Share

Kabanata 6

Araw ng Lunes. Handa na sa pagpasok si Devyn sa kanyang bagong trabaho. Siya ang nagbantay kay Divina kagabi. Kaya andito pa siya sa ospital. At hinihintay niya ang Lola Anding niya na dumating na siyang papalit sa kanya na magbantay kay Divina.

"Ate, okay lang po na ako lang mag-isa dito. Marami pong mga Nurses dito sa loob ng ospital. Hindi nila ako pinababayaan." aniya. Ayaw na niyang maging pabigat sa Ate niya.

Malungkot na tiningnan ni Devyn ang kapatid. Nilapitan niya ito. Hinaplos-haplos ang buhok nito.

"Tibayan mo pa ang loob mo. Andito lang si Ate. Sabihin mo sa akin kung ano ang nararamdaman mo diyan sa loob mo. Kahit na maging abala ako sa trabaho. Hindi ako mawawalan ng oras para sayo." inihilig ni Devyn ang ulo niya sa ulo ni Divina. Saka hinawakan ni Divina ang kamay ng Ate niya.

Sa oras na ganito siya lamang ang masasandalan ni Divina. Ramdam niya ang panghihina ng kalooban nito dahil sa sakit. Nakaka-stress ang palagi ka na lang nakahiga. Dahil sa sakit. May mga gusto
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status