Share

Chapter 139

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-04-09 15:13:36

Chapter 139

Lumipas ang mga araw, naging linggo, at tuluyang naging buwan… pero ni anino ni Richard ay hindi nagpakita.

Sa bawat pagdungaw ko sa bintana ng aming bahay, sa bawat paghakbang ko sa palengke, at sa bawat umagang gumigising akong umaasa — wala pa rin siya. Unti-unti kong tinanggap sa sarili ko na baka hanggang doon na lang talaga ang sandaling ibinigay sa amin ng tadhana.

Hanggang sa dumating ang araw na matagal ko nang kinatatakutan.

Si Lola — ang aking tanging kasama, gabay, at lakas — ay pumanaw na. Tahimik siyang namaalam sa kanyang pagtulog. Isang paalam na walang sakit, ngunit iniwan akong basang-basa ng luha at pangungulila.

At doon… habang nililibing si Lola, isang banyagang lalaki ang lumapit sa akin. Matangkad, maputi, at may hawig sa ilang luma naming litrato. Bitbit ang maletang may markang “Frankfurt, Germany.” May galang ang kanyang kilos, ngunit halata ang kaba sa kanyang mga mata.

“I’m looking for… Analiza,” mahina niyang sabi, bahagyang nauutal.

“Bakit po?
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 140

    Chapter 140Richard POVPagkababa ko ng kotse sa harap ng malaking gate ng mansyon ng mga Curtis, saglit akong napatigil. Ilang buwan na rin mula nang huli akong nandito, pero sa dami ng nangyari, pakiramdam ko'y isang buong taon ang lumipas.Tinanggap ako ng gwardiya, at agad akong pumasok. Sa loob, abala ang lahat—may mga bulaklak, gown fittings, at ilang kamag-anak na panay ang kwentuhan. Papalapit na ang kasal nina Kara at Chris, at ramdam ko ang saya ng buong paligid. Ngunit sa kabila ng kasiyahang iyon, may kulang.Wala si Analiza.“Richard!” masayang bati ni Kara, sabay yakap. “At last, bumalik ka na rin.”“Congrats sa inyo,” simpleng tugon ko, pilit na nginitian sila.Lumapit si Chris, sabay tapik sa balikat ko. “Tamang-tama ka, bro. Sa kasal namin ikaw ang best man. Alam mo na.”Napangiti ako, pero agad kong ibinaling ang usapan. “Si Analiza... andito ba siya?”Nagkatinginan sina Kara at Chris. Tumikhim si Kara bago sumagot. “Richard... umalis siya. Hindi na siya dito nakatir

    Last Updated : 2025-04-10
  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 141

    Chapter 141Chris POVNapakasaya ko ngayong araw.Sa wakas, sa ikatlong pagkakataon ay naging Mrs. Kara Curtis Montero muli ang babaeng pinakamamahal ko. Mula pa noong una, siya na talaga — kahit anong unos, kahit ilang ulit kaming pinaghiwalay ng tadhana, siya at siya pa rin ang pipiliin ko.Tumitig ako kay Kara habang dahan-dahan siyang lumalakad papunta sa akin. Suot niya ang wedding gown na para bang isinusuot lang niya para sa akin at sa araw na ito. Napakaganda niya — hindi ko mapigilan ang mapangiti habang ang puso ko ay tila sasabog sa tuwa.Kasunod niya, lumakad ang bunso naming si Ellie, na sobrang cute sa maliit niyang white dress habang may hawak na bulaklak. Masigla siyang ngumiti sa akin, tapos tumingin kay Kara at kumaway. Si Jacob naman, ang panganay namin, ay nakasuot ng maliit na tuxedo, proud na proud habang tinutulungan ang kapatid niya.Sobrang proud ako sa pamilya ko.Sa dinami-rami ng pinagdaanan naming pagsubok ni Kara — mula sa selos, distansya, at mga dating

    Last Updated : 2025-04-10
  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 142

    Chapter 142"Good luck sa flight mo, alis na baka maiwan ka pa!" tawag ko kay Richard habang tinatapik ko siya sa balikat."Sige, tol. Salamat," sagot niya ng seryoso, pero ramdam ko ang bigat sa tinig niya—yung halo ng kaba, pag-asa, at takot.Tumayo siya mula sa upuan, kinuha ang kanyang coat, at tahimik na naglakad papunta sa labasan kung saan nakaparada ang kanyang kotse. Tahimik ko siyang sinundan ng tingin. Sa bawat hakbang niya, alam kong dala-dala niya ang bigat ng mga salitang hindi niya nasabi noon pa man.Alam kong hindi madaling desisyon ito para sa kanya. Pero minsan, kailangan mong maging matapang para sa taong hindi mo kayang mawala."Richard," tawag ko bago siya tuluyang makapasok sa kotse.Napalingon siya. "Oo?""Sabihin mo na lahat. Huwag mo nang ulitin ‘yung pagkakamali mong nanahimik," sabi ko ng seryoso.Tumango siya, at saglit na ngumiti. "Hindi na ako papalya ngayon, Chris."Sabay sara ng pinto ng kotse. Saglit lang, umandar na ito paalis.Habang papalayo ang il

    Last Updated : 2025-04-10
  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 143

    Chapter 143Habang naglalakad kami, ang mga tanawin ng dagat ay napakaganda, at sa isip ko, walang ibang mas mahalaga kundi ang oras namin ngayon. Walang iba. Walang hadlang. Kami lang.Nakarating kami sa isang villa na may balcony na nakaharap sa dagat. Ang lugar ay tahimik at pribado—perpekto para sa amin.Hindi ko na kayang maghintay pa, kaya hinawakan ko ang kamay ni Kara at inakay siya sa loob ng villa."Ngayon, walang makakagulo sa atin," sabi ko habang ini-lock ko ang pinto.Magkasama kaming naglakad patungo sa kama, at sa mga mata ni Kara, nakita ko ang mga emosyon—pag-ibig, kaligayahan, at saya. Hindi ko na kailangan ng anumang bagay pa. Kami na lang."Pahinga muna tayo, Mahal!" sambit ko kay Kara, habang inihihiga siya sa kama at hinahaplos ang kanyang buhok. Ang init ng katawan ko, at kahit gaano man kami kasaya at ka-excited, parang gusto ko lang muna siyang yakapin at magpahinga kasama siya.Tumingin siya sa akin ng may ngiti. "Ang bilis mong mapagod, ha?" biro ni Kara ha

    Last Updated : 2025-04-10
  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 144

    Chapter 144 Kara POV Napangiti ako sa sinabi ni Chris. Kaya yumakap ako dito at isiniksik ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. Dinig na dinig ko ang tibok sa kanyan puso at ito ay musika sa aking pandinig. "Chris, I'm scared!" wika ko habang hinahaplos ang kanyang dibdib. "Hmmm," tanging tugon niya sa akin. Dahil sa pagsabi niya yun ay may nararamdaman akong kakaiba sa aking katawan para akong siniliban ng apoy. "Shhh.... Don't scared," sabay haplos niya sa aking buhok. "Mula ngayon, kayong tatlo ang mahalaga sa akin. Wala ng iba," mahina niyang sabi sa aking. "Chris, pwede bang gawin nating ngayon?" sambit ko dito. Agad itong umatras kaya inangat ko ang aking ulo para makita ko ang kanyang mukha. "Kara?! Sigurado ka?" tanong niya. "Oo, at ayaw kong sayangin ang ating honeymoon," ngiti ko dito na may pang-akit. Kaya hinalikan niya ako sa aking labi marahan ngunit mapusok. Hanggang pumunta ito sa aking leeg doon ay sinipsip niya na parang gustong Mag-iwa

    Last Updated : 2025-04-11
  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 145

    Chapter 145Kinabukasan. Nagising ako sa init ng yakap ni Chris. Nakatagilid ako habang nakasiksik pa rin sa kanyang dibdib. Ramdam ko ang dahan-dahan niyang paghaplos sa aking braso, tila ba ayaw niyang mabitawan ako kahit sa isang saglit. “Good morning, my wife…” bulong niya sa akin, sabay halik sa aking noo. Napangiti ako. “Good morning, my husband,” pabulong ko ring tugon. Sandali kaming natahimik. Parang ayaw naming gumalaw sa kama, masarap kasi ang ganitong pakiramdam—yung parang wala nang iba pang mahalaga kundi ang isa’t isa. Pero bigla… PRRRRRT! Naputol ang aming sandali sa pagtunog ng cellphone ni Chris. Kinuha niya ito sa side table at nakita kong biglang nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Kara, kailangan kong umalis. Emergency ito,” seryoso niyang sabi habang agad bumangon at nagdamit. “Anong nangyari?” takang tanong ko habang hinahabol ang kanyang tingin. Hindi agad siya sumagot. Parang nagdadalawang-isip kung sasabihin ba niya sa akin. Pero sa huli, nil

    Last Updated : 2025-04-12
  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 146

    Chapter 146 Chris POV Habang nasa van paalis ng city para sa biglaang business emergency na tinawag ni Mr. Huang, hindi mapakali ang pakiramdam ko. Parang may mali. Hindi ko maipaliwanag, pero ramdam ng dibdib ko ang bigat. Pagtingin ko sa cellphone ko— 10 missed calls. Lahat galing kay Kara. Agad kong pinindot ang huling tawag, pero hindi na ito umaandar. Switched off na ang phone niya? “Damn it.” Napatulig ako nang may pumasok na notipikasyon sa Messenger. Unknown sender. 3 video files. Kinabahan ako. Agad ko itong binuksan kahit na mahina ang signal. Unti-unting nag-load ang unang video. At doon, gumuho ang mundo ko. Si Kara. Nakagapos sa upuan. May piring ang mata. At may panyong nakatali sa bibig niya, pigil ang sigaw. Halatang pinipilit niyang kumalma kahit nanginginig ang buong katawan niya. “Putang—” napamura ako, agad na napahawak sa manibela ng sasakyan kahit hindi ako ang nagda-drive. “Paki-preno! Stop the van! NOW!” Huminto kami sa gilid ng kalsada. Pinano

    Last Updated : 2025-04-12
  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 147

    Chapter 147 "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya, mas matalim na ang tono. "Hindi ko maintindihan, Chris. Anong nangyari sa anak ko? Huwag mo akong gawing tanga—" "Papa, naiintindihan ko. Wala akong ibang gustong mangyari kundi matulungan siyang makabalik, pero—" Inilapit ko ang kamay ko sa aking mata, pilit pinipigilan ang mga luhang gusto nang kumawala. "Si Kara... kinidnap siya." Tumahimik sa kabilang linya. Ang bigat ng katahimikan na iyon. Alam kong iniisip ni Papa Robert ang mga posibilidad—ang mga panganib na maaari niyang hindi kayang tanggapin. "At ikaw... anong plano mo, Chris?" tanong niya, ang boses ay nagiging mas seryoso, parang banta. "Huwag mong gawing madali lang ito. Hindi kita hahayaan na wala kany gawin sa anak ko." Naramdaman ko ang init na dumarating sa aking katawan. "Hindi ko siya papabayaan, Papa. Hindi ko siya pababayaan. Gagawin ko ang lahat para mahanap siya. Ang kahit ano, makuha ko siya." "Mas makabubuti kung ikaw mismo ang makahanap kay Kara... P

    Last Updated : 2025-04-12

Latest chapter

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 200

    Chapter 200 Pumilit ang mga kalaban na makipaglaban pa din sila sa amin, ngunit isa-isang binagsak sila sa aming mga kamay at ang mga balang galing sa aming mga baril ang siyang tumapos sa kanilang buhay at umuubos sa mga natitirang sagabal pagsugpo ng kalaban sa lipunan. At ang hangin ay tila nagiging magaan, tila nagiging mas matamis ang bawat patak ng pawis sa aming mga katawan, at ang bawat tagpo ng putok ay ang huling sigaw ng paglaban. "Wala na, wala ng sagabal sa pagtugis nang kanilang leader ang siyang galamay ng huwad naming Lolo," wika ko sa sarili ko, tinitingnan ang mga natirang katawan ng mga kalaban sa sahig.Habang tinititigan ko ang mga bangkay na nakahandusay sa sahig, dama ko ang bigat ng tagumpay na may halong lungkot at pagod. Hindi ito isang tagumpay na kailangang ipagdiwang—ito ay isang tagumpay na kailangang igalang. Bawat patak ng dugo na dumanak ay katumbas ng katahimikan para sa mga inosente.Lumapit si Miguel sa akin, hawak ang baril pero nakababa na ito.

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 199

    Chapter 199 Hanggang may may nakita akong isang tauhan ko na pa simpleng may tinatawagan kaya agad kong sininyasan si Troy para hulihin nito. Hindi ko matandaan kung kailan ko naging tauhan ito kaya malakas ang kutod ko na isa itong traydor. Agad kumilos si Troy. Tahimik at mabilis niyang nilapitan ang lalaking nakasuksok sa lilim ng pader, may hawak na cellphone habang may kinakausap sa mahinang boses. Bago pa man nito maibaba ang tawag— Pak! Isang mabilis na hampas ng baril ang ibinigay ni Troy sa batok ng lalaki. Napaigtad ito at nahulog ang cellphone sa lupa. “Walang kikilos,” malamig kong utos habang papalapit. Pinulot ko ang cellphone at sinilip ang call history—walang pangalan, pero may naka-log na outgoing call sa isang encrypted number. “Ano ang pangalan mo?” mariin kong tanong habang nakaluhod ito at nilagyan na ni Troy ng zip tie ang mga kamay sa likod. Hindi ito sumagot. Sa halip ay ngumiti—isang pamilyar na ngiti. Isa iyong ngiting nakita ko sa dati naming mg

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 198

    Chapter 198Hanggang tanaw ko ang private jet na dahan-dahang umaalis sa runway, dala ang pinakamahahalaga sa buhay ko—ang mag-iina kong sina Kara, ang munting si Ellie na anim na taong gulang, at si Jacob na ngayon ay labindalawang taong gulang na. Kasama rin nila si Ate Ellie, ang kapatid naming comatose pa rin hanggang ngayon, may sariling doktor at private nurse na nag-aasikaso sa kanya.Naroon din si Mila, hawak ang dalawang buwang gulang na anak nila ni Troy, habang si Clarissa naman ang umalalay sa kanya. Alam kong maselan pa ang kalagayan ni Mila, at alam kong si Clarissa ay gagawin ang lahat upang pangalagaan sila.Ligtas silang lahat, dahil kasama nila si Revenant—isa sa mga pinaka-pinagkakatiwalaan kong tao. Higit pa roon, may tauhan kami sa Amerika, mga handang sumalo at sumubaybay sa kanila mula sa paglapag ng eroplano hanggang sa bagong tirahan nila. Sa bansang iyon, hindi basta-basta makakagalaw ang sinuman laban sa kanila.Habang ang mga mahal ko ay nasa kaligtasan, ka

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 197

    Chapter 197Dahil sa galit ng aking kapatid ay hindi ko na ito napigilan. Isang malakas na suntok sa mukha ang kanyang pinakawalang dahilang upang dumugo ang labi nito. Hindi pa na kuntinto binunut ang kanyang knife nakatago sa kanyang boots na hindi ko napansin man lang kanina at itinirik sa kamay nitong nakaposas na huwad.Sabay sigaw. "Putang ina ka, nang dahil sayo muntik ko na napatay ang kapatid ko!"Mabilis kong hinawakan si Clarissa upang pigilan pa siya sa sunod niyang gagawin. Nanginginig ang kanyang katawan sa galit at luha na bumabagsak sa kanyang pisngi. Habang ang huwad na si Domenico ay napasigaw sa sakit, duguan ang kamay na nasaksak."Tama na, Clarissa! Tama na!" sigaw ko habang pilit siyang pinipigilan. "Hindi tayo tulad niya. Hindi tayo mamamatay-tao.""Pero muntik ko kayong patayin! Ginulo niya ang buhay nating lahat!" sigaw niya, nanginginig ang boses sa poot at sakit.Napaatras siya habang patuloy ang pag-iyak. Nilapitan siya ni Miguel at inalalayan, habang ang m

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 196

    Chapter 196KinabukasanTahimik kaming dalawa ni Clarissa habang nasa loob ng sasakyan. Tanging ugong ng makina at huni ng mga ibong dumaraan ang maririnig sa labas. Binabagtas namin ang daan papunta sa safehouse kung saan nakakulong ang matandang puno ng kasinungalingan—ang Lolo naming nagtaksil sa pamilya.Napatingin ako kay Clarissa. Nasa mukha niya ang galit at poot. Nakakuyom ang kanyang mga kamao, at bakas sa kanyang mga mata ang damdaming pilit niyang kinukubli."Hindi ko maintindihan, Kuya," mahina niyang sambit. "Paano niya nagawa 'yon sa pamilya niya? Sa apo niya? Sa 'tin?""Hindi ko rin alam," sagot ko habang pinipilit manatiling kalmado ang boses ko. "Pero ngayong hawak na natin siya, wala nang makakaligtas sa katotohanan.""Anong balak mong gawin sa kanya?" tanong niya sa akin habang diretsong tumitig sa akin."Pilitin siyang magsabi ng totoo... lahat ng itinatago niya. Para sa hustisya. Para kay Ellie. Para sa ating lahat."Pagdating namin sa safehouse, bumaba kami at ta

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 195

    Chapter 195 Napahinto si Clarisse o Clarissa, sa narinig. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan si Gian na palapit sa kanya. "Clarissa?!" ulit ni Gian, bakas sa tinig ang halong gulat at emosyon. "Ikaw nga…" Hindi na ito nakatiis at agad siyang niyakap ng mahigpit, para bang takot na muli pa itong mawala. Napasinghap si Clarissa. "G-Gian?" mahina niyang tugon habang unti-unting lumuluhang ang kanyang mga mata. "Ikaw ang… kaibigan ko noon sa Panglao…" sabik na sabi sa aking kapatid kay Gian. "Hindi lang kaibigan," sabat ni Gian habang nakangiti. "Ikaw ang matalik kong kaibigan noon… ang batang laging nagtatanggol sa akin tuwing inaapi ako sa eskwela. Naalala mo na?" Tumulo ang luha ni Clarissa, kasabay ng mahinang pag-iling. "Akala ko… kinalimutan mo na ako." "Hinding-hindi kita malilimutan," sambit ni Gian habang pinupunasan ang luha nito. "Ngayon, babawi tayo sa mga panahong nawala. At ipagtatanggol naman kita ngayon… kahit kanino." Tahimik na pinanood ng

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 194

    Chapter 194Lumabas ako ng kwartong iyon nang walang lingon-lingon. Matatag ang bawat hakbang ko, ngunit sa loob-loob ko'y may bagyong humahagupit. Kailangan kong magmadali—dahil kung hindi ko siya mapipigilan, tuluyan siyang malulunod sa dilim na inihain ng aming Lolo.Ang aking step-sister.Ang babaeng ni minsan ay hindi ko pinakita, hindi ko pinakilala. Bahagi siya ng nakaraan kong pinilit kong ibaon, ngunit ngayon, siya na ang banta sa lahat ng mahal ko.Hindi siya masama noon.Ngunit mula nang yakapin niya ang mga kasinungalingan ni Lolong walang awa, naging kasangkapan siya ng kasamaan."Hindi kita hahayaang masira, at lalo nang hindi ko hahayaang manakit ka," bulong ko sa sarili habang sumakay sa sasakyan.Habang pinaandar ko ito papunta sa huling lokasyong binigay ni Troy, ramdam ko na... ito na ang simula ng dulo. Isang engkwentro na hindi lang pisikal—pati damdamin, alaala, at katotohanan ay babanggain.Sa bawat ikot ng gulong ng sasakyan, mas lalo akong nadadarang sa galit

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 193

    Chapter 193Lumipas ang ilang oras—oras ng katahimikan, ngunit hindi kapayapaan. Pinagmasdan ko ang mukha ni Kara habang natutulog sa kama, mahigpit ang hawak ni Ellie sa kamay ng kanyang ina. Hinaplos ko ang buhok ng anak kong babae, saka yumuko upang halikan ang noo ni Kara.“Magpapahinga lang ako sandali, mahal. Gian,” tawag ko sa kasama kong nakabantay. “Ikaw na muna bahala dito. Ako na ang bahala kay Lolo.”Tumango si Gian. “Walang problema, Chris. Ligtas sila sa akin.”Tumalikod ako at tuluyang lumabas ng kwarto, muling nabalot ng galit ang dibdib ko. Ngayong alam ko na ang totoo—na si Senyor Carlo, ang taong itinuring kong gabay at ama-amahan, ay siya palang ugat ng gulo, hindi ko na kayang palampasin pa.Tumigil ako sa harap ng interrogation room. Dalawang bantay ang nakatayo roon, at sa loob, naroon ang matandang puno ng karanasan at lihim—ang sarili kong Lolo.Hinawakan ko ang door handle, huminga nang malalim, at marahan itong binuksan."Panahon na para sa mga sagot, Lolo,"

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 192

    Chapter 192 Nang makarating kami sa pinakadulong pinto ng kuta, nagsimula nang mag-ingay ang ilang tao sa loob. May mga nagsasalita, ngunit wala akong pakialam sa kanila. Ang tanging nasa isip ko ay ang kaligtasan ni Kara at Ellie. Bago ko pa magawa ang lahat ng plano, tumunog ang phone ko. Si Gian. "Chris, nahanap namin sila. Nasa silid sa itaas. Kailangan nating magmadali," sabi ni Gian, ang boses niya ay puno ng urgency. "Got it. I’ll be there," sagot ko. Walang pasabi, tumakbo kami papunta sa itaas. Alam ko, kailangan ko na silang makuha at wala nang oras para maghintay. Pagpasok sa silid, nakita ko si Kara, naka-kadena at nakagapos. Nasa tabi niya si Ellie, ang mga mata ni Ellie ay puno ng takot, ngunit nang makita ako, bigla siyang ngumiti. "Daddy!" sabi niya, mahina at may takot sa boses. Naglakad ako sa direksyon ni Lolo Carlo. "Ikaw na lang, Lolo. Bakit? Magsalita ka?" sabi ko, ang mata ko’y puno ng galit at determinasyon. "Oo apo," sagot ni Lolo Carlo, may ngiti sa l

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status