Share

Chapter 10

Author: SKYGOODNOVEL
last update Huling Na-update: 2025-03-04 20:06:02

Chapter 10

Lumapit si Troy at tinapik ako sa balikat. "Christopher, sigurado ka ba talaga rito?" tanong niya, pero halata sa tono niya na alam na niya ang sagot.

"Siyempre," sagot ko nang walang pag-aalinlangan.

"Huwag mo lang pagsisihan kung sakaling bumaliktad ang sitwasyon," aniya bago siya tumingin kay Kara at nagpaalam.

Tahimik lang si Kara. Hindi ko alam kung iniisip niya ang pamilya niya o kung pinagsisisihan na niya ang desisyon niyang pumayag sa kasunduan. Pero hindi na mahalaga.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahan siyang itinayo. "Umalis na tayo," malamig kong utos.

Wala siyang imik. Tumayo lang siya at sumunod sa akin. Simula ngayon, siya ang magiging asawa ko—sa papel man o hindi.

"Sandali!" wika nito. Kaya agad ako napahinto sa paglalakad. "S-saan tayo pupunta?" utal niyang tanong sa akin.

"Sa kumpanya ko, gusto kong ikaw ang personal secretary ko ngayon maliban sa isa king secretary," malamig kong sagot.

Nanlaki ang mata ni Kara sa sinabi ko. Halatang hindi niya in
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
A.N.J
sino si Mara
goodnovel comment avatar
Kai
Hala....sino sa buhay mo si Mara
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 418

    Chapter 418Demon POVIto ang kinatatakutan ko… kaya ayaw na ayaw kong galitin si Jas—dahil buhay ang kapalit.Hindi siya basta-basta pumapatay para lang magpatahimik. Kapag gumalaw si Jas, may rason, at siguradong wala nang makakatakas.Ngayon, nakikita ko na naman ang tingin niyang iyon… malamig, walang emosyon, at nakatutok lang sa isang bagay—paghiganti.Kung ako ang kalaban, mas pipiliin ko pang tumakbo sa gitna ng bagyo kaysa harapin siya sa ganitong estado.Alam kong sa bawat hakbang niya ngayon, parang may dumadagundong na orasan sa paligid—bilang ng segundo bago bumagsak ang hatol.Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang tensyon sa hangin.Si Cherie, alam din ang ibig sabihin nito; nakita ko kung paano siya bahagyang huminga nang malalim, parang naghahanda na rin sa nalalapit na salpukan.Sa teritoryo ni Damian, walang lugar para sa mahina.At ngayong galit si Jas… wala ring lugar para sa awa.Hanggang nagsalita ito, malamig at mababa ang boses na parang gumagapang sa ilalim ng

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 417

    Chapter 417Cherie POVHumigpit ang kapit ko sa baril habang patuloy ang palitan ng putok sa paligid. Ramdam ko ang tibok ng puso ko—mabilis, pero kontrolado. Hindi ako puwedeng matinag, hindi ngayon na alam kong nasa bingit kami ng kamatayan.Sa bawat paglingon ko, sinusuri ko ang kilos ni Elias. Masyado siyang kalmado, parang may alam siya na hindi pa niya sinasabi. At kung tama ang kutob ko, siya ang susi sa makakaligtas kami… o siya mismo ang dahilan ng kapahamakan namin.May dalawang lalaki ang sumulpot mula sa gilid. Hindi na ako nag-aksaya ng bala—isang mabilis na slide sa sahig, inikot ko ang katawan, at dalawang putok ang pinakawalan. Tumama. Wala nang oras para mag-alinlangan.“Keep moving!” sigaw ko kina Jas at Jacob. Hindi ako natatakot mamatay… pero hindi ako papayag na mamatay kami nang walang laban.At habang patuloy ang putukan, ramdam kong mas lalong humihigpit ang bitag na pumasok kami.Bumigat ang hangin—hindi lang dahil sa usok ng pulbura, kundi dahil ramdam ko na

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 416

    Chapter 416Sa bawat segundo, lalong lumalakas ang ugong ng motor. Hindi ito bangka—mas malalim at mas matinis ang tunog.“Jet ski…” bulong ni Demon, nanlilisik ang mga mata. “Mas mabilis sila sa atin.”“Hindi sila makakadaan nang madali sa makipot na pasok ng ilog na ’to,” sagot ni Elias habang patuloy na nagsasagwan. “Pero maghanda kayo. Kapag lumitaw sila, hindi na natin maiiwasan ang putukan.”Hinugot ko agad ang aking baril, ramdam ang lamig ng bakal sa palad ko. Si Cherie naman ay mabilis na nag-reload ng kanyang rifle.Sa di-kalayuan, lumitaw ang dalawang jet ski, sakay ang apat na lalaki na naka-itim at may suot na tactical vest. Isang tingin pa lang, alam kong hindi basta-basta ang mga ito—mga sanay pumatay.“Jas, ikaw sa kanan. Demon, sa kaliwa. Ako sa gitna,” mabilis na utos ni Elias.Bago pa sila makalapit, biglang may narinig akong pamilyar na tunog sa unahan—click… kasunod ng mahinang ugong na parang mula sa ilalim ng tubig.“Mine trap?” tanong ko, nakakunot ang noo.Ngu

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 415

    Chapter 415Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa takot, kundi sa excitement ng paparating na laban.Si Demon ang unang gumalaw—isang mabilis na side step at tinamaan niya ng matinding siko ang panga ng kalaban sa kaliwa. Bumagsak agad ito na parang pinutol ang kuryente sa katawan.Si Cherie naman ay gumamit ng diskarte—isang mababang ikot, sinipa ang tuhod ng isa, sabay suntok sa sikmura. Umubo ito nang malakas bago mawalan ng malay.Dalawa na lang ang nakatayo, at ako ang hinarap nila.Ang una, sumugod nang mabilis, pero hinawakan ko ang baril niya, pinaikot ang braso niya, at isang CRACK!—nabali. Bago pa makareact ang isa, inihagis ko ang unang kalaban papunta sa kanya. Sabay kaming umabante ni Mr. Crus para tapusin sila.Sa loob ng ilang segundo, wala nang nakatayo sa harapan namin.“Walang takot, sabi ko sa’yo,” bulong ko kay Mr. Crus na nakangiti lang at tumango.Pero bago kami makagalaw ulit, biglang tumunog ang malakas na alarm sa buong gusali.“Uh-oh,” ani Demon. “Mukh

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 414

    Chapter 414 Ngumisi siya, ngunit malamig, walang init ng pagkilala. "Maraming bagay ang hindi mo pa alam. At kung hindi kayo maingat, baka hindi lang clone ang problema natin—baka mas malalim pa." Ramdam ko ang bahagyang pagpitik ng mga daliri ni Demon sa tabi ko, hudyat na handa siya kung sakaling may biglaang mangyari. Si Cherie naman ay hindi na inaalis ang kamay sa hawak niyang armas. "Kung gano’n, sino talaga ang dapat naming paniwalaan?" tanong ko, halos bumulong. Tumikhim siya at tumalikod, tinapik ang mesa kung saan may nakakalat na mga mapa at litrato. "Sasagot ako… pero hindi dito. Maraming matang nakatingin." Sa sandaling iyon, mas lalo akong naguluhan—at mas lalong dumami ang tanong kaysa sagot. Pero nagkatinginan kami nina Demon at Cherie nang biglang magsalita siya ng mahina, halos pabulong pero malinaw ang bigat ng tono. "Maghanda kayo… alam na nila andito na kayo. Pumunta kayo sa may kusina, may makikita kayong carpet doon. Tanggalin ninyo at buksan ang dalawang

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 413

    Chapter 413Parang tumigil ang oras nang makita ko ang anyo ng matanda sa bintana. Nanginginig ang kamay ko habang nakapikit sandali, pinipigilan ang sarili na sumugod agad.Pero bago pa ako makagalaw, isang presensya ang biglang sumulpot sa perimeter. Mula sa dilim, may lalaking dahan-dahang naglakad papasok sa compound—matangkad, naka-itim mula ulo hanggang paa, at may hawak na mahabang kutsilyong kumikislap sa ilalim ng buwan.“Target spotted,” bulong ni Demon sa earpiece. “Hindi yan ordinaryong bantay… kilala ko ‘yan. Elias Cruz—dating top assassin ng Red Roses. Dangerous man, Jas. Kung nandito siya, ibig sabihin may mas malalim na misyon ang mga taong humahawak sa tatay mo.”Ramdam ko ang malamig na pawis sa batok ko. Kilala ko ang reputasyon ni Elias—walang nakakatakas sa kanya, at wala siyang sinasanto.“Abort or proceed?” tanong ni Cherie, bakas ang kaba sa boses.Hindi ako sumagot agad. Pinagmamasdan ko si Elias na ngayon ay papalapit sa mismong bintana kung saan ko nakita an

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status