T A H I M I K . . . na nakamasid si Red habang isa-isang ikinarga ni Deo ang mga bala sa baril na hawak nito.
“Relax ka lang at obserbahan mo muna kung paano tayo trumabaho, Red”, anito habang may pasak na sigarilyo sa bibig.Nang matapos nitong ikarga ang huling bala ay sinipat nito iyon tsaka umasinta. Maya-maya ay ikinasa nito iyon at itinutok sa isa sa mga tauhan niya. Agad namang napataas ng kamay at napaatras ang huli. Humagikhik si Deo at mukhang naaliw sa naging reaksyon ng tauhan kaya itinutok ulit nito ang baril sa isa pang tauhan. Nang pareho ang naging reaksyon ng pangalawang lalaki ay doon ito nagpakawala ng tila nababaliw na tawa.Isinipit nito ang yosi sa pagitan ng dalawang daliri tsaka siya hinarap. Nang makitang blangko ang reaksyon niya ay nakita niya ang pagdaan ng magkahalong pagtataka at pagkamangha sa mukha nito. Muli itong humithit ng ilang pang beses tsaka pinatay ang yosi sa pamamagitan ng pag-apak dito. Maya-maya ay inalis nito ang magasin ng baril at inabot iyon sa kanya ng magkahiwalay.“Mamayang gabi, sa Xtasis Pool bar. Antayin ninyo ni Yoda ang grupo. Wala kayong ibang gagawin kundi siguruhing hindi aalis sina Scarlet bago dumating sina Geronimo”,Tumango lang siya bilang sagot. “Alam na ni Yoda ang gagawin”, dagdag pa nito. Gaya ng dati, para siyang langaw na binubugaw, hudyat na pinapaalis na siya nito. Paglabas niya ng apartment ay naroon na nga si Yoda. Nakatayo ito sa tabi ng kotse habang humithithit din ng sigarilyo.Nakita niya ang ilang tauhan ni Deo na nakatayo sa may daraanan niya, tila nagbabantay ang mga ito. Pasimple niyang ang suot na itim na sumbrero tsaka nakayukong nilampasan ang mga bantay. Nang masigurong sapat na siyang nakalayo ay tsaka siya pasimpleng bumulong sa maliit na mikroponong nakakabit sa damit niya. “Uno”,“Xtasis Pool Bar, isang exclusive bar na nasa loob ng isang five star hotel sa Makati. Kailangan ng membership bago makapasok”, sagot naman ng nasa kabilang linya na nakuha agad ang nais niya.“Paano nakakuha ng access si Deo doon kung talagang exclusive iyon para sa mga miyembro lang”“Clark Vargas, may-ari ng Xtasis at ilan pang bar sa Maynila. May ilang negosyong co-owned niya sa Singapore at Macau, pero other than that, nothing suspicious”Luminga-linga siya sa paligid para siguruhing walang nakakarinig sa kanya, habang patuloy ang paghakbang patungo sa kinaroroonan ni Yoda. “Aralin n’yo maige ang location para sa RO (Rescue Operations) and EER (Emergency Escape Route). Hunter”“Sir”, sagotnaman ng isa pang niyang kasama. “Device an emergency one-man RO ASAP, defensive only for now”“Defensive only, Sir?”, ulit nito. “Yes. Hindi ito ang main focus natin. Kapag dito natin siya hinuli, hindi natin siya mai-coconvict under smuggling of illegal drugs and firearms. Too early. Focus on the Defensive RO”, mabilis niyang sagot nang makita ang abot na pagkaway ni Yoda nang mapansin na papalapit na siya. "Copy that, Sir”, narinig niya pang panabay na sagot ng mga kasamahan mula sa kabilang linya bago siya tuluyang nakarating sa kinatatayuan ng peke niyang pinsan.Nang ganap siyang makalapit dito ay agad siyang inakbayan.
“Insaaann! Haayyy miss you, pa-kiiiissss”, malakas at ubod ng sigla nitong bati sabay umaktong hahalikan siya sa pisngi kaya naman abot ang pag-iwas niya rito.Pasimple niyang sinulyapan ang mga tauhan ni Deo na dinaanan niya kanina, nakita niyang tumatawa-tawa at umiiling ang mga ito habang nakatingin sa kanila.Tumikhim siya dahil sa pagpahiya tsaka kinalas ang mga braso ni Yodang nakapulupot sa kanya. Hindi niya hinintay ang reaksyon nito at kagya’t nang sumakay sa passenger side ng kotse.“Hmft, KJ mo talaga”, narinig niyang komento pa ni Yoda bago ito pumasok na rin sa driver’s side.Hindi niya maipagkakailang malaking ang naging papel ni Yoda kung bakit gumaan kahit paano, ang mga unang araw niya sa misyon. Hindi niya akalaing ganito ang personalidad nito, masayahin at magaan kasama. Tingin niya nga ay iyon ang nagdadala ng cover nila bilang magpinsan. Dahil alam niya naman na kung siya lang, bilang isang introvert ay walang gaanong aasahan sa kanya.Ilang sandali pa ay nasa daan na sila, at gaya ng dati, kapag nasa loob sila ng kotse ay hangga’t maaari ay hindi sila nag-uusap.MAKALIPAS ang ilang oras na paghihintay nila ni Yoda sa labas ng Manila Palace Hotel, makatanggap sila ng go-signal para pumasok. “Let’s get ready to rambooolllll”, pabirong komento ng kasama niya bago bumaba ng kotse. Huminga naman siya ng malalim tsaka ito sinundan. Palinga-linga si Red sa paligid sakaling may mga tauhan na naman si Deo na palihim na sumusunod sa kanila.Ito ang panlimang araw na sinusundan nila si Scarlet, ayon na rin sa utos ni Deo. Minsan ay hindi niya maiwasang mag-isip kung ano ang plano ng huli sa dalaga. Mukhang matinong babae naman it, kaya malabong isa sa mga binanggit ni Yoda noong unan niya itong tinanong, ang rason kung bakit ito tina-target ni Deo. Sa limang araw na inoobserbahan nila ang dalaga, ay halos bahay at eskwelahan lang ang pinupuntahan nito.He did his own research sa mga posibleng rason at koneksyon, and that’s when he found out na miyembro pala ito ng isang sorority. And that same sorority was built and founded by the very woman na palagi din nitong kasama, whom he later found out to be Trinity Santiago, daughter of a powerful politician. Hindi niya alam kung tama bang sabihing may kaunting panghihinayang siyang naramdaman nang mapag-alamang galing ito sa isang political family, dahil hindi niya ipagkakaila, he was quite charmed by her. And thinking na baka may koneksyon ang pamilya nito sa mga ilegal na gawain is just a little disappointing for him. “Pst! Tara!”, naputol ang pag-isip niya sa pagtawag na iyon ni Yoda.Ngunit bago siya makagalaw ay narinig niyang nagsalita si Uno mula sa earpiece na nakatago sa suot niyang sumbrero. “Everyone is on standby, Colonel”, “Copy. Red entering the scene”, pasimple niya namang bulong tsaka humakbang papunta sa kasama niya. “Binubulong-bulong mo d’on, kinakabahan ka?”, tanong nito ng ganap siyang makalapit. Sa halip sa sagutin ay iginala niya ang tingin sa kabuan ng entrance ng pool bar. Sa unang tingin ay mukha lang iyong simpleng club. May malamlam na ilaw sa labas, sapat lamang para maliwanagan ang pangalan ng lugar. Sabi ni Yoda ay may disco daw sa pupuntahan nila, pero wala siyang marinig ni mahinang tugtog mula sa labas.“Pers taym mo ba sa ganito?”, tanong ulit ng huli.“Not really”, tumatango-tango niya namang sagot habang nakatingala pa rin sa entrance.“Sosyal, sana ol.. o”, narinig niyang komento nito sabay abot ng isang itim na card na may nakasulat na VIP. Kunot ang noong sinipat niya iyon ng mabuti.“VIP?”, tanong niya.“Basta may kilala si Boss dito, ‘wag na maraming tanong, mag-enjoy muna tayo habang wala pa sina Boss! tara na!”, para itong batang nagniningning ang mga mata, kitang-kita sa mukha nito ang pagkasabik. Mabilis na hinila siya nito papasok kaya nagpatinaanod na lang din siya.Hindi niya mapigilang mapangiti sa reaksyon ng hilaw niyang pinsan. Naalala niya kasi nang minsang naikuwento nito sa kanya kung gaano ito ka-excited nang unang beses na nakasakay ito ng ferris wheel noong trese anyos ito. Dahil daw lumaking salat ay hindi nito naranasang sumakay sa mga rides sa peryahan noong kabataan nito. Habang nagkukwento ay kita pa rin ang saya at excitement sa mukha nito. At kung paano ang reaksyon nitong iyon ay ganoon din ang nakikita niyang reaksyon dito ngayon.Hindi niya tuloy maiwasang isipin, when this is all over, sana magtagpo pa din ang mga landas nila.JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari
JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya
RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil
JADE’S POV“AIRA… bakit ba tayo nagtatago dito? Kailangan na nating umalis dahil by now, malamang ay alam na nila na nakatakas kami at sigurado ako na ipapasuyod ni General Rodriguez ang buong villa para mahanap kami,” reklamo niya sa kaibigan habang nakatalungko sila at nagtatago sa may mga halamanan.Matapos kasi sila nitong kaladkarin kanina ay iginiya sila nito sa may mayayabong na halamanan sa may ‘di kalayuan lang sa mansyon. “Shh, sa ingay mong ‘yan ate, kahit sa Timbuktu ka magtago, mahahanap at mahahanap ka nila,” saway naman nito sa kanya sabay luminga-linga sa paligid.She started to grow impatient. They really have no time for this. Kailangan na nilang umalis at magpakalayo-layo, dahil kung hindi, tiyak na mahahanap sila ng mga tao ng heneral in no time. “P-Pero–”“Basta mag-relax ka lang d’yan ate, okay? Alam ko medyo tagilid ang ugali n’ong ate mo, pero wala rin naman tayong choice. Siya lang ang alam kong makakatulong sa inyo,” pabulong ulit nitong saway sa kanya. Sa
JADE'S POVPIGIL... ang hininga niya sa bawat paghakbang nila ni JM habang halos dumikit na sila sa matataas na pader ng bakuran.Hinintay niyang kumagat muna ang dilim bago nila sinimulan ang pagtakas.Mabuti na lang napaniwala niya sina General Rodriguez sa palusot niyang hindi maganda ang pakiramdam ni JM kaya mananatili lang ito sa kwarto. Habang siya naman ay lumalabas lang kapag kukuha siya ng pagkain nilang dalawa.Gaya nga ng narinig niya kanina sa usapan ng mag-anak, nagdagdag ng seguridad ang mga ito sa paligid ng mansyon. Ilang mga naka-unipormeng lalaki na may dalang military dog na din ang nakita niyang palakad-lakad sa bakuran simula kaninang hapon.Alam niyang hindi magiging madali ang makalusot sa mga bantay, pero handa siyang gawin ang lahat huwag lang mailayo ang anak niya sa kanya.Nagpag-usapan nila ni Aira na magkikita sila sa entrance ng mansyon. Susubukan nitong i-distract ang bantay habang susubukan nilang tumakas mag-ina. Hindi niya alam kung magwo-work ba ang
JADE’S POVNAGISING… siya sa sinag ng araw na sumilip mula sa nakasaradong kurtina ng balkonahe sa silid nila ng anak. Marahang kinusot niya ang mga mata at agad na bumaling para hanapin ang orasan. Alas siete y media pa lang ng umaga. Sunod na binalingan niya ang anak na nasa tabi niya. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kahit na medyo inaantok pa ay nagpasya siyang bumangon para ayusin ang pagkakasara ng kurtina . Baka kasi magising din ng liwanag si JM. Inayos niya ang kumot ng anak ‘tsaka nagtungo na sa banyo para sa morning rituals niya. Sinikap niyang maging maingat sa bawat galaw para huwag maistorbo ang nahihimbing niyang anak.Makalipas ang halos sampung minuto lang ay muli na siyang lumabas ng banyo. Tulog pa rin si JM.Alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa tulog kaya minabuti niyang lumabas na ng silid.Wala siyang nakitang tao sa pasilyo. Ito yata ang unang beses, magmula nang dumating sila sa mansyon, na wala siyang inabutang tao pagkalabas niya ng kwarto.