TRINITY'S POV
H I N D I . . . niya alam kung gaano siya katagal na nakatayo sa tapat ng malaki at mataas na gate ng mansyon nila. She still cannot believe that she is finally home. Ang buong akala niya talaga ay hindi na siya makakauwi doon kahit na kailan.
“Let’s go inside?” mahinahong yaya ni Scarlet sa kanya.
Pilit siyang ngumiti at tumango.
Inakbayan siya nito at iginiya papasok sa bumukas na automatic gate nila. Naunang pumasok ang kotse ng tatay ni Scarlet. Nakiusap kasi siya kung pwede ba siyang bumaba bago sila pumasok ng gate, dahil gusto niyang pagmasdan iyon mula sa labas.
Sa paghakbang niya papasok sa loob mismo ng mansyon, hindi na niya napigilan pa ang pagbasak ng mga luha. Iginala niya ang paningin sa kabuan ng maluwang at maaliwas nilang sala. She felt like she’s been gone forever. Dati-rati ay ayaw na ayaw niyang umuuwi doon dahil alam niya na magkakabangga na naman sila ng daddy niya. She hated this place. She even called it hell, rather than home. Pero ngayon, she is just nothing but glad to finally be home. Ganoon siguro ang nangyayari sa mga taong nakaranas ng near-death experience. They appreciate everything around them even more.
Hinimas ni Scarlet ang braso niya tsaka hinigpitan ang pagkaka-akbay sa kanya. She gave her a reassuring smile.
Nagpatuloy sila sa paglakad hanggang sa may marinig silang mahinang tawanan sa may bandang garden. Inabutan nila ang daddy niya na masayang nakikipaglaro ng mahjong sa ilang constituents nito.
Walang mababakas na anumang bahid ng pag-aalala sa pagkawala niya. Ang totoo, kahit na nasabi na ng pinsan niya ang tungkol sa hindi pagpapakita ng interes ng daddy niya sa nangyari sa kanya, umasa pa din siyang pag-uwi niya ay sasalubungin siya ng mga magulang ng mahigpit na yakap. But with the looks of it, it seems like she had just set herself up for a bigger heartbreak.
“Dad”, tawag niya sa ama na nakatalikod sa kanila.
Halos sabay-sabay ang naging paglingon nito at ng mga kasama nito sa kanya.
“Oh! Trinity, anak! And’yan ka na pala!” galak nitong sabi nang hindi tumatayo mula sa kinauupan nito.
Saglit siyang nalito. Mukha naman itong masaya. Pero hindi iyong saya ng magulang na makita muli ang anak niyang na-kidnap at muntik nang mamatay.
“How’s your trip with Clark?” tanong nito.
Napakunot siya ng noo sabay nagkatinginan sila ni Scarlet.
“Aww c’mon iha, hindi mo na kailangang itago sa’kin. Tinawagan ako ni Clark, to say na mag-a-out of the country kayo. And that you were hesitant to tell me dahil baka hindi kita payagan knowing na kasama mo ang boyfriend mo”, sabi pa nito nang hindi binubura ang malapad na ngiti sa mga labi.
Hindi siya umimik. So totoo nga ang lahat ng sinabi ng pinsan niya. Her dad staged a perfect reason ng bigla niyang pagkawala.
“Ikaw naman iha, oo. What? Did you think I won’t approve of Clark?” tanong ulit nito.
“Is this the one na lumabas sa balita kama-kailan, Gov?” tanong ng isa sa mga kaibigan nito.
“Ang Clark ba na tinutukoy mo ay si Clark Vargas na may ari ng exclusive pool bar na pinasok kama-kailan lang?” tanong isa pa.
“Ah yes, that was an unfortunate event. And yes, ang Clark na tinutukoy kong boyfriend nitong anak ko ay si Clark Vargas nga”, tila nagmamalaki pang sagot ng daddy niya sa mga kaibigan nito.
An unfortunate event? Boyfriend? Clark was not and certainly will never be her boyfriend! Oo, aminado naman siyang open ang binata sa pagpapakita ng interes nito sa kanya but she had made her stand clear with him right from the start. That she had no interest in him or anyone. Kaya nalilito siya kung saan nanggaling ang lahat ng sinasabi ng daddy niya.
“Aba’y pag nagkataon pala Gov, napakaswerte mo sa magiging biyenan mo! I’ve heard a lot of good things about that young man. Goal driven and very assertive when it comes to business”, pangangantyaw pa ng isa sa mga kalaro ng daddy niya.
Her dad nodded and gave them a proud look.
“Clark is not my boyfriend, Dad”, singit niya habang pilit na pinanatiling kalmado ang boses, kahit na ang totoo ay gusto niyang mag sisigaw at magwala.
Napatingin ang mga ito sa kanya na tila nagtataka.
“Trinity iha, you don’t have to worry. Nabanggit na din sa’kin ni Clark na nag-aalangan kang ipakilala siya sa amin dahil sa malaking agwat ng edad niyo. And I said, at nine years lang ang gap niyo, hindi ten!” pabirong sagot ng daddy niya tsaka sinundan iyon ng malakas na tawa.
Nagkatawanan din ang mga constituents nito.
“Kidding aside, iha. Tama ang daddy mo, huwag mong intindihin ang sasabihin ng iba tungkol sa agwat ng edad niyo ng boyfriend mo. Ang isipin mo na lang, swerte ka at nakahanap ka ng lalaking kaya kang bigyan ng magandang buhay”, wika ng nag-iisang babae sa kumpulan ng mga ito.
Nagsi-tanguan naman ang lahat kabilang na ang daddy niya.
She clenched her fist. Gusto niyang sigawan ang mga ito but she is just too tired and too hurt to even say another word.
Naramdaman niya ang paghawak ni Scarlet sa kamao niyang mariin na nakayukom.
“Basta Gov ah, invited ako sa long table ng anak mo at ni Clark Vargas. Tiyak ko magiging Wedding of the Century iyon pag nagkataon”, biro ulit ng babae sanhi para muling magkatawanan ang mga ito.
“O siya sige na iha, pumanhik ka na sa kwarto mo at magpahinga. I’m sure napagod ka sa biyahe n’yo”, maya maya ay sabi ng ama niya tsaka tinalikuran na siya at bumalik sa paglalaro ng mahjong.
“Tell Clark to come over for dinner one of these days iha, okay?” pahabol pa nito habang iniipon ang mga mahjong blocks.
Hindi na siya sumagot. She stood there for another few seconds bago siya niyaya ni Scarlet na pumanhik na sa kwarto niya,
“Let’s go TJ”,
Nagpatianod na lang siya nang igiya siya ng pinsan papanhik sa hagdan. Walang humpay sa pag-agos ang mga luha niya.
Nakasalubong nila ang dalawang kasambahay na pababa naman ng hagdan.
“Ay, welcome home Miss Trinity. Kamusta ho ang bakasyon n’yo?” nakangiti pang bati ng isa sa mga ito.
“S-Si Mommy?” bigla niyang naisip na itanong imbes na sagutin ang mga ito.
“Ay wala po si Mam Victoria, may business trip po sabi ni Gov”
“K-Kelan ang balik niya?”
“Siguro po mga tatlong araw pa… importante daw ‘yong pinuntahan ni Mam sabi ni Gov eh, sa… saan ba ‘yon?” anito sabay baling sa katabi niya.
“Japan ho 'ata”, dugtong naman ng isa.
Tumango na lang siya nagpatuloy sa pagpanhik. Mukhang wala talaga ni sino sa bahay na ito ang may alam o may pakialam kung ano ang tunay na nangyari sa kanya.
Dumiretso na sila sa kwarto niya. She felt a certain animosity as soon as she entered. Para kasing ang tagal niyang nawala. She sat at the edge of the bed. Unti-unti niyang naramdaman ang pagbalik ng pamilyar na pakiramdam niya doon. Ngayon niya masasabing nasa ligtas na lugar na talaga siya. Even back then, kapag nagkakabangga sila ng daddy niya, ay nagkukulong lang siya sa kwarto hanggang sa umalis ito. It was her safe haven. When the world becomes too chaotic for her to handle, she would hide in her room and calm herself down.
“Do you want me to sleep here tonight?” putol ni Scarlet sa pagmumuni-muni niya.
No’ng una ay sasagot sana siya ng ‘oo’. Pero naisip niyang masyado na siyang nakakaabala kaya umiling na lang siya.
“No Scar, it’s okay. Masyado na kitang naaabala”
“Anong abala ba ang sinasabi mo d’yan? Sabi ko naman sa’yo di ba, basta kailangan mo ako, I’m always here”
“Thank you”, tipid niyang sagot.
Nang hindi na siya kumibo ay naramdaman niya ang paghakbang nito papunta sa direksyon ng pinto. Noon siya biglang may naalalang itanong dito.
“Scarlet?”
Natigilan ito sa aktong pagpihit ng sedura.
“Si…Si Clark?...anong nangyari kay Clark? T-Tsaka nasaan na siya?”
Sa pagkakaalala niya, magkausap sila ng lalaki nang biglang may tumawag dito tungkol sa trabaho. Ilang sandali lang ay nangyari ang blackout at may humila sa kanya bago siya tuluyang nawalan ng malay.
“The last time I heard, nasa Singapore siya para sa business niya doon. I think he gave up the management rights of Xtasis to his brother pagkatapos ng controversy”,
“Nagkausap ba sila ni Daddy, ever?”
“Briefly, nang magpunta ang daddy mo sa scene. But how Uncle William managed to convince him to agree sa mga palabas na ginawa nila, I have no idea”,
Tumango-tango lang siya bilang sagot pero sa loob-loob niya ay napaisip din siya.
“I’ll go ahead, pag kailangan mo ako, I’m just a call away”, pagkasabi nito niyon ay tuluyan na itong lumabas.
Ilang segundo pa lang ang lumipas magmula nang lumabas si Scarlet ay muling bumukas ang pinto niya. Akala niya ay may nakalimutan ito. Pero agad siyang natigilan at nanigas nang hindi si Scarlet ang iniluwa ng pinto niya.
“D-Dad…”
Hindi ito sumagot. Bagkus ay ini-lock nito ang pinto niya. Napaatras siya. Nakita niya ang galit sa mga mata nito.
“Kapag sinabing kong nanggaling ka sa bakasyon, nanggaling ka sa bakasyon. Naiintindihan mo ba ako?!” mahina ngunit mariin nitong sabi sabay piniga ang magkabila niyang pisngi. Nalasahan niya ang dugo sa bibig na dulot ng madiin nitong pagdaklot sa pisngi niya.
“A-Aray ko, D-Dad… n-nasasaktan ako—”
“Talagang masasaktan ka kapag sinalungat mo pa ako ulit sa harap ng mga amigo ko!”
Hindi na siya sumagot dahil baka ano pa ang gawin nito sa kanya. Marahas siya nitong ihinagis ng basta, sanhi para tumama siya sa pader.
“Ito ang tatandaan mo Trinity…sa oras na ibuka mo ‘yang bibig mo kung saan ka talaga nanggaling at anong nanyari sa’yo…sisiguruhin kong hindi ka na makakabalik ng buhay sa pamamahay ko!”
Pagkasabi niyon ay agad na din itong lumabas at pabagsak na isinara ang pinto niya.
Napahagulgol siya habang dumadausdos paupo sa sahig. Niyakap niya ang mga tuhod habang nakasandal ang likod sa pader.
Ang buong akala niya, kapag nakawala siya sa mga dumukot sa kanya, ay matatapos na ang lahat ng paghihirap niya.
Why, Lord? Why?, she asked silently.
S H E . . . heard the sound of the thin fabric tearing and right there she immediately felt Red's hot breath in between her breasts. Napamulagat siya sa gulat. Muling nagbunyi ang lahat sa paligid nila. "Atat na atat si General!!!!" sigaw ng mga ito. Alam niyang nasa gitna sila ng krisis pero sino ang hindi pananayuan ng mga balahibo sa sensasyong dala ng bawat dampi ng mga labi ni Red sa dibdib niya?! His lips hurriedly went up to her neck again, and God knows how she fought not to close her eyes and savor every bit of whatever he's doing. Kelan ba 'yong signal???? she silently prayed. "When all these are over, mananagot ka sa'kin for all these," bulong nito sa tenga niya na parang may himig ng paninermon. Napakunot tuloy siya ng noo. At ano naman ang ginawa niya para sermonan siya nito??? At ito pa talaga ang may ganang manermon sa kanilang dalawa???? Lumayo naman ito sa kanya atsaka sumandal sa back rest ng silya. "Get down on your knees," maya maya ay malakas u
"JM . . . cannot be here in this room for your little show. He's still a minor. Have your people move him next door," kalmadong sabi ulit ni Red. Kunot ang noo ni Deo pero sinenyasan din nito ang mga tauhang may hawak kay JM na sundin ang hiling ni Red. Tumalima naman ang dalawang lalaki at inilabas si JM mula sa silid. Hindi tuloy niya maiwasang hindi mag-alala. Baka mamaya ay ano ang gawin ng mga ito sa anak niya! "Red!" tawag niya sa katabi pero tinginan lang siya nito mula sa gilid ng mga mata at hindi natinag. NagsImulang magtubig ang mga mata niya. Gets niya naman na may hindi sila pagkakaunawan, pero hindi ito ang tamang lugar at pagkakataon para unahin nila ang mga gan'ong issue. "Next. I did the work last time. This time, why not let do the job?" maya maya ay pagpapatuloy ni Red sa pangalawa niyang kondisyon. Ilang segundo ang lumipas bago nagsink in sa kanya ang ibig sabihin ng mga salitang binitiwan nito. He did not mean that! ika niya sa isip. Marahas n
"G E N E R A L . . . Juan Miguel Enriquez!!!" galak na tawag ni Deo kay Red habang nagsi-slow clap pang humahakbang para lapitan ang bagong dating. Nagpalipat-lipat ang tingin niya dito at kay Red na tila na-estatwang nakatutok pa rin ang baril kay Deo. Pero ni hindi natinag ang huli at umakto pa itong parang long-lost friend ang wine-welcome. Napakunot siya ng noo. Mukhang malakas talaga ang sira nito sa ulo. "Let my son and Trinity go, Deo!" mariing giit ni Red. Tumawa naman ang huli. "Relax, masyado ka namang nagmamadali, General. Baka gusto mo munang magkape?" cool na cool pa nitong pag imbita. Nagtatagis ang bagang na kinalabit ni Red ang paltik ng baril na nakatutok pa rin kay Deo. "Sa lamay mo na lang ako magkakape. Now let them go and surrender yourself calmly," sagot ni Red dito. Muling tumawa ang tila nababaliw na intsik na hilaw na 'to at mukhang amused na amused pa sa reaksyon at mga sinasabi ni Red. "Hindi mo pa rin ba naiintindihan ang sitwasyon, General
JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari
JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya
RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil