Share

Chapter 367

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-08-06 21:29:16

Chapter 367

Agad naging alerto si Jacob sa sinabi ko.

Hindi na siya nagtanong pa ng detalye. Hindi na siya nagduda. Isa lang ang malinaw sa kanya — kailangan kaming protektahan.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa opisina niya, kinuha ang cellphone at tinawagan ang isa sa kanyang pinagtitiwalaang tauhan.

“Activate protocol red. Double security sa buong perimeter ng mansion. Walang makakapasok o makakalapit na hindi kilala. Gusto ko lahat ng CCTV naka-live monitoring. I-update ako bawat oras.”

Narinig ko ang lalim ng boses niya. Hindi na iyon ang Jacob na malambing na asawa ko. Iyon ang Jacob Flores — ang lalaking hindi natitinag sa oras ng panganib.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.

“Jazz, hindi ko hahayaang may mangyaring masama kina Caelan at Elira. Kahit anong mangyari, ligtas sila. I promise you that.”

Tumango ako, kahit nanginginig ang dibdib ko sa kaba.

“Hindi ko akalain na babalik pa si Olivia,” mahina kong sabi.

“May hindi siya natapos. At ngayon… gusto niyang ba
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 379

    Chapter 379Napalunok ako, ramdam ko ang bigat ng tanong ni Caelan. Ilang segundo akong natahimik bago ako ngumiti nang tipid.“Son… kung buhay si mommy…” humugot ako ng malalim na hininga, “…of course, I’ll accept her. She’s still your mother.”Tahimik ang buong mesa. Pati si Elira, tumigil sa pagsubo at nakatingin lang sa akin na para bang naghihintay ng mas malalim na sagot.“Pero bakit mo naitanong ‘yan, anak?” dagdag kong tanong, pilit na kalmado ang boses.Nagkibit-balikat si Caelan pero ramdam ko ang pag-iwas ng tingin niya. “I just… dreamed something, too. Mommy said… ‘See you soon.’”Napatingin ako ulit sa labas ng bintana, at doon ko muling nakita—ang parehong anino ng taong naka-helmet na nakaupo sa motor."And I think, my dreams it's true!" Saka tumingin sa labas kung saan ako nakatingin. "Do you Love her mom Dad?"Parang natigilan ako sa tanong ni Caelan, ramdam ko ang pagtama ng bawat salita niya sa puso ko.Tahimik akong napatingin sa dalawang anak ko—mga inosenteng mat

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 378

    Chapter 378Kinabukasan, maaga pa lang ay nagising na ako. Nasanay na rin kasi akong gumising nang maaga mula pa noong nasa Pinas kami. Bumaba ako sa kusina at nadatnan kong gising na rin si Elira, tahimik na nakaupo sa mesa at umiinom ng gatas.“Good morning, baby girl,” bati ko sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya.“Good morning, Dad,” sagot niya sabay ngiti. “Si Kuya po, tulog pa.”Tumango ako at nagsimulang magtimpla ng kape. Habang iniinom ko ito, napatingin ako sa bintana. Nandoon na naman… ang pigura sa may puno. Nakatalikod siya, parang nakamasid sa labas ng bakuran.Pinikit ko ang mga mata at dahan-dahang huminga. Baka nga tagabantay lang… pero bakit palaging nariyan?Pagkatapos mag-almusal, nagdesisyon akong ihatid muna ang kambal sa kanilang tutor sa kabilang bahagi ng bayan. Pagbalik ko sa mansyon, dumiretso ako sa likod-bahay para tingnan ang puno. Pero pagdating ko roon… wala na ang pigura.Tanging malamig na simoy ng hangin at lagaslas ng dahon ang sumalubong sa ak

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 377

    Chapter 3775 years Ang lumipas, 6 years na Ang kambal at 5 years na Ang lumipas noong nawala sa aming Buhay ang kanilang Ina.Kaya hi'to kami naghanda para umuwi ng ng Pinas upang doon ipagpatuloy Ang aming Buhay mag-ama.Caelan always serious at si Elira ay always smiling Ang friendly.Si Elira ay nakuha Niya Ang anyone ng kanyang Ina na si Jasmine. Sabi nila ay mini -Jasmine raw ito.habang si Caelan ay nahati sa aming dalawa."Dad, can I visit mom to the cemetery?" Tanong ni Elira sa akin.“Sure, sweetheart,” sagot ko habang binababa ang mga bagahe mula sa kotse. “Pero bukas na, ha? Kadarating lang natin, kailangan muna nating magpahinga.”Tumango si Elira, pero alam kong may lungkot sa mga mata niya. Sa lahat ng okasyon, hindi niya nakakalimutang alalahanin ang ina niya. Si Caelan naman, tahimik lang sa gilid, hawak ang maliit na bag niya at tila nagmamasid sa paligid.“Dad,” tawag ni Caelan sa mababang tono, “is it okay if I just stay home tomorrow?”Ngumiti ako at hinaplos ang u

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 376

    Chapter 376Pagkasara ng pinto ay tuluyan nang lumubog ang paligid sa katahimikan. Tanging tik-tak ng orasan sa dingding ang maririnig, tila ba paalala sa bawat segundong lumilipas na wala na si Jasmine.Umakyat ako sa kwarto namin—ang kwarto na dati’y puno ng tawanan, kulitan, at mga kwentong bago matulog. Pagpasok ko, ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa bintana. Sa gilid ng kama, nandoon pa rin ang unan at kumot niya, maayos na nakalatag na para bang hinihintay pa rin siyang umuwi.Umupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang maliit na frame ng litrato namin noong honeymoon. Nakangiti siya roon, hawak-hawak ang kamay ko habang nasa tabing-dagat kami. Napakagat ako sa labi, pilit pinipigil ang luha, pero sa huli, bumigay rin.“Bakit… bakit mo ako iniwan nang ganito kaaga, Jas?” mahina kong bulong, kahit alam kong wala nang kasagot.Sa bawat sulok ng silid, naroon ang alaala niya—ang pabango niyang nakatambay pa rin sa dresser, ang mga libro niyang nakahilera sa shelf, at ang

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 375

    Chapter 375 Limang araw… at heto na ang kinatatakutan ko—ang araw na ihahatid ko siya sa kanyang huling hantungan. Habang papalabas ng mansyon ang kabaong ni Jasmine, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang, para bang may humihila sa akin pabalik at ayaw akong payagang isuko siya sa lupa. Sa gilid ko, hawak-hawak ng kanilang yaya ang kambal. Para bang alam nila ang nangyayari—ang kanilang munting mga mata ay puno ng luha, at sa pagitan ng hikbi, paulit-ulit nilang tinuturo ang labi ng kanilang ina, para bang sinasabi, “Gusto pa naming humalik kay Mommy.” Napapikit ako, pinipigil ang pagbagsak ng luha, pero sa bawat iyak ng kambal, parang lalo lang akong nadudurog. Dahil sa murang edad nila, hindi nila lubos na maiintindihan kung bakit hindi na babalik ang init ng yakap ni Jasmine. Dahan-dahan naming isinakay ang kabaong ni Jasmine sa itim na karwaheng sasakyan. Tahimik lang ang paligid, maliban sa tunog ng mga hikbi at pag-iyak ng mga tao. Ramdam ko ang mga kamay ng kapatid kong

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 374

    Chapter 374Pagkatapos sabihin iyon ni Cherie ay agad siyang umalis, iniwan akong mag-isa sa silid. Tahimik lang akong nakatitig sa mga mukha ng kambal na mahimbing na natutulog sa aking bisig.Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.Ang sakit…Sakit na parang pinupunit ang puso ko sa bawat pintig nito.Mas pinili niyang isugal ang sarili niyang buhay para lang masiguro ang kaligtasan naming lahat—lalo na ng aming kambal na anak. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bukas nang wala siya. Pero isang bagay ang malinaw… kailangan kong magpakatatag. Dahil kung siya, nagawa niyang isakripisyo ang lahat para sa amin, sino ako para sumuko?Hinaplos ko ulit ang pisngi ni Elira, saka hinalikan sa noo si Caelan."Salamat, mahal… pero sana… sana hindi na lang ganito ang kapalit," bulong ko habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko.Kinabukasan.Dumating ang mga kapatid ko—si Ellie at ang triplets naming sina Mateo, Matias, at Maricar."Kuya!" sabay-sabay nilang sambit habang mabili

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status