Chapter 366Masaya pa sana ang gabi namin pagkatapos ng picnic. Ang dami naming tawa at kwentuhan habang pinapanood ang kambal na naglalaro. Pero pagkagabi, napansin kong masyadong tahimik si Caelan.Nilapitan ko siya sa crib at nang hawakan ko ang noo niya—mainit.“Jacob…” tawag ko agad, may kaba sa boses ko.Lumapit siya kaagad at sinuri si Caelan.“Ang init ng katawan niya, love. May thermometer ba si Yaya?”Dali-dali akong lumabas ng kwarto para tawagin si Yaya Lorna. Kinuha niya agad ang digital thermometer at sukatin ang lagnat ni Caelan.38.9°C.Hindi ko mapigilang kabahan. First time ito.Hindi ko alam kung overreacting ba ako, pero nanay ako. Hindi ko mapigilang matakot.“Sis, baka nag-ngingipin lang,” sabi ni Yaya habang pinapahid ang bimpo sa noo ni Caelan.Sinilip ko ang gilid ng bibig niya, at doon ko napansin—namamaga ang gilagid niya at may puting guhit na lumilitaw.“Ngipin…?” tanong ko, halos mangiyak.“Opo. Karaniwan pong nilalagnat ang baby kapag tumutubo na ang un
Chapter 365 Jasmine POV Lumipas ang mga buwan na tila isang iglap lang… Hindi ko namalayan na isang taon na pala ang lumipas simula nang isinilang sina Caelan at Elira. Parang kailan lang noong unang beses ko silang narinig tumawa, unang beses silang kumapit sa daliri ko, at unang gabing nilagnat si Elira—kinabahan talaga ako noon, pero nalampasan din namin lahat ng pagsubok. At ngayon? Narito na kami sa milestone na ito. First Birthday. Isang taon ng biyaya, saya, at pag-ibig sa aming pamilya. “Love, ready na ‘yung caterer. Dumating na rin ang mga party stylist,” sabi ni Jacob habang nililibot ang mansion. Ang buong mansyon ay naging paraiso ng kulay pastel—may mga lobo, hanging lights, at isang stage kung saan nakasulat sa malaking gold letters: “Happy 1st Birthday Caelan & Elira” Nagpasilip pa lang ang dekorasyon pero parang naiiyak na ako. “Dapat bongga, sabi mo,” biro ni Jacob habang yakap-yakap ang isang maliit na stuffed bear na regalo niya raw sa kambal. “Syempre! H
Chapter 364 Sumunod si Elira. Tahimik lang siya, pero nginitian ang pari habang binubuhusan siya ng tubig. “Elira Montero, binibinyagan kita sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.” Tumulo ang luha ni Jasmine habang hawak ang kamay ko. Si Renz ang unang lumapit. “Bilang ninong, hindi lang po ako tagabigay ng regalo. Isa po akong tagabantay. Caelan, Elira… sana paglaki ninyo, matutunan niyong lumaban, magmahal, at manindigan—katulad ng mga magulang ninyo.” Sumunod si Cherie. “Elira, baby girl, ninang Cherie mo ‘to. Isusulat ko lahat ng milestones mo sa notebook—lahat ng tawa mo, iyak mo, first crush mo. At kapag nasaktan ka, si ninang ang una mong lalapitan.” Tumawa ang ilan sa loob ng simbahan, pero dama ang sinseridad sa bawat salita. Lumapit ako sa altar, buhat si Caelan habang si Jasmine ay buhat si Elira. Huminga ako nang malalim. “Caelan. Elira.” “Ngayong araw, isinuko namin kayo sa Maykapal—hindi dahil mahina kami, kundi dahil naniniwala kaming mas ma
Chapter 363 Kinabukasan. Pumunta kami sa simbahan kung saan ako bininyagan noon. Maliit lang, tahimik, at malapit sa puso ko. Pumayag ang pari na magdaos ng binyag sa susunod na linggo. Hindi engrandeng handaan. Hindi malaking seremonya. Sapat na ang simpleng dasal, pamilya, at pananampalataya. “Gusto kong maging ninang si Ellie,” sabi ni Jasmine habang kinukulay ang invitation card na siya mismo ang gumagawa. “At gusto ko si Mateo at Matias ang maging ninong. Si Maricar ang tagasulat ng prayer letter ng kambal.” “Perfect,” sabay naming sabi. Kinagabihan. Nasa kwarto kami. Magkatabi si Caelan at Elira sa crib, suot ang matching white pajamas. Bumaba na ang lagnat nila. Mas mukhang mapayat pa rin, pero mas gumanda na ang kulay ng pisngi. Parang alam nilang may darating na bagong yugto sa buhay nila. Hinawakan ni Jasmine ang kamay ko. “Handa na ‘ko. Ibibigay natin sila. Hindi lang sa mundong ‘to… kundi sa Diyos.” Ngumiti ako. “At mula sa araw na ‘yon, hindi lang natin silang a
Chapter 362 Nahiga na kami sa kama sa tabi ng crib, pareho nang pagod pero masaya. “Nakakapagod, no?” tanong ni Jasmine habang nakatalikod pero hawak pa rin ang kamay ko. “Oo. Pero kung ganito ang kapalit… kahit buong buhay ko pa ‘to,” sagot ko. “Mahal na mahal kita, Jacob.” “Higit pa roon, Jasmine. Mahal ko kayo—kayong tatlo.” Sa unang gabi ng kambal sa mansyon, habang buong mundo ay abala sa pag-ikot nito, ang mundo namin ay umiikot na lang sa dalawang munting nilalang. Sa pagitan ng puyat, pagod, at gatas, doon ko nahanap ang tunay na kaligayahan. Buhay ama. Buhay magulang. Buhay pamilya. At ito pa lang ang simula.Lumipas ang unang buwan na para bang isang iglap lang. Sa pagitan ng mga puyat, pagpapadede, pagpapalit ng lampin, at mga himbing na sandali, unti-unti naming nakita ang pagbabago sa mga anak namin. At ngayon, narito na kami sa mga unang milestone nila—mga sandaling kahit simpleng ngiti ay parang premyo sa lahat ng hirap.Araw ng Linggo. Maaga pa lang ay gising n
Chapter 361 Limang araw ang lumipas mula nang isilang sina Caelan at Elira. Sa bawat oras na dumadaan, lalo kong nararamdaman ang pagiging ama -yung pagmamahal na hindi ko inakalang kayang lumalim pa. At ngayon, sa wakas, makakauwi na rin kami sa bahay. “Nak, handa na ang lahat. Pinaayos na ni Dad ang baby room,” sabi ni Mom habang tinutulungan si Jasmine sa pag-aayos ng gamit sa hospital room. Habang buhat ko si Caelan, si Elira naman ay nasa bisig ni Jasmine—pareho silang balot sa puting kumot, mahimbing na natutulog. “Excited na rin po sila Ellie at ‘yung triplets,” sabay ngiti ko. “Pinag-aagawan na nga raw kung sino ang unang mag-aalaga.” Tumawa si Mom. “Good luck na lang. Siguradong puno ng ingay at kilig ang bahay.” Pagdating namin sa mansyon ng mga Montero, sinalubong kami agad ng apat kong kapatid. Halos magkandarapa sila sa pagmamadaling makalapit. “Kuya Jacob!” sigaw ni Ellie, ang panganay kong kapatid na babae, 23 years old at may pagka-stage auntie na agad. May