Hindi gumagalaw si Maya.Nakatayo lang siya sa harap ng cubicle ng CR ng St. Luke's, basa ang dulo ng daliri niya dahil hindi niya na nabanlawan nang maayos ang sabon, nanginginig ang tuhod niya, at ang luma niyang tote bag na may lamang gusot na uniform ay nakasabit sa balikat niya na parang wala nang silbi. Sa harap niya, isang babaeng hindi dapat nasa ospital. Matangkad, 5'9, maputi, matangos ang ilong, pulang-pula ang labi, pulang-pula ang hapit na hapit na bodycon dress, pulang-pula ang 12-inch na Christian Louboutin heels na tumatama sa tiles ng ospital na parang martilyo. At ang pabango, Chanel No. 5, amoy na amoy hanggang sa nurse station, hanggang sa ER, hanggang sa lahat ng sulok.Si Sophia Reyes.Nakalahad ang kamay nito. Sa daliri nito, isang diamond ring na malaki, kumikinang, 5 carats, mas malaki pa sa isang taong sweldo ni Maya bilang staff nurse."Ikaw si Maya?" tanong ng babae, at tinaas-baba ang tingin kay Maya mula ulo hanggang paa, parang nag-i-scan ng basura. "Ako
Last Updated : 2026-10-13 Read more