Chapter 339 Bumalik si Demon—este Mr. Hilton kuno—sa cottage kung saan kami nagkukulitan at masayang nagkukwentuhan. Pero halatang nagmamadali ito at may kung anong bumabagabag sa isipan niya. “I have to go. I have important meeting today. Nice meeting all… and you, Maricar!” may kasamang ngiti at konting diin sa huling pangalan. Napatingin kaming lahat. Napasinghap si Maricar habang si Ellie ay halos mauntog sa pagkakiling sa akin. “Teka… ano ‘yun? Bakit parang may spark?” pabulong niyang tanong habang sinisiko ako. Ako naman, hindi mapigilan ang pigil na tawa. Aba, may pa-special goodbye pa si Demon ah! Habang lumalakad ito palayo, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Hindi ko pa rin sure kung may tinatago pa siyang motibo… o baka naman tinatamaan na rin sa karesma ng kapatid ni Jacob. Napailing na lang ako. “Good luck, Demon. Good luck… lalo na kung si Maricar ang kaharap mo.” "You know,what. I like her attitude," biglang wika ni Ellie. " Oh akala ko bay may pagdudud
Chapter 338 Jasmine POV Hindi ko talaga alam kung tatawa ba ako o mahiya sa sobrang kadaldalan ni Ellie. Nakatitig lang ako sa kanya habang halos tumilapon na sa kakatawa ang buong Montero clan. Lalo na si Mommy Kara na parang kinampihan pa ang kakulitan ng anak niya. Si Jacob naman, hawak ang noo niya na parang gusto na akong sunggaban para lang matakpan ang bibig ng kapatid niya. Napatingin ako kay Cherie — at ayun na nga, nagsusuntukan na ng hangin sa kakatawa, pinipigil pero hindi na kinaya. “Ellie…” tawag ko sa kanya, pilit na pinapakalma ang sarili ko. “May filter ka pa ba sa bibig mo?” “Filter? Eh di sana na-filter ko na rin 'yung amoy ng ligaw ko noon!” sagot niya sabay tawa ulit. Napapailing ako pero di ko mapigilang ngumiti. Ito talaga si Ellie — walang preno, pero buong puso. Masarap kasama. Masarap maging kapatid. At sa gitna ng tawang iyon, napatingin ako kay Jacob na ngayon ay nakatitig lang sa akin. May ngiti siya sa labi, yung tipong ‘buti nalang ikaw ang napil
Chapter 337Napakunot ang noo ni Mr. Hilton—este, Demon Hilton, habang halos mabulunan si Cherie sa iniinom niya at si Jasmine ay literal na napahawak sa noo, tila gusto akong kaladkarin palayo."Ellie!" sabay sabing halos sabay nina Jasmine at Cherie.Ako naman, hawak ang dibdib ko at nanlalaki pa rin ang mga mata. "Eh ano ba?! Ang intense kasi ng titig niya kay Maricar! Tapos ang ngiti niya, parang may sariling mundo. Hindi ako paranoid, mga sis!"Si Demon Hilton naman, bahagyang natawa, pero halata sa ekspresyon niyang awkward at defensive na."Whoa, wait a minute," sabay taas niya ng kamay. "Relax, Miss Ellie. I have no romantic intentions toward your youngest sister. She's a sweet girl, yes, but that's all.""Talaga lang ha?" taas-kilay kong balik."You have my word." Seryoso na ang tono niya ngayon. "And I know the weight of that name."Tahimik. Lahat ay parang biglang natameme. Maya-maya'y si Maricar pa ang nagsalita."Ate Ellie! Huwag ka ngang ganyan! Nakakahiya kaya 'yon!" sa
Chapter 336Ellie POVIba ang nararamdaman ko sa lalaking 'yon—si Mr. Demon Hilton daw. Oo, totoo, mukhang mabait siya. Naka-coat pa, may ngiti na parang galing sa mamahaling toothpaste commercial. Pero iba. May kakaiba. Hindi lang simpleng businessman 'yan. Pakiramdam ko may tinatago siyang hindi basta-basta.Napatingin ako kina Jasmine at Cherie. Masyado silang... comfortable. Yung tipong parang matagal na silang magkakilala. Hindi mo ‘yan makikita sa isang taong ngayon mo lang nakilala sa beach.Kaya agad kong hinila si Cherie palayo sa cottage.“Sabihin mo, saan ninyo nakilala ‘yang lalaking ‘yan?” seryoso kong tanong habang nakakunot ang noo.“H-huh?!” gulat niyang sagot, halatang off guard ko siya.“Kilala mo siya. Hindi lang basta kilala—parang kabisado mo galaw niya. Kanina pa kayong nagkikindatan ni Jasmine.”Napalunok si Cherie.“Ellie, hindi ito ‘yung tamang oras—”“Cherie!” napataas na ang boses ko. “Don’t tell me you’re hiding something again. Alam mo kung gaano ko kamaha
Chapter 335“Montero?” napakunot-noo ako. “Kaano-ano mo si Jasmine?”Napatingin sa akin ang dalaga. Saglit siyang nag-isip bago ngumiti nang bahagya.“Oh, she’s my sister-in-law… future.” Napakibit-balikat siya, tila proud pa.“Fiancée kasi siya ng nakakatanda kong kapatid—si Kuya Jacob. Why you ask? Do you know her?”Tumigil ang paghinga ko ng ilang segundo. Parang may bomba na sumabog sa loob ng dibdib ko.“Kilala ko siya… matagal na,” mahinang sagot ko habang pilit tinatago ang tensyon sa tono ng boses ko.Pero sa loob-loob ko—Putangina. Hindi lang pala siya basta secretary ni Jacob.Kasama siya ng buong pamilya ng Montero.Napatingin ako kay Maricar. Walang kaalam-alam sa bigat ng pangalan na binanggit niya.Kung alam lang niya… kung sino talaga ang ate niyang 'sister-in-law soon'…At kung gaano kalalim ang mundong ginagalawan nito—at kung gaano karaming kalaban ang nais siyang mawala.“Oh, kung ganun tama-tama. Halika ka, ipakilala kita sa pamilya ko!” masiglang yaya ni Maricar,
Chapter 334"Putangina," bulong ko sa sarili ko habang pinapahid ang butil ng pawis sa noo ko. Nanginginig pa ang kamay ko—hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa takot. Sa takot kay Jasmine.Agent J.Anino ng kamatayan na akala ko'y simpleng babae lang.“Hindi na ako magpapakatanga. Ayoko pang mamatay.”Mabilis kong kinuha ang bag ko, pinulot ang ilang gamit na mahalaga—cellphone, wallet, passport, backup sim. Wala nang time para sa sentimental shit. Kailangan ko nang umalis.Sinulyapan ko pa ang paligid ng mansyon habang naglalakad paatras. Tahimik. Pero sa katahimikang ‘yon… parang may mga matang nakatingin.Baka si Jasmine.Baka may sniper pa siya.Baka mamatay na naman ako sa susunod.Pagdating ko sa labas, hindi na ako tumawag ng driver.Ako na mismo ang nagmaneho.Binaybay ko ang kalsada ng mabilis—kahit hindi pa ako nakakalayo, damang-dama ko na parang may humahabol. Hindi ko alam kung paranoia ba ito… o talagang may nakaabang.Pero isa lang ang malinaw sa akin:Bahala na si Oliv