LOGINAng kaninang naiiyak niyang ekspresyon ay nawala. Napalitan iyon ng ligaya at labis na pangungulila. Halos isang buwan kasi itong hindi umuwi kaya nangulila siya dito ng sobra. Walang araw na hindi niya ito namiss at gustong makasama.
Akmang yayakap siya dito ng tingnan siya nito ng malamig. Parang nagbibigay ng babala ang mga tingin nito na wag siyang magkakamali na lapitan ito. “What is this, Catherina?” “Ha?” Nakita niyang nakatingin ito sa cellphone. “Pasensya ka na, nasira kasi ang cellphone ko kaya ginamit ko muna ang luma mo. Naka stock lang naman kasi at hindi mo naman ginagamit. Wag kang mag alala, huhulugan ko naman ‘yan tuwing sahod ko—Nick!” Napaigik siya sa sakit ng bigla nitong higitin ang braso niya. Pakiramdam niya ay madudurog ang buto niya sa sobrang sakit dahil sa mala-bakal nitong hawak sa kanya. Ramdam niya ang galit sa hawak at tingin nito. “You whore! Hindi ba sinabi ko sayo na wag kang tatanga-tanga ng hindi malaman ng iba na asawa kita? Then what the fvck is this? Are you fvcking kidding me?” Dumiin pa ang hawak nito kaya napanganga na siya. Hindi niya ito maintindihan. Wala naman siyang ginawa na ikakapahamak nito. “Oh baka naman sinasadya mo ‘to? Gusto mong makita ito ng iba para malaman ng lahat na ikaw ang asawa ko? You little bítch!” “Nick, w-wag!” Tuluyan ng tumulo ang luha niya ng basagin nito ang cellphone at apak-apakan hanggang sa madurog ito at magkapira-piraso. Saka lang ito tumigil ng makita na hindi na ito mapapakinabangan pa. Iyak siya ng iyak habang nakatingin sa sirang cellphone. Pakiramdam niya pati puso niya ay nadurog. Pumiglas siya para subukan na sagipin ang cellphone sa sahit, ngunit impit siyang umuung0l sa sakit ng hatakin siya patayo habang mariing nakahawak sa kanyang braso. Sa sobrang diin ay sigurado siya na mag iiwan ng marka ang paghawak nito sa braso niya. “Magpasalamat ka dahil hindi ka matutulad sa cellphone na ‘yan, Catherina. One more dare and I’ll promise, ako mismo ang dudurog sayo at magtatapon sayo sa putik kung saan nababagay ang ambisyosang kagaya mo!” “P-picture lang ‘yan, wala naman akong balak na ipakita ‘yan sa iba. M-maniwala ka, Nick, wala akong ibang intensyon na ganon, mali ang iniisip mo—“ Gusto niyang pagsisihan kung bakit sumagot pa siya. Lalo kasing dumilim ang gwapong mukha nito. Sa sobrang dilim ay naging nakakakilabot ang mga tingin nito. Nagbabanta at nakapanglalamig. Mahal na mahal niya si Nick. Pero kapag ganito ang tingin nito ay natatakot siya dito. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit isa ito sa binansagang nakakatakot na tao sa bansa kasama ng ilang mga kaibigan nito—dahil totoong nakakatakot ito. Hindi na niya kinaya ang sakit ng hawak nito, para na siyang nanghihina at kakapusin ng hininga. Kumpara kay Nick, maliit na babae lang siya. Kaya naman halos mabali ang braso niya. “Walang balak? Don’t fool me, biťch. Kilala kita… kilalang-kilala.” Singlamig ng yelo ang mga tingin nito sa kanya. “Ito ang tatandaan mo, Catherina. Hinding-hindi mo ako mapapaikot sa palad mo. Hinding-hindi mo makukuha ang pagmamahal na gusto mo. Alam mo kung bakit?” “N-nick, wag…” Alam niya kasi na masasaktan lang siya sa sasabihin nito sa kanya. Pero malamig lang siya nitong tiningnan na parang walang pakialam. “Dahil hindi ako pumapatol sa basurang ambisyosa na kagaya mo. Mas masahol ka pa sa putik, Catherina. Seeing you right now wants me to pukè. Hindi kita masikmura na makita… ang mahalin ka pa kaya?” Nanatiling malamig ang ekspresyon nito kahit na nakita siyang nasasaktan. “Hinding-hindi kita mamahalin, Catherina. Itaga mo ‘yan sa kokote mo.” Ani nito bago siya binitawan. Nang makapasok ito sa loob ay saka lamang niya pinakawalan ang malakas na hagulhol na kanina pa niya pinipigilan. Napakasakit marinig na hindi ka kayang mahalin ng taong mahal na mahal mo. Daig pa niya ang sinampal ng paulit-ulit sa mga sinabi nito. Napakasakit na marinig iyon sa labi ng mismong asawa niya. Ano ba ang nagawa niya para sabihin iyon sa kanya ni Nick? Oo ambisyosya siya. Pero ang mahalin lang nito ang naging ambisyon niya, wala ng iba. Nakakasuka na ba ‘yon kaya hindi nito masikmura? Marumi na ba agad ang magmahal ng isang tao? Kaya ba hindi nito ginagampanan ang tungkulin bilang asawa niya? Dahil ba nandidiri pala ito sa kanya noon pa? Maganda sa ibang babae na manatiling birhen, lalo na kung dalaga pa. Pero sa kagaya niya na may asawa, isa itong sampal sa pagkababáè niya. ‘Maganda naman siya. Kaya bakit? Ginawa niya ang lahat? Gano’n ba siya kahirap mahalin?’ Para siyang bata na walang tigil sa pag iyak habang nakatingin sa basag na cellphone. Akala niya magiging masaya siya sa pagbabalik ni Nick. Pero ganito lang pala ang matatanggap niya. ‘Sabagay. Ano ba ang bago? Ganito naman palagi.’ Pitong taon na pero hanggang ngayon ay hindi parin sanay ang puso niya sa sakit. Nasasaktan parin siya at umiiyak. ‘Hanggang kailan mo gagawin ito sa akin, Nick?’ Nang makita siya ni Nana Lydia ay nilapitan siya nito. “Nandito ka lang pala, kanina pa ako naghihintay sayo. Sandali anong nangyari? Bakit umiiyak ka at basag itong cellphone—” tumingin ito sa braso at mukha niya. nang makita ang kanyang luhaang mukha ay bumuntonghininga ito. “Halika… ihahatid na kita sa kwarto mo.” Hindi na siya tumanggi. Naubos kasi ang lakas niya sa kakaiyak. Pagdating sa kwarto ay hindi na ito nag usisa pa at iniwan siya. Alam kasi nito na sa ganitong kalagayan ay mas gusto niya ang mapag isa. Tumingin siya sa flower vase na nasa kwarto niya. Totoo ba talaga ang swerteng dala nito? Eh bakit nangyayari sa kanya ang lahat ng ito? Kaya hindi na siya naniniwala sa magandang bukas na dala ng mga bulaklak. Hindi ‘yon totoo. Kasi kung totoo ‘yon. Bakit ganito ang pagsasama nila ni Nick? At bakit maagang nawala ang lahat sa kanya? “Kapit lang, Catherina… kapit ka lang hanggang kaya mo pa.” Pinahid niya ang luha pero napalitan lang iyon ng panibago… dumadaloy ito ng walang hinto. Nilabas niya ang singsing na nasa bulsa at pilit na ngumiti. “Hindi kita susukuan, Nick. Hindi ako susuko hanggang mahalin mo ako.” Kahit puro siya hinanakit at hindi siya ang tipo ng tao na basta nalang sumusuko. Hindi niya dapat iasa sa mga bulaklak ang magandang bukas, dapat siya mismo ang kikilos at hahanap ng swerte niya.Nakangiting bumaba si Miracle ng stage ng mayro’ng ngiti sa labi. Agad siyang sinalubong ni Prime ng makaba siya ng halik sa labi. “Congratulations, babe. I’m so proud of you!” “Thanks, babe!” Kinawit niya ang braso sa leeg nito at muling ginantihan ng halik ang labi nito. Kung hindi pa siya nawalan ng hangin ay hindi siya hihiwalay sa asawa. “Congratulations, anak. Proud na proud kami ng daddy mo sa ‘yo.” Bati ng Mommy niya. Lumapit ang Daddy niya ay yumakap sa kanya para batiin siya. Si Anzel, nasa hospital kasama ang Lola at Lolo nila. Magkahawak kamay silang naglakad ni Prime. Lahat ng kanilang madaanan ay hindi maiwasang mapalingon sa kanila. Why not? Sabi nga ng iba ay perfect couple sila. Sa paglipas ng panahon ay lalo pang naging kaakit-akit ang asawa niya. At gano’n din siya. She’s just twenty-years old ng ikasal sila. Ngayon na twenty-five na siya ay lalo pang gumanda ang hubog ng katawan niya. Nag mature ang features ng kanyang mukha. Nang manganak siya ay lumaki l
Hindi mapigilang maluha ni Aiah habang pinagmamasdan sina Prime at Miracle na sumasayaw sa gitna. Naramdaman niya ang pagyakap sa kanya ng asawang si Noah mula sa likuran. “Do you remember our first dance?” May ngiting sumilay sa kanyang labi ng maalala ang unang sayaw nilang dalawa. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanyang alaala ang unang beses na sinayaw siya ni Noah. “Yes, malinaw na malinaw.” Lahat ng memories nilang mag asawa, masaya man, o mahirap ay hindi nawala sa isip niya, kahit matanda na sila. Parang kailan lang ng magkakilala sila at ikinasal, nangako na mamahalin ang isa’t isa at magiging maligaya. Nag init ang sulok ng mata niya ng maalala ang panganay nilang anak. “Shhh, tahan na. Hindi mawawala ang anak natin, magkakaroon lang siya ng sariling pamilya.” Alo ni Noah sa kanya. “Alam ko. Naiiyak lang ako dahil tuluyan na siyang mawawala sa poder natin. Wala sa hinagap ko na darating ang araw na magseseryoso siya sa pag aasawa at magmamahal ng totoo.” Pinat
Kinikilig na humilig siya sa balikat nito. Habang buhat siya ni Prime na naglalakad ay sinalubong sila ng pagbati ng lahat, sa pangunguna ng mga magulang nila. Nakita niya si Carrie na sumisinghot sa kakaiyak. Hanggang ngayon din ay umiiyak pa rin ang Mommy at Lola niya. Bumati din ang mga kaibigan ng Lolo niya na hanggang ngayon ay kay kikisig pa kahit may mga edad na, kasama ang kanilang mga asawa na kagaya ng Lola Catherina niya ay napakaganda pa din sa kabila din ng mga edad nila. “Congratulations, Miracle! Sana ako din soon makahanap ng patitinuin hihi!” Bati ni Carrie sa kanya. “Yung gwapo din sana, okay lang kahit medyo bata.” Pasaring nito sa kanya. “Akala ko ba ayaw mo sa mas bata.” “Talaga? Sinabi ko ba ‘yon? At kailan ko naman sinabi ‘yan?” Maang-maangan pa! Tumingin ito sa pwesto ni Anzel. Nawala ang ngiti nito ng makitang wala na doon ang kapatid niya. Mabilis itong naglaho ng marinig ang pasaring ng kaibigan niya. “Ang isnaberp talaga ng kapatid mo! Magand
Pagdating sa tapat ng simbahan ay inalalayan siya nito na bumaba. Huminga siya ng malalim. Ibang-iba ang pakiramdam niya ngayon kumpara noong ikasal sila ni Prime ng Civil. Mas lamang ang kaligayan niya ngayon, umaapaw sa tuwa ang kanyang puso. Para itong sasabog sa ligaya. Siguro dahil alam niya na sa pagkakataong ito ay totoo na ang kasal nila. Noong una kasi hindi niya alam na legal ang unang kasal nila. Hindi kagaya ngayon na magkasama nila itong pinaghandaan at pinagplanuhan. Sa pagkakataong ito ay mas maligaya sila dahil batid nilang mahal na mahal nila ang isa’t isa. Wala ng halong pagpapanggap at kasinungalingan ang lahat. Siya bilang si Miracle at hindi na si Mira. At si Prime na bukas na ang puso sa kanya. Sinalubong sila ng Mommy at Daddy niya sa labas ng simbahan kaya pumasok na si Anzel sa loob. Mukhang hindi yata huminto sa kakaiyak ang mommy niya dahil hanggang ngayon ay namumula pa rin ang mata nito. Iminuwestra ng kanyang ama ang braso, dahil may hawak na bungk
Hindi niya mapigilang maluha habang nakatingin sa kanyang repleksyon sa life size mirror. She’s wearing an Off-shoulder Mermaid Wedding dress. Tama ang mommy niya, bagay na bagay ito sa kanya. Ang buhok niya na pinakulot ang dulo at nakapusod ay bagay na bagay sa light makeup niya. Na-emphasize anh maliit niyang mata, ang matangos niyang ilong, at manipis na labi. At higit sa lahat, kumikislap sa ligaya ang blue-green niyang mata na namana niya sa kanyang ama. Kumikinang siya sa ganda. Nangingibabaw ang ganda niya sa lahat. Humikbi siya ng ibigay ng mommy niya sa kanya ang bouquet ng bulaklak na gagamitin niya mamaya sa kasal nila ni Prime. Ngayong araw kasi ang pinakamahalagang araw sa buhay nila ni Prime. Ang araw na kung kailan magpapakasal sila sa simbahan, ang araw na magpapatali muli sila sa isa’t isa ng marami ang nakakasaksi. “Ikakasal na talaga ang baby namin.” Naiyak siya sa sinabi ng mommy niya. Maging ang Lola Catherina niya ay maluha-luha habang hawak ang isa ni
“Babe—“ napasinghap siya ng hilahin siya nito at isandal sa pinto. “Inaakit mo ba ako?” Hingal na anas nito ng makita na hindi natali ang roba niyang suot. “Sa tingin mo?” Namumula na pinaglandas niya ang daliri sa dibdib nito. “Dadalhin ba kita dito kung hindi?” Yes. She was feeling horny now—kanina pa nga actually. Bumigat ang paghinga niya ng maramdaman ang malaking palad nito na nakasapo sa pagkababaè niya. Shit! May tela na nakaharang doon pero grabe ang init na dumadaloy mula sa kamay nito. Tumatagos iyon sa kanyang balat. “Prime!” Pinasok nito ang kamay sa loob ng suot niyang panty. Naka-dress lang kasi siya ngayon. “Ahhh!” She bit hed lips when his hand reached her clít. Gumalaw ang gitnang daliri nito at nilaro iyon hanggang sa labasan siya. Binuhat siya nito at nilapag sa kama. Hinaklit nito ang manipis niyang panty at binuka ang hita niya. Noon nahihiya siya kapag lumuluhod si Prime sa harapan niya. Pero ngayon maisip palang niya na luluhod ito sa harap niya







