TRINITY’S POV
T R I N I T Y . . . is walking on the very same corridor that she used to walk in, wearing the same style that she used to wear...meeting the same people that she used to see. Everything and everyone is the same as the last time she saw them...everyone, apart from her.
Gaya ng dati, nakasuot pa din siya ng dark sunglasses. Pero hindi gaya ng dati, hindi na iyon bahagi ng kasuotan, kung di para itago ang tunay na pagbabago sa kanya.
After that encounter with her father, she was reminded of how tough the world that she used to live in, is. And now, she is scared that this weakened version of her might not be able to withstand the chaos.
Pero sabi nga nila, fake it till you make it. And that is all she has to do. She just needs to make people believe that she is still the same Trinity Santiago.
“Hi Trinity...”
“Good morning Trinity”
“Hi Trinity! Welcome back!”
Bawat daanan niya ay binabati siya. Bigla siyang naging balisa. Hindi naman siya basta basta binabati ng mga ito dahil natatakot o na-i-intimidate ito sa kanya. What had change? May alam kaya ang mga ito sa tunay na nangyari sa kanya? No, that can’t be. Her dad made sure no one would ever find out about the real reason of her disappearance. So bakit siya biglang binabati ng mga ordinaryong tao sa school nila? Napansin na kaya ng mga ito na may kakaiba sa kanya? Na may nagbago sa kanya at hindi na siya ang dati malakas at matayog na Trinity?
Habang dumadami ang tanong sa isip niya ay lalo ding bumibilis ang bawat hakbang niya. She needs to get out of their sight as quickly as she could before they have a deeper look at her.
Sa pagmamadali ay hindi niya napansin ang kasalubong na si Scarlet at nagkabanggaan pa sila.
Napasigaw siya sa gulat at napapikit ng mariin. Hindi niya napigilan ang panginginig sa takot.
“Shh... TJ, TJ... sshhh, it’s me. Look, it’s me, Scarlet”, mahina nitong pagpapa-kalma sa kanya.
Nang marinig niya ang pangalan ng pinsan ay doon niya ito nagawang tingnan.
“S-Scarlet?”
“Yes. It’s me TJ. Ako lang ang pwedeng tumawag n’on sa’yo, remember?” nakangiti nitong paniniguro sa kanya.
Pakiramdam niya ay tumakbo siya ng ilang ikot sa campus grounds sa hapong nararamdaman. Nanuyo ang lalamunan niya at pinagpawisan siya ng malamig.
“Let’s go fix your make up, shall we?”, kunwa’y yaya nito sa kanya sabay luminga-linga sa paligid.
Tumango lang siya at nagpatianod na lang nang akayin siya nito papasok sa malapit na ladies room.
May nakasalubong silang ilang babae na palabas na kaya pinauna na muna nilang makalabas anh mga ito.
Isa-isang chi-neck ni Scarlet ang bawat cubicle para siguraduhin na walang ibang tao doon. At nang makatiyak na sila lang ang naroon ay doon siya niyo niyakap ng mahigpit.
Tila on cue naman ang mga luha niya at sunod-sunod ang naging pagbagsak ng mga iyon. Naitakip niya ang mga palad sa mukha habang patuloy ang pag-iyak.
“Shh, you’re gonna be okay. It’s gonna be okay”, pang-aalo nito habang hinaplos siya sa likod.
“I can’t Scar... hindi ko alam kung magiging okay pa ba ako”,
“Don’t say that. Of course you will be”,
“Mas mabuti pa kung pinatay na lang ako ng mga hayup na ‘yon. Sana ay hindi ako nahihirapan ng ganito ngayon”,
“TJ ano ka ba? Wag mong sabihin ‘yan. Look at me”,
Sinunod niya naman ito. Nakita niya ang pagpipigil din nito ng mga luha.
“This is is not the end of you, okay? You will do everything para malampasan mo ang lahat ng ‘to”, anito na para bang sinusubukan siyang ipasa-lalim sa hipnotismo.
Tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha niya pero pinilit niyang tumango sa mga sinabi nito. Gusto niyang paniwalaan na tama ito, pagsubok lang ang lahat ng pinagdaraanan niya.
Muli siya nitong niyakap at nanatili sila sa gan’ong posisyon ng ilang sandali.
Nang may tatlong babaeng pumasok ay doon sila pasimpleng naghiwalay at umaktong parang walang iyakang nangyari kani-kanina lang.
“Uhm, y-you go on ahead. CR lang ako saglit ta’s sunod na ako”, pilit niyang pinagtunog kaswal ang pananalita niya sa harap ng mga bagong dating.
“O-Okay, sige”, tila nag-aalangan pang sagot nito pero tumalima din nang bigyan niya ito ng nagpapaunawang tingin.
Nang makalabas si Scarlet at pumasok siya sa isa sa mga cubicle doon at ni-lock iyon. Balak niyang kalmahin muna ang sarili bago tuluyang lumabas at humarap muli sa mga tao. Nagpasya siyang hintayin muna na makaalis ang mga babaeng kakapasok lang bago siya lalabas para ayusin ang sarili.
Hindi nagtagal ay narinig niya ang papalayong usapan ng mga ito. Akmang lalabas na siya nang may marinig siyang biglang nagsalita.
“I heard nakabalik na siya”, sabi ng isang babae.
“Who? Trinity?” sagot naman ng isa pa.
Natigilan siya nang marinig ang pangalan niya.
“Yes. Pero sabi ng ilang third year students, she’s acting weirdly daw”,
Bumilis ang tibok ng puso niya. So it wasn’t only in her mind that people actually noticed the change in her.
“Weird like how?”
“I don’t know. They said bigla lang daw nagtatakbo na parang may humahabol sa kanya”,
May sandaling katahimikan. Hula niya ay nag-aayos ang mga ito.
“Saan ba kasi talaga siya nagpunta? Bakit bigla na lang nawala ng halos isang linggo?” maya maya ay narinig niyang tanong ulit ng isa.
“Well, my reliable source said hindi totoo ang statement ng tatay niya na she went out of the country”,
“Sa trueee???”
“Uh-hm”
“So nasaan siya this whole time na inakala ng buong Pilipinas na nasa ibang bansa lang siya at nagbabakasyon?”
“Iyon na nga ang nakakaloka! Apparently... naku wag na wag mong banggit ‘to kahit kanino ah! Malalagot tayo pareho!”
“Oo na... ano nga?”
“Apparently, dinukot daw talaga si Trinity”, medyo pabulong pang sabi ng isa.
Parang namanhid siya sa narinig. Kung may nakakaalam ng tungkol sa pagdukot sa kanya, alam din kaya nito ang pati sa panggagahasa sa kanya?
Nagsimula ulit siyang manginig sa takot.
“So paano siya nakabalik?”
“Baka tinubos ng tatay niya. Iba talaga ang nagagawa ng pera. Kahit nasa bingit ka na ng kamatayan, kaya pang isalba”,
“True. Kung ako ‘yon, waley, baka ibenta ko na lang ang katawan ko para palayain ako”, pabirong komento ng isa tsaka nagkatawanan ang mga ito.
How she wished na sana ay kaya niyang tawanan lang din ang lahat ng nangyari sa kanya.
Kinurot niya ng mariin ang sarili sa pag-asang magigising siya sa bangungot na ito ng buhay niya. She felt the pain but she pinched harder until she bled. She squeezed her eyes shut and prayed na sana pagdilat niya, mabalik na sa dati ang buhay niya. But when she opened her eyes, reality hit her hard.
She heard a voice in her head.
Yes Trinity, this is you now. And this is your life now... You were abducted. You were raped. You came back. But your parent’s couldn’t care less. You were alone then. You are all alone now. This is your reality.
JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari
JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya
RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil
JADE’S POV“AIRA… bakit ba tayo nagtatago dito? Kailangan na nating umalis dahil by now, malamang ay alam na nila na nakatakas kami at sigurado ako na ipapasuyod ni General Rodriguez ang buong villa para mahanap kami,” reklamo niya sa kaibigan habang nakatalungko sila at nagtatago sa may mga halamanan.Matapos kasi sila nitong kaladkarin kanina ay iginiya sila nito sa may mayayabong na halamanan sa may ‘di kalayuan lang sa mansyon. “Shh, sa ingay mong ‘yan ate, kahit sa Timbuktu ka magtago, mahahanap at mahahanap ka nila,” saway naman nito sa kanya sabay luminga-linga sa paligid.She started to grow impatient. They really have no time for this. Kailangan na nilang umalis at magpakalayo-layo, dahil kung hindi, tiyak na mahahanap sila ng mga tao ng heneral in no time. “P-Pero–”“Basta mag-relax ka lang d’yan ate, okay? Alam ko medyo tagilid ang ugali n’ong ate mo, pero wala rin naman tayong choice. Siya lang ang alam kong makakatulong sa inyo,” pabulong ulit nitong saway sa kanya. Sa
JADE'S POVPIGIL... ang hininga niya sa bawat paghakbang nila ni JM habang halos dumikit na sila sa matataas na pader ng bakuran.Hinintay niyang kumagat muna ang dilim bago nila sinimulan ang pagtakas.Mabuti na lang napaniwala niya sina General Rodriguez sa palusot niyang hindi maganda ang pakiramdam ni JM kaya mananatili lang ito sa kwarto. Habang siya naman ay lumalabas lang kapag kukuha siya ng pagkain nilang dalawa.Gaya nga ng narinig niya kanina sa usapan ng mag-anak, nagdagdag ng seguridad ang mga ito sa paligid ng mansyon. Ilang mga naka-unipormeng lalaki na may dalang military dog na din ang nakita niyang palakad-lakad sa bakuran simula kaninang hapon.Alam niyang hindi magiging madali ang makalusot sa mga bantay, pero handa siyang gawin ang lahat huwag lang mailayo ang anak niya sa kanya.Nagpag-usapan nila ni Aira na magkikita sila sa entrance ng mansyon. Susubukan nitong i-distract ang bantay habang susubukan nilang tumakas mag-ina. Hindi niya alam kung magwo-work ba ang
JADE’S POVNAGISING… siya sa sinag ng araw na sumilip mula sa nakasaradong kurtina ng balkonahe sa silid nila ng anak. Marahang kinusot niya ang mga mata at agad na bumaling para hanapin ang orasan. Alas siete y media pa lang ng umaga. Sunod na binalingan niya ang anak na nasa tabi niya. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kahit na medyo inaantok pa ay nagpasya siyang bumangon para ayusin ang pagkakasara ng kurtina . Baka kasi magising din ng liwanag si JM. Inayos niya ang kumot ng anak ‘tsaka nagtungo na sa banyo para sa morning rituals niya. Sinikap niyang maging maingat sa bawat galaw para huwag maistorbo ang nahihimbing niyang anak.Makalipas ang halos sampung minuto lang ay muli na siyang lumabas ng banyo. Tulog pa rin si JM.Alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa tulog kaya minabuti niyang lumabas na ng silid.Wala siyang nakitang tao sa pasilyo. Ito yata ang unang beses, magmula nang dumating sila sa mansyon, na wala siyang inabutang tao pagkalabas niya ng kwarto.