Pumasok na nga ako sa pinto ng unit ko lalo at medyo inaantok na ako, agad akong nagtungo sa kwarto, magpapahinga na ako, kailangan kong maghanda dahil kunting araw na lang ay susugod na ang ng buo kong team sa lugar ng mga kalaban. Ay oo nga pala, kailangan kong makakusap ang bomber dahil malaki ang maitutulong nito sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko para matawagan ang lalaki.Nagring naman cellphone nito. “Manong, si Naty po ito, puwede po ba tayong magkita ngayon?” tanong ko sa lalaki. Napangiti na lang ako na Naty ang ibinigay kong pangalan. Hindi kasi puwede ang Nathalie. Medyo confidential iyoon.“Ikaw pala Ma’am. Ay wala pong problema. Heto po ang aking address, Ma’am Naty--- Barangay Matahimik Porok 2. Puntahan ninyo na lang po ako,” sambit ng lalaki.“Sige po Manong ngayon din ay pupunta ako riyan. Teka muna po. Paano kita mahahanap sa lugar na iyan?” tanong ko.“Ipagtanong mo lang ako Ma'am kilala ako sa pangalan ko na --- Boyong,” anas nito.“Okay po Mang Boyo
Narinig kung sumisigaw ang mga tao parang may kung anong nangyayari sa lugar na ito. Bigla naman akong napatingin sa ‘di kalayuan napansin ko ang makapal na apoy na nagmumula sa squatter area. Mayamaya pa ay narinig ko ang pagdating ng mga bombero. At umingay ang buong paligid dali-dali naman akong nagtungo sa lugar na nasusunog. Nakita ko ang mga magulang na nag-iiyakan dahil may mga bata ang nasa loob pa ng mga bahay. Medyo maliit pa naman ang sunog kaya pwede pang pasukin kaya naman nag-vulonter na ako sa mga bombero na hayaan akong makapasok sa loob.“Sir, gusto kong tumulong sa pagsagip ng mga buhay---” Ngunit tumanggi naman ito dahil wala ako suporta sa sa katawan. Kaya naman naisip ko na hiramin ang suot ng isang bombero na nakahawak lang sa mahabang hose na ginagamit pang patay ng apoy.“Kuya, tutal na rito ka lang naman pahiram mo na ako ng suot mo bilang suporta dahil papasok ako sa mga bahay na iyan para iligtas ang mga batang na trap sa loob ayaw akong papasukin ng
Sa sobrang inis ko ay nagdesisyon na lang akong bumalik sa loob para makapagpahinga at itutulog na lang ang lahat ng masasamang nangyari ngayon araw.Kaya naman nagtungo na ako sa kwarto ko, pagpasok ko ay mabilis naman bumagsak ang likod ko sa kama at tuluyan na rin akong nakaramdam ng antok lalo at nanghihina na ang katawan ko.Tutulog na sana ako, subalit nabulabog ako at tumaas ang kilay ko nang bigla kong marinig ang cellphone ko. Putcha! Storbo sino na naman kaya ito?Pagbangon ko ay nakita kong si Boss Niel ang tumatawag kaya naman mabilis ko itong sinagot.“Hello boss Niel, bakit napatawag ka?” bungad ng tanong ko.“Nathalie, tumawag ako para sabihin sa ‘yo ang masamang balita,” sambit nito.“Ano po iyon boss Niel?” tanong ko.“Gusto ko lang malaman mo na nakalusot ang grupo ng mga sindikato na may mga dala-dalang drugs, ngunit sa tingin ko ay ‘di ‘yon makakadaan sa mga check point na pinalagay ko sa bawat daraanan nila. Sa ngayon ay sinusubaybayan ng mga tauhan ko ang truck n
Habang pinagmasdan ko ang tuluyan paglaho ng lalaking nakasuot ng itim ay bigla ko naman narinig ang mga wang-wang ng mga sasakyan ng mga kasamahan kong dumating.Mabilis silang nagpark at may mga kasama na rin itong ambulance at ka agad naman sinakay ang mga kasamahan kong napatay at sugatan sa pakikipaglaban kanina, labis naman ang hinagpis ng iba kong kasamahan na natira dahil ‘di nila matangap ang pagkamatay ng iba naming kasama lalo’t matagal na rin silang nagkakasama.Mabilis naman nagsi-alis ang mga ambulance dahil nagmamadali sila patungo sa malapit na hospital dito sa lugar.Nagulat naman ako nang may lumapat na palad sa balikat ko nakita ko ang mukha ni Lieutenant Morales na malungkot din, ngunit nagpasalamat ito sa pagtulong ko sa kanila. Sinabi ko rin naman dito na tungkulin ko ang tumulong sa kanila lalo at maraming buhay ng tao ang mapapahamak dahil sa drugs. “Lieutenant Morales, sa totoo lang ay labis akong na lulungkot dahil sa pagkamatay ng mga kasamahan natin
(General's Pov) Bwesit!” galit na galit na sabi ko sa mga tauhan ko habang nasa harapan ko sila. “Paano nasakuti ng mga pulis ang malaking droga na iyon, ha? Alam ninyo ba kung magkano ang nawala sa akin?!” halos mapatid ang aking litid sa pagbulyaw ko sa mga tauhan ko. “May hudas na nakapasok sa grupo natin General,” sambit ng isang lalaking nakatayo sa harapan ko. Lalong kumulo ang aking dugo nang maalala ko naman kung sino ang hudas. Ang hayop na babaeng iyon! “Wala man lang tayong kaalam-alam na may hudas na pala tayong kasama. Aahhhh!” sigaw ko ng malakas, sabay sipa sa upuan na kaharap ko. “General, walang mag-aakala na isa pala siyang ispiya. Lalo at isang mamamayan simple lang ang pakilala niya. Ngunit talagang ang grupo natin ang pakay niya,” muling anas ng isang tauhan ko. Lalong nagpantig ang aking tainga. Hindi ko pa sana malalaman kung sino ang hudas. Mabuti na lang may isang tauhan akong tumawag kanina at sinabi nito kung sino ang hudas. Alam kong pa
(General’s Pov)Umupo naman ako sa bakanteng upuan para magpakalma ng galit ko, dahil sa nangyaring kabobohan ng mga taohan ko.Naisipan ko rin tawagan ang pinagkakatiwalaan ko na si Bungo ang may hawak ng isang grupo rito sa Sta. Lucia.Kinuha ko ang cellphone ko at nagring naman ang cellphone nito, ka agad nito sinagot ang tawag ko.“Bungo, ngayon din ay pumunta ka sa bahay ko. Dahil mag-uusap tayo!” galit na sabi ko sa lalaki.“Sige po general ngayon din pupunta ako riyan.”Pinatay ko na ang cellphone ko at naghintay na lang ako sa pagdating ni Bungo rito sa bahay ko.Naisipan ko naman na kausapin lahat ng tauhan ko na naririto. Kaya naman lumabas ako ng bahay ko para ipagbigay sa lahat na maghanda sila dahil magtutungo kami sa laboratory, kaya inutasan ko ang isa kung tauhan na ihanda lahat ng sasakyan.Ilan saglit nga ay nakahanda na lahat ng mga sasakyan namin--- Ngunit pinagsabihan ko muna ang lahat na ngayon ay pupunta kami kay Mr Salvacion at dapat silang maghanda. Nakakatiy
Chapter 36Tuluyan na nga nagsidatingan ang mga kasamahan kong NBI dahil narinig ko na ang wangwang ng kanilang mga sasakyan, alam kong mabubulog ang pagtulog ng mga kalaban dahil sa lakas ng ingay na papalapit sa gate ng compound. Kaya naman kinuha kong muli ang telescope at inilagay sa aking mata kitang-kita ko ang mga kalaban mabilis nagsigisingan. Halos lahat ay gising na at naghahanda sa pagpasok ng mga kasama ko sa loob ng gate. Narinig ko ang sigawan at nagpapanik sila.“Bumangon kayong lahat nilulusob na tayo ng mga pulis magsikalat na kayo at huwag hayaan na makapasok sila sa loob!” narinig kong sigaw ng lalaki. “Yes boss.”Nakita ko naman na lumabas sa pinto ng maganda unit Si General Roberto Diaz. Gulat itong nagtanong sa lalaking lumapit sa kaniya.“Ano ang ingay na iyon sa labas ng gate?” tanong nito.“General mukhang narito na ang hinihintay natin ang pagsugod ng mga kalaban,” rinig kong anas ng lalaki kay General. Napansin ko naman na lumunok ito ng laway at b
Mabilis na akong tumakbo para habulin si General na tumatakas, nakita ko itong mabilis na tumatakbo patungo sa sasakyan niya, kaya naman pinagbabaril ko ito para mapigilan ko, sa takot na tamaan siya ay tumago ito sa likod ng kotse. Binaril ko naman ang driver ng sasakyan at tumama ang bala sa kaniyang ulo at namatay.Tumakbo ako sa deriksyon ni General, babarilin sana niya ako ng mabilis kong nasipa ang baril niyang hawak, tumilapon ito sa malayo, kaya walang magawa si General kundi makipaglaban sa akin.Sinuntok ko agad ito sa mukha saka ko sinipa, lumabas naman ang dugo nito sa bibig niya, kaya naman pinunasan niya ito at muling sumugod sa akin. At pagsipa ko rito ay ka agad niyang nabuhat ang hita ko at hinagis niya ako ng malayo at bumasagsak ako sa lupa at sumakit ang likod ko. Tumatawa lang ang lalaki habang hinihintay ang pagtayo ko.“Sige babae, bumangon ka riyan akala mo ba mananalo ka sa akin, ha?!” Tatayo na sana ako nang muling lapitan ako nito at pinagsisipa, napas