“Daddy, mommy, thanks for everything po!” Mahigpit na yumakap si Catherina sa mommy at daddy niya ng makalapit rito, at siyempre ay hindi pwedeng hindi niya yakapin ang nag iisa niyang kapatid na si Athena. “Sinabi ko naman sa inyo, hindi ko po kailangan ng ganito kabongga na birthday party. Kahit simple lang po basta kasama kayo ay masaya na ako.”
Nag init ang sulok ng mata ng mommy niya. “Mahalaga ang 18th birthday para sa mga babae, anak, kaya we must celebrate it like this. Dapat lang na mas maganda ka sa lahat ng mga bulaklak, anak.” “Tama ang mommy mo, anak.” Sabi naman ng kanyang ama. “Hindi naman kami papayag na sumubsob ka lang sa pag aaral ngayong birthday mo. Prinsesa ka namin, dapat lang na maging masaya ka sa araw ng kaarawan mo. Nagustuhan mo ba ang supresa namin sayo?” Tumango siya rito. “Oo nga, ate.” Sabat ni Athena na kumikislap sa paghanga ang mga mata na nakatingin sa kanya. “Alam mo ba na nahirapan pa kaming pumili nila mommy at daddy ng susuotin mo? Gusto kasi namin na magustuhan mo ang isusuot mo at ikaw ang maging pinakamaganda sa araw na ito.” Humawak ito sa kamay niya ng inaalis ang puno ng paghangang mata sa kanya. “You’re so gorgeous, ate. Para ka na talagang prinsesa! Tama nga si mommy… mas maganda ka sa mga bulaklak!” Nag init ang sulok ng mata niya, anumang sandali ay tutulo na ang luha niya sa sobrang saya. Akala niya kasi ay nakalimutan ng mga ito ang birthday niya. Wala kasing bumati sa kanya simula ng pumasok at umuwi siya galing sa university na pinapasukan niya. Sa sobrang sama ng loob niya ay nagkulong siya sa kwarto niya. Pero laking gulat niya ng pagbihisin siya ng mommy niya at dalhin sa isang five star hotel. Ang mas ikinagulat niya ay naroon na ang mga kaibigan, kamag anak at mga kaklase niya na naghihintay sa kanya. Her parents prepared everything for her eighteenth birthday—sinupresa siya ng mga ito! “Mommy, Daddy, Athena… t-thank you po..” nataranta ang mommy niya ng makitang umiyak siya, kaya agad siyang inalo nito. “Ano ka bang bata ka masisira ang makeup mo. Oh siya, puntahan mo na muna ang mga kaibigan mo do’n, aayusan ko lang ang daddy mo para sa pagsayaw niyo mamaya.” Wala siyang nagawa ng pagtulungan siyang itulak ng mama at kapatid niya. Alam niya na pinipigilan lang ng mga ito na maluha kagaya niya. Habang naglalakad ay ramdam ng dalaga ang mga matang nakatingin sa kanya. “Look at her! Ang ganda ni Catherina!” “Si Cath ba talaga ‘yan?! OMG! Hindi ko siya nakilala agad!” “Sabi ko naman sa inyo maganda siya! Ayaw niyo kasing maniwala!” Napuno ng bulung-bulongan ang paligid. Nang mapatingin siya sa glass wall ay napatitig siya sa sarili. ‘Ako ba talaga ‘to?’ Kahit siya ay hindi makapaniwala. Ang babaeng nakikita niya sa salamin ay napakaganda. The purple mermaid dress fits her perfectly. Lalong pumuti at tumingkad ang makinis niyang balat. Ang koronang nasa ulo niya at buhok na kulot ang dulo ay bumabagay sa light makeup niya at maliit na mukha. Ang bilugan niyang mata, ang maliit ngunit matangos na ilong, ang manipis na labi na may bahid na manipis na lipstick ay bumagay sa kanyang mala-prinsesa na ayos. Tama ang kapatid niya—para siyang prinsesa! Malayong-malayo ito sa pang araw-araw na ayos niya na palaging naka-cardigan, plain blouse at mahabang palda. Ngayon ay kaya niyang makipagsabayan sa iba. “Cath!” Humihingal na lumapit sa kanya si Owen. “Woah! Ikaw ba talaga ‘yan?” Dudang sabi nito. Nakuha pa nitong hawakan ang mukha niya. “Kung sino ka man ay ilabas mo ang kaibigan ko—ouch!” Napa arikingking ito sa sakit ng mahinang sipain ni Catherina sa binti. ‘Kahit kailan talaga ang OA ng isang lalaking ‘to! “Aray ko naman! Paano kita masasayaw mamaya kung babalian mo pa ako ng buto. Ang sakit kaya!” “Ikaw kasi ang OA mo! Kung makapagsalita ka parang ngayon lang ako gumanda.” Nang susubukan sana nito ulit mang asar ay inambahan niya ito ng sipa, kaya natahimik ito bigla. “Oo nga pala, bakit hingal na hingal ka? May humahabol na naman ba sayo?” Palagi kasi itong hinahabol ng mga babae. Gwapo kasi ang loko. Yun nga lang ay babaero ito. Humawak ito sa baba. “Hindi ka pa ba nasanay? Ganito talaga kapag gwapo, palaging tumatakbo! Haha!” Halakhak nito. Napairap ang dalaga. Kung wala lang tao ngayon ay baka nasipa na naman niya ito dahil sa kahanginan Matalik niyang kaibigan si Owen. Mga bata palang sila ay magkaibigan na sila. Nasa tiyan pa nga lang yata sila ng mga magulang nila ay magkaibigan na sila. Malapit kasing magkaibigan ang mga mommy nila. Simula pagkabata ay magkasama na sila. Napapagkamalan pa nga silang magnobyo dahil hindi sila mapaghiwalay na dalawa. Pero ang relasyon nilang dalawa ay hanggang pagkakaibigan lang talaga. Si Owen ang tipo ng kaibigan na ayaw niyang mawala. Para itong si Athena, kapatid at kaibigan ang tingin niya rito. “Babaero at bully na kapatid.” “May sinasabi ka?” “Wala! Ang sabi ko kailan ka kaya titino?!” Nagpacute ito sa sinabi niya. “Kapag pumuti ang uwak! Haha!” ‘Loko talaga. Kailan kaya titino ‘to kapag kinakausap?’ Isip-isip niya. Mayamaya ay magsisimula na ang pagsayaw nila kaya naman naglibot sila ni Owen para i-entertain ang mga bisita. Karamihan sa mga bisita ay kaedad at mga kaibigan nila kaya nalibang sila sa pag iikot. “Sabi na nga ba eh, hindi magiging muse si Cath kung hindi siya maganda! Para saan pa at iboboto ka ng mga boys simula ng elementary tayo kung wala silang nakitang ganda sayo!” ‘Ha? Siya maganda?’ Napahawak siya sa mukha sa sinabi ni Era, isa sa kaklase nila no’ng highschool. Marami nga ang nagsasabi sa kanya na maganda siya. Simula ng elementary hanggang ngayong college na siya ay siya parin ang muse sa school nila. Akala niya ay binobola lang siya palagi ng mommy, daddy at kapatid niya. Hindi naman mababa ang self confidence niya. In fact, beauty is nothing but a wall for her—disenyo lang at hindi mahalaga. Ang tanging mahalaga lang para sa kanya ay maabot ang pangarap niya at makapagtapos para matulungan ang magulang niya sa pagpapalago ng mga negosyo nila. Pero ngayon ay gusto niyang maniwala na talagang maganda nga siya. “Kailan niyo ba aaminin na kayong dalawa na?” Untag ni Era sa kanya. Saka lamang siya natauhan at napahinto sa pag iisip ng marinig ang sinabi nito. Awtomatikong tumingin siya kay Owen na nakataas lang ang kilay katulad niya. Parehong-pareho ang ekspresyon nila. Nagkatinginan pa sila at natawa. “Pagputi ng uwak!” Panggagaya niya sa sagot ng kaibigan kanina. Parang ayaw na niyang matapos ang oras. Habang nagsasayaw sila ng daddy niya sa gitna ay malambing siyang sumandal sa dibdib nito. “Daddy, salamat po sa lahat. Sa pagiging mabuting daddy sa amin ni Athena. Salamat po sa inyo ni mommy.” Narinig niya ang pagsinghot nito bago tumikhim at nagsalita. “Wag mong paiyakin si daddy dito, anak. Nakakahiya. Baka marecord pa ni Athena at gawing pang asar sa akin.” Biro nito habang sumisinghot. Si Athena kasi ay busy sa pagkuha ng video nila. Kahit na may videographer ng kinuha ang daddy nila ay gusto parin nitong makuhanan ng personal ang masayang araw ng birthday niya. Ayaw nitong umiyak pero narinig niya itong nabasag na ang tinig. “Parang kailan lang ng ipanganak ka ng mommy mo. Ngayon nasa tamang edad ka na. Malapit ka ng mawala sa poder namin ng mommy mo.” “Daddy naman. Birthday lang po ‘to hindi ko po kasal.” Tumatawang biro ko. Pagtingala niya ay nahuli niyang nakokonsensyang tumingin sa kanya ang ama. “May kailangan akong sabihin sayo, Catherina anak.“ “Ano po ‘yon, dad?” Nagkatinginan ang mga ito. “Mabuti pa ay hayaan muna natin na nag enjoy ang anak mo.” Sabat ng mommy nila. “Hon, not now.” Bumuntonghininga ang daddy niya at tumango. ‘Ano kaya ang sasabihin ni dad?’ Isip-isip niya.Dumilat siya at nahuli itong nakadilat at nakatingin sa reaksyon niya. Puno ng pagnanasa ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Mahina niyang nakagat ang labi nito ng maramdaman ang malaking palad nito na sapo na ang pagkababàè niya. Sa laki ng kamay nito ay sakop na sakop ng palad nito ang gitnang bahagi ng katawan niya. “Oh my god!” Dumiin ang hawak niya sa matipunong braso nito ng pumasok sa laguşan niya mahaha at matabang daliri nito. Napanganga siya habang naglalabas-masok ito roon, habang ang dila nito ay abala sa paglalakbay sa loob ng nakanganga niyang bunganga. He was sipping and licking her saliva like it was a sweet nectar—sarap na sarap ito sa ginagawa habang nakatingin ng diretso sa kanyang ekspresyon —like he was enjoying watching her! “N-noah… ahhh!” Nanginig at nilabasan sa daliri nito habang nakabukaka siyang nakaharap dito. “You’re satisfying to watch my princess. Lalo mong binubuhay ang pag iinit ko!” Noah said, licking his ice cream while looking at her
Malungkot na tiningnan ni Aiah ang wedding dress niyang nakapatong sa kama. Bukas na ang kasal nila pero nagmamatigas parin ang daddy niya na hindi pumunta sa kasal nila. Ang gusto nito ay bumalik siya at pakasalan si Mr. Kong. Wala na talagang pag asa na magbago ang isip nito. ‘Sa tingin mo seryoso talaga siya sayo? Bakit hindi ka niya mapakilala sa magulang niya? Minamadali niya ang kasal ninyo kasi may tinatago ang lalaking ‘yon sayo!’ Pinilig niya ang ulo at inalis sa isip ang sinabi ng kuya niya sa kanya noong isang araw. Alam niya na sinasabi lang ito ng kuya niya para guluhin ang isip niya. “Hey. Stop thinking about your family. They chose not to come, hindi mo kasalanan ‘yon.“ “Tama ka, hindi ako naglihim. Pero hindi ko parin maiwasang malungkot. Pamilya ko parin sila. Gusto ko sanang nando’n sila sa araw ng kasal nating dalawa.” Gusto niya sanang itanong kung bakit hindi present ang pamilya nito sa kasal nila pero hindi na siya nagsalita. May tiwala siya dito at a
Nagpadagdag si Allison ng mga tauhang isasama sa pagkuha sa anak. Hindi niya hahayaang makasal si Aiah sa iba! Gagawin niya ang lahat upang hadlangan iyon! Sumenyas si Allison na pasukin ang bahay ni Noah. Subalit hindi pa nakakapasok ang mga tauhan niya ay tumumba na ito sa lupa ng duguan. Kagaya ng nangyari kay Edu ay sugatan ang karamihan sa kanilang mga tauhan. Wala silang nagawa at hindi man lang nalapitan ang kanyang anak. Muling bumisita si Mr. Kong. Para mapagtakpan ay kumuha sila ng magandang bayarang babae na magpapanggap na kasambahay upang akitin ito at aliwin habang nagpa-plano sila kung paano muling makukuha si Aiah. Samantala ay napatayo sa kinauupuan si Mr. Kong ng makatanggap ng tawag at masamang balita. “Mr. Kong, wala na si Sir Bing, natagpuan siyang wala ng buhay sa apartment niya!” “A-anong nangyari sa anak ko?! S-sino ang gumawa sa kaniya nito?!!!” Nagkatinginan sila Iwa at Allison. Ngayon lang nila ito nakitang magalit ng ganito. May pumaslang d
Galit na binato ng ama ni Aiah ang mga litrato ng kanyang anak kasama si Noah. “Ano ang gagawin natin? Gusto na ni Mr. Kong na makasal kay Aiah sa lalong madaling panahon. Hindi natin pwedeng paghintayin pa siya baka lalo maging malabo ang pagkapanalo natin sa bidding!” Palakad-lakad rin ang hindi mapakaling si Iwa. Ang walang hiyang babaeng ‘yon nagawa silang takasan at sumama sa ibang lalaki kahit may papakasalan na ito! “Kasalanan mo ‘to! Kung hindi ka naging maluwag sa kanya ay hindi siya makakatakas!” Galit na sumingasing ang ilong ni Iwa sa paninisi sa kanya ng asawa. Mula noon ay wala siyang ginawa kundi sundin ito at gawin ang utos nito alang-ala sa kanilang pamilya. Hindi siya nagkulang sa pagdidisiplina! “Dad, mom, walang magagawa ang pagtatalo ninyo, buntis na si Aiah, kapag nalaman iyon ni Mr. Kong ay siguradong hindi niya iyon matatanggap.” “Tama si Edu. Ang dapat nating isipin sa ngayon ay kung paano makukuha si Aiah. Saka na natin pag isipan ang gagawin sa bata”
Ang sabi ng madrasta niya noon, hindi kailangan na mahal mo ang pakakasalan mo para maging masaya ka. Pero nagkamali ito. Malaki ang pagkakaiba kapag mahal mo ang mapapangasawa mo sa hindi mo gusto. Isipin mo lang na ikakasal ka sa taong mahal mo ay hindi ka na makapaghintay na dumating ang araw ng kasal ninyo—parang ang bagal ng oras at gusto mo agad magsumpaan kayo sa harap ng altar. Gano’n ang nararamdaman niya ngayon. Hindi siya natatakot na dumating ang bukas at magsusuot siya ng puting dress. Hindi siya takot na matali kundi masaya. Ganito pala ang feeling kapag nakita mo na ang taong gusto mong makasama habambuhay. Kumikislap ang mata na tiningnan niya ang sarili niya sa salamin suot ang simpleng white wedding dress na susuotin niya sa sabado. Ngayon lang niya napansin na hindi na siya kasing payat ng dati. Mas gumanda ang hubog ng katawan niya nung magkalaman siya. Hindi na rin humpak ang pisngi niya at wala narin siyang maski isang pasa. ‘Iba talaga ang alagan
Pagkatapos ng insidenteng iyon ay mas lalo silang naging malapit. Naging mas maalaga pa ito sa kanila ng magiging anak nila. Pero paminsan-minsan ay nagtataka siya dahil nagigising siya ng madaling araw ng wala ito sa tabi niya. One time ay nakita niya itong dumating na duguan at may pasa sa mukha. Kahit nag aalala siya ay hindi niya naman ito matanong. Hindi pa kasi sila kasal at baka masabihan pa siya nitong pakialamera. Sinubukan niya magbulag-bulagan pero hindi na siya nakatiis kaya tinanong na niya ito. Ang sagot naman nito sa kanya ay may kinalaman ito sa trabaho nito. Alam niya na isa itong chef at businessman kaya alam niyang nagsisinungaling ito. Naalala niya ang pinag usapan nito kasama ang mga kaibigan nito. May kinalaman yata doon ang ginagawa ni Noah. “Saan ka galing?” Nagulat ito ng makitang gising pa siya. Balak sana nitong itago ang damit nito na basa ng dugo pero inagaw na niya ito sa kamay nito. “M-may tama ka?” Nag alala siya at tiningnan ang katawan nito