Share

Chapter 21

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-03-06 11:29:23

Chapter 21

Christopher POV

Pinagmasdan ko si Kara habang tahimik siyang sumasakay sa sasakyan. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob para humarap sa akin nang ganito—matapang, determinado, at walang takot na ipahayag ang gusto niya.

Nakaka-curious.

Ang ibang tao, kapag inalok ng limang milyong piso, walang tanong-tanong na kukunin na lang iyon at tatakbo palayo. Pero siya? Mas pinili niyang pagtrabahuhan ito. Mas pinili niyang tiisin ang presensya ko kaysa umasa lang sa perang galing sa akin.

Bakit?

Dahan-dahan akong umikot sa kabilang gilid ng sasakyan at sumakay. Pagkaupo ko, saglit ko siyang tinapunan ng tingin. Tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng bintana, tila may malalim na iniisip.

"Hindi mo man lang ba tatanungin kung anong kapalit niyan?" tanong ko, binasag ang katahimikan.

Napalingon siya sa akin. Sa halip na matakot o mag-alala, diretsong tumingin siya sa mga mata ko. "Sinabi mo na kanina, Christopher. Lahat ng bagay na tinatanggap ko mula sa'yo… may
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 427

    Chapter 427Cherie POVMabilis akong yumuko nang bumulaga sa amin ang sunod-sunod na putok. Para akong kinukuryente sa dibdib habang pinapakinggan ang hagupit ng bala sa mga pader at sahig.“Bwisit! Hindi na sila titigil hangga’t hindi nila tayo tinatapos,” bulong ko sa sarili ko, sabay silip sa maliit na siwang ng pinagtataguan namin. Kita ko ang kalaban—nakakalat, pero matalim ang galawan. Mga tipong sanay na sa madugong trabaho.Napakagat ako sa labi, pilit pinipigilan ang kaba. Kung dati, biro at kalokohan lang ang dala ko sa bawat laban, ngayon iba. Hindi ito oras para magpatawa. Isang maling hakbang, tapos kami.Hinawakan ko mahigpit ang baril. Ramdam ko ang lamig ng bakal sa palad ko, para bang nagpapaalala sa akin kung sino ba talaga ako. Hindi lang ako si Cherie na ubod ng kulit. Ako rin ang Cherie na walang takot pumatay kung kinakailangan.“Jas,” bulong ko habang nakapikit sandali para huminga ng malalim. “Walang atrasan. Simulan na natin ang bangungot ng mga hayop na ‘to.”

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 426

    Chapter 426 "Aba! Ang kapal ng mukha mo, Cherie! Gusto mo bang ipampalo ko sayo ‘tong baril ko para magising yang utak mong naluto na sa kakaisip ng lalaki?" sabay kindat ko sa kanya. Nagtawanan ang mga kalaban namin, hindi alam kung sila ba’y dapat matakot o matawa sa kabaliwan naming dalawa. “Hoy Jas, baka mamaya ikaw pa ang maunang mapasabog d’yan, ha,” tukso ni Cherie habang nagtatago sa haligi. “Ay, wag ka mag-alala. Kung sasabog man ako, at least masarap ang dahilan! Gusto mo ba kitang isama? Para sabay tayong maluto parang barbecue?” sagot ko sabay hagis ng granada sa tabi ng kalaban. Boom! Sabog ang pader. “Putek, Jas! Crazy ka talaga! Tawa ka pa habang sumasabog lahat!” sigaw ni Cherie. “Eh ano? Mas masaya ‘to kaysa maghintay ng limang taon ulit na tuyot ang buhay ko! Kaya tara na, stugiin na natin sila!” Sabay kaming lumundag palabas, baril sa isang kamay at katatawanan sa isa pa—para bang mga baliw na nagsho-shopping sa gitna ng digmaan. Habang si Cherie ay pinatam

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 425

    Chapter 425Bigla kong tinaas ang dalawang kamay ko sabay sigaw,“Hoy! Sino gustong magpa-autograph habang mainit pa ako? Limited edition lang ‘to, mga beshie!”Napatigil ang ilan, nagtaka, pero si Cherie? Aba, tumawa pa nang malakas sabay hagis ng granada na parang nagbabato lang ng bola sa fiesta.“Boom! Ayan, may fireworks na!” sigaw niya.Pero hindi pa ako tapos. Lumapit ako sa pinaka-matapang sa kanila, nakatutok ang baril sa ulo ko. Ang ginawa ko? Tinapik ko ang balikat niya at bulong:“Alam mo, idol kita… kasi kahit nanginginig ka na, umaarte ka pa ring macho.”Napakagat-labi siya—hindi dahil sa emosyon, kundi dahil muntik na siyang mabulunan nang biglang sipain siya ni Cherie pabagsak.At sabay naming sigaw, sabay ng mga putok ng baril:“GAME NA ‘TOOOO!”At doon nagsimula ang pinaka-wild na eksena na parang pinaghalo ang comedy bar, warzone, at roller coaster ride.Agad akong napahagalpak ng tawa kahit delikado ang sitwasyon.“Cherie, seryoso ka ba sa suot mong ‘yan? Para kang

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 424

    Chapter 424Pagdating namin sa safehouse, nadatnan namin sina Demon at Papa Elias. Ginagamot pa rin ang balikat ni Papa, kita sa mukha niya ang hapdi pero parang wala lang sa kanya—parang sanay na sanay na sa tama ng bala.Kami naman ni Cherie, walang pahinga. Agad naming inutusan ang mga tauhan na nandiyan na sirain at sunugin ang dalawang motor at kotse na ginamit namin. "Walang matitirang piraso, pati turnilyo, gusto ko abo," malamig kong bilin habang nakatitig sa kanila."Grabe ka, Jas," natatawang sabi ni Cherie. "Pati turnilyo, abo talaga?""Oo, baka mamaya ma-trace tayo dahil lang sa isang kalawang na bolt," sagot ko sabay irap. "Gusto mo bang magising na may granada sa ilalim ng kama mo?"Tumahimik siya, sabay tawa na parang baliw.Sa gitna ng lahat, kahit seryoso ang sitwasyon, pareho naming alam—wala nang atrasan. Kapag may sumunod sa amin, siguradong hindi na sila makakabalik para mag-ulat.Habang abala ang mga tauhan sa pag-dispose ng mga sasakyan, kinuha ko ang mapa ng lu

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 423

    Chapter 423Mabilis kong iniwas ang motor sa unang humarang, sabay bunot ng baril at pinaputukan ang gulong ng isa sa mga kasunod.Sumabog ito sa ere, dahilan para tumilapon ang sakay at bumangga sa kasunod nilang motor.Hindi ako tumigil—mas lalo kong binilisan ang takbo, ramdam ang malamig na hangin na humahampas sa aking mukha, kasabay ng tibok ng puso kong parang naghahalo ang galit at adrenaline.Sa gilid ng aking mata, tanaw ko si Cherie na abala rin sa pagbawas ng bilang ng mga humahabol sa kanya.Alam kong hindi pa tapos ang laban. Isa man lang sa kanila ang makalusot, siguradong susundan nila kami hanggang dulo.Kumapit ako nang mahigpit sa manibela ng motor habang binilisan pa ang takbo, ramdam ko ang bigat ng responsibilidad sa bawat pintig ng puso ko. Sigurado akong sina Papa at Demon ay ligtas na, pero iyon din ang dahilan kung bakit wala nang ibang pipigil sa akin at kay Cherie para tapusin ang laban.“Jas, sa kanan!” sigaw ni Cherie mula sa likuran, kasabay ng mabilis n

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 422

    Chapter 422Nais ko siyang yakapin, ngunit pinigilan ko muna ang sarili ko. Hindi ito ang oras para sa emosyon—hindi pa ligtas ang paligid. Alam kong anumang sandali ay maaaring muling sumiklab ang putukan, at hindi ko hahayaang may isa man sa amin ang mabiktima.Huminga ako nang malalim, pilit nilulunok ang matagal ko nang pananabik na muling madama ang yakap niya. Saka na… kapag sigurado na akong wala nang banta, kapag makakaalis na kaming apat sa impiyernong lugar na ito.Sa ngayon, mahigpit kong hinawakan ang armas, habang ang mga mata ko’y patuloy na gumagalugad sa paligid—handa sa kahit anong mangyari."Let's go, doon tayo dadaan," mariing wika ni Papa Elias, ang boses niya ay mababa ngunit puno ng awtoridad.Walang alinlangan, agad na kumilos sina Cherie at Demon, mabilis na sinundan ang direksyong tinuro niya. Ako man ay sumabay na rin, pinipilit na huwag magpaiwan kahit naninikip pa ang dibdib ko sa dami ng mangyayari at emosyon na nararamdaman.Habang tinatahak namin ang mak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status