"Avery can't do that again, okay?" Natalie warned habang sila'y kumakain. "Mangatwiran ka, sometimes. Huwag mo nang hayaang madehado ka ulit." Alam niya ang ibig nitong sabihin pero paano naman siya makaiwas kung malala na ang mga paraan ni Avery? Katulad ng nangyari kanina, talagang pinasok siya sa selda. Malay ba niyang mangyayari iyon?Ngunit nagsalita si Noah, "You know what, Gwy? Two wrongs don't make a right. Bullying is a sin, but so is being bullied." Siguradong magbibigay na naman ito ng pang-uunawa. Tumingin siya rito at katulad ng inaasahan niya, sa kanya ito nakatingin. "Lalo na kung may laban ka pero hindi mo ginagawa. Hindi mo gustong ma-bully pero hinayaan mo, which means choice mo so mali pa rin."Nagbaba siya ng tingin. Tama nga naman ito. Napansin niyang tiningnan siya ni Ace. Nasa tabi lang niya ito, si Noah at Natalie kasi ang magkatabi at katulad ng inaasahan si Ace ang nag-insist ng posisyon nila. "Right," ani Ace. Sinamaan niya ito ng tingin. "Kaya kapag binu-
"You're crying again," puna ni Natalie sa kaniya. Nahihiya man, nagpunas na lang siya ng luha, at pilit na ngumiti. "Yeah, okay lang ako, Nat." Naningkit ang mga mata nito. "You sure?" Huminga siya nang malalim. "I think kailangan ko na umuwi." Napatingin siya sa orasan na nasa phone screen niya. "Hapon na rin eh. May mga dapat pa akong asikasuhin sa bahay para pagdating nila Auntie magpapahinga na lang sila." Natalie rolled her eyes. "Nandoon si Manang," katwiran nito. "Para makatulong." Pumikit siya. "At gusto ko rin makapagpahinga sa sitwasyon." "Makapagpahinga kay Ace?" tanong nitong animo'y nagtatama. Umiwas siya ng tingin, tumayo naman ito at nag-cross ng braso. "Sinabihan ka ng dad mo na lumayo?" Sumagot agad siya, "Which is tama. Iyon naman talaga ang dapat." "But he can't stop Ace," paglinaw nito. Tumango siya. "I know." Muling hindi niya napigilan ang paghikbi. "Kaya nahihirapan ako, Nat. Gusto kong mamuhay ng payapa." Malungkot itong tumango. Inulit niya
"Ho?!" Umangat pati pwet niya sa upuan sa gulat na iyon. Hindi pwedeng sa Sansmith Residence siya magtatrabaho dahil mas lalo siyang mapalapit kay Ace ngunit pwede ba niyang tanggihan si Mrs. Soulvero? "To the fact na si Ace ang dahilan kung bakit ka umalis, ang punishment mo ay siya rin. Walang gagawin si Ace sa'yo, okay? And about kay Avery kung iyon ang inaalala mo, katulad ng paulit-ulit na sinasabi ni Natalie sa'yo kung marunong tumingin sa tama ang kapatid mo, alam niya kung sino ang pagsasabihan niya at kung ganoon ang ginagawa ng babaeng iyon sa'yo, may rights kang lumaban. Wala kang dapat iwasan, Elizabeth." Itinikom na lang niya ang bibig niya at yumuko. May punto ito pero para sa kaniya mahihirapan siya. Ang salitang lumaban katulad ng ginagawa ng mga ito, mahirap para sa kaniya gawin. Sa tingin niya kulang siya sa kakayahan upang tapatan ang ugali ni Avery at ang ina rin nito.Isa sa mga dahilan niya, ay baka gumawa pa ng masamang hakbang ang mga ito laban sa kaniyang i
The mansion of the Sansmiths is truly jaw dropping. Sa labas pa lang ay nararamdaman na niya ang bigat na para bang may beast sa loob nito. Lalo na ang style ng mansion ay talagang secured. Bilog na mataas ang pader, napakalaking gate at ang pader nito ay napakakapal. Sa lahat ng mansion na napasukan niya ito ang tila 100% na mahirap nakawan. Huminga siya nang malalim—kasalukuyang nasa loob siya ng sasakyan ni Mrs. Soulvero. Napatingin ito sa kaniya na tila ba'y napansin ang kaniyang reaction. "Hindi araw-araw nandito si Ace, just so you know." As she expected. "Future CEO siya ng Sansmith Innovation kaya tuloy-tuloy ang training niya. Makakasama mo lang siya rito tuwing gabi, maybe makakasabay mo siyang kumain, pero malayo ang kwarto mo sa kwarto niya. Kaya wala ka ring dapat ipag-alala, nandito ang mom and dad niya, and he had to behave." Sinulyapan siya nito bago i-abante ang sasakyan sa loob ng gate. "Try to make friends with him. Mapang-asar rin siya noon kay Celestia, but C
Walang ginawang kahit ano si Ace against her hanggang sa nakatapos lang silang kumain. Seafoods ang nakahanda sa lamesa at talagang nag-enjoy ang mga asawa ng magkambal na si Mr. Soulvero at Mr. Sansmith. Para sa mga ito party na iyon na para bang ang babaw lang talaga ng kaligayahan. Sa kabila ng pag-e-enjoy ng dalawa, hindi naman siya naging comfortable sa pasimpleng sulyap ng masamang tingin ni Ace na para bang nakagawa siya ng krimen against him. Sinikap na lang niyang baliwalain iyon at ngayon ay kasalukuyan silang naglalakad papuntang veranda. Likuran pa lang ng matandang Sansmith ang nakikita nila umalingawngaw na agad ang boses ni Mrs. Soulvero animo'y namimiss ito nang sobra. "Mom!" Mas nauna pa itong nakarating sa harapan ng matandang nasa wheelchair at napatingala sa asawa ng anak. "I missed you!" Yumakap ito sa matanda at nagtanong, "Kamusta ka po?" Ang galang! Kaya humahanga siya sa ugali ng pamilyang ito dahil ang babait. Hindi katulad ng ibang mga mayayaman. "Belle
Long loss na sleeve and sweatpants na naman ang suot niya. Mas gusto niyang takpan ang kurba ng katawan niya dahil sa ginawa ni Ace. Pakiramdam pa niya'y nasa labi pa niya ang mainit na labi nito. Nagkaroon ito ng epekto sa kaniya kanina at hanggang ngayon ay halos nahihirapan siyang kalimutan o dedmahin man lang. Sa harap ng hapag-kainan, kinakausap siya ni Mr. Sansmith. Tanong nang tanong ito about sa buhay niya, at sa relasyon niya sa kaniyang ama. Sinabi naman niya dito ang totoo hanggang sa napalitan ang topic at naging tungkol na sa kompanya ng Sansmith—bali about na kay Ace iyon. Ngunit sa kalagitnaan ng usapan nararamdaman niya ang kamay ni Ace na kinakamot ang tuhod niya sa ilalim ng lamesa, katabi niya kasi ito. Nasa ulo kasi ng lamesa ang lola nito, at sa harapan nila ay ang mag-asawang Sansmith. Kasalukuyan pang inaalalayang kumain ang matandang lola ni Mrs. Sansmith. Dahil kiliti ang hatid ng ginagawa ng lalaki sa kaniya, hindi na niya napigilan ang sariling kamay na
Nakapikit ang mga mata nitong hinihimas ang pisngi. Kinabahan siya, maging ang paghinga niya ay napakabigat sa isiping baka manghahalik na naman ito. Ngunit sa kabila ng kabang iyon hindi niya maipagkaila sa sarili niyang ma-appreciate ang kagwapuhan nito lalo na ng ibuka nito ang bibig at pinagalaw ang panga. Napalunok siya sa hindi maipaliwanag na pintig sa puso niya. Tila napakatulis na tumatagos pa sa tiyan niya, pagkatapos noon, naghuramentado na sa tibok ang puso niya ngunit nang tingnan siya nito at sinabing, "Nagseselos ka lang eh." Ang pakiramdam na iyon ay napalitan ng inis. Sininghalan niya ito, "Selos mo mukha mo!" Dinuro niya ito. "Hoy, ikaw. Hindi kita gusto ha. Kahit katiting na pagkagusto wala iyan dito." Dinutdot niya ang dibdib niya. Napatingin naman roon ang lalaki. "Kaya huwag ka nang umasa. Halos sinira mo dalawang taon ko, sinisira mo ako at ng kapatid ko. Pinapaaway mo kami, tama bang pag-uugali iyon? Hindi ka naman namin kamag-anak at wala akong kasalanan sa'
"Ano?!" singhal niya rito na may kaakibat na kurot sa dibdib. "Nakikita mo ako doon?" Tumawa ito. Mas lalo siyang nagdududa at nagsimula na naman siyang ma-stress. Huminga naman nang malalim si Dahlia, "Si Sir talaga, wag mo naman po asarin si ma'am Gwy, kabago-bago lang niya dito eh." Tumaas ang kilay ni Ace. Inasahan niyang barahin nito si Dahlia dahil nangingialam, pero hindi nito ginawa. Tumikhim naman si Nathan at sinabi nitong, "Wala po iyan, ma'am. Dito lang po sa rooftop ang makikita pero lock po ang nasa bawat kwarto." Nakahinga siya nang maluwag at sinamaan lang ng tingin si Ace. "Walang tiwala eh no?" anito. Binara niya ito. "Kailan ba ako nagkaroon ng tiwala sa'yo?" Umismid ito. "Bakit naman kita sisilipin kung pwede naman kitang akitin? Kaya kong pabuksan iyan..." Ngumuso ito sa bandang dibdib niya at sinabing, "Kung gusto kong makita." Imagine that? Sa harapan talaga ni Dahlia at Nathan? Napatili siya't napapadyak sa sahig sa sobrang inis at sumigaw, "Ang bástós