Share

THE COLD HEARTED CHAIRMAN
THE COLD HEARTED CHAIRMAN
Author: RIDA Writes

Panimula

"Ider!" malakas na sigaw ni Aling Pacita. "Nasaan ka bang bata ka? Kapag nakita kita lagot ka talaga sa aking bata ka." naggagalaiting bulalas niya.

Tumatakbo ang isang sampung taong gulang na batang lalaki palapit sa kanya. Naningkit ang mga mata ni Pacita sa itsurang bumungad sa kanya. Ang alaga niyang si Ider. Puro putik ang damit. Sampung taon na ito ngunit parang bata pa ding kumilos.

"Y-Yaya, tawag n-niyo po ako?" nauutal na tanong nito. Pilit itinatago ang damit niyang puro putik. Nabanaag ang takot sa mga mata ni Ider nang makitang kumuha ng pamalong kahoy si Yaya Pacita. "Ya, ano po 'yan?" nanginginig ang boses niya sa matinding takot na nagtanong.

Nag igting ang panga ni Pacita. Nakaamba na ang pamalong hawak sa batang si Ider.

"Anong oras na hindi ka pa kumakain?! Tingnan mo ang damit mo. Punong puno ng putik! Kanina pa kita hinahanap na bata ka!" isang palo sa likod ang pinakawalan niya sa kawawang si Ider. Napadaing ang bata at halos mamilipit sa sakit. "Subukan mo lang abutan ka ng Mama at Papa mo mamaya na ganyan ang itsura mo. Hindi lang latay sa likod ang abutin mo sa akin, Ider! Letse kang bata ka!" sigaw pang banta niya sa paslit.

Panay ang iyak ni Ider. Napaluhod siya sa sobrang sakit na naramdaman sa malakas na hataw sa kanyang likod. 

Limang taon nang naninilbihan si Pacita sa pamilya Sable. Bilang tagapag-alaga ni Ider. 

Mabait si Pacita kapag kaharap ang amo. At kapag wala sa bahay ang mga magulang ay si Ider ang kaniyang pinagmamalupitan.

"Yaya" iyak na tawag ni Ider sa kanya.

"Tigilan mo akong bata ka sa drama mo! Baka maihampas ko ulit itong pamalo ko sayo. Pumasok ka na sa kuwarto mo at magbihis. Huwag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi! Ako ay magluluto ng para sa hapunan ninyong mag anak na walang kwenta!" saad ni Pacita sa alaga niya. "Huwag mong sasabihin sa Mama mo na pinalo kita. Kapag sinabi mo puputulin ko ang dila mo. Maliwanag ba?" pananakot na pahabol ni Pacita kay Ider. 

Natatakot na tumango tango ng ulo si Ider. Walang lakas na ipagtanggol ang sarili sa pagmamalupit ng kanyang Yaya Pacita. Marahang siyang naglakad papasok sa loob ng bahay. Naiwan si Pacita sa labas. Itinago ang hawak na kahoy.

Ang kawawang si Ider. Walang araw na hindi pinagbubuhatan ng kamay ng kanyang Yaya Pacita. Kung hindi palo ay kurot na pinong pino sa kanyang tagiliran. May minsan pang sinasampal siya ng matanda. Hindi din siya pinapakain ng maayos. Ang mga pasa sa kanyang katawan ay pilit niyang itinatago upang hindi makita ng kanyang Mama at Papa. Malalagot siya sa matandang tagapag-alaga niya.

Mabait at matalino si Ider. Tahimik din ito. Walang masyadong kaibigan. Dahil sa takot na baka saktan din siya katulad ng Yaya Pacita niya. Ayaw na niya muling masaktan pa. Masakit na ang katawan niya sa bugbog ng Yaya niya. Kaya nai-distanya niya ang kanyang sarili sa mga kaklase.

"Ider, how's school?" tanong ng Papa niyang si Richard Sable.

Napaangat ng ulo si Ider.

"Okay naman po." maikling sagot niya. Saka itinuloy niya ang pagsubo ng pagkain.

Nagkatinginan ang mag asawa. Si Mr. Richard Sable ay isang negosyante. Habang ang Misis nitong si Antonette ay isang empleyada sa isang bangko sa bayan nila. Parehong abala ang mag asawa sa kani kanilang trabaho at naiiwan si Ider sa pangangalaga ng pinagkakatiwalaan nilang si Pacita.

"Ider, may problema ka ba? Palagi kang matamlay." punang tanong ni Antonette sa anak.

"Ma, wala po." tipid na sagot ni Ider. Muling itinuloy ang pagkain. Pinagmasdan lang ng mag asawa ang inikilos ng kanilang anak.

"Yaya, kayo ang naiwan ni Ider sa bahay. May napapansin ka bang kakaiba sa anak namin?" mga tanong ni Richard sa kanilang katiwala sa bahay.

"Sir, wala po. Pagkagising niyan sa umaga pagluluto ko ng pagkain. Kakain muna bago pumasok sa eskwelahan. Pagkauwi galing sa eskwelahan ay magmemeryenda. Tapos ay tataas na para gumawa ng assignment niya. Ganoon lang po kami araw araw." kuwentong sagot ni Pacita. Tila kay amo ang mukhang nakatingin sa mag asawang nasa harapan niya. 

Nasa sala sila ngayong tatlo. Pagkatapos kumain, nang masigurado nilang mag asawa na nakataas na si Ider sa kuwarto niya. Lihim nilang kinausap ng sarilinan ang nag iisang palaging kasama ng anak nila.

Ipinatong ni Antonette ang kamay sa kamay ng asawa. Nag aalala sila para kay Ider. Hindi ganito ang anak nila. Magiliw at masigla ang kanilang anak. Napapansin nila ang unti unting pagbabago ni Ider.

Nanlilisik na mga mata at nakakuyom ang kamao habang nakatanaw sa tatlong tao sa sala.

After 15 Years 

"What is this?!" umalingawngaw na sigaw ni Ryder. Malakas na hinampas niya ang kanyang lamesa. 

Napapikit ng kanyang mata ang kanyang sekretarya na si Elena. Nanginginig sa takot habang nakatayo sa harapan ng kanyang among si Chairman Ryder Sable.

He is the most successful and the youngest Chairman. Kapag nadinig mo na ang pangalang Ryder Sable. Malulula ka sa napakadaming achievement nito sa edad na beinte singko. Siya din ang nangunguna sa bachelor list na pinakamayanan na buong mundo.

Ang sabi nila si Ryder daw ang pinakamabagsik na Chairman. Dahil sa kanyang aroganteng ugali sa kanyang mga empleyado. Gayunman, marami pa din ang gustong mapasok sa kanyang kompanya. Ang R. Sable Company.

Naipamana ito kay Ryder ng kanyang namayapang ama. Si Ryder ang nag iisang namamahala ng R.S.C. Habang ang kapatid niyang si Raleigh ay patapos palang ng kanyang masteral ngayong taon. Ibinigay kay Raleigh ang Sable Trading Company. Ang kanilang ina na si Antonette ay nasa bahay na lamang.

"Dude, nasa labas pa lang ako ng opisina mo naririnig ko na ang boses mo." napalingon si Ryder sa bigla na lang na pumasok sa opisina niya.

"What are you doing here? Busy ako ngayon. Wala akong panahon mag-aksaya ng salita sayo." inaayos niya ang mga papel na nagkalat sa ibabaw ng lamesa niya. Habang si Elena ay namumungay ang mata na nakatingin sa kaibigan ng amo niya.

Si Owen ang bestfriend ni Ryder. Magkaklase sila nuong college sa Amerika. Kapitbahay din nila ang pamilya ni Owen. Kaya naging malapit sila sa isa't isa. 

"Hindi ako empleyado mo dito para tratuhin mo ng ganyan, Ryder." prenteng naupo ito sa harap ng lamesa ni Ryder.

"Owen, can you shut up?" kunot noong sabi ni Ryder. Sinenyasan si Elena na lumabas ng opisina niya. 

"Huh? D*mn, Dude. Ako lang ang nagtitiyagang kaibigan mo. Ganyan ka pa kagaspang sa akin. Sinaktan mo ang puso ko do'n." inilagay ni Owen ang isang kamay sa dibdib niya. Nag arteng masakit ang puso.

Tinapunan ni Ryder ng ballpen niya ang kaibigan. Nasaloi ito ni Owen at tumawa ng malakas. Si Owen ang isa sa pinakamalapit kay Ryder. Bukod sa kapatid at sa Mama niya. Wala siyang naging kaibigan kundi si Owen lang. Halos kadikit bituka na niya ang kaibigan. Ito lang ang nakakaintindi sa isang Ryder Sable.

Seryosong umupo si Ryder sa kanyang swivel chair. Ganito siya kaseryoso sa kahit na sino. Kahit pa sa kaibigan niya. At sa pamilya niya.

"What are you doing here? Wala ka bang trabaho? At na andito ka sa kompanya ko." nakakunot noo pa din na tanong niya kay Owen.

"I want to asked you kung pupunta ka sa Party mamaya. Alam mo na, ikaw lang naman ang kilala ko doon. Siyempre para mahawa na din ng kasikatan mo. Kahit na ang pangit ng ugali mo." biro ni Owen sa huli kay Ryder. Siya lang ang nakakapag salita ng ganoon kay Ryder. Dahil sa hindi pinapayagan ni Ryder ang kahit na sino na may sabihin sa kanya na hindi niya magugustuhan. Kalat ang pagiging cold niya sa lahat. Even to his own mother and brother. Ganito siya kalamig.

"Still, I'm not sure. Kung pupunta ako. I'm a very busy person. At alam mo 'yan, Owen."

"Yeah, I know. Busy magpayaman. Ano ba ang ginagawa mo sa pera mo?" tanong ng kaibigan niya.

"Money can do everything. Sinasamba ng lahat ng tao. Kapag marami kang pera, maraming naghahabol sayo." rasong sagot niya. 

"Really? Ryder Sable, still need more money. Dude, do you have s*x life? Ni wala ka nga palang girlfriend. Paano ka magkakaroon niyon?"

Napataas ang kilay ni Ryder. 

"Hindi ako tigang. Kung iyan ang iniisip mo. Babae na ang lumalapit sa akin." pagmamayabang niyang aniya.

"Sinabi mo 'yan. I bet na virgin ka pa. Wala ngang ginagawa buong maghapon. Kundi ubusin ang lahat ng oras sa swivel chair mo. At sa meeting sa loob ng conference room mo." paghahamon ni Owen.

Napailing ng ulo si Ryder.

"Me? Virgin? No!" matigas na tanggi ni Ryder.

Natawa nang mahina si Owen. "Patunayan mo. Date your secretary." 

"What? No way! Hindi siya ang tipo ko. Iba na lang." mariing tanggi niya.

"Okay. 'Di sa akin na lang ang sekretarya mo." may ngising nakakaloko ito sa labi. 

"Go and take it. Wala akong pakialam."

Ryder is a simple playboy and heartbreaker man. Walang nakakaalam ng kaniyang papalit palit ng babae. Kundi siya lamang. No one can get to know his private life. Kahit ang mga babaeng kanyang nakakasiping ay hindi din basta basta na ipagkakalat na minsan nilang nakaniig ang isang Ryder Sable.

"""""""

Nagmamadali si Devyn sa pagpasok sa loob ng kuwarto. Nabugaran niya ang kanyang kapatid na nakaratay sa higaan ng ospital.

"Ano pong nangyari sa kapatid ko?" naiiyak na tanong ni Devyn sa kanyang Lola. Haplos niya ang buhok ng maputlang kapatid.

"Apo, malala na si Divina. Natatakot ako para sa kapatid mo. Wala na tayong pera pampagamot sa kanya." mangiyak iyak na sagot ng Lola ni Devyn. Saka napayuko. 

Hinawkan ni Devyn ang kamay ng Lola niya.

"Hayaan niyo po. Gagawa po ako ng paraan. Gagaling po si Divina. Hindi ko po hahayaan din siyang mawala sa atin." tuluyan nang umagos ang luha ni Devyn. Nasira ang kanyang katatagan nang marinig ang kalagayan ng kapatid.

Pabalik balik ang kapatid niya sa ospital. May lukemia ang kapatid niya. Kinse anyos pa lamang ito at nakakaranas na nang hagupit ng buhay. Si Devyn lang ang nag iisang tumataguyod sa kanyang kapatid na si Divina. Maaga silang naulila sa magulang at si Lola Anding ang kumukupkop sa kanilang magkapatid. Hindi nila tunay na Lola si Lola Anding. Nakituloy lang sila nuon sa kanya. Nuong pinalayas sila sa bahay nila. Dahil wala na silang perang pambayad. Na palapit na din ang magkapatid sa matanda. Kaya itinuring na din silang parang tunay na app niya.

Kung ano ano nang trabaho ang pinasok niya para lamang magkaroon ng pangtustos sa pampa-ospital ng kapatid. Gusto nang sumuko ng kanyang katawan. Ngunit sa kanyang puso. Hinding hindi siya mapapagod. Gagawin niya ang lahat para lamang gumaling ang kapatid.

"Lola, kayo na po muna ang bahala kay Divina." sabi niya at dumukot ng pera sa bulsa ng pantalon niya. Saka kinuha ang kamay ng Lola Anding niya. Inilagay ang kaunti niyang pera.

"Saan ka pupunta, Devyn?" malungkot na tumingin sa mukha ng Apo.

"Maghahanap po ako ng puwedeng mapagkakitaan 'yung malaki po ang kita. Hindi ko po kayang hayaan na ganyan si Divina. Kailangan ko pong humanap ng mas malaking pera para sa pampagamoy niya." desidido na siyang pasukin ang kahit na anong trabaho. Basta para sa kapatid niya.

Nuong nawala ang magulang nila ay nangako siya sa puntod nila na aalagaan niya at iingatan ang nag iisang kapatid niya. Ngayon na may sakit si Divina. Nahihiya siya sa magulang nila na hindi niya matutupad ang pangako niya. Napakasakit na sunod sunod ang dagok sa pamilya nila. Ni wala man lang siyang magawa.

Nawalan sila ng magulang. Pagkaisang taon ay nagkasakit ang kapatid niya. Naratay sa ospital ng ilang buwan. Kaya napalayas sila sa bahay na tinitirhan nila.

Napakadaming alaala ang naiwan sa bahay na iyon. Doon sila ipinanganak at lumaki na magkapatid. Naiwan doon ang alaala ng magulang nila. Wala silang naisalbang gamit. Hindi na ibinigay ng may ari ng bahay ang mga gamit nila sa loob. Pambayad daw iyon sa ilang buwan nilang pagtira doon.

Naglalakad si Devyn papunta sa hindi malamang lugar. Hind niya alam kung saan siya maghahanap ng bagong trabaho. Pero, iisa lang ang hangarin niya ang gawin ang lahat para gumaling ang kapatid niyang si Divina.

Abangan....

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status