Startseite / Romance / THE CEO'S MIDNIGHT REMEDY:MA'YAS SECRET HEALER / Chapter3:"Ang Huling Hiling Ni Lola Amelia"

Teilen

Chapter3:"Ang Huling Hiling Ni Lola Amelia"

last update Veröffentlichungsdatum: 07.10.2026 20:07:56

---

Pagbaba ng phone, napaiyak si Maya. Halo-halong emosyon. Saya dahil may pag-asa na Nanay niya. Takot dahil asawa na siya ng lalaking halos hindi niya kilala. Niyakap niya yung unan na kasing lambot ng ulap. Amoy bago. Amoy mayaman.

"Para kay Nanay lang to," bulong niya habang hinahaplos yung diamond ring. Isang milyon halaga nito. Isang buwan lang to. Pagkatapos, tapos na.

Hindi siya makatulog buong gabi. Paikot-ikot siya sa king size bed. Sanay siya sa papag na matigas. Alas tres na ng madaling araw, bumangon siya at tumingin sa bintana. Kita niya buong Forbes Park. Ang daming ilaw. Ang ganda pero malungkot.

Kinabukasan 7AM, kumatok si Drake. Naka-white polo at black pants. Simple pero ang mahal tignan. Bagong ligo, basa pa buhok.

"Maya! 5 minutes! Nasa baba na kotse!"

Dali-daling naligo si Maya. Sinunod niya yung white dress na may sunflower sa dulo ng closet. Paglabas niya ng closet, parang ibang tao siya sa salamin. Bagay sa morena niyang balat. Nagsuot siya nung Louboutin na nude, kahit nanginginig siya dahil 45,000 pesos isang pares. Isang taon na sweldo niya yun.

Pagbaba niya ng hagdan, natigilan si Drake na nagkakape sa dining table.

"Okay ba?" tanong ni Maya, nahihiya.

Tumayo si Drake at lumapit. Amoy kape at pabango niya.

"Maganda ka," sabi ni Drake, mahina lang.

Namula si Maya hanggang leeg.

Sumakay sila sa black Range Rover ni Drake. Siya mismo nag-drive. Tahimik lang biyahe nung una. Si Maya, nakatingin sa bintana, hawak yung singsing na parang natatakot na malaglag.

"Maya," basag ni Drake habang nasa SLEX na sila.

"Po?"

"May rules tayo mamaya sa bahay ni Lola."

"Opo."

"Una, wag kang masyadong magsasalita tungkol sa sarili mo. Sabihin mo sa Ateneo ka."

"Drake," pinutol ni Maya. "Hindi ko po kaya magsinungaling ng ganyan karami. Taga-Tondo po ako, public school po ako, at proud po ako dun. Kung ayaw nila sakin, edi ayaw nila."

Natahimik si Drake. Tapos ngumiti siya. Yung tunay na ngiti ulit.

"Yan yung gusto ko sayo, Maya. Wala kang arte."

---

---

Pagdating nila sa Tagaytay, bumungad sa kanila ang malaking mansion na mas malaki pa sa Forbes house ni Drake. White mansion na may malalaking haligi. May garden na puno ng orchids at roses. At may malaking tent sa labas na may nakalagay na HAPPY 80TH BIRTHDAY LOLA AMELIA! May catering, may live band, may mga waiter na naka-uniporme. Ang daming mamahaling kotse. Ferrari, Porsche, Mercedes.

Pagbaba ni Drake ng kotse, pinagkaguluhan agad siya ng mga kamag-anak.

"Drake! Nandito ka na!"

"Drake, totoo ba kinasal ka na? Nasaan asawa mo?"

Hawak ni Drake kamay ni Maya ng mahigpit. Malamig kamay ni Maya at nanginginig na parang yelo. Pinisil ni Drake kamay niya para kumalma siya.

"Everyone, this is my wife. Maya Montenegro," malakas na sabi ni Drake, taas noo.

Tahimik lahat. Lahat nakatingin kay Maya. Yung white dress niya na sunflower na akala niya maganda na, biglang parang mumurahin tignan sa gitna ng mga designer gowns na suot ng mga babae. Yung mga babae, lahat naka-Dior at Chanel.

Tapos may lumabas na matandang babae na naka-wheelchair. Maputi buhok, nakapusod, pero matapang mata at nakangiti. Kahit payat na dahil sa chemo, kita pa rin ganda niya nung bata siya. Suot niya bestida na kulay lavender. Si Lola Amelia.

"Lola Amelia," bulong ni Drake at lumuhod para halikan kamay ng lola. Kita sa mata ni Drake na mahal na mahal niya Lola niya.

Tumingin si Lola Amelia kay Maya. Tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Hindi judgemental yung tingin.

"Ikaw ba si Maya?" tanong ni Lola, mahina boses pero malinaw.

"Opo, Lola," sagot ni Maya at lumuhod din para magmano. Hinawakan niya kamay ni Lola at nilagay sa noo niya.

Kinuha ni Lola Amelia kamay ni Maya at hinawakan ng mahigpit. Mainit kamay ni Lola, nanginginig.

"Ang ganda mo, apo. Sa wakas, nag-asawa na rin tong apo kong torpe at suplado. Akala ko magiging matandang binata to," sabi ni Lola at natawa ng malakas. Natawa din lahat.

Pero may isang babae na lumapit. Maganda, matangos ilong, maputi, naka-red bodycon gown na kita lahat ng curve. Ex ni Drake na si Cassandra.

"Drake, hindi mo man lang ba ipapakilala ng maayos asawa mo? Saan mo ba napulot yan? Sa kanto? Mukhang hindi bagay sayo eh," malakas na sabi ni Cassandra, nakangisi para marinig ng lahat.

Namula si Maya hanggang leeg. Gusto niya na lumubog sa lupa.

Pero bago pa makasagot si Maya, hinila ni Drake si Maya palapit at niyakap sa bewang ng mahigpit.

"Sa simbahan ko siya napulot, Cassandra. Habang nagdadasal ako na sana may babaeng matino pa na hindi mukhang pera. At sinagot ni Lord dasal ko. Si Maya. Asawa ko," sagot ni Drake, malamig pero matapang.

Natahimik si Cassandra. Umalis na nakasimangot.

---

"Maya, apo, halika. Tabihan mo ako. Gusto kitang makilala," sabi ni Lola Amelia at hinila si Maya papunta sa garden na may mga roses, habang nakahawak pa rin si Drake sa kamay ni Maya.

Sa garden, tahimik lang silang dalawa ni Lola. Si Drake, pinuntahan ng mga tito niya sa malayo pero nakatingin pa rin kay Maya.

"Maya, totoo ba mahal mo apo ko?" biglang tanong ni Lola Amelia, diretsahan, walang paligoy-ligoy.

Nabigla si Maya. Hindi niya alam isasagot.

"Lola...opo...sinusubukan po namin maging masaya..."

"Sinusubukan? Anak, pag mahal mo, mahal mo. Hindi sinusubukan. Nakikita ko sa mata mo, mabait kang bata. Hindi ka tulad ng mga babaeng dinadala ni Drake dati na puro pera lang habol. Ikaw iba. Kita ko sa mata mo, busilak puso mo."

Doon naiyak si Maya. Dahil totoo sinasabi ni Lola.

"Lola, sorry po—" umiiyak na si Maya.

"Wag ka mag-sorry. Alam ko peke lang kasal niyo ni Drake."

Nanlaki mata ni Maya. Parang tumigil mundo niya.

"Paano niyo po nalaman? Please wag niyo po sasabihin—"

"80 years na ako sa mundo, apo. Alam ko pag peke at pag totoo. Yung tingin ni Drake sayo kanina nung pinagtanggol ka niya, hindi tingin ng asawa na peke. Tingin ng lalaking umiibig na pero hindi pa alam. At yung tingin mo sa kanya, ganun din."

Tumulo luha ni Maya ng tuloy-tuloy.

"Pero Lola, kailangan ko po pera para sa Nanay ko sa ospital—"

"Alam ko. Sinabi sakin ni Drake lahat kagabi. Kaya wag ka mag-alala, hindi ko kayo isusumbong. Sekreto lang natin to. Basta pangako mo sakin, bigyan mo ng chance apo ko. Matagal na siya malungkot simula nung namatay parents niya. Gusto ko lang makita siyang masaya bago ako mawala."

Niyakap ni Lola Amelia si Maya ng mahigpit. Mabango si Lola, amoy pulbos at bulaklak.

"Opo Lola, pangako po. Hindi ko po sasaktan si Drake."

Maya-maya, lumapit si Drake dala dalawang baso ng orange juice.

"Lola, okay lang kayo ni Maya?"

"Okay na okay, apo. Ang bait ng asawa mo. Alagaan mo to ah, pag sinaktan mo to, mumultuhin kita."

Tumawa si Drake at umupo sa tabi ni Maya. Hinawakan niya kamay ni Maya sa harap ni Lola. Hindi na malamig kamay ni Maya. Mainit na.

Bandang hapon, nagsimula ang party. May live band at may sayawan sa gitna ng garden.

"Maya, sayaw tayo," aya ni Drake at nilahad kamay niya.

"Hindi po ako marunong sumayaw ng pang-mayaman," mahina sabi ni Maya.

"Ako magtuturo sayo. Sundan mo lang ako."

Tumayo si Maya at sumayaw sila sa gitna. Lahat nakatingin sa kanila. Simple lang sayaw nila, mabagal, hawak kamay at bewang. Yung kanta ay Can't Help Falling In Love, paborito ni Lola.

Habang sumasayaw, bumulong si Drake sa tenga ni Maya.

"Thank you, wife. Ginawa mong masaya Lola ko. First time ko siya nakitang tumawa ng ganyan after ng chemo niya."

"Welcome, husband," bulong din ni Maya, at sa unang pagkakataon, hindi na siya kinabahan tawagin si Drake na husband.

At habang sumasayaw sila sa gitna ng garden, sa ilalim ng mga ilaw at bulaklak, hindi na peke ang yakap ni Drake. Mahigpit, totoo, at parang ayaw na niya bitawan si Maya kahit kailan.

Sa malayo, nakatingin si Lola Amelia sa kanila habang umiiyak sa saya at pumapalakpak. Dahil alam ni Lola, ang kasal na nagsimula sa kontrata at pera, nagiging totoo na.

---

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • THE CEO'S MIDNIGHT REMEDY:MA'YAS SECRET HEALER   Chapter7:"Umaga Pagkatapos"

    Maaga pa lang ay gising na si Maya, pero hindi siya makagalaw.Hindi dahil pagod siya. Hindi dahil masakit ang katawan niya mula sa buong gabing pag-aalaga kay Drake.Gising siya dahil sa bigat ng braso na nakayakap sa bewang niya.Mainit. Mabigat. Pamilyar.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Ang unang bumungad sa kanya ay ang puting kisame ng penthouse ni Drake. Hindi ito ang maliit niyang apartment sa Tondo. Hindi ito ang maingay niyang kwarto na may tumutulong bubong.Nasa Forbes Park siya.At nasa kama siya ni Drake.Lumingon siya nang dahan-dahan. At halos mapahinto ang paghinga niya.Si Drake Villanueva. Ang CEO na kilala sa pagiging malamig, sa pagiging strikto, sa pagiging walang puso.Mahimbing na natutulog sa tabi niya. Ang buhok nito ay magulo. Ang labi nito ay bahagyang nakabuka. Ang mahahabang pilik-mata nito ay nakapikit nang mahimbing. Wala ang matalim nitong tingin. Wala ang nakakunot nitong noo.Sa unang pagkakataon, nakita ni Maya si Drake na payapa.At ang br

  • THE CEO'S MIDNIGHT REMEDY:MA'YAS SECRET HEALER   Chapter6:"Unang Gabi sa Iisang Kama"

    Huwebes ng gabi. Alas diyes na ng gabi sa Forbes Park. Malakas ang ulan sa labas ng condo ni Drake Montenegro at kumikidlat ng malakas. Yung tipong ulan na parang galit ang langit at ayaw tumigil. Nasa sala si Maya Santos na nakaupo sa dulo ng sofa at nakayakap sa unan na binigay ni Drake. Nasa kabilang sofa naman si Drake na nakaupo at may laptop sa harap at kunwari nagtatrabaho pero panay sulyap kay Maya.Isang linggo na simula nung lumipat si Maya sa condo ni Drake dahil sa kontrata nilang 5 million pesos na pekeng kasal. Isang linggo na pero hindi pa rin sila sanay na magkasama. Hindi pa rin sila sanay na tawaging asawa ang isa't isa. Si Drake, sanay na mag-isa sa condo na tahimik at malamig at walang amoy ng pritong tuyo. Si Maya, sanay sa Tondo na maingay at mainit at maraming tao at amoy sinigang lagi ang bahay. Ngayon pareho silang naninibago."Maya, bakit gising ka pa? Alas diyes na. Matulog ka na sa kwarto. Malamig na dito sa sala," sabi ni Drake na hindi tumitingin kay Maya

  • THE CEO'S MIDNIGHT REMEDY:MA'YAS SECRET HEALER   Chapter5:"Ang Ex sa Umaga"

    Maaga pa lang ay gising na si Maya. Alas sais pa lang ng umaga pero hindi na siya mapakali sa higaan. Nasa guest room siya ng condo ni Drake Montenegro sa Forbes Park. Ito ang unang umaga niya bilang pekeng asawa ng isang CEO.Bumangon siya dahan-dahan. Suot niya ang lumang pajama na binili niya pa sa palengke ng Quiapo. Hindi siya sanay sa ganitong kalaking bahay. Lahat ay puti, lahat ay mamahalin, at lahat ay malamig dahil sa aircon. Ang tahimik ng buong condo.Lumabas siya ng kwarto at balak niya sanang magtimpla ng kape. Pero pagdating niya sa kusina, napatigil siya.Nandoon si Drake.Nakatayo si Drake sa kusina at nagtitimpla ng kape. Shirtless. Tangning boxer shorts lang ang suot niya. Ang kumot na ginamit niya kagabi ay nalaglag na sa sahig ng sofa. Kita na kita ang malapad niyang likod, ang matipunong braso, at ang abs niya na parang pandesal na mainit pa. Basa pa ang buhok niya na parang bagong ligo.Natulala si Maya. Hindi siya makagalaw. Napalunok siya nang malakas."Lord,

  • THE CEO'S MIDNIGHT REMEDY:MA'YAS SECRET HEALER   Chapter4:"Selos Ang Asawa Kong Peke"

    Pagkatapos ng birthday ni Lola Amelia sa Tagaytay, hindi pa rin makapaniwala si Maya Santos na nasa daliri pa rin niya ang sing-sing na pamana ng pamilya Villanueva. Gold, may maliit na diamante sa gitna, at sobrang bigat ng meaning.Habang nasa van pabalik ng Manila, tahimik lang si Maya sa tabi ni Drake Villanueva. Hawak niya pa rin ang kamay ni Drake, pero hindi dahil sa kontrata. Hawak niya kasi gusto niya."Maya, pagod ka ba?" tanong ni Drake, mahina boses niya, hindi na suplado tulad dati."Hindi, Drake. Masaya lang ako. First time kasi na may pamilya na nag-welcome sa akin ng ganun. Lola Amelia, hinawakan pa kamay ko tapos sabi niya, ikaw na raw ang bagong pag-asa ng pamilya niyo."Ngumiti si Drake, yung ngiting bihira lang makita ng mga tao. "Alam mo ba, 10 years na hindi ngumiti ng ganun si Lola simula nung namatay si Lolo. Pero kanina, dahil sayo, tumawa siya ng malakas."Napatingin si Maya kay Drake. "Talaga?""Oo. Kaya Maya, thank you."Pagdating sa penthouse ni Drake sa B

  • THE CEO'S MIDNIGHT REMEDY:MA'YAS SECRET HEALER   Chapter3:"Ang Huling Hiling Ni Lola Amelia"

    ---Pagbaba ng phone, napaiyak si Maya. Halo-halong emosyon. Saya dahil may pag-asa na Nanay niya. Takot dahil asawa na siya ng lalaking halos hindi niya kilala. Niyakap niya yung unan na kasing lambot ng ulap. Amoy bago. Amoy mayaman."Para kay Nanay lang to," bulong niya habang hinahaplos yung diamond ring. Isang milyon halaga nito. Isang buwan lang to. Pagkatapos, tapos na.Hindi siya makatulog buong gabi. Paikot-ikot siya sa king size bed. Sanay siya sa papag na matigas. Alas tres na ng madaling araw, bumangon siya at tumingin sa bintana. Kita niya buong Forbes Park. Ang daming ilaw. Ang ganda pero malungkot.Kinabukasan 7AM, kumatok si Drake. Naka-white polo at black pants. Simple pero ang mahal tignan. Bagong ligo, basa pa buhok."Maya! 5 minutes! Nasa baba na kotse!"Dali-daling naligo si Maya. Sinunod niya yung white dress na may sunflower sa dulo ng closet. Paglabas niya ng closet, parang ibang tao siya sa salamin. Bagay sa morena niyang balat. Nagsuot siya nung Louboutin na

  • THE CEO'S MIDNIGHT REMEDY:MA'YAS SECRET HEALER   Chapeter2: "Midnight sa Forbes Park"

    Hindi makapaniwala si Maya sa narinig. Limang milyon kapalit ng isang buwan na pagpapanggap. Para sa nanay niya, gagawin niya ang lahat. Kahit pa ang ibig sabihin nun ay kailangan niyang matulog sa iisang bubong kasama ang pinakamasungit na CEO sa buong Pilipinas. Alam niyang delikado ito, lalo na at may rule na bawal ma-in love. Pero paano kung sa loob ng isang buwan na iyon, mahulog talaga ang loob niya? Huminga siya ng malalim at tinitigan ang mga mata ni Drake. Malamig pero parang may tinatago itong lungkot na hindi niya maintindihan.Alas-onse y media ng gabi, nakatayo si Maya sa harap ng malaking gate ng Forbes Park. Nanginginig ang kamay niya habang hawak ang maliit na maleta niya. Isang maleta lang ang dinala niya. Yun lang ang meron siya. Mga lumang damit, isang pares ng sapatos, at picture ng nanay niya. Suot niya ang pinakamaganda niyang damit. Isang simpleng white dress na binili niya sa ukay-ukay sa Cubao. Pero kahit simple, maganda siya. Mahaba ang buhok niya, nakalugay.

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status