Share

Chapter 16

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-03-05 14:42:58

Chapter 16

Napalingon ako sa biglang pagbukas ng pinto. Isang matandang lalaki ang pumasok, at kahit halata sa kanyang anyo ang katandaan, may awtoridad pa rin sa kanyang tindig at paraan ng paggalaw. Nasa 80 taong gulang siguro siya, ngunit ang kanyang presensya ay hindi basta-basta maaaring balewalain.

"Christopher," malamig nitong tawag sa lalaking kaharap ko. Agad namang tumayo si Christopher bilang pagbibigay-galang.

"Lolo," mahinahon niyang tugon.

Napatingin ang matanda sa akin, at ramdam ko ang kanyang matalim na titig na para bang sinusuri ako mula ulo hanggang paa. Pakiramdam ko'y lumiliit ako sa kinatatayuan ko sa ilalim ng kanyang mapanuring tingin.

“Sino siya?” tanong ng matanda, puno ng awtoridad ang boses.

"Hindi mo pa siya kailangang makilala, Lolo," sagot ni Christopher na may bahagyang iritasyon sa tono.

Napakunot ang noo ko. Ano'ng ibig niyang sabihin? Ako ang pinag-uusapan pero para bang isa lang akong bagay na hindi mahalagang ipakilala?

Ngumiti nang bahagya ang ma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 423

    Chapter 423Mabilis kong iniwas ang motor sa unang humarang, sabay bunot ng baril at pinaputukan ang gulong ng isa sa mga kasunod.Sumabog ito sa ere, dahilan para tumilapon ang sakay at bumangga sa kasunod nilang motor.Hindi ako tumigil—mas lalo kong binilisan ang takbo, ramdam ang malamig na hangin na humahampas sa aking mukha, kasabay ng tibok ng puso kong parang naghahalo ang galit at adrenaline.Sa gilid ng aking mata, tanaw ko si Cherie na abala rin sa pagbawas ng bilang ng mga humahabol sa kanya.Alam kong hindi pa tapos ang laban. Isa man lang sa kanila ang makalusot, siguradong susundan nila kami hanggang dulo.Kumapit ako nang mahigpit sa manibela ng motor habang binilisan pa ang takbo, ramdam ko ang bigat ng responsibilidad sa bawat pintig ng puso ko. Sigurado akong sina Papa at Demon ay ligtas na, pero iyon din ang dahilan kung bakit wala nang ibang pipigil sa akin at kay Cherie para tapusin ang laban.“Jas, sa kanan!” sigaw ni Cherie mula sa likuran, kasabay ng mabilis n

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 422

    Chapter 422Nais ko siyang yakapin, ngunit pinigilan ko muna ang sarili ko. Hindi ito ang oras para sa emosyon—hindi pa ligtas ang paligid. Alam kong anumang sandali ay maaaring muling sumiklab ang putukan, at hindi ko hahayaang may isa man sa amin ang mabiktima.Huminga ako nang malalim, pilit nilulunok ang matagal ko nang pananabik na muling madama ang yakap niya. Saka na… kapag sigurado na akong wala nang banta, kapag makakaalis na kaming apat sa impiyernong lugar na ito.Sa ngayon, mahigpit kong hinawakan ang armas, habang ang mga mata ko’y patuloy na gumagalugad sa paligid—handa sa kahit anong mangyari."Let's go, doon tayo dadaan," mariing wika ni Papa Elias, ang boses niya ay mababa ngunit puno ng awtoridad.Walang alinlangan, agad na kumilos sina Cherie at Demon, mabilis na sinundan ang direksyong tinuro niya. Ako man ay sumabay na rin, pinipilit na huwag magpaiwan kahit naninikip pa ang dibdib ko sa dami ng mangyayari at emosyon na nararamdaman.Habang tinatahak namin ang mak

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 421

    Chapter 421 Jasmine POV Humigpit ang hawak ko sa baril, ramdam ko ang pag-igting ng bawat ugat sa kamay ko. “Wala kang karapatang mabuhay pagkatapos ng lahat ng ginawa mo,” mariin kong bulong, pero sapat para marinig ni Damian. Nakita ko ang mabilis na pagkurap sa mga mata niya—hindi iyon takot, kundi pagkilala na alam niyang wala na siyang kontrol sa laban na ito. Isang iglap, bumalik sa akin ang lahat—ang dugo sa sahig noong gabi na kinitil niya ang buhay ko, ang halakhak niya habang unti-unti akong nawawalan ng hininga, at ang malamig na dilim na gumapos sa akin noon. Pero ngayon… ako na ang hawak ang kapalaran niya. Isang putok ang bumasag sa tensyon—hindi ko iyon pinakawalan. Mula sa dilim sa likuran, may mabilis na anino ang humugot ng patalim at tumalon papunta sa akin. At bago ko pa man maitapat muli ang baril kay Damian… may malamig na bakal na dumampi sa leeg ko. "Don't try or I kill you?" wika sa taong nasa likuran ko. Pero tumawa lamang ako sa kanyang si

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 420

    Chapter 420Elias POV(Ama ni Jasmine)Bawat putok ng baril ay parang pumapalo sa dibdib ko, hindi lang dahil sa ingay kundi dahil sa takot na baka tamaan ang anak ko.“Jasmine! Umatras ka!” sigaw ko habang tinamaan ko ang isang tauhan ni Damian sa binti. Pero parang wala siyang naririnig—punong-puno siya ng galit. Alam kong matagal niya itong inipon, at ngayon ay parang isang bagyong handang sumira ng lahat sa harap niya.Nakipagpalitan ako ng putok sa kaliwang bahagi kung saan nagkukubli ang tatlong tauhan ni Damian. Isa-isa silang bumagsak, pero hindi ako nakampante. Sa ganitong laban, isang maling galaw lang ay katapusan.Mula sa gilid ng usok, nakita ko si Damian na nakatutok ang baril kay Jasmine. Ang puso ko ay halos tumigil sa pintig. Mabilis akong gumapang, ginamit ang mga nasusunog na kahon bilang takip, at tinutok ko ang baril sa kanya.Pero bago ko mahila ang gatilyo, si Damian ay biglang ngumisi at sumigaw,“Kung tunay kang ama, pigilan mo siya… o pareho kayong mawawala!”

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 419

    Chapter 419Napalingon ako sa pinanggalingan ng putok, mabilis na hinugot ang baril at tinutok sa direksyong iyon. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, bawat segundo parang naghihintay ng kapalit na buhay.Mula sa makapal na usok, may lumitaw na anino—mabigat ang hakbang, mabagal pero sigurado. Sa bawat lapit niya, mas lalo kong nararamdaman ang tensyon sa paligid. Hindi ito basta tauhan lang.“Damian…” mahina kong bulong, at halos sabay kaming tumutok ng baril sa isa’t isa.Pero bago pa ako makapagpaputok, naramdaman ko ang malamig na bakal na dumampi sa gilid ng ulo ko. Isang pamilyar na boses ang sumunod.“Huwag kang kikilos, Demon… kung ayaw mong dito na magtapos ang kwento mo.”Ang huling bagay na nakita ko bago sumiklab ang gulo ay ang malamig na ngiti ni Jasmine—at ang tingin niyang parang siya ang may kontrol sa lahat."Bakit mong nagawang gamitin ang tauhan ng aking kapatid, ginawa mo pang isang clone," galit kong sabi, halos nanginginig ang kamay ko sa pagpipigil na h

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 418

    Chapter 418Demon POVIto ang kinatatakutan ko… kaya ayaw na ayaw kong galitin si Jas—dahil buhay ang kapalit.Hindi siya basta-basta pumapatay para lang magpatahimik. Kapag gumalaw si Jas, may rason, at siguradong wala nang makakatakas.Ngayon, nakikita ko na naman ang tingin niyang iyon… malamig, walang emosyon, at nakatutok lang sa isang bagay—paghiganti.Kung ako ang kalaban, mas pipiliin ko pang tumakbo sa gitna ng bagyo kaysa harapin siya sa ganitong estado.Alam kong sa bawat hakbang niya ngayon, parang may dumadagundong na orasan sa paligid—bilang ng segundo bago bumagsak ang hatol.Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang tensyon sa hangin.Si Cherie, alam din ang ibig sabihin nito; nakita ko kung paano siya bahagyang huminga nang malalim, parang naghahanda na rin sa nalalapit na salpukan.Sa teritoryo ni Damian, walang lugar para sa mahina.At ngayong galit si Jas… wala ring lugar para sa awa.Hanggang nagsalita ito, malamig at mababa ang boses na parang gumagapang sa ilalim ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status