MOIRA:KABADO ako habang kaharap ang mag-asawang Anderson na siyang investor sa kumpanya ni boss tukmol. Kahit hindi ko alam ang nangyayari ay malakas ang kutob ko at nahihinulaan ko na ang mga nangyayari. Sa uri ng tinginan at pagkausap nila sa isa't-isa ay alam ko ng dati na silang magkakakilala. Pero ang ipinagtataka ko ay ang kinikilos ni boss tukmol. Una, binilhan niya ako ng magarang dress sa mamahaling boutique. Nanlumo pa ako na makitang nasa 200 thousand ang suot-suot ko ngayong dress na napili nito. Pinaayusan din ako para daw magmukha akong tao.Ngayon naman ay pinakilala niya akong fiancee! Balak pa yata akong pikutin ng tukmol na 'to! Hindi p'wede! Baka kapag nalaman niyang nabuntis lang ako ng kung sino ay sasabihan akong ipapaako ko sa kanya ang anak ko. H'wag na lang! Ang sama kaya ng ugali niya. Baka mamaya kawawa lang ang anak ko pag ito ang maging step-father ng Mikmik ko. 'Di bale na lang. Kaya kong magbanat ng buto para sa gatas at diapers ng anak ko."So, kail
MOIRA:PALAKAD-LAKAD ako ng silid habang pinag-iisipan ang mga dapat ilagay ko sa kontrata namin ni boss tukmol. Hindi ko lang lubos akalaing may matinding lungkot pala siyang napagdaanan noon at sa kamay pa mismo ng matalik niyang kaibigan at long-time girlfriend. Kaya naman pala makahulugan ang mga sinaad ni Aliyah Anderson sa akin ng kausapin ako sa restroom at kwinekwestion ang lalim ng pagmamahalan namin ni boss. 'Yon pala ay ex niya ito at marahil nag-a-assume pang hindi pa nakaka-move-on sa kanya ang boss ko. Tsk. Ang kapal niya para komprontahin ako at tanungin kung mahal nga ba ako ni boss? O baka ginagawa lang rebound. Natigilan ako at napasapo sa ulo ng may mapagtanto."Anak ng tokwang matabang baboy! Para nga pala niya akong ginawang rebound sa pagiging instant fiancee ko sa kanya sa harap ng run away bride niya," parang hibang pagkausap sa sarili na napapasabunot ng ulo. Napapakagat ako ng ibabang labi."Pero bakit kailangan naming magpakasal? Hindi kaya. . . dahil bi
MARCUS"Bye, Mommy! Muwaah!" paalam ko kay Mommy dahil papasok na ako ng school. Napakatamis ng ngiti nitong muling humalik sa labi ko bago ako pakawalan."Bye, sweetie. I'll fetch you later, huh?" pahabol pa nitong ikinangiti at tango ko na kumaway sa kanya bago pumasok ng room ko.She's one of the best mother and wife in this world. And we're so happy and blessed that... she's our Mom. Maganda, mabait, malambing, maasikaso at laging hands-on sa pag-aalaga sa amin ng mga ate at kuya ko lalo na syempre sa daddy naming pabebe din kahit matanda na. Oopps. Medyo lang pala dahil nasa 40's pa lang naman si Daddy Akhiro. Ang gwapong Daddy ko."Good morning, Marcus!" halos panabay na bati ng mga classmates kong napakalapad ng ngiti sa aking ikinangiti at tango ko lang."Good morning, ladies!" balik bati kong kumindat sa mga itong ikinairit ng mga ito na napapapadyak pa ng kanilang paa.Napapailing na lamang akong nagtungo ng desk ko."Good morning, chubs!" lambing bati ko sa bestfriend ko.
MARCUS:NAKANGUSO AKONG nakahalukipkip habang nasa byahe kami ni Mommy. Si Mommy Moi din kasi ang tagahatid at sundo ko. Sa akin siya pinakatutok dahil bunso daw ako. Dadaanan pa namin ang mga ate at kuya ko sa school nila. Si Jessie naman ay sinundo rin ni Tatay Darwin. Wala naman kasing ibang nag-aalaga kay Jessie kaya si Tatay ang tagahatid at sundo rin nito."How's school, sweetie? Bakit nakabusangot ka dyan, hmm? Pwede nang sabitan ng kaldero ang nguso mo anak," natatawang saad nito na bahagya akong nilingon. Lalo akong napangusong ikinatawa nito."Haist, dugong Montereal talaga. Apaka-attitude," tatawa-tawang saad nito na napapailing sa akin. "Mommy naman kasi," paninimula ko na pinalungkot ang tono. "Oh, what's wrong, sweetie. Hmm?" malambing tanong nito na sa harapan nakatingin."Si chubs po." "Oh, what about her?" saglit ako nitong nilingon na nanunudyo ang ngiti at tingin.Napakibot-kibot ako ng nguso ko na nakahingang malalim. "Mommy, she kissed me," namilog ang mga ma
MARCUS:NAPAPANGUSO AKO habang naghihintay dito sa labas ng room namin. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang klase pero wala pa si chubs. Nasaan na ba kasi 'yon? Imposible namang liliban siya ngayon eh may exam kami. "Marcus, come in now, baby," malambing pagtawag ng adviser namin sa akin. Napakamot ako sa pisngi na palinga-linga pa rin baka sakaling sumulpot na si chubs at na-late lang ito. Alanganin akong lumapit kay Ma'am Precilla, ang adviser namin sa english."Ma'am," mahinang pagtawag ko. Ngumiti naman itong binitawan muna ang ginagawang pag-check sa mga test paper."Yes, baby?" napanguso ako.Sanay naman na ako sa kung ano-anong endearment nila sa akin dito sa school. Kahit nga ang principal namin ay baby din ang tawag sa akin. Mas lumapit pa ako dito para maibulong ang sasabihin."Ma'am, pwedeng pa-extend pa, please? Wala pa kasi si chubs, I mean...si Jessie po," tinignan naman nito ang suot na relo na napahinga ng malalim."Nasaan na ba kasi 'yong kaibigan mo? Late n
MARCUS:TULALA LANG AKO habang yakap ang frame ni Jessie. Dito namin sila ibinurol sa Montereal's Funeral Home dahil wala naman silang ibang kaanak na nagki-claim ng katawan nila sa morgue. Ayon kay Daddy ay laking kalye si Tatay Darwin na kung saan-saan na nakakarating. May naka-live-in ito pero hindi naman namin alam kung nasaan na ito. Kahit ang pangalan. "Sweetie, are you hungry?" si Daddy. Umiling lang ako. Lahat sila ay panay ang tanong sa akin at alok ng makakain o maiinom pero tinatanggihan ko. Wala akong gana. Ayokong magsayang ng sandali na kasama ang bestfriend ko. Bilang na lang ang oras na kasama ko siya kaya ayaw kong umalis kahit saglit sa harapan nito. Napahinga ito ng malalim na niyakap ako at panay ang halik sa ulo ko. "You know what, son? Minsan kailangan may mawala sa atin para sa mga bagong darating sa buhay natin. Sa ngayon, sariwa pa ang sugat na naiwan ni Jessie at Darwin sa puso natin, pero balang araw....may darating para punan ang espasyo na nilisan nila.
JESSIE:NAPABALIKWAS AKO na magising at nasa magarang silid!? Napakusot-kusot ako ng mga mata dahil baka nananaginip lang ako. Napakurot ako sa hita ko at impit na napadaing na maramdamang nasaktan ako. Hindi ako nagha-halucinate. Lalong-lalong hindi ako....nananaginip!?"Nasaan ako?" piping usal ko.Napalinga-linga ako sa kabuoan ng silid pero hindi talaga ito pamilyar sa akin. Imposible namang nasa mansion ako nila Marcus? Lahat ng silid doon ay napuntahan ko na kaya napaka-imposible na kina Marcus ito.Napalingon ako sa may pinto nang bumukas 'yon at niluwal ang isang pamilyar na babae. Isang supistikadang babae na puno ng alahas na suot. Mula sa relo, bracelet, necklace, earings. Doble-doble pa nga ang suot nitong alahas. Maging lahat ng daliri nito sa kamay ay may mga suot na singsing na kumikinang."How are you, anak? Nagugutom na ba ang prinsesa ko, hmm?" malambing tanong nito na naupo sa tabi ko. Napatitig lang ako dito na walang kaemo-emosyon ang mga mata."What am I doing
15 YEARS LATER__MARCUS:PANAY ANG PAG-CHEER sa akin ng mga classmate ko habang naghahanda na kaming mga atleta sa pag-dive dito sa malawak na pool ng university namin. Kailangan kong matalo ang huling records ko at ako muli ang magre-represent ng school namin sa international swimming competition na gaganapin sa England. Naghanda na kaming mag-dive nang pumito na ang coach namin at mabilis tumalon ng pool pagka-tunog ng pito nito. Napapailing na lamang ako dahil 'di hamak namang mas mabilis at maliksi ako sa lahat ng kalaban ko. Kaya nga kampante ang mga classmates at mga professor kong ako ulit ang magri-represent ng school namin. Ang Del Prado's University. Hinihingal akong umahon na agad inabutan ako ni Denzel Castañeda ng towel dahil hindi na magkandamayaw ang mga kababaihan sa pagtili at pagsigaw ng pangalan ko lalo na't...naka-trunks lang ako."Iba talaga pag gwapo eh, hmm?" natatawang tudyo nito na inakbayan ako.Napiling na lamang akong kumaway sa mga itong lalong napapairit