Home / Romance / THE GANGFIA QUEENS / CHAPTER 29 BROKEN HOME

Share

CHAPTER 29 BROKEN HOME

Author: Nahphintash
last update Huling Na-update: 2022-10-17 18:52:18

Masayang umuwi si Marian sa bahay nila kasama si Drix, ngunit nawala ang mga ngiti niya nang marinig niya ang pag-aaway ng daddy at mommy niya.

Ang lakas ng boses ng mga ito at dinig na dinig nila sa labas ng bahay.

Ngayon lang niya narinig na mag-away ang mga magulang niya. Nasa labas sila ng gate. Kaya napatingin siya kay Drix na humihingi ng despensa. Nahihiya siya dito.

"Umalis ka na Drix, salamat sa paghatid sa akin." Alanganin ang ngiting pagtataboy niya.

"Are you sure? Are you going to be okay, If I leave you now?" Nag-aalala na tanong nito na nakatitig sa kanya.

. Y-Yes. I'm okay. Thanks." Ngumiti siya dito at tinulak na ito papasok sa kotse nito. Hinintay muna niyang makalis ito bago siya pumasok sa kanilang gate at ni-lock ito.

Humugot siya ng malalim na hininga.

Bumungad sa kanya ang mga magulang na naghihilahan sa trolley bag. Hindi siya nakagalaw ng makita kung paano magmakaawa ang mommy niya sa daddy niya.

"Please Honey, huwag mo kami iwan ng anak mo. Please kahit pa
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • THE GANGFIA QUEENS    CHAPTER 64

    Sa hospital ang bagsak ni Emerald dahil sa tama ng baril sa balikat niya. Dinala siya ni Sean doon kahit hindi niya ito kinakausap. “Makakaalis ka na, Sean. Baka hinahanap ka na ng mommy mo.” Malamig na sabi niya na hindi ito nililingon. “No. Marami tayong dapat pag-usapan.” Matigas na sagot nito habang nasa tabi nito. Nakahiga siya ngayon sa kama dahil katatapos niya lang maoperahan. Tinanggal ang bala sa balikat niya. Imbes uuwi siya kanina matapos ang operasyon ngunit ang lalaki matigas ang bungo at ayaw siyang pauwiin. “Wala na tayong dapat na pag-usapan pa. Kaya kung pwede lang leave me alone. Ayoko ng ma involve pa sa buhay mo.” Iritang tumalikod siya dito. “Asan ang anak natin?” Deritsang tanong nito sa kanya at binaliwala ang sinabi niya. Nanigas siya sa tanong nito at natakot para sa kaligtasan ng anak. Alam niyang hindi matatanggap ito ng mommy ni Sean. “W-Wala na. Kaya wala na tayong dapat na pag-usapan pa.” Akmang babangon siya para umalis na ngunit pinigilan siya ni

  • THE GANGFIA QUEENS    CHAPTER 63

    Dahan-dahang minulat niya ang kanyang mga mata, bumibigat ang kanyang mga talukap habang pilit niyang inaaninag ang puting kisame. May naririnig siyang mga beep mula sa makina sa tabi niya, at ramdam niya ang sakit sa bawat bahagi ng kanyang katawan. Lalo na sa ulo niya. “Ouch!” Napadaing siya sabay hawak sa ulo niya. Napapikit siyang muli at napapakagat na lang sa labi dahil sa kirot na nararamdaman niya. May benda pa sa may noo niya. Ilang saglit pa, minulat niyang muli ang mga mata ng maramdaman niya na may yumakap sa bewang niya. Nakita niya ang isang pamilyar na pigura na nakaupo sa gilid ng kanyang kama—si Drix. Nakayuko ito, at tila nakatulogan na ang pagbabantay sa kanya. Biglang bumalik ang lahat ng ala-ala sa isipan niya, ang paghahalikan nito sa ibang babae, ang selos at galit na bumalot sa kanya, ang pagkamatay ng kanyang mommy at ang aksidenteng dulot ng kanyang emosyon. “Mommy… Mommy ko…” Hindi niya napigilang mapahagulgol kaya nagising ang lalaki sa tabi niya. “O

  • THE GANGFIA QUEENS    CHAPTER 62 I NEED YOUR HELP

    Habang tinatahak niya ang makipot na daanan patungo sa lagusan, malakas ang dagundong ng mga putok ng baril na bumabalot sa buong paligid. Ramdam niya ang mga bala na humahagip sa mga dingding, sumasabog ang alikabok at debris sa bawat sulok. Hindi siya tumitigil sa pagtakbo, kahit na ramdam na niya ang pagod sa bawat hakbang. Malapit na siya sa lagusan—konti na lang.“Nasaan ka na Kylle Christian, I need your help…” Bulong niya sa isipan habang patuloy sa pakikipagpalitan ng bala sa mga humaharang sa kanya para hindi makarating sa lagusan. “Son of a bitch! Hindi talaga kayo maubos-ubos…” Gigil na gigil na siya sa mga taong humaharang sa kanya na lalong dumadami. Paubos na ang bala ng baril niya at wala na siyang extra. Padilim na din ang kinaroroonan niya kaya lalo siyang naggagalaiti. Nakita niya sa sliding window ang tatlong armadong lalaki na dahan-dahan na papalapit sa kanya kaya bago pa siya maunahan, isa-isa niya itong binaril sa ulo. “Go to hell, Morons!” Malamig na bulon

  • THE GANGFIA QUEENS    CHAPTER 61 MEET AGAIN

    Sa gitna ng isang nag-aalab na sagupaan sa loob ng magarang resort, ang tunog ng mga putok ng baril at sigawan ay bumabalot sa paligid. Lumiliyab ang hangin ng tensyon habang tumatakbo si Emerald sa gitna ng mga nagkakagulong tao, ang kanyang mga mata’y tumutok sa batang nakuha muli ng armadong kalalakihan pabalik sa loob ng resort. Mabilis ang kanyang mga galaw at lahat ng mga humaharang sa kanyang mga armado ay mabilis niyang napapatumba. Isa lang ang nasa isipan niya ang makuha ang batang babae. “Shit!” Muntik na siyang mabaril ng isang babae na humarang sa kanya mabuti na lang nakatalon siya sa may pader. Ngunit nasundan siya nito. Nagtagpo ang kanilang mga tingin at parehong gulat ng mapag sino ang isa't isa. Ngunit mas unang nakabawi ang babae, “What a small world, nagkita din tayo, Emerald. At buhay ka pa pala.” Napangisi ang babae habang nakatutok ang baril sa kanya. “At talagang nagladlad ka na pala sa totoong kulay mo, Tanda. Ikaw ba ang may pakana ng pagpa

  • THE GANGFIA QUEENS    CHAPTER 60 ESCAPE

    Umalingawngaw ang malakas na putok sa resort, napasigaw si Amanda sa galit ng makita ang anak na bumulagta sa harapan niya. “Sino ang bumaril sa anak ko?” Sigaw niya at dinaluhan ang anak na naghihingalo na. Mabilis naman na tumakbo si Rafael sa direksyon ni Marian at hinila ito palayo. Nagkakagulo ang mga tauhan ni Amanda habang hinahanap kung sino ang bumaril sa anak ng amo. “Hanapin n'yo ang taong mapangahas na bumaril sa anak ko, ngayon din! Dalhin n'yo sa akin dead or alive! ” Maawtoridad na sigaw niya. Samantala sunod-sunod ang pagsabog sa paligid ng resort dahilan para magiba ang pader sa pagitan ng kabilang resort.“Bitawan mo ako. Sino ka ba at bigla-bigla ka na lang nanghihila.” Inis na singhal ni Marian sa nakabuntot na lalaki. “Umalis muna tayo dito before I explained everything to you, okay. .” Sagot nito habang pwersahan na siyang hinihila. “Stop! Saan kayo pupunta?” Isang babae ang humarang sa dinaraanan nila. “Get lost!” Sigaw ni Rafael sa babae. Dumating ang mg

  • THE GANGFIA QUEENS    CHAPTER 59 AT THE BEACH

    Sa malayo, tanaw na ni Yanah ang malawak na resort, nagtataasang pader sa pagitan ng mga kapitbahay na resort—isang tahimik na paraiso para sa karamihan, ngunit sa loob nito’y may mga hindi kanais-nais na mga gawain. Ang mga karatig na resort nito ay isang public at may mangilan-ngilan pa na naliligo. May mga nagsu-surfing, kitang-kita niya kung paano laruin ng mga ito ang alon. Walang takot na nakasakay ang mga ito sa alon. Walang kamalay-malay ang mga ito sa naghihintay na panganib kapag magtagal pa ang mga ito sa resort. Napabuga siya ng hangin. “This is it!” Bulong niya sa sarili, “Hindi ako papayag na hindi ko mabawi si Marian sa kanila.” Matalim ang kanyang mga mata habang nakatuon sa direksyon ng resort sa malayo. Kinuha niya ang telescope na nakasabit sa leeg niya at tumayo. Seryosong ekspresyon ang bumalot sa kanyang mukha habang itinutok niya ito sa direksyon ng resort sa malayo. Kumabog ng malakas ang dibdib niya ng nakita niya ang ilang mga barge na nakapark sa tabin

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status