MasukMabilis siyang tumalikod sa gawi nito at humarap kay Ned. Buti nalang hindi pa nagawi ang tingin nito sa kanya. Nang mahalata ni Ned ang tensyon niya ay pinatong nito ang dalawang kamay sa balikat niya para takpan ang mukha niya.
‘Arghh! Kainis! Bakit sa dinami-dami ng taong pwedeng masiraan ng sasakyan sa tapat nila ay si Nick pa talaga?!’ Sumenyas kasi si Ned sa kanya na nasiraan daw ng sasakyan ang mga ito kaya huminto. Yumuko siya at napatingin sa binti niya ng may maramdaman siyang gumalaw ro’n. ‘U-Uod! Wahhh!’ Napatalon siya sa takot habang sinisipa ang paa, at sa kamalas-malasan ay nasipa niya si Nick sa tuhod. Nang magkatinginan silang dalawa ay pareho silang naestatwa. Halatang hindi ito makapaniwala dahil awang ang labi nito habang tulalang nakatingin sa kanya. Bumuka ang labi nito, walang tunog iyon, parang slow motion, “Catherina…” Per"He what?!" Malakas na binagsak ng kanyang ama ang kamao sa mesa. Madilim na tumayo ito ng marinig ang sinabi ni Anzel. Nawala ang kalmadong ekspresyon nito. Tama ba ang narinig niya? May lalaking nagpakilala na asawa niya? Kumabog ang dibdib niya. Awang ang labi na tumingin siya labas ng pintuan. Nagpakilala ito na asawa niya? I-ibig sabihin ay alam nitong dito siya nakatira? H-how? Naalala niya ang sinabi ni Carrie noon. Na wag mamaliitin ang kayang gawin ng tito nito. "P-Prime..." Nagmamadali siyang tumakbo para lumabas, pero maagap siyang nahawakan ng kapatid niya. "Stay here, Miracle. That man is dangerous!" Babala nito. "No! I want to see h— "Your brother is right. Stay in your room!" "But, dad—No, Anzel! Bitiwan mo ako!" She was locked in her room, walang nagawa ang pakiusap niya kay Anzel. Kinulong siya nito. "Let me see him! Please! Dad! Anzel! Mommy!" Kinalampag niya ng malakas ang pinto. Hindi niya ininda ang pagsakit ng kamay. Kahit mamaos pa si
MUNTIK na siyang mapasigaw sa gulat ng makasalubong si Anzel. Nakatayo ito at nakasandal sa pinto ng backdoor na tila hinihintay ang kanyang pagdating. "Where are you going? Don't tell me na aalis ka ng hindi nagpapaalam?" Hindi siya nakasagot. Kahit magkaila siya alam niyang hindi ito maniniwala sa kanya. Tumingin ito sa bag na dala niya. Pumintig ang sintido nito ng mahulaan ang plano niyang pagtakas. "Miracle, will you stop being stubborn? Alam mo kung bakit ito ginagawa nila dad, it's for your own good. Once and for all listen. Mahirap bang gawin 'yon?" "Hindi mo ako naiintindihan--- "Then make me understand!" Tila nauubusang pakli nito. Nag init ang sulok ng kanyang mata. "May kailangan akong balikan. Babalik din ako agad.” “Babalik?” Tumingin ito sa dala niya. “I don’t think so.” “Pabayaan mo na lang ako, pwede ba? Anzel—ano ba! Bitawan niyo ako! Anzel!” Nagpumiglas siya sa hawak ng mga tauhan ng kanyang ama. Hindi lang pala si Anzel ang naghihintay sa kanya, naroo
Pagdating sa kwarto ay saka niya pinakawalan ang malalim na buntong hininga. Pigil na pala niya ang paghinga kanina dahil sa kaba. “Ano ba kasi ang nakain mo at nanloob ka sa bahay namin, Prime. Nababaliw ka na ba? My god! Maloloka ako sayo!” She sat on her bed. A few minutes later ay bumukas ang pinto. Madilim ang mukha na pumasok si Anzel roon. “Stop lying, Miracle.” “W-what are you talking about?” Nag iwas siya ng tingin. Pati si Anzel halatang hindi naniniwala sa kanya. “Then tell us who is it!” Galit na lumapit si Anzel sa kanya. “Sa tingin mo maniniwala kami na binili mo online ang singsing na ‘yan? We know you, Miracle! You’re lying—ouch! The fvck!” Napatalon ito sa gulat ng sipain niya sa paa. “Ate mo ako kaya umayos ka! Mas matanda ako sayo! Baka nakakalimutan mo!” “Pero mas matangkad ako sayo! Pandak—ouch! Damn it!” “Sumasagot ka lang surot ka! Baka nakakalimutan mong ako ang sumama sa’yo noong tuliin ka! Alam ko ang sikreto mo… kaya umayos ka!” Namutla ito s
Masakit ang ulo niya ng magising siya. “Wait, nasaan ako?” Hinilot niya ang ulo. Ang huling natatandaan niya ay nanlaban siya para hindi makuha ng mga tauhan ng daddy niya. Kaya napilitan ito na paamuyin siya ng chemical na pampatulog. Kasalanan ito ni Viena. Kung hindi siya nito niloko at pinagtangkaan ay hindi siya matatagpuan ng mga tauhan ng daddy niya. Nilibot niya ang mata sa Pink and White na theme ng kanyang kwarto. Nakabalik na ng siya sa kanila. Kumunot ang noo niya ng makitang wala na ang malaking picture niya sa pader kung saan malapit sa vanity nirror niya. Kuha iyon ng ika-eighteenth birthday niya. Tinanggal nila? Umiling siya. Imposibleng tanggalin iyon ng mommy niya. Tumayo siya at naligo. Pagkatapos magbihis ay lumabas siya ng silid para puntahan ang mommy at daddy niya. Nang malapit na siya sa sala ay napahinto siya ng marinig ang pinag uusapan ng mga ito. “Sigurado ka ba? Pero imposible ang sinasabi mo, Noah. Baka replika lang ang singsing na suot ng anak
“Miracle Quinn? Siya ba ang kaibigan mo, anak? Isang Quinn si Mira? Carrie, kaibigan mo siya hindi ba? Alam mo ba ang tungkol sa bagay na ‘to?” Naumid ang dila ni Carrie sa tanong ng kanyang ina. Hindi niya makuhang sumagot. Quinn? Tumayo ang ama ni Prime na ngayon ay seryoso na ang mukha ng marinig ang pamilyang binanggit ni Viena. Samantala, nagpanting ang tenga ni Prime sa sinabi nito. “Ipinagkasundo?” Tumango si Viena. “N-narinig kong… ipakakasal siya ng magulang niya para pagtakpan ang eskandalong ginawa niya.” Nahintatakutan na umiyak si Viena ng makita ang nakamamatay na tingin ni Prime. “N-nagsasabi ako ng totoo!” “Fvck! No!” Umigting ang panga niya. Hindi niya kayang isipin na ikakasal si Mira sa iba. Samantalang napangisi naman sila Vana at Viel dahil isa lang ang ibig sabihin niyon, walang bisa ang kasal ng mga ito. “Prime, isang malaking gulo ang gagawin mo sa pagitan ng pamilya natin at sa pamilya nila kung kukunin mo si Mira sa kanila. Maghunos-dili ka a
Nanginginig sa takot na umatras si Viena ng lapitan siya ni Prime. Nag iigtingan ang panga nito sa galit na nakatingin sa kanya. Lahat ng naroon ay batid na galit na galit ito ngayon. Walang nangahas na lapitan ito para awatin. "I will ask you one more time. Where is my wife?" "H-Hindi ko alam---" napasinghap ang lahat ng malakas itong sampalin ni Prime. Pumutok ang labi ni Viena sa lakas ng sampal nito. Natumba ito at umiiyak na nawalan ng panimbang sa sahig hawak ang namamanhid na pisngi. "Liar! Ang sabi mo nawawala si Ate Viel. Ikaw ang huling kasama ni Mira kanina!" Umiiyak na sabat ni Carrie na bakas ang pag aalala sa mukha. Kanina pa nila hinahanap si Mira pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ito natatagpuan. Apat na oras na bumalik si Viena. Umasa sila na magkasama ito at ang kaibigan ngunit bumalik ito ng mag isa. Nag aalala siya na baka may ginawa itong masama sa kaibigan niya. "P-Prime, maawa ka!" makaawa ni Vana ng maglabas ng baril si Prime. Tumingin siya sa a







