Share

Chapter 178

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-04-30 21:38:27
Chapter 178

Habang masayang nagtatakbuhan sina Jacob at Ellie sa may likod-bahay, pansamantala akong naupo sa duyan at saka ko tinawag si Kuya Gian na kasalukuyang nagkakape sa may porch.

"Kuya..." mahina kong tawag. Tumingin siya sa akin, tahimik lang. Alam na niya agad kung anong susunod kong itatanong.

"Kumusta na siya?" tanong ko sa wakas, kahit pilit kong pinipigilang manginig ang tinig ko.

Umupo siya sa tabi ko, humigop muna ng kape bago sumagot.

"He’s still under strict monitoring until now," sagot niya. "Critical pa rin ang kondisyon niya, Kara. Pero stable. At least, hindi na lumalala. Still comatose though."

Tumango ako, habang pinipilit ang sarili kong huwag madurog sa narinig.

"Lagi akong updated sa lahat. Wala kang dapat alalahanin," dagdag pa niya, sabay tapik sa balikat ko.

"Salamat, Kuya…" bulong ko habang pinapanood ang mga anak kong masayang naglalaro—walang kamalay-malay sa bigat na dinadala ng puso ko.

Kara POV

Napatingin ako sa malayo, pilit na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 354

    Chapter 354 Paglipas ng ilang oras, biglang may kumatok sa pintuan ng aking silid. Tok. Tok. Tok. "Bakit?" tanong ko habang bumabangon mula sa kama, medyo antok pa. "Sir Jacob, tapos na raw gumawa si Chef Luke ng ice cream. Pwede niyo na po itong kainin," sagot ng katulong na nasa labas ng pinto. Agad akong napatayo. "Talaga? Sandali lang." Mabilis akong nag-ayos at lumabas ng silid. Habang naglalakad ako papuntang kusina, hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Sa wakas, may maihaharap na ako kay Jasmine—sana maibsan na rin ang tampo niya. Pagdating ko sa kusina, nandoon si Chef Luke na may hawak na maliit na tray. Nakatayo siya sa tabi ni Manang Tess, pareho silang naka-ngiti. "Sir Jacob, ito na po 'yung special request niyo. Homemade santol ice cream," masayang sabi ni Chef Luke habang iniaabot sa akin ang tray. Tinignan ko ang maliit na baso ng ice cream—kulay mapusyaw na puti na may kaunting bits ng santol. Umuusok pa mula sa lamig. "Salamat, Chef. Ang bilis niyo!" sabi ko. "

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 353

    Chapter 353Jacob POVInaamin ko, unang tingin ko pa lang sa kanya noong pumasok siya sa kumpanya bilang bago kong sekretarya—nabighani na agad ako sa kanyang ganda. Yung tipong hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya habang naglalakad siya papunta sa opisina ko, suot ang simpleng blouse at skirt pero para sa akin, para siyang modelo ng kabighanihan.Pero hindi lang sa itsura siya tumatak sa akin. Sa bawat araw na magkasama kami sa trabaho, mas lalo ko siyang hinangaan. Sa kanyang sipag, sa paraan ng pagsagot sa mga tawag, sa maayos niyang pagrereport, at sa mahinahon niyang boses tuwing nagpapaalala ng schedule ko—unti-unti siyang naging parte ng araw-araw kong mundo.Hindi ko alam kung kailan nagsimulang tumibok ang puso ko nang higit pa sa pagiging boss lang. Siguro noong unang beses ko siyang nakita umiiyak sa rooftop, akala niya walang nakakakita. Gusto kong lapitan noon, aluin siya, pero pinili kong bigyan siya ng espasyo.Simula noon, mas naging maingat ako. Hindi bilang boss, k

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 352

    Chapter 352 Hanggang sa lumapit si Cherie sa akin at bahagyang yumuko para bumulong. "Nakuha na natin 'yung ebidensyang kailangan. Nakita ko na rin 'yung storage room, nandun ang mga dokumento. Isa na lang ang kulang," bulong niya sa akin habang nakangiti, na para bang ordinaryo lang ang aming usapan. Napatingin ako sa kanya at tumango nang bahagya. "Good. Kailangan nating makuha 'yon bago pa sila makahalata," mahina kong tugon. Panandalian kong nilingon ang pamilya ni Jacob na abala sa pakikipagkuwentuhan sa wedding team. Hindi nila alam na habang pinaplano ang kasal, kami ni Cherie ay unti-unting binubuo ang katotohanang matagal nang nakatago. "So, anong plano natin para mailahad ito?" tanong ni Cherie, habang bahagyang nakasandal sa tabi ko. Saglit akong natigilan at nag-isip. Kinailangan kong tiyakin na hindi kami mabibisto—lalo na ni Jacob. "Si Ellie," sagot ko sa mahinang tinig. "Siya ang maglalantad ng lahat. Sa pamamagitan niya, hindi tayo agad mabubuko ni Jacob

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 351

    Chapter 351Sana pagkatapos ng lahat, pagkatapos ng aming misyon ni Cherie, ay tanggap pa rin nila ako.Kahit alam kong pansamantala lang ang katahimikang nararamdaman ko ngayon, hindi ko mapigilan ang pag-asang baka… baka sakaling sa dulo ng lahat ng ito, hindi lang misyon ang matupad. Baka sakaling may matira pa—kahit kaunting puwang—para sa akin sa mundong ito na tila hindi ko naman talaga pag-aari.Lumingon ako kay Jacob na masaya pa ring kausap ang mommy niya at ang wedding team. Pinilit kong ngumiti, pero sa likod ng ngiting iyon ay ang isang tahimik na panalangin.Panginoon, huwag N’yo pong hayaang mawala ang lahat ng ito. Sana kahit matapos na ang lihim naming layunin, ay manatili pa rin ako—bilang ako. Hindi bilang bahagi ng isang plano.Hindi bilang isang undercover agent.Gusto kong manatili bilang ako—si Jasmine. Hindi ang babaeng may dalang lihim. Hindi ang taong nakatalaga para magmasid, mag-imbestiga, at sirain kung kinakailangan.Gusto kong manatili bilang taong natuto

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 350

    Chapter 350“Lumabas na nga tayo,” paiwas ko ng tingin sa kanya, pilit iniiwas ang sarili sa bitag ng kanyang mapanuksong titig.Ngunit bago pa ako makakilos, hinawakan niya ang aking braso—hindi mariin, pero sapat para pigilan ako.“Jas…” Mababaw ang kanyang hininga. “Kahit ilang beses mo akong iwasan, darating din tayo sa puntong hindi na natin kayang itanggi 'to.”Pinili kong hindi tumugon. Hindi dahil wala akong sagot, kundi dahil ayokong masabi ang katotohanang unti-unti ko na ring nararamdaman ang kinatatakutan ko—ang tuluyang mahulog.Dahan-dahan niyang binitiwan ang braso ko, tila may bigat sa kanyang kilos. “Sige, kung 'yan ang gusto mo. Lalabas tayo… pero hindi ibig sabihin niyon, tapos na 'to.”Naglakad ako paalis, hindi na lumingon. Pero sa bawat hakbang, ramdam ko pa rin ang init ng titig niyang sumusunod sa akin.At kahit pa pinilit kong kontrolin ang tibok ng puso ko… alam kong sa lalim ng titig niyang iyon, may isang parte sa akin na hindi na kailanman makakatakas.Pag

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 349

    Chapter 349Tahimik akong naupo sa kama habang pinakikiramdaman ang bawat yapak ni Jacob mula sa ibaba. Nanginginig pa ang kamay ko habang inaayos ang buhok ko na parang walang nangyari.Hindi niya dapat malaman… Hindi pa. Hindi sa ngayon.Pinilit kong maging kalmado, kahit ang tibok ng puso ko ay parang may drumline sa dibdib. Nang bumukas ang pinto ng kwarto niya, ilang segundo pa lang ay narinig ko na ang boses niya mula sa hallway.“Ellie, nasa'n si Jasmine?”Napatingin ako kay Ellie na nandoon pa rin sa tabi ng pinto. Mabilis siyang sumagot, parang sanay na sanay na sa pagsisinungaling.“Nandiyan lang sa kwarto, Kuya. Nagpahinga lang. Kanina pa siya dito, hindi na lumabas simula umaga.”Tahimik akong huminga ng malalim. Good job, Ellie.Ilang sandali pa ay marahan ang pagkakatok sa pinto ng kwarto ko. Dali-dali akong tumayo at binuksan iyon, nakangiti na parang walang lihim na bitbit.“Hey,” bati ko kay Jacob.“Hey,” sagot niya. “Nandito ka lang pala buong araw? Hindi kita nakita

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status