na may ilaw na kulay blue. May fountain pa na may estatwa ng anghel. May garden na puno ng rosas. Parang bahay ng hari at reyna.

At sa harap ng p***o, nakatayo si Drake Montenegro. Naka black shirt at black pants lang, hindi na naka suit katulad kanina sa opisina. Pero mas lalo siyang gumwapo. Mas mukha siyang tao, hindi CEO. Buhok niya medyo magulo, parang kakaligo lang. Hawak niya ang isang folder na brown at isang maliit na box na pula na parang pang-singsing.

"On time ka," sabi ni Drake. Tiningnan ang mamahaling relo sa kamay. "11:59. Isang minuto bago mag midnight. Good. Ayokong pinaghihintay."

"Good evening po... Drake," sabi ni Maya. Nahihiya pa tawagin sa first name. Sanay siya sa Sir.

Pumasok sila sa loob ng bahay. Pagbukas ng p***o, napa-wow si Maya at halos malaglag ang panga. Ang laki ng sala. Parang hotel lobby sa Makati. May chandelier na crystal na kasing laki ng tricycle. May malaking TV na parang sinehan. Lahat mamahalin. Sahig na marmol na kumikinang. Amoy bagong linis at amoy mamahaling kandila.

"Maupo ka," utos ni Drake. Hindi galit, pero seryoso.

Umupo si Maya sa malambot na sofa na parang ulap sa lambot. Takot siyang madumihan. Yung dress niya na ukay, parang basahan kumpara sa sofa na to. Nakaupo siya sa dulo lang, hindi sumasandal.

Nilapag ni Drake sa harap niya sa glass table ang folder at yung maliit na red box.

"Kontrata," sabi ni Drake. "Basahin mo bago ka pumirma. Ayokong may rason ka para magreklamo later."

Binuksan ni Maya ang folder. Ang daming pages. Ang daming legal words na hindi niya maintindihan. Mga English na malalalim. Pero naiintindihan niya ang importante dahil may tagalog translation sa baba na sinulat kamay ni Drake.

Article 1: Si Maya Santos ay magpapanggap bilang asawa ni Drake Montenegro sa loob ng isang buwan, simula June 1 hanggang June 30.

Article 2: Limang milyon pesos ang ibabayad ni Drake kay Maya, in advance, bukas na bukas din, para sa operasyon ng nanay niya.

Article 3: Bawal ma-in love. Bawal magselos. Bawal makialam sa personal na buhay ng isa't isa. Professional lang.

Article 4: Kailangan matulog sa iisang bahay, pero magkahiwalay ng kwarto. Walang sapilitang mangyayari. Safe si Maya.

Article 5: After one month, annulment. Tapos na. Walang habulan. Walang drama.

Nanginginig ang kamay ni Maya habang binabasa. Totoo na to. Hindi na to panaginip. Isang pirma na lang, asawa na siya ng bilyonaryo. Kahit peke.

"May tanong ka?" Tanong ni Drake habang naka-cross ang arms.

"Wala po. Naiintindihan ko po. Malinaw po."

"Pirmahan mo. Dito sa baba."

Pinirmahan ni Maya ang kontrata. Tatlong kopya. Sa bawat pirma, parang binibenta niya kaluluwa niya. Pero naisip niya mukha ng nanay niya sa ospital. Yung mga tubo sa ilong. Yung iyak ng nanay niya na huwag siya pabayaan. Para kay Nanay, okay lang. Kahit ibenta kaluluwa niya.

Pagkatapos pumirma, binuksan ni Drake yung maliit na red box. May singsing na diamond. Maliit lang pero kumikinang sa ilaw ng chandelier. Siguro isang milyon ang halaga nito. Hindi ganun kalaki pero elegante.

"Isuot mo," sabi ni Drake.

Kinuha ni Maya ang singsing at sinuot sa daliri niya. Kasya. Parang sinukat para sa kanya. Kumikinang sa daliri niyang payat at may kalyo sa kakatype.

"Paano niyo po nalaman size ng daliri ko?" Tanong ni Maya, nagtataka.

"Sinabi ng HR. Lahat ng info mo nasa HR file mo. Pati size ng paa mo, alam ko," sagot ni Drake na parang walang lang. "Stalker? Hindi. Due diligence."

"Ngayon, simula ngayong gabi, asawa na kita. Sa harap ng Lola ko bukas, kailangan tawagin mo akong love, hon, baby. Kahit anong sweet name. At kailangan yakapin mo ako, hawakan kamay ko. Kailangan sweet tayo. Kaya mo ba? Kasi kung hindi, uwi ka na ngayon."

Namula si Maya hanggang leeg. Hindi pa siya nayayakap ng lalaki maliban sa tatay niya nung bata pa siya.

"Susubukan ko po," mahinang sabi niya.

"Hindi susubukan. Kailangan gawin. Practice tayo. Yakapin mo ako ngayon."

Napatayo si Maya, nanginginig. Lumapit kay Drake. Dahan-dahan siyang yumakap. Ang bango ni Drake. Amoy mamahaling pabango at amoy lalaki. Matigas katawan ni Drake, maskulado. Hinayaan lang siya ni Drake ng ilang segundo tapos lumayo.

"Okay. Pwede na. Kailangan pa ng practice pero pwede na," sabi ni Drake pero namula din pisngi niya. Hindi halata dahil sa dim light.

"Bukas, pupunta tayo sa bahay ng Lola ko sa Tagaytay. Birthday niya. 80th birthday. Doon natin i-aannounce na kasal na tayo. Nandoon buong pamilya Montenegro. Lahat mayayaman, lahat matapobre, lahat judgemental. Kailangan hindi nila malaman na peke lang tayo. Kailangan maniwala sila na mahal natin isa't isa. Lalo na Lola Amelia. May sakit Lola ko. Cancer. Gusto niya lang makita akong masaya bago siya mawala. Kaya ko to ginagawa."

Doon nalungkot si Maya. Kaya pala. Hindi lang dahil mayabang si Drake. May dahilan.

"Kayanin ko po. Pangako po. Para sa Lola niyo."

"Good. Ngayon, ipapakita ko kwarto mo."

Inakyat nila ang hagdan na marmol. Ang daming kwarto sa second floor. Pero dinala siya ni Drake sa pinakadulo, sa master wing.

"Ito kwarto mo. Sa tabi lang ng kwarto ko. Pero may sariling lock. Safe ka dito. Walang papasok dito na hindi mo gusto. May password ang p***o. 0601. Birthday ng Lola ko."

Binuksan ang p***o. Ang ganda ng kwarto. Mas malaki pa sa buong bahay nila ni Nanay sa Tondo. May king size bed na may apat na unan. May sariling banyo na may bathtub na may bula pa. May walk-in closet na kasing laki ng kwarto niya dati. May bintana na kita ang buong Forbes Park at swimming pool.

"Ang ganda po," bulong ni Maya, maiiyak na.

"Simula ngayon, dito ka titira ng isang buwan. Lahat ng damit na nasa closet, sayo na yan. Binili ko para sayo. Stylist ko bumili. Para hindi ka mukhang kawawa pag hinarap ka sa pamilya ko. Ayokong sabihin nila na pinulot lang kita sa kanto."

Binuksan ni Maya ang closet. Ang daming damit. Mga dress na mamahalin, mga sapatos na Louboutin na pula ang swelas, mga bag na Gucci at Chanel. Lahat bago, may tag pa at may presyo na halos pang isang taon na sahod niya.

"Sir... Drake... ang mahal naman po nito... hindi ko po kayang bayaran..."

"Wag mo isipin pera. Isipin mo trabaho mo. Trabaho mo mukha kang asawa ng bilyonaryo, hindi mukhang sekretarya na kawawa. Kaya gamitin mo lahat yan. Bukas, isuot mo yung white dress sa dulo, yung may bulaklak. Bagay sayo yun para bukas."

Napayuko si Maya. Masakit pero totoo. Kailangan niya magmukhang mayaman.

"Matulog ka na. Maaga tayo bukas. 7am alis natin papuntang Tagaytay. Mahaba biyahe. Goodnight, wife."

Parang kinuryente si Maya sa salitang wife. Asawa. Asawa na siya ni Drake Montenegro kahit peke lang. Kahit isang buwan lang.

"Goodnight... husband," mahinang sagot ni Maya, nanginginig boses.

Ngumiti si Drake ng konti. Ngiti na hindi niya pinapakita sa opisina. Tapos umalis at pumasok sa katabing kwarto. Narinig ni Maya ang pagsara ng p***o.

Naiwan si Maya mag-isa sa malaking kwarto. Umupo siya sa kama na malambot. Tiningnan ang singsing sa daliri niya. Kumikinang sa ilaw. Kinuha niya phone niya na luma at may crack ang screen at tumawag sa ospital.

"Hello, Dok? Si Maya po. Opo, tuloy po operasyon ni Nanay bukas. Opo, may pera na po. Opo, bayad na po bukas ng umaga. Salamat po Dok!"

Pagbaba ng phone, napaiyak si Maya. Halo-halong emosyon. Saya dahi

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE CEO'S MIDNIGHT REMEDY:MA'YAS SECRET HEALER   Chapter7:"Umaga Pagkatapos"

    Maaga pa lang ay gising na si Maya, pero hindi siya makagalaw.Hindi dahil pagod siya. Hindi dahil masakit ang katawan niya mula sa buong gabing pag-aalaga kay Drake.Gising siya dahil sa bigat ng braso na nakayakap sa bewang niya.Mainit. Mabigat. Pamilyar.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Ang unang bumungad sa kanya ay ang puting kisame ng penthouse ni Drake. Hindi ito ang maliit niyang apartment sa Tondo. Hindi ito ang maingay niyang kwarto na may tumutulong bubong.Nasa Forbes Park siya.At nasa kama siya ni Drake.Lumingon siya nang dahan-dahan. At halos mapahinto ang paghinga niya.Si Drake Villanueva. Ang CEO na kilala sa pagiging malamig, sa pagiging strikto, sa pagiging walang puso.Mahimbing na natutulog sa tabi niya. Ang buhok nito ay magulo. Ang labi nito ay bahagyang nakabuka. Ang mahahabang pilik-mata nito ay nakapikit nang mahimbing. Wala ang matalim nitong tingin. Wala ang nakakunot nitong noo.Sa unang pagkakataon, nakita ni Maya si Drake na payapa.At ang br

  • THE CEO'S MIDNIGHT REMEDY:MA'YAS SECRET HEALER   Chapter6:"Unang Gabi sa Iisang Kama"

    Huwebes ng gabi. Alas diyes na ng gabi sa Forbes Park. Malakas ang ulan sa labas ng condo ni Drake Montenegro at kumikidlat ng malakas. Yung tipong ulan na parang galit ang langit at ayaw tumigil. Nasa sala si Maya Santos na nakaupo sa dulo ng sofa at nakayakap sa unan na binigay ni Drake. Nasa kabilang sofa naman si Drake na nakaupo at may laptop sa harap at kunwari nagtatrabaho pero panay sulyap kay Maya.Isang linggo na simula nung lumipat si Maya sa condo ni Drake dahil sa kontrata nilang 5 million pesos na pekeng kasal. Isang linggo na pero hindi pa rin sila sanay na magkasama. Hindi pa rin sila sanay na tawaging asawa ang isa't isa. Si Drake, sanay na mag-isa sa condo na tahimik at malamig at walang amoy ng pritong tuyo. Si Maya, sanay sa Tondo na maingay at mainit at maraming tao at amoy sinigang lagi ang bahay. Ngayon pareho silang naninibago."Maya, bakit gising ka pa? Alas diyes na. Matulog ka na sa kwarto. Malamig na dito sa sala," sabi ni Drake na hindi tumitingin kay Maya

  • THE CEO'S MIDNIGHT REMEDY:MA'YAS SECRET HEALER   Chapter5:"Ang Ex sa Umaga"

    Maaga pa lang ay gising na si Maya. Alas sais pa lang ng umaga pero hindi na siya mapakali sa higaan. Nasa guest room siya ng condo ni Drake Montenegro sa Forbes Park. Ito ang unang umaga niya bilang pekeng asawa ng isang CEO.Bumangon siya dahan-dahan. Suot niya ang lumang pajama na binili niya pa sa palengke ng Quiapo. Hindi siya sanay sa ganitong kalaking bahay. Lahat ay puti, lahat ay mamahalin, at lahat ay malamig dahil sa aircon. Ang tahimik ng buong condo.Lumabas siya ng kwarto at balak niya sanang magtimpla ng kape. Pero pagdating niya sa kusina, napatigil siya.Nandoon si Drake.Nakatayo si Drake sa kusina at nagtitimpla ng kape. Shirtless. Tangning boxer shorts lang ang suot niya. Ang kumot na ginamit niya kagabi ay nalaglag na sa sahig ng sofa. Kita na kita ang malapad niyang likod, ang matipunong braso, at ang abs niya na parang pandesal na mainit pa. Basa pa ang buhok niya na parang bagong ligo.Natulala si Maya. Hindi siya makagalaw. Napalunok siya nang malakas."Lord,

  • THE CEO'S MIDNIGHT REMEDY:MA'YAS SECRET HEALER   Chapter4:"Selos Ang Asawa Kong Peke"

    Pagkatapos ng birthday ni Lola Amelia sa Tagaytay, hindi pa rin makapaniwala si Maya Santos na nasa daliri pa rin niya ang sing-sing na pamana ng pamilya Villanueva. Gold, may maliit na diamante sa gitna, at sobrang bigat ng meaning.Habang nasa van pabalik ng Manila, tahimik lang si Maya sa tabi ni Drake Villanueva. Hawak niya pa rin ang kamay ni Drake, pero hindi dahil sa kontrata. Hawak niya kasi gusto niya."Maya, pagod ka ba?" tanong ni Drake, mahina boses niya, hindi na suplado tulad dati."Hindi, Drake. Masaya lang ako. First time kasi na may pamilya na nag-welcome sa akin ng ganun. Lola Amelia, hinawakan pa kamay ko tapos sabi niya, ikaw na raw ang bagong pag-asa ng pamilya niyo."Ngumiti si Drake, yung ngiting bihira lang makita ng mga tao. "Alam mo ba, 10 years na hindi ngumiti ng ganun si Lola simula nung namatay si Lolo. Pero kanina, dahil sayo, tumawa siya ng malakas."Napatingin si Maya kay Drake. "Talaga?""Oo. Kaya Maya, thank you."Pagdating sa penthouse ni Drake sa B

  • THE CEO'S MIDNIGHT REMEDY:MA'YAS SECRET HEALER   Chapter3:"Ang Huling Hiling Ni Lola Amelia"

    ---Pagbaba ng phone, napaiyak si Maya. Halo-halong emosyon. Saya dahil may pag-asa na Nanay niya. Takot dahil asawa na siya ng lalaking halos hindi niya kilala. Niyakap niya yung unan na kasing lambot ng ulap. Amoy bago. Amoy mayaman."Para kay Nanay lang to," bulong niya habang hinahaplos yung diamond ring. Isang milyon halaga nito. Isang buwan lang to. Pagkatapos, tapos na.Hindi siya makatulog buong gabi. Paikot-ikot siya sa king size bed. Sanay siya sa papag na matigas. Alas tres na ng madaling araw, bumangon siya at tumingin sa bintana. Kita niya buong Forbes Park. Ang daming ilaw. Ang ganda pero malungkot.Kinabukasan 7AM, kumatok si Drake. Naka-white polo at black pants. Simple pero ang mahal tignan. Bagong ligo, basa pa buhok."Maya! 5 minutes! Nasa baba na kotse!"Dali-daling naligo si Maya. Sinunod niya yung white dress na may sunflower sa dulo ng closet. Paglabas niya ng closet, parang ibang tao siya sa salamin. Bagay sa morena niyang balat. Nagsuot siya nung Louboutin na

  • THE CEO'S MIDNIGHT REMEDY:MA'YAS SECRET HEALER   Chapeter2: "Midnight sa Forbes Park"

    Hindi makapaniwala si Maya sa narinig. Limang milyon kapalit ng isang buwan na pagpapanggap. Para sa nanay niya, gagawin niya ang lahat. Kahit pa ang ibig sabihin nun ay kailangan niyang matulog sa iisang bubong kasama ang pinakamasungit na CEO sa buong Pilipinas. Alam niyang delikado ito, lalo na at may rule na bawal ma-in love. Pero paano kung sa loob ng isang buwan na iyon, mahulog talaga ang loob niya? Huminga siya ng malalim at tinitigan ang mga mata ni Drake. Malamig pero parang may tinatago itong lungkot na hindi niya maintindihan.Alas-onse y media ng gabi, nakatayo si Maya sa harap ng malaking gate ng Forbes Park. Nanginginig ang kamay niya habang hawak ang maliit na maleta niya. Isang maleta lang ang dinala niya. Yun lang ang meron siya. Mga lumang damit, isang pares ng sapatos, at picture ng nanay niya. Suot niya ang pinakamaganda niyang damit. Isang simpleng white dress na binili niya sa ukay-ukay sa Cubao. Pero kahit simple, maganda siya. Mahaba ang buhok niya, nakalugay.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status