Chapter 67Napatawa si Lancy, pero may bakas ng emosyon sa mata niya. "Paano kung hindi ko kayanin?"Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin diretso sa mata niya. "Kakayanin mo. Dahil hindi mo kailangang mag-isa."Sandali siyang natahimik bago ngumiti. "Thank you, bestie. Alam mo, kung straight ka lang ako, matagal na kitang niligawan."Napangiwi ako. "Lancy, hindi kita papatulan."Natawa si Kiara. "Ay, grabe! Ako na lang kaya? Tutal, fiancé mo naman ako sa kontrata!"Natawa si Lancy at umiling. "Sige, sige, ikaw na lang. At least sigurado akong maganda ang magiging 'asawa' ko.""Of course!" sagot ni Kiara sabay flip ng buhok niya.Napailing ako habang tinitingnan ang dalawa. "Ang kulit n'yo."Ngunit sa kabila ng tawanan, alam kong may laban pang kailangang harapin si Lancy. At kahit anong mangyari, hindi ko siya pababayaan."Habang Hindi pa kayo umuwi sa Pinas, kailangan sanayin mo muli ang pagtawag sa totoo mong pangalan, Lancy!" wika ko.Ang totoong pangalan ni Lancy ay Lance Santi
Chapter 68Lancy POVOras na siguro para maging "lalaki" bilang -Lance Santiago muna ako. Kahit isang linggo lang, para lang hindi ako mabuking ng parents ko. Sana man lang kayanin ko ‘to—at sana si Kiara, hindi gumawa ng eksena na ikalalaglag ko.Ngayon na ang flight namin pauwi sa Pilipinas para makilala niya ang parents ko. Fake fiancée mode on.Habang nasa airport, hindi ko mapigilang mag-isip ng worst-case scenarios. Paano kung may makita silang kakaiba sa kilos ko? Paano kung tanungin nila ako tungkol sa relasyon namin ni Kiara at hindi ko masagot nang maayos? Paano kung magkalat si Kiara?!Napalingon ako sa kanya—relax na relax habang busy sa pagkuha ng selfies."Kiara, sigurado ka bang kaya mong umarte na fiancée ko?" tanong ko, nakakunot ang noo.Napangiti siya nang malawak. "Excuse me, Lancy Boy! Kung may acting award lang, matagal na akong nanalo!"Napabuntong-hininga ako. Lord, tulungan Mo ako.Habang nasa eroplano, bigla siyang sumandal sa balikat ko at pabulong na nagsal
Chapter 69 Parang hindi alam ni Daddy kung matatawa o magdududa siya. “Aalagaan?” “Opo!” patuloy ni Kiara. “Si Lance po kasi, kahit matalino at successful, minsan wala pong common sense. Alam niyo po bang minsan, halos masunog ang kilay niya sa kakatrabaho?” Si Mommy, napanganga. “Oh no! Lance, anak, hindi mo man lang sinabi na napapabayaan mo ang sarili mo?” Mabilis akong umiling. “Mom, hindi ‘yan—” “Don’t worry po, Mommy! Ako na po ang bahala sa kanya. From now on, I will make sure na nakakain siya sa tamang oras, nakakapagpahinga, at—” Biglang sumingit si Daddy. “At paano mo naman siya aalagaan?” Ngumiti si Kiara nang matamis sabay pisil sa kamay ko. “Syempre po, bilang future wife niya, aalagaan ko po siya nang buong puso!” Napatitig ako sa kanya, at parang gusto kong isigaw sa mundo: Ano bang pinasok ko?! Si Mommy, parang kinikilig na. “Awww, ang sweet naman!” Si Daddy naman, tumikhim bago tumingin sa akin. “Lance, sigurado ka bang siya ang babaeng gusto mong
Chapter 70 Napalunok ako. Lord, bigyan Mo ako ng lakas ng loob… parang ayoko na yatang ituloy ‘to! "Halika na, Kiara anak. Ipakilala kita sa kanilang lahat," sambit ni Mommy dito. Pagdating naming sa loob ay agad silang nakatingin sa aming dalawa palipat-lipat ang kanilang tingin sa amin. "Kiara, siya si Leon. Pinsang buo ni Lance. Yun naman si Veronica at Vector kambal na pinsan din ni Lance!" "Hello sa inyong lahat!" ngiting sabi ni Kiara habang masama ang tingin niya kay Leon. "Di nga, parang si Lance pa nga ang nag-gayuma sa babae, di'ba Vic?" sabi ni Veronica sa kambal nito. "Fake news naman itong si, Leon!" sagot naman nito. Napailing na lang ako habang pinipigilan ang sarili kong matawa. Si Kiara naman ay hindi nagpapatalo—nakaangat ang baba niya na parang isang reyna, habang sinulyapan si Leon na para bang sinasabing "Subukan mo pang magtapon ng asin, itatapon kita palabas ng bahay na ‘to!" “Fake news ka raw, Leon,” kantyaw ni Vector habang tinapik ang balikat ng pins
Chapter 71 "Mom, sandali lang. Mauna na kayo, may tatawagan lang ako saglit!" "Sure, son. Hali kana, Kiara!" sabay hila sa kamay. Nakahinga aki ng maluwag ng nakita kong wala na sila sa aking paningin. Agad kong dinukot ang phone ko at tinawagan agad si Kara. "Bestie Kara, parang mamatay na yata ako sa kakulitan ng bunso mong kapatid!" agad kong sabi dito ni hi o hello ay hindi ko sinabi pa. Narinig ko lamang ang malakas nitong tawa sa kabilang linya. "Hahaha! Sabi ko na nga ba, Lance!" natatawang sagot ni Kara sa kabilang linya. "Ngayon mo lang ba na-realize kung gaano kakulit ‘yang si Kiara? Welcome to my world, bestie!" "Grabe, Kara! Hindi ko alam kung paano ko siya kakayanin. Kanina lang, hinalikan niya ako sa harap ng buong pamilya ko! Buong pamilya, Kara!" halos maiyak kong reklamo. Mas lalong lumakas ang tawa niya. "HAHAHA! Ang bilis naman ng move ni bunso! Eh ‘di parang kasal na kayo niyan?" "Kara! Hindi ito nakakatawa!" bulong ko habang pasilip-silip sa may
Chapter 72 Pagkatapos naming kumain ay agad giniya ni Mommy si Kiara sa magiging silid nito. Pero nanlaki ang mata ko nakitang patungo sa aking silid kaya namutla ako na baka makita niya ang tinatago kong sekreto. Ang kanyang litrato noong 15 years old pa lang ito. Isang stolen picture yun noong nakatayo si Kiara sa isang gilid habang naghihintay dumating ang family driver nito. Kaya agad ko itong inunahan pumasok sa loob. Pagkapasok ko sa kwarto ay agad kong sinunggaban ang drawer kung saan nakatago ang larawang iyon. Pero bago ko pa ito mahugot, narinig ko ang boses ni Kiara sa likuran ko. "Ano 'yang tinatago mo, Lance?" may paghihinalang tanong niya. "Ha? Wala!" mabilis kong sagot habang pilit na tinatakpan ang drawer gamit ang katawan ko. Si Mommy naman ay nakangiti lang, walang kamalay-malay sa tensyon sa pagitan namin. “O siya, Kiara anak, dito ka na matutulog ha? Magkatabi kayo ni Lance!” “HA?!” sabay naming sigaw ni Kiara. “Oh, bakit? Mag-asawa naman kayong dalawa
Chapter 73Napatunganga ako sa sinabi ni Mommy. Ano daw?! Sa kwarto ko? Katabi si Kiara?Mabilis akong lumapit sa pinto ng silid nila at kumatok. “Mom! Baka naman may maid’s quarter d’yan na puwedeng tulugan?”“Wala, anak! Mas okay na magtabi kayo ni Kiara, para masanay na kayo bilang future husband and wife!” sagot ni Mommy mula sa loob, sabay tawa ni Daddy.Napailing ako. Mukhang may sabwatan ang dalawang ito.Wala na akong choice. Kaya naman bumuntong-hininga ako at dahan-dahang bumalik sa kwarto ko. Dahan-dahan ko ring binuksan ang pinto, at ang una kong nakita ay si Kiara—nakatayo sa gitna ng kwarto, nakapamewang, at nakataas ang isang kilay.“Ano’ng ginagawa mo rito, Lancy boy?” nakangising tanong niya.Napakamot ako sa batok. “Ah... wala nang ibang kwarto, eh. Kaya... dito na muna ako matutulog.”Biglang lumiwanag ang mga mata niya. “Oh? So ibig sabihin, magkatabi tayong matutulog?”“Hoy! Huwag kang masyadong excited, ha!” reklamo ko.Mabilis siyang tumalon sa kama at tumawa. “
Check 74 "Lancy, tuluyan naka bang naging Lance?" biglang tanong dito. Napakunot-noo ako sa tanong ni Kiara. "Anong ibig mong sabihin?" Nakapulupot pa rin siya sa kumot, pero nakasilip ang ulo niya habang nakatitig sa akin. "Dati, Lancy ang tawag ko sa’yo, pero ngayon parang mas gusto mo nang Lance. Ano na? Tuluyan ka na bang naging Lance?" Napahinto ako saglit. Hindi ko naman napapansin ‘yon, pero ngayon na sinabi niya… oo nga, no? Mas gusto ko nang tinatawag akong Lance, lalo na kapag siya ang tumatawag. "Depende," sagot ko, sabay ngiti. "Kung gusto mong Lancy pa rin, edi sige. Pero…" Dumukwang ako palapit sa kanya, at halos mapaatras siya sa headboard. "Mas gusto kong marinig sa ‘yo ang Lance. Mas bagay sa boses mo." Napakurap si Kiara, saka agad na umiwas ng tingin. "A-Anong klaseng sagot ‘yan?" Tumawa ako. "Ang sagot ng isang lalaking siguradong-sigurado sa sarili niya." "Tss. Ang kapal," bulong niya, pero kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Napangisi ako. Malamang,
Chapter 200 Pumilit ang mga kalaban na makipaglaban pa din sila sa amin, ngunit isa-isang binagsak sila sa aming mga kamay at ang mga balang galing sa aming mga baril ang siyang tumapos sa kanilang buhay at umuubos sa mga natitirang sagabal pagsugpo ng kalaban sa lipunan. At ang hangin ay tila nagiging magaan, tila nagiging mas matamis ang bawat patak ng pawis sa aming mga katawan, at ang bawat tagpo ng putok ay ang huling sigaw ng paglaban. "Wala na, wala ng sagabal sa pagtugis nang kanilang leader ang siyang galamay ng huwad naming Lolo," wika ko sa sarili ko, tinitingnan ang mga natirang katawan ng mga kalaban sa sahig.Habang tinititigan ko ang mga bangkay na nakahandusay sa sahig, dama ko ang bigat ng tagumpay na may halong lungkot at pagod. Hindi ito isang tagumpay na kailangang ipagdiwang—ito ay isang tagumpay na kailangang igalang. Bawat patak ng dugo na dumanak ay katumbas ng katahimikan para sa mga inosente.Lumapit si Miguel sa akin, hawak ang baril pero nakababa na ito.
Chapter 199 Hanggang may may nakita akong isang tauhan ko na pa simpleng may tinatawagan kaya agad kong sininyasan si Troy para hulihin nito. Hindi ko matandaan kung kailan ko naging tauhan ito kaya malakas ang kutod ko na isa itong traydor. Agad kumilos si Troy. Tahimik at mabilis niyang nilapitan ang lalaking nakasuksok sa lilim ng pader, may hawak na cellphone habang may kinakausap sa mahinang boses. Bago pa man nito maibaba ang tawag— Pak! Isang mabilis na hampas ng baril ang ibinigay ni Troy sa batok ng lalaki. Napaigtad ito at nahulog ang cellphone sa lupa. “Walang kikilos,” malamig kong utos habang papalapit. Pinulot ko ang cellphone at sinilip ang call history—walang pangalan, pero may naka-log na outgoing call sa isang encrypted number. “Ano ang pangalan mo?” mariin kong tanong habang nakaluhod ito at nilagyan na ni Troy ng zip tie ang mga kamay sa likod. Hindi ito sumagot. Sa halip ay ngumiti—isang pamilyar na ngiti. Isa iyong ngiting nakita ko sa dati naming mg
Chapter 198Hanggang tanaw ko ang private jet na dahan-dahang umaalis sa runway, dala ang pinakamahahalaga sa buhay ko—ang mag-iina kong sina Kara, ang munting si Ellie na anim na taong gulang, at si Jacob na ngayon ay labindalawang taong gulang na. Kasama rin nila si Ate Ellie, ang kapatid naming comatose pa rin hanggang ngayon, may sariling doktor at private nurse na nag-aasikaso sa kanya.Naroon din si Mila, hawak ang dalawang buwang gulang na anak nila ni Troy, habang si Clarissa naman ang umalalay sa kanya. Alam kong maselan pa ang kalagayan ni Mila, at alam kong si Clarissa ay gagawin ang lahat upang pangalagaan sila.Ligtas silang lahat, dahil kasama nila si Revenant—isa sa mga pinaka-pinagkakatiwalaan kong tao. Higit pa roon, may tauhan kami sa Amerika, mga handang sumalo at sumubaybay sa kanila mula sa paglapag ng eroplano hanggang sa bagong tirahan nila. Sa bansang iyon, hindi basta-basta makakagalaw ang sinuman laban sa kanila.Habang ang mga mahal ko ay nasa kaligtasan, ka
Chapter 197Dahil sa galit ng aking kapatid ay hindi ko na ito napigilan. Isang malakas na suntok sa mukha ang kanyang pinakawalang dahilang upang dumugo ang labi nito. Hindi pa na kuntinto binunut ang kanyang knife nakatago sa kanyang boots na hindi ko napansin man lang kanina at itinirik sa kamay nitong nakaposas na huwad.Sabay sigaw. "Putang ina ka, nang dahil sayo muntik ko na napatay ang kapatid ko!"Mabilis kong hinawakan si Clarissa upang pigilan pa siya sa sunod niyang gagawin. Nanginginig ang kanyang katawan sa galit at luha na bumabagsak sa kanyang pisngi. Habang ang huwad na si Domenico ay napasigaw sa sakit, duguan ang kamay na nasaksak."Tama na, Clarissa! Tama na!" sigaw ko habang pilit siyang pinipigilan. "Hindi tayo tulad niya. Hindi tayo mamamatay-tao.""Pero muntik ko kayong patayin! Ginulo niya ang buhay nating lahat!" sigaw niya, nanginginig ang boses sa poot at sakit.Napaatras siya habang patuloy ang pag-iyak. Nilapitan siya ni Miguel at inalalayan, habang ang m
Chapter 196KinabukasanTahimik kaming dalawa ni Clarissa habang nasa loob ng sasakyan. Tanging ugong ng makina at huni ng mga ibong dumaraan ang maririnig sa labas. Binabagtas namin ang daan papunta sa safehouse kung saan nakakulong ang matandang puno ng kasinungalingan—ang Lolo naming nagtaksil sa pamilya.Napatingin ako kay Clarissa. Nasa mukha niya ang galit at poot. Nakakuyom ang kanyang mga kamao, at bakas sa kanyang mga mata ang damdaming pilit niyang kinukubli."Hindi ko maintindihan, Kuya," mahina niyang sambit. "Paano niya nagawa 'yon sa pamilya niya? Sa apo niya? Sa 'tin?""Hindi ko rin alam," sagot ko habang pinipilit manatiling kalmado ang boses ko. "Pero ngayong hawak na natin siya, wala nang makakaligtas sa katotohanan.""Anong balak mong gawin sa kanya?" tanong niya sa akin habang diretsong tumitig sa akin."Pilitin siyang magsabi ng totoo... lahat ng itinatago niya. Para sa hustisya. Para kay Ellie. Para sa ating lahat."Pagdating namin sa safehouse, bumaba kami at ta
Chapter 195 Napahinto si Clarisse o Clarissa, sa narinig. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan si Gian na palapit sa kanya. "Clarissa?!" ulit ni Gian, bakas sa tinig ang halong gulat at emosyon. "Ikaw nga…" Hindi na ito nakatiis at agad siyang niyakap ng mahigpit, para bang takot na muli pa itong mawala. Napasinghap si Clarissa. "G-Gian?" mahina niyang tugon habang unti-unting lumuluhang ang kanyang mga mata. "Ikaw ang… kaibigan ko noon sa Panglao…" sabik na sabi sa aking kapatid kay Gian. "Hindi lang kaibigan," sabat ni Gian habang nakangiti. "Ikaw ang matalik kong kaibigan noon… ang batang laging nagtatanggol sa akin tuwing inaapi ako sa eskwela. Naalala mo na?" Tumulo ang luha ni Clarissa, kasabay ng mahinang pag-iling. "Akala ko… kinalimutan mo na ako." "Hinding-hindi kita malilimutan," sambit ni Gian habang pinupunasan ang luha nito. "Ngayon, babawi tayo sa mga panahong nawala. At ipagtatanggol naman kita ngayon… kahit kanino." Tahimik na pinanood ng
Chapter 194Lumabas ako ng kwartong iyon nang walang lingon-lingon. Matatag ang bawat hakbang ko, ngunit sa loob-loob ko'y may bagyong humahagupit. Kailangan kong magmadali—dahil kung hindi ko siya mapipigilan, tuluyan siyang malulunod sa dilim na inihain ng aming Lolo.Ang aking step-sister.Ang babaeng ni minsan ay hindi ko pinakita, hindi ko pinakilala. Bahagi siya ng nakaraan kong pinilit kong ibaon, ngunit ngayon, siya na ang banta sa lahat ng mahal ko.Hindi siya masama noon.Ngunit mula nang yakapin niya ang mga kasinungalingan ni Lolong walang awa, naging kasangkapan siya ng kasamaan."Hindi kita hahayaang masira, at lalo nang hindi ko hahayaang manakit ka," bulong ko sa sarili habang sumakay sa sasakyan.Habang pinaandar ko ito papunta sa huling lokasyong binigay ni Troy, ramdam ko na... ito na ang simula ng dulo. Isang engkwentro na hindi lang pisikal—pati damdamin, alaala, at katotohanan ay babanggain.Sa bawat ikot ng gulong ng sasakyan, mas lalo akong nadadarang sa galit
Chapter 193Lumipas ang ilang oras—oras ng katahimikan, ngunit hindi kapayapaan. Pinagmasdan ko ang mukha ni Kara habang natutulog sa kama, mahigpit ang hawak ni Ellie sa kamay ng kanyang ina. Hinaplos ko ang buhok ng anak kong babae, saka yumuko upang halikan ang noo ni Kara.“Magpapahinga lang ako sandali, mahal. Gian,” tawag ko sa kasama kong nakabantay. “Ikaw na muna bahala dito. Ako na ang bahala kay Lolo.”Tumango si Gian. “Walang problema, Chris. Ligtas sila sa akin.”Tumalikod ako at tuluyang lumabas ng kwarto, muling nabalot ng galit ang dibdib ko. Ngayong alam ko na ang totoo—na si Senyor Carlo, ang taong itinuring kong gabay at ama-amahan, ay siya palang ugat ng gulo, hindi ko na kayang palampasin pa.Tumigil ako sa harap ng interrogation room. Dalawang bantay ang nakatayo roon, at sa loob, naroon ang matandang puno ng karanasan at lihim—ang sarili kong Lolo.Hinawakan ko ang door handle, huminga nang malalim, at marahan itong binuksan."Panahon na para sa mga sagot, Lolo,"
Chapter 192 Nang makarating kami sa pinakadulong pinto ng kuta, nagsimula nang mag-ingay ang ilang tao sa loob. May mga nagsasalita, ngunit wala akong pakialam sa kanila. Ang tanging nasa isip ko ay ang kaligtasan ni Kara at Ellie. Bago ko pa magawa ang lahat ng plano, tumunog ang phone ko. Si Gian. "Chris, nahanap namin sila. Nasa silid sa itaas. Kailangan nating magmadali," sabi ni Gian, ang boses niya ay puno ng urgency. "Got it. I’ll be there," sagot ko. Walang pasabi, tumakbo kami papunta sa itaas. Alam ko, kailangan ko na silang makuha at wala nang oras para maghintay. Pagpasok sa silid, nakita ko si Kara, naka-kadena at nakagapos. Nasa tabi niya si Ellie, ang mga mata ni Ellie ay puno ng takot, ngunit nang makita ako, bigla siyang ngumiti. "Daddy!" sabi niya, mahina at may takot sa boses. Naglakad ako sa direksyon ni Lolo Carlo. "Ikaw na lang, Lolo. Bakit? Magsalita ka?" sabi ko, ang mata ko’y puno ng galit at determinasyon. "Oo apo," sagot ni Lolo Carlo, may ngiti sa l