"Bakit mo ako itinataboy? Anong dahilan?" Umiiyak na tanong ko. Hindi ko maintindihan kasi bakit ngayon pa? Bakit hindi pa noon? Kasi kung bibitawan n'ya ako ngayon sirang-sira na buhay ko eh. Sana noon pa di'ba?"Bakit ka umiiyak? I thought this is what you want?" Pagak siyang tumawa. "Naguguluhan kana ba? Litong-lito kana ba kong sino 'yung gusto mong lumaway sa katawan mo?" "Umiiyak ako kasi wala akong alam na dahilan bakit ganyan ka! Dati ok lang naman sayo ah? Hindi mo naman ako gusto kaya bakit? Bakit?!" Sinuntok ko s'ya sa dibdib. "Gago ka talaga! Maayos akong nag ta-trabaho sayo hayop ka! Ngayong sira na buhay ko tsaka mo ako aalisin. Dapat masira ka rin bago ako umalis para patas," pinahid ko ang luha ko. "Bayaran mo ako nang sampong milyon tapos aalis na ako," hamon ko. "Bakit ko sasayangin ang pera ko sa gaya mo? Babae kalang na pwedeng palitan. Nakakasawa kana e, kaya ayoko na sayo." Ang babaw talaga ng tanginang 'to!"Kapag tuluyan mo akong binitawan hinding-hindi na a
"Shower kana," mahinahong utos nya ng mailapag nya ako sa sofa. Agad akong tumayo dahil baka mabasa ko yung sofa nya. Mahirap pa namang labahan 'to kasi makapal at malaki. "It's okay.""Ayos lang ako," sabi ko bago lalabas na sana ng hawakan nya ako sa braso. "Uuwi na ako, baka gutom na si Peachie. Tiyak umiiyak na yun sa lungkot at sa gutom. Kasi sya na nga lang meron ako diba?" Pinahid ko ang luha ko."Gutom kana ba? Tahan na," mahigpit nya akong niyakap. "About kanina kay Bianca," huminga sya ng malalim. "Lahat ng sinabi ko sayo hindi totoo. Anak sya ng sikat na news anchor kaya kinaylangan kitang sabihan ng mga bagay na yun. Nag hihinala na kasi sya na iba ang trato ko sayo." "Bakit sinasabi mo sakin 'to ngayon?" Tanong ko bago humiwalay sa yakap nya."Shower kana." Imbis na sumagot sa tanong ko ay ito na naman ang sinabi nya. "Nabasa tayo ng ulan, baka lagnatin ka." Dagdag pa nya.Basa rin naman sya. Dalawa kaming basa sa ulan, at sya rin ang driver. Napayuko ako at muling hinay
HANGGANG NGAYON INIISIP PARIN NI MONTI NA BASTED SYA. Hindi nya kasi ako kinikibo kahit nasa office na kami. Wala rin syang tanong about sa schedule nya ngayong araw, as in wala. Kahit mapanis laway ko hindi ko sya kakausapin. Wala naman akong kasalanan sakanya eh. Padabog na binagsak ko ang ballpen sa table ko at tumayo para lumabas. "Mark," tawag ko rito na prenteng nakaupo at sumisimsim ng kape. "May chika ako sayo Jewel," hinila nya ako palayo sa office. "Abah, marites kana rin pala ngayon? Make sure may sense yan Mark," banta ko sakanya. "Kasi si sir minura ako ba naman ako kagabi hahaha. Basted yata sa dapat na liligawan nya. Buti nga sakanya hahahaha, excited yata kasi eh." Napailing si Mark. "Bakit?""Kasi ilang beses na syang humihingi ng idea paano ipadama yung pag-ibig nya sa isang babae, pero syempre hindi ikaw yun hahahaha. Kaya sabi ko maging mabait sya tapos damayan nya lagi, bago umamin." Napapalakpak pa si Mark. "Kaya lang basted hahahahahahaha!" "Mark ako yung
"Anong sabi ni Mom?" Agad na tanong ni Monti ng puntahan ko na sya. "Pera ang pinili ko," malungkot na sabi ko bago yumuko para itago ang tawa ko. "Mom! You can't do this! I love her! Mooooooooooooom!" Susugurin na sana nya Mommy nya ng natatawang pigilan ko sya. "Laugh trip ka hahahaha!" Napapalakpak pa ako sa sobrang tawa. "Ginagago mo talaga ako?" Bumalik sa dati ang expression nya. "Hindi porket alam mong gusto kita gaganyanin mo na ako," seryosong sabi nya kaya natigilan ako. "Dapat nilalambing mo ako tulad nito," hinalikan nya ako. Akala ko talaga seryoso na sya. Iiwanan ko talaga sya at hindi na papasok sakanya. "Mom!" Galit na sigaw ni Jonathan ng makita kami sa ginagawa namin. "Nakakairita sila! Ang ganda sana ni ate Jewel e, sayang lang sya kay Kuya. I'm seventeen years old, can I?" Tanong nya sa Mom nya."Kahit kapatid kita hindi ako mag da-dalawang isip na suntukin ka Jonathan," banta ni Monti. "Pasensya na po," nahihiyang sabi ko sa Mom nila. "Uuwi narin po ako. Ma
"Can I talk to you?" Natigilan ako sa paglalakad ng harangin ako ni Clyde na papasok na sana sa office ni Monti. "Para saan Clyde?" Nakangiting tanong ko. "Don't do this to me," may pag mamakaawa sa boses nya. Luminga-linga ako, baka kasi may makakita ng sitwasyon namin o makarinig sa pinag-uusapan namin. "Sorry Clyde, pero kasi gusto ko na baliin na 'yung pagiging sweet, caring at yung pag bibigay mo ng atensyon sakin. Gaya nito," natigilan ako saglit. "Hindi ko gusto na masira ka bilang Mayor. At lalong hindi ko gusto na pag-awayan nyo pa 'to ng pamilya mo lalo na ni Breanna. Kaya mas mabuti sigurong friends nalang tayo." Paliwanag ko sakanya."Jewel," tawag pa nya sakin pero hindi ko na sya nilingon at tuluyan ng pumasok. "What happened?" Kunot ang nuo na tanong ni Monti ng makapasok ako. "Clyde," pinahid ko ang luha ko. "His a good friend. Nasasandalan ko sya, at palagi nya akong dinadamayan." "Gusto mo ba sya?" Walang emosyong tanong ni Monti. "Gusto ko lang sabihin na 'yu
"Hindi mo kilala ang binabangga mo." Tumalikod na sya sakin at tuluyang lumakad palayo. Pumunta lang sya para insultuhin ako? Talaga namang hindi ko papatulan ang anak nya. Ngayon mas binigyan nya ako ng dahilan kung bakit hindi si Clyde ang dapat na pinili ko. Masaya akong nagluluto ng hapunan namin ni Kuya. Sya narin ang nag aalaga kay Peachie kaya mas nakakahinga na ako ng maluwag. Hindi na ako mag aalala kapag nasa trabaho. Lagi ko kasi iniisip kalagayan ni Peachie kapag wala ako. "Malapit na 'to!" Sigaw ko para marinig ni Kuya yung boses ko. Nasa loob kasi sya ng kwarto at masyadong malakas ang patugtog sa speaker nya. Napatingin ako sa phone ko na nakalapag sa mesa ng makita kong may nag show up na notification from Monti. Binasa ko ang pumasok na message, at napangiti. Inalis ko ang apron na suot ko bago linabas si Monti. Natanaw ko na sya na may hawak na bulaklak. "Hindi ka maingat," bulong ko ng yakapin ko sya at hagkan sa labi. "So, what? Malalaman parin naman nila rel
"Umalis kana sa trabaho mo." "Ha? You mean, sa trabaho ko sayo as a secretary?" Takang tanong ko.Isinuot nya muna belt nya bago tumango. "Para malaman man ng publiko, at least hindi na kita secretary. Madali lang nilang matatanggap 'yung relasyon natin." Bakit ba pinoproblema nya masyado 'to? "Pakasal na kaya tayo?" Tanong pa nya bago lumapit sakin. "Papakasalan mo ba ako? Madaliin lang natin," dagdag pa nya. Alam ko na dapat masaya ako, pero imbis kasi na yun ang maramdaman ko'y inis ang umiral sakin. "Bakit mo minamadali may tinatakasan kaba? Pinaliwanag ko naman sayong ayos lang sakin. Wala ka dapat ikatakot Monti."Napahilot sya sa sentido nya. "Wala naman silang magagawa kapag kasal na tayo e," napapalatak pa sya. "Sa mata ng taong makikitid ang utak issue ang bagay na 'to. At gagatong naman yung mga kalaban ko sa pwesto. What if, matakot ka? Umayaw ka? Sumuko ka dahil ayaw mo akong masira," umamo ang mukha nya ng mag tama ang mata namin. "I can't," may panghihina sa boses
Mabigat ang loob ko. Hindi dahil kay?Monti o kay Clyde, pero dahil kay Breanna at sa Mom ni Clyde. Bakit ba ako pinag-iinitan nila? Sumabay pa si Kuya. Lately, sobrang balisa at hindi sya mapakali sa bahay. Parang takot at may tinataguan? Haysst, may pag-aalala na namang nabubuo sa puso't utak ko. "F*ck!" Agad akong pumasok sa office ng marinig si Monti. Galit ba sya dahil late ako? Pwede ring galit sya dahil nalaman na nya yung panunugod ni Breanna sakin kagabi. Pansin ko rin na wala si Mark, tapos yung mga tao parang lahat sila nakatuon lang ang tingin sakin. Wait, is there something wrong? Bakit parang feeling ko may malaking problema yata kami ni Monti?"May prob--" Hindi na ako nakatapos ng sasabihin ko dahil inabot nya sakin yung news paper tapos binuksan yung television. "Ah, alam na nila." Tanging sambit ko bago napaupo dahil sa panghihina. Naiintindihan ko galit ni Monti, pero ganito nalang ba talaga reaction nya? "So, itatanggi mo ba? Hindi ako magsasalita at hindi narin