LOGINTATLONG araw na simula ng sabihin ng daddy ni Catherina na may gusto itong sabihin sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi parin nito nasasabi sa kanya kung ano ‘yon kaya hindi siya mapakali. Palagay niya kasi ay mahalaga ‘yon.
‘Pero ano kaya ‘yon?’ Nang dumating ang daddy at mommy nila galing ng business trip ay sumalubong agad siya sa mga ito. Sumunod naman si Athena sa kanya. Pagkatapos kasi ng birthday niya ay umalis agad ang mga ito kinaumagahan kaya hindi na sila nakapag usap “Dad, mom,” pagkatapos bumes0 ay tinulungan nila ni Athena na dalhin ang mga bitbit na mga pasalubong sa kanila ng magulang nila. Pagdating sa sala ay nagsalita ang daddy nila. “Cath, we need to talk.” Kinabahan siya. Hindi siya sanay na ganito kaseryoso ang daddy nila. Bagaman seryoso, halatang kinakanahan naman ang kanilang ina. Umupo siya sa sofa kaharap ng magulang. “Anak, alam mo naman na kailangan natin ng malalaking investor diba?” Panimula ng ama. Tumango siya. Oo, bilang panganay na anak at nag aaral ng kursong may kinalaman sa negosyo ay alam niya ang maliit na bagay tungkol sa bagay na ito. “Yes po, dad.” Bumuntonghininga ito. Dumaan ang sandaling katahimikan bago ito muling nagsalita. “Marami ang nagback out sa mga investor natin. Karamihan sa kanila ay lumipat sa kalabang kumpanya.” “Ano? Pero kailan pa, dad?” “Dalawang buwan na, anak.” Problemadong sagot nito. “sinubukan kong humanap ng iba pero walang may gusto na makipag deal sa atin. Ang gusto nila ay ‘yung kumpanya na siguradong babalik ng doble ang ininvest nila. Masakit man dahil hindi nila tayo mapagkatiwalaan dahil hindi tayo isa sa top 10 na kumpanya sa bansa ay naiintindihan ko sila. I also couldn’t afford to lose, anak, lalo na kung gano’ng halaga ang kailangang ilabas.” Malaki ang kumpanya nila. Mayaman din sila. Pero hindi sila pasok sa sampong kumpanya na nangunguna sa bansa. Kahit sampong doble ang iyaman nila ay hindi nila mapapantayan ang yaman na mayro’n ang sampong negosyante na nangunguna sa bansa. Pero hindi ba sapat na mayaman at magaling ang kumpanya nila para pagkatiwalaan sila? May pag aari na mga Hotels ang pamilya nila. Hindi man nila kayang pantayan ang mga top billionaires businessman sa bansa nila ay napanatili naman ng henerasyon ng pamilya nila ang mga negosyo nila. Ibig sabihin ay hindi basta pipitsugi ang mga negosyo nila. Pero ang masakit ay hindi sapat ‘yon para piliin sila o mapansin ng mga investors para makapag expand sila. Mas pinipili ng mga investor ang mga kumpanya na sikat at talagang kilala. ‘Paano naman silang may potential na lumago pa?’ Napabuntonghininga si Catherina katulad ng ama. “Pero may kaibigan ako na pumayag na mag invest sa atin, anak. Naalala mo ang kaibigan namin ng mommy mo na sinasabi namin sa inyo ng kapatid mo? Si Nolly Quinn, anak? Handa siyang mag invest sa mga negosyo natin.” Namilog ang mata niya ng marinig ang sinabi nito. Tama ba ang narinig niya? Isang Quinn ang handang mag invest sa negosyo nila? Kilala ang pamilya ng Quinn sa buong mundo dahil isa ang mga ito sa pamilyang nangunguna sa bansa. Hindi sila mayaman, pag aari lang naman nila ang pinaka nangungunang Tech Company sa buong mundo—mga bilyonaryo sila! Tumikhim ang daddy niya kaya bumalik siya sa realidad. Humawak ito sa kamay ng mommy niya bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Pero may isa siyang kondisyon anak.” “Kondisyon? Ano naman po ‘yon, dad? Kung makakatulong po sa kumpanya ay pumayag na po kayo agad sa kondisyon na gusto nila, dad. Ito na ang opportunity na hinihintay natin para makilala ang kumpanya natin at maexpand. Isa po itong karangalan sa pamilya natin.” Kapag nakuha nilang investor ang mga Quinn ay tiyak na marami na ang magtitiwala sa kanila. Sigurado na maraming magbubukas na pintuan para sa kanila. Kaya dapat nilang sunggaban ang pagkakataong ito— “Gusto ni Nolly na ipakasal ang isa sa mga anak niya sa’yo, anak. Gusto nila ng isang arranged marriage sa pagitan ng pamilya natin.” “P-po?!” Napatayo ang dalaga sa gulat. Hinintay niyang sabihin ng ama na nagbibiro lang ito ngunit malalim na pagbuntonghininga ang nakuha niyang sagot mula rito. “Nakita ka niya noong graduation mo noong highschool ka at nagustuhan ka niya para sa isa sa mga anak niya. He wants you to marry his son, anak.“ Napuno ng pagtutol ang kanyang mukha. “Pero, dad—“ Pinutol siya agad ng daddy niya. “Karangalan ang mapabilang sa pamilya nila, anak. Bilang ama ay isang karangalan para sa akin na mapabilang ang isa sa mga anak ko sa pamilya nila. This is not just about the company, Catherina… it also about you. Gusto kong mapabilang ka sa pamilya nila. Minsan lang magbukas ang ganito kagandang opurtunidad kaya kailangan natin itong sunggaban.” Mahabang litanya nito. Nag init ang sulok ng mata niya. “P-pero ayoko pang mag asawa, dad. Kaka-eighteen ko palang—“ “It doesn’t matter, anak. Nasa tamang edad ka na. Kung inaalala mo nag pag aaral mo, wag kang mag alala, makakapag aral ka naman kahit kasal ka na. Pinangako nila ‘yon sa amin ng mommy mo.” ‘Ayoko po!’ Gusto niyang tumutol at sabihin ‘yon pero walang namutawi sa labi niya kundi ang mahinang paghikbi. Mukhang kahit tumutol siya ay wala na siyang magagawa dahil nakapag desisyon na ang kanyang ama, malinaw na hindi ito humihingi ng opinyon kundi nag uutos. “Ihanda mo ang sarili mo bukas. Isasama kita sa pakikipagkita sa pamilya nila.” “Mommy, kausapin niyo po si dad. Tulungan niyo po ako.” Pakiusap niya ng makaalis na ang daddy niya. Baka kasi magbago abg isip ng daddy niya kapag kinausap ito ng mommy niya. “Anak,’sumunod ka nalang sa daddy ko. Sige na umakyat na kayo ni Athena sa kwarto niyo at buksan ang mga pasalubong na dinala namin ng daddy mo. Pasensya ka na, anak. Hindi kita matutulungan na baguhin ang pasya ng iyong ama. Tama siya, hindi lang ito para sa kumpanya, para din ito sa’yo.” Hayag nito bago umalis para sundan ang kanilang ama. Yumuko siya at tahimik na umiyak. “Ate…” “Ayoko pang mag asawa, Athen… ayoko pa. Pero wala na akong magagawa dahil nagpasya na si dad.” Lumapit ito sa kanya at niyakap siya. Kung kay magagawa lang ito alam niyang tutulungan siya nito. HABANG tinatahak ang daan patungo sa restaurant kung saan magkikita ay napakabigat ng kanyang dibdib. Naiiyak pa nga siya. Kung wala siguro ang mommy niya na hawak ang kamay niya ay baka tumakbo na siya at tumakas. Pero ayaw naman niya bigyan ng kahihiyan ang magulang niya, lalo na ang daddy niya. Ayaw niyang sumama ang loob nito sa kanya. Ang puso niya na puno ng pagtutol at sama ng loob ay biglang gumaan ng makita niya ang lalaking may kulay blue-green na mga mata. Nang magtama ang kanilang mata ay kumabog ng malakas ang dibdib niya. Naging mabagal ang pag-inog ng paligid—nakapako lamang ang kanilang mga mata sa isa’t isa na parang silang dalawa lamang ang tao sa mundo. ‘Siya?! Ano ang ginagawa niya dito?!’ “Catherina, siya ang aking anak… ang mapapangasawa mo.” “M-mapapangasawa po?” Mas lalong nagkarambulan sa bilis ang kanyang puso. Nang araw na iyon ay hindi na siya tumutol na pakasalan ito. Mahal na yata niya si Nick kaya taos pusong tinanggap ang desisyon ng daddy niya.Umiiyak na nagsalita si Viel. “Your father chose me, Prime! Wala ka ng magagawa doon. Matagal na tayong engaged, alam na ng lahat na ako ang mapapangasawa mo. Hindi mo pwedeng ipahiya ang pamilya natin. Hindi sayo nababagay ang panget na babaeng ‘yon! Nabulag ka na ba ng panget na ‘yon kaya hindi mo makita ng maayos ang nakakadiri niyang mukha?!” Tumiim ang bagang ni Prime ng marinig ng sinabi ni Viel. “What did you say about her?” Naumid ang dila ng babae sa takot ng makita kung gaano kadilim ang mukha ng binata. Naggagalawan ang panga ni Prime—animo ay handang pumatay ng tao. “N-nooo!!!” Tili ni Viel ng hablutin ito sa buhok ni Prime. Maluha-luha sa sakit na pilit nitong inaalis ang madiin na hawak ng kamay ni Prime sa ulo niya. Sising-sisi si Viel sa sinabi! Sana nanahimik na lang siya! “Ahhhh!!! Tama na!!! T-Tulungan niyo ako!!!” Kinaladkad ni Prime si Viel hawak sa buhok. Nang subukan itong awatin ni Vana ay nakatikim ito ng malakas na sampal. Pumutok ang gili
“Sigurado kami na walang nakatira na Mira dito! Aba matagal na kaming nakatira dito. Hindi namin kilala ang hinahanap niyo!” Tumango ang lalaking nagtanong sa may edad na babae. Pagkatapos ikutin anc lugar at masiguro na wala ang hinahanap sa lugar ay umalis na ito kasama ang dalawa pang kasama. Nang makarating sa kanto kung saan naghihintay ang mamahaling kulay itim na sasakyan ay kinatok ito ng lalaki. Bumukas ang bintana ng sasakyan at tumambad ang taong nag utos sa kanila. “Sir, tapos ng libutin ng mga tao ko ang buong Barangay, ito ang huling eskinita sa lugar. Negative, Sir. Lahat ng taga dito ay hindi kilala si Miss Mira.” Nag isang linya ang kilay ni Prime. Nabahiran ng pagtataka ang malamig nitong ekspresyon. Mabilis na gumilid ang tatlong pulis ng bumaba ang binata ng sasakyan at yumuko tanda ng kanilang takot at paggalang. He looked at the paper with the address Mira had given Aling Juanita. This was what was written on the resume she had submitted. Kung hindi
“I love your natural smell, Mira. Hindi mo nga ba ako ginayuma?” Dumilat ito at tumingin ng sa kanya ng malamlam ang mata—no, mas tamang sabihin na parang… puno iyon ng pagnanasa. Hinila niya ang buhok sa kamay nito at kinuha ang wig. Ngunit bago umabot ang kamay niya sa wig ay mabilis nitong tinapon iyon sa ibabaw ng kama sabay hawak sa pulsuhan niya. “Bitawan mo ako, Sir—“ Sa kakapiglas niya ay naalis ang pagkabuhol ng tuwalya sa katawan niya. Umawang ang labi ni Prime ng makita ang maganda niyang katawan. Umalon ng magkakasunod ang lalamunan nito habang puno ng pagkamangha at pagnanasa ang mga mata nito. Hindi inasahan na sa ilalim ng mahahabang kasuotan niya ay napakakinis ng kanyang balat na walang ni isa mang pilat. Namumulang kinuha niya ang kumot sa ibabaw ng kama niya para pagtakpan ang kahubaran. Pero pinaikot ni Prime ang matipunong bisig sa kanyang maliit na baiwang. “Stay still, Mira. Let me enjoy the view.” Anas nito sa kanyang tainga. “No!” Nahigit niya ang h
Pagkaalis ng pamilya nito ay naiwan silang magkatabing nakaupo. Umusod siya para bigyan ng espasyo ang pagitan nila pero hinawakan siya nito sa braso at hinila paupo sa kandungan nito. “You’re avoiding me now, babe.” Namumutlang lumunok siya. Naalala niya ang sinabi ni Carrie. “G-Ginawa ko lang ‘yon para tulungan ka. W-wag mo bigyan ng ibang kahulugan ‘yon, Sir. S-sinabi ko na sayo ‘hindi kita gusto.” “Nah. I don’t care. Contact your family because we’re getting married.” Sumenyas ito kay Aling Juanita na lumapit. “Sabihin mo sa lahat ng nagtatrabaho sa rancho ang magandang balita.” “Yes, Sir!” Pigil ang ngiti sa labi na sagot ng matanda. Napasinghap siya ng iharap siya nito ng nakabuka ang dalawang hita niya. Tinulak niya ito pero hindi ito natinag, lalong humigpit ang hapit ng matipuno nitong braso sa kanyang baiwang. Damang-dama niya ang matigas nitong umbok. Tumutusok iyon sa kanyang gitna na parang gustong kumawala sa suot nitong pantalon. “I-ibaba mo ako… please l
Natigilan ito ng marinig ang pagtawag niya sa pangalan nito. “Bitiwan mo nga ako! Bakit ba ang hilig mong hawakan ako!” Lumawag ang hawak nito sa kanya. “Nasa sala ang pamilya mo at pakakasalan mo. Ikakasal ka na kaya tigilan mo na ang kakahabol sa panget na gaya ko!” “Damn it!” Bumuga ito ng hangin bago dumukot sa bulsa. Napaawang ang labi niya ng makita ang maliit na kahon na inabot nito sa kanya. “That’s my peace offering for you. Alam kong gag0 ako. Naisip kong gamitin ka. But see? My plan backfired on me. Talagang nagustuhan kita. Now my offer still stand, pakakasalan kita!” Humawak siya sa dibdib—teka bakit parang kinikiliti ang puso niya? Binuksan niya ang laman ng kahon na binigay nito. Umasa siyang singsing ang laman nito, o alahas. Naningkit ang mata niya ng makitang maliit na suklay ang laman nito. “Nagustuhan mo ba?” Kabado nitong tanong. “S-sa tingin mo madadala ako ng suklay na ‘to?” “That’s not an ordinary comb, Mira. Pinasadya ko ang suklay n
“Kapag natapos niya ang kurso niya ngayong taon, magpapakasal na kaming dalawa. Sa susunod na buwan ipapakilala na niya ako sa pmilya niya para illegal!” “Buti ka pa. Ako kasi hindi na nirereplyan ng nobyo ko. Ito siguro ang paraan niya para hiwalayan ako.” Malungkot na wika ni Gia. Narito sila ngayon sa kwarto ni Aling Juanita at nagku-kwentuhan. Hanggang sa nauwi sa usaping nobyo ang usapan. Wala siyang maibahaging kwento dahil wala naman siyang nobyo. Hindi naman matatawag na nobyo niya si Prime dahil wala naman silang relasyon. Mayamaya ay dumating si Aling Juanita na may dalang dalawang botelya ng alak. Nanlaki ang mata nila Merlina. Ayon sa kanila bawal daw mag inom dito. Baka mawalan sila ng trabaho. Mahigpit daw itong pinagbabawal ng kanilang amo. “Wag kayong mag alala hindi naman malalaman ni Sir.” Napailing niya sa sinabi nito. May pagkamatigas din talaga ang ulo nito. Alas nuwebe ng gabi na, tapos na ang lahat ng trabaho nila. Wala na silang gagawin kaya maa







