“T H A N K S . . . for the ride TJ”, sabi ni Scarlet kay Trinity, in her usual sweet voice bago ito bumaba ng sasakyan.
Isang tipid at mabilis na ngiti lang ang isinagot niya dahil hindi naman talaga ang expressive- type. Complete opposite ng pinsan niyang very soft and fragile, sweet and caring, at higit sa lahat mabait. Nginitian siya nito tsaka binuksan ang pinto, pero natigilan nang bigla siyang magsalita. “Scar...”, Saglit siyang nag-alangan kung sasabihin niya ba ang nasa isip dahil nga awkward siya pag-e-express ng mga emotions. Matapos kasi ang insidente sa pool bar noong nakaraang linggo, napag-alaman niyang hindi lang pala ang dalawang palakang itinulak niya sa pool ang nagsasalita at pumu-puntirya kay Scarlet sa likod niya. Simula noon ay mas lalo pang naging aloof at tahimik ang pinsan niya.Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa loob ng kotse. Gusto niya sana itong bigyan ng reassurance that nat wala itong dapat ikatakot sa mga banta ng kung sino man sa loob o labas ng Queens, because she will always have her back. If only she is good with words, pero hindi eh, hindi niya talaga forte ang maging caring o sweet. “Nothing, just go”, seryosong sabi niya na lang at muling sumandal sa back rest. She masked her embarrassment with her bitchy-face tsaka humalukipkip.“I know, TJ”, sabi nito sa malamyos na tono.“Know what?”, tanong niya naman na halos magtunog mataray na sa kakapilit na itago ang pag-aalalang nararamdaman niya.Mula sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang muli nitong isinara ang pinto ng kotse at humarap ng maayos sa kanya. Pero hindi siya nag-abalang lingunin din ito. Maya-maya ay naramdaman niya ang marahan nitong pagpisil sa braso niya.“‘Huwag kang masyadong mag-alala sa akin. Okay lang ako. You don’t have to fight anyone. Alam ko namang you will always be there for me, di ba?”, sabi nito habang pilit na hinahanap ang mga mata niya.Ngumiti ito sa kanya but she just gave her an irritated look. Tumikhim siya para itago ang awkwardness na nararamdaman niya tsaka muling nag-iwas ng tingin dito. “I’ll go ahead. See you tomorrow, 'couz”, anito tska tuluyan nang lumabas ng kotse. Nakita niyang lumingon pa ito at kumaway sa kanya bago pumasok sa gate.Scarlet is the only person on Earth na nakakaintindi sa personality niya. Kahit ilang beses niya itong irapan o sungitan she never takes it to heart at mas iniintindi nito ang ibig niyang sabihin kaysa sa paraan kung paano niya sabihin ang mga bagay. Aware naman siya na she can appear very b*tchy even when she is only expressing her concern, kaya lang ay iyon lang ang alam niyang paraan ng pagpapakita ng emosyon. She grew up in a cold and indifferent household, kung saan mas importante ang image nila sa ibang tao kaysa tunay nilang nararamdaman. Si Scarlet lang ang nagparamdam siya kanya na kahit ano pa siya ay katanggap-tanggap siya. She is very warm and always so sweet.“Let’s go”, utos niya kay Nigel na agad namang tumalima.Isinandal niya ang ulo sa headrest at ipinikit ang mga mata. It has been a long and tiring week. Marami siyang kinailangang ayusin sa Queens dahil sa ginawang kalokohan nina Angel at Atheena. Dahil sa nang dalawang palakang ‘yon ay nagkaroon ng usap-usapan about how incompetent Scarlet is and how she doesn't even deserve to be a member, much more, vice. Pati ang credibility niya as the president of the group ay sinimulang kwestyonin. Bias daw siya dahil pinsan niya si Scarlet. Of course she is! Ano naman sa kanila?She had to do something para ipaalala sa mga nag-aambisyong agawin sa kanya ang trono niya kung sino ang binabangga nila.
Altough she must admit, these days ay napapagod na siyang magpakatigas. Kapag nasa labas siya ng bahay, kailangan niyang maging matigas sa harap ng mga nag-aambisyon ng posisyon niya. At kapag naman nasa bahay siya, she still needs to toughen herself up kontra sa daddy niya. It’s becoming tiring for her and she needed a break from it all. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. If only she can be not ‘Trinity Jade Santiago’ even just for a day, magbabayad siya kahit magkano.And out of nowhere ay biglang sumagi sa isip niya ang mukha noong sundalong nakita niya sa may checkpoint sa Makati almost a month ago. His deep eyes and bushy eyebrows, his proud nose and sinful lips. She started to wonder how it would feel to be kissed by them luscious lips of his...then she paused. Oh my God Trinity... what are you doing? Are you seriously fantasizing over some nameless soldier?????, kastigo niya sa sarili habang nananatiling nakapikit. Gusto niyang dumilat at kurutin ang sarili but a small part of her wanted to stay in that moment just a little bit longer. Kaysa naman mapuno na naman ang isip niya ng mga pag-aalala kung paano niya i-me-maintain ang image niya, o kung paano niya sasalungatin na naman ang daddy niya, mas mabuti nang mag-romanticize over Mr. Nameless Soldier. Kaya naman hinayaan niya na lang ang sariling muling alalahanin ang detalye ng mukha ng lalaki. She’s not even sure kung tama ba ang naalala niya o dala lang ng strong female hormones niya, kaya siya nakagawa ng mga imaheng iyon sa isip niya.Gusto niyang matawa sa sarili. Ahhh, siguro nga ay masyado na siyang matagal mag-isa that’s why she longs for some testosterone in her system. She even thought she saw him earlier sa labas ng school nila.Haaayy, you really can’t cheat your own hormones, aniya sa sarili. Hindi siya sigurado kung tulog ba siya at nananaginip lang dahil naririnig niya naman ang busina ng mga sasakyan. She wanted to make herself believe na nananaginip nga siya kaya wala siyang kontrol sa kung ano man ang pumasok sa panaginip niyang iyon. Basta paulit-ulit niya lang nireplay sa isip niya ang mukha ng sundalo, ang paraan ng pagtitig nito at ang paglalakad nito palayo.Somehow that felt calming. It was different from her usual cold and messed up world, where everything seems to be a constant battle.Naramdaman niya ang paghinto ng kotse pero pinili niyang manatili sa posisyon niya habang nakapikit pa rin. Kung pwede lang ay manatili na lang siyang ganoon, ay mas gugustuhin niya pang managinip na lang habang buhay kaysa isiping, in a few moments ay makakasagupa na naman niya ang daddy niya sa bahay.“Mam Trinity, andito na po tayo”, untag ni Nigel sa kanya nang may ilang sandali na silang nakatigil pero hindi pa rin siya gumagalaw.Kung pwede lang na sa kotse na lang siya matulog ay gagawin niya. Tahimik siyang nagcountdown sa isipan bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga. “We’ll pick Scarlet up tomorrow”, aniya na para bang sa hangin niya lang iyon sinabi.“Yes Mam”, narinig niyang sagot ng driver niya bago siya tuluyang nakababa ng kotse.Saglit niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng mansyon nila. It is indeed a palace. And she is indeed a princess. Only that, her life is no fairytale. Other people call it home, but to her, it’s nothing but hell. Kung siya ang tatanungin, this is the last place on Earth that she’d ever wanna be. Inihanda niya ang sarili tsaka tuluyang humakbang papasok ng mansyon. Agad siyang sinalubong at binati ng isa nilang katulong pero nilampasan niya lang ito na parang hangin din. Naramdaman niyang sumunod ito sa kanya.“Is the Governor home?”, tanong niya habang tuloy-tuloy ang hakbang. Gan’on niya tawagin ang ama kapag wala sila sa mata ng publiko. Tinatawag niya lang itong ‘daddy’ kapag may ibang tao at kailangan nilang umarte. Because to her, she doesn’t have a father…she never had one. “Opo Mam”“Then don’t disturb me until umalis siya”Nagtuloy-tuloy na sana siya sa hagdan at akmang hahakbang na paakyat nang biglang may magsalita mula sa di kalayuan.“Going out early, coming home late, wala ka na ba talagang magandang gagawin para sa pamilyang ‘to?”, kalmado ang boses pero punong-puno ng pang-uuyam.Of course alam na niya kung sino iyon. Kasabay ng pagpihit niya sa direksyong pinanggalingan ng boses ay ang pag-ikot din ng mata niya na hindi siya nag-abalang ikubli. She lazily stood and gave him a bored look. Hindi na kasi bago sa kanya ang gan’ong scenario at ang gan’ong linya.“Saan ka na naman nanggaling?!”, asik ng kanya ama sa kanya. Pero sa halip na matakot ay sinalubong niya rin ang tingin nito at umaktong walang pakialam.“Wow! This is something new Dad...don’t tell me you really care kung saan ako galing? ‘cause I’ll be so touched I might cry”, sarkastiko niyang sagot at nagkunwari pang pinupunasan ang invisible niyang luha. Her intention was purely to irritate her father.Mukhang tagumpay naman siya dahil kulang na lang ay umusok ang ilong at tenga nito sa sobrang galit. Kita niya ang pagtatagis ng mga ngipin nito habang dinuro-duro siya.“Habang tumatagal ay mas lalo kang nagiging walang modong bata ka!”,“Like father like daughter”, nakataas ang kilay niyang sagot sabay mabilis na tinalikuran na sana ito para pumanhik, pero agad din siyang napatigil nang magsalita itong muli.“Wala akong anak na katulad mo! Bobo na wala pang modo! Di ka man lang gumaya sa ate mo!”Same old lines, sa isip niya. Gusto pa sana niyang sumagot kaya lang ay hahaba pa. Pagod na siya at gusto na niyang magpahinga, kaya iniyukom na lang niya ng mahigpit ang kamao at kinagat ang dila para pigilin ang sariling sumagot pa. Mabibigat ang hakbang at walang lingon-likod na pumanhik na lamang siya sa kwarto niya. Sinadya niyang ibalibag ang pinto. Wala siyang pakialam kung marinig man siya sa buong mansyon o sa buong village. She is fuming mad. Araw-araw na lang ay gan’on ang tagpo sa bahay nila. Magsisimula sa kung gaano siya ka-walang kwenta siyang anak, tapos ay susundan ng kung paanong walang-wala siya kumpara sa ate niya at magtatapos sa either sasaktan siya o magwawalk out siya. Basta niyang ihinagis ang bag sa kama at tumuloy sa banyo para magbabad sa bath tub. Yes, that’s what she needs now, a warm bath.She filled the tub with warm water and lit some scented candles. She poured herself a glass of 1988 Red Sauvignon bago siya sumulong sa maligamgam na tubig. “Hmmmmm...”, aniya habang nakapikit ang mga mata at nakasandal sa headrest ng bath tub. Ito ang tanging nagpapakalma sa kanya sa tuwing nagbabangaan sila ng daddy niya. Napadilat siya nang tumunog ang message alert tone niya. She reached for her phone to check kung sino ang nagtext. From: ScarletTJ, Clark just confirmed our emergency booking at the pool bar tomorrow. 7 o’clock.Ang tinutukoy nito ay ang may-ari ng pool bar kung naghahang out ang grupo nila. Nagpatawag kasi siya ng biglaang meeting para ipakita sa lahat na hindi siya affected ng kung ano mang issue na ibinabato sa kanya.Nagtatype pa sana siya ng reply niya kay Scarlet nang magring ang telepono niya.Michael calling...“Michael...”,“Oh hello darling, just to remind you to drop by my store tomorrow. We need to fit your gown for your dad’s proclamation next week. Panay na ang paalala ni Madam Victoria”,Napabuntong hininga siya.“Why the rush?”, she said lazily.“Oh, you know me, I am very meticulous. Ayokong mastress in case may kailangang baguhin. Alam mo naman, for the princess of the Santiago family, everything has to be on point”, maarte nitong sagot.Princess. She almost laughed at the thought. In the eyes of the public, she is really a princess living a glamorous life. Ball gowns, parties and sparkling jewellery...She suddenly had a thought...“Michael?”“Hm?”“Can you still make some alterations to my gown?”,“Ahmm, I don’t know, depende sa gusto mong baguhin, but I’ll see and make it happen... ano ba ‘yun”“I want a Rapunzel inspired look”“Rapunzel?”“Yeah”“E-err...I-I’ll see what I can do...”, tila nag-aalangan nitong sagot.“Why Rapunzel though?”, tanong nito bago pa siya makapagsalita ulit.“You said I’m a princess”, aniya habang iniikot-ikot ang hawak na kopita.“Because you are! But why not Belle, or Snow white? Rapunzel talaga? She’s a princess, yes but she was locked up in a tall tower, dear. Not a very happy princess”She smiled sadly.“I know”, She ended the call.“I am Rapunzel”, aniya sa kawalan.S H E . . . heard the sound of the thin fabric tearing and right there she immediately felt Red's hot breath in between her breasts. Napamulagat siya sa gulat. Muling nagbunyi ang lahat sa paligid nila. "Atat na atat si General!!!!" sigaw ng mga ito. Alam niyang nasa gitna sila ng krisis pero sino ang hindi pananayuan ng mga balahibo sa sensasyong dala ng bawat dampi ng mga labi ni Red sa dibdib niya?! His lips hurriedly went up to her neck again, and God knows how she fought not to close her eyes and savor every bit of whatever he's doing. Kelan ba 'yong signal???? she silently prayed. "When all these are over, mananagot ka sa'kin for all these," bulong nito sa tenga niya na parang may himig ng paninermon. Napakunot tuloy siya ng noo. At ano naman ang ginawa niya para sermonan siya nito??? At ito pa talaga ang may ganang manermon sa kanilang dalawa???? Lumayo naman ito sa kanya atsaka sumandal sa back rest ng silya. "Get down on your knees," maya maya ay malakas u
"JM . . . cannot be here in this room for your little show. He's still a minor. Have your people move him next door," kalmadong sabi ulit ni Red. Kunot ang noo ni Deo pero sinenyasan din nito ang mga tauhang may hawak kay JM na sundin ang hiling ni Red. Tumalima naman ang dalawang lalaki at inilabas si JM mula sa silid. Hindi tuloy niya maiwasang hindi mag-alala. Baka mamaya ay ano ang gawin ng mga ito sa anak niya! "Red!" tawag niya sa katabi pero tinginan lang siya nito mula sa gilid ng mga mata at hindi natinag. NagsImulang magtubig ang mga mata niya. Gets niya naman na may hindi sila pagkakaunawan, pero hindi ito ang tamang lugar at pagkakataon para unahin nila ang mga gan'ong issue. "Next. I did the work last time. This time, why not let do the job?" maya maya ay pagpapatuloy ni Red sa pangalawa niyang kondisyon. Ilang segundo ang lumipas bago nagsink in sa kanya ang ibig sabihin ng mga salitang binitiwan nito. He did not mean that! ika niya sa isip. Marahas n
"G E N E R A L . . . Juan Miguel Enriquez!!!" galak na tawag ni Deo kay Red habang nagsi-slow clap pang humahakbang para lapitan ang bagong dating. Nagpalipat-lipat ang tingin niya dito at kay Red na tila na-estatwang nakatutok pa rin ang baril kay Deo. Pero ni hindi natinag ang huli at umakto pa itong parang long-lost friend ang wine-welcome. Napakunot siya ng noo. Mukhang malakas talaga ang sira nito sa ulo. "Let my son and Trinity go, Deo!" mariing giit ni Red. Tumawa naman ang huli. "Relax, masyado ka namang nagmamadali, General. Baka gusto mo munang magkape?" cool na cool pa nitong pag imbita. Nagtatagis ang bagang na kinalabit ni Red ang paltik ng baril na nakatutok pa rin kay Deo. "Sa lamay mo na lang ako magkakape. Now let them go and surrender yourself calmly," sagot ni Red dito. Muling tumawa ang tila nababaliw na intsik na hilaw na 'to at mukhang amused na amused pa sa reaksyon at mga sinasabi ni Red. "Hindi mo pa rin ba naiintindihan ang sitwasyon, General
JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari
JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya
RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil