Share

4

last update Last Updated: 2022-11-17 21:50:18

DIEGO

NAKAMASID lang siya sa repleksiyon niya sa salamin. Suot niya ang isang puting long sleeve, itim na chaleco vest, itim na bow tie at itim na pantalon.

"Ayon oh! Ang pogi mo na baka bestfriend ko 'yan!" ngiting-ngiti wika ni Kiko sa kaniya.

Pa-simpleng sinabunutan niya ito. Kasalukuyan kasi nasa loob sila ng Adonis Club at waiter sila ngayon ni Kiko. Kung hindi lang siya napilit hindi talaga siya papasok sa ganitong lugar.

Puro matatandang babae, matatandang lalaki na hula niya ay mga bakla. May iilan din naman na bakla pero subalit disente tignan kumbaga pormang lalaki pa rin. Napabuntong hininga siya. Trabaho lang ito walang malisya.

"Mukha kang manager, Diego. Bagay na bagay pala saiyo ang ganyan porma."

Tumaas ang sulok ng labi niya.

"Ako lang 'to! Relax lang."

Sabay pa silang natawa ni Kiko at nagsimula nang magtrabaho. Sa umpisa medyo nalilito pa siya pero habang tumatagal nasasanay na rin siya. Parami  nang parami ang mga customer habang lumalalim ang gabi. Napatingin siya sa mumurahin relong suot niya. Ala-una na pala nang umaga hanggang alas-sais pa siya sa club.

Tahimik lang siya nagse-served ng alak sa isang grupo ng mga may edad na kababaihan na makakapal ang make up sa mukha.

"I didn't know there's a handsome waiter here," wika ng isang Ginang na may hawig sa artistang si Gina Pareño.

Kiming ngumiti siya at nang akma siya mag-e-excuse bigla siya hinawakan ng Ginang sa braso upang pigilan. 

"Wait lang, maupo ka muna. Gusto ka namin makilala," malisyosang bigkas ng Ginang.

Ayaw naman niya maging bastos subalit umiling siya.

"Pasensya na po, Maam. Bawal po kasi kami maupo sa table."

Sabay-sabay naman napasimangot ang grupo ng mga kababaihan.

"Ano ba ang name mo? Malaki ako magbigay ng tip," wika naman ng isang may edad na babae na halatang senior citizen na.

"Diego po," magalang na tugon niya.

Parang kinilig naman ang may edad na babae pagkarinig sa pangalan niya.

"Ang sarap naman ng name mo. Halatang daks." 

Nagtawanan naman ang ibang kasama nito. Wala siya sa mood makipagharutan sa mga ito, trabaho ang pinunta niya rito hindi maghanap ng sugar mommy. Nag-excuse siya muli hindi na niya hinantay ang ibang sasabihin ng mga ito. Nagmadali na siya lumayo.

Pabalik na siya sa barman upang kumuha uli ng panibagong order ng bigla siya mabangga ng isang customer na lasing na. Natapon ang alak sa damit niya.

"Oops...I'm sorry, Dear." Hingi ng paumahin ng customer.

Siguro galing ito sa CR dahil halata sa itsura nito na lasing na ito. Tumango na lamang siya. Sinundan na lang niya nang tingin ang customer na pasuray-suray na ang lakad. Napapailing na lang siya. Nagpaalam siya saglit sa barman na pupunta lang ng banyo.

Mabuti na lang at walang tao sa loob ng banyo. Pagkapasok sa cubicle hinubad niya agad ang vest niya. Pinagpag lang niya iyon at pinunasan ng tissue ang nabasang parte ng long sleeve niya. Habang nagpupunas ng damit naulinigan niya may pumasok sa loob ng banyo.

Tila nagmumura ito sa inis, narinig pa niya ang marahan pagtampal nito sa marmol na lababo. Hindi na lamang niya pinansin. Pagkabukas niya ng pinto ng cubicle hindi sadyang napatingin siya sa salamin dahilan upang magkatitigan sila ng taong nakaharap din sa salamin.

Kumunot ang noo nito habang siya natigilan siya. Tama ba ang nakikita niya? kamukhang-kamukha niya ang lalaking nasa harapan ng salamin.

May kaputian lang ito habang siya ay moreno dahil bilad sa arawan ang balat niya sa kakatrabaho. Wala masyadong pinagkaiba ang itsura nila. Napaigtad siya nang humarap ito sa kaniya at napatili habang nanlalaki ang mga mata.

"Holy sh*t! OMG! I can't believe this-- are you real?"

Namamangha wika nito sabay hawak sa kaniya. Hinawakan nito ang braso niya maging ang mukha niya. Hindi siya makahuma kaya hinayaan lang niya ito sa ginagawa.

"Oh God! Totoo ka! Buhay ka? God! You're alive. I'm so happy!"

Nang bigla siya nito yakapin doon siya medyo nailang. Hindi niya ma-gets ang sinasabi nito. Paano bang nangyari magkamukha sila? Isa lang ibig sabihin no'n, magkapatid sila pero paano nangyari 'yon? Naguguluhan talaga siya.

"Ahm...hindi kita maunawaan," maiksing sabi niya.

Nahimasmasan yata ang lalaking nasa harap niya bahagya ito lumayo sa kaniya subalit hindi pa rin mawala wala ang ngiti sa mga labi nito.

"I'm Asher. Asher Sandoval and you are my long lost twin brother."

Nalukot ang noo niya sa sinabi nito. Asher Sandoval? Long lost twin brother? Seryoso?

"I know medyo naguguluhan o nalilito ka but believe me...ang tagal kang hinanap ni Mommy. Buong akala nga namin patay ka na but here you are-- you are alive." Amazed na amazed na bigkas ni Asher.

"P-Paano nangyari 'yon? May mga magulang ako at--"

"You know what, mas okay siguro pag usapan natin 'to sa ibang lugar. I can explain it to you. Lahat ng mga questions mo I can answer all of it. By the way, anong gamit mong name?"

Kahit tuliro pa siya nakuha naman niya sumagot.

"Diego. Diego Reyes ang pangalan ko."

"I see. Our mother named you Austin but mas bagay sa'yo ang Diego. Sounds manly," maarteng bigkas nito saka ngumiti.

Saka lang niya napagtanto na nasa loob pala siya ng Adonis Club at ang ibig sabihin lang no'n ay binababae si Asher.

Hinawakan siya agad ni Asher sa braso at hinila palabas.

"Wait-- baka makagalitan ako hindi pa ako puwede mag-out hanggang 6 nang umaga pa ako."

Maarteng tumawa si Asher.

"It's fine. Kilala ko ang may ari nito Club. At saka-- ngayon nakita na kita sa tingin mo ba hahayaan kita magtrabaho pa bilang waiter. You are brother and you are a Sandoval."

Wala siya ibang masabi. Tikom lang ang bibig niya habang sinusundan niya lang si Asher na naglalakad palabas ng Club. Pagkalabas ng Club, tumawid sila upang pumasok sa isang fast food chain sa 'di kalayuan sa Club.

Dahil madaling araw na wala na masyadong customer sa fast food chain na iyon. Naupo sila ni Asher sa dulo bahagi, umorder muna ito ng breakfast meal na may kape.

Nang makaupo na uli ito sa tapat niya. Isa-isa nito sinalaysay ang lahat sa kaniya. Kung paano siya nawala sa hospital kung saan nanganak ang Mommy nila. Ang hinala ay may nagnakaw sa kaniya subalit lumipas ang ilan buwan na paghahanap sa kaniya ay bigong makita siya.

Namatay na rin ang kanilang Daddy dahil sa car accident kaya masakit man sa kanilang Mommy na iwanan ang Pilipinas ay nag-migrate ang mga ito sa Australia upang maka-move on. Inisip na lang ng Mommy nila na wala na siya dahil may balita rin noon na may dinudukot na mga sanggol at binebenta ang mga organ para sa mga medical activities sa ibang bansa.

"So, Kumusta ka? Kumusta ang naging buhay mo, Diego?" kapagkuwa'y tanong ni Asher. 

Huminga siya nang malalim. Walang wala ang buhay niya sa buhay ngayon ni Asher. Nalaman niya kasi abogado na ito at marami ito negosyo rito sa Pilipinas. Kumbaga milyonaryo na ito habang siya isang kahig isang tuka.

Napapailing siya at malungkot na yumuko. Ano bang ipagmamalaki niya sa kapatid? Ni hindi nga nakapag kolehiyo. Naramdaman na lang niya ang paghawak ni Asher sa isang kamay niya.

"It's okay, Diego. Kapatid mo ako. Magkambal tayo. You can tell me everything, I won't judge you."

Hindi niya naiwasan ang mapangiti sa sinabi nito. Magkapatid. Magkambal. For the first time sa buhay niya, naramdaman niya hindi siya nag iisa.

"Lumaki ako sa hirap. Hindi ako nakapag aral ng kolehiyo. Kung ano-ano trabaho ang pinapasok ko para lang magkapera. Wala ako masyado magandang karanasan sa buhay na maikukuwento sa'yo, Asher."

Malungkot na pag-amin niya. Sinabi niya ang lahat ng nangyari sa buhay niya kay Asher, mula sa pagkamatay ng kaniya kinilalang Ama at ang pagtrato sa kaniya ng kinilala niya Nanay. Ngayon lang niya napagtanto kung bakit gano'n ang trato ng Nanay niya sa kaniya. Hindi pala siya tunay na anak nito. Nakakalungkot lang kasi minahal niya ito na parang tunay niya Nanay.

"Huwag kang mag-alala, Diego. I'm here now. Tutulungan kita. Hinding-hindi ako papayag na hindi kita matulungan. Kung ano ang sa'kin ay sa'yo na rin." 

Nag init ang sulok ng mga mata nila ni Asher ngunit sabay din sila nagkatawanan. Inamin din sa kaniya ni Asher ang gender preference nito. Wala naman sa kaniya kung pusong babae ito. Hindi naman halata sa itsura nito masyado kasing pormal ang datingan nito.

Marami pa silang pinag-usapan ni Asher, mga plano nito sa kaniya at kung ano-ano pa hanggang sa sumikat na ang liwanag sa labas. Nag paalam muna siya saglit kay Asher na kukunin ang iba niya gamit sa bahay nila. Nagsabi kasi ito na sa condo unit na lang nito siya tumira dahil bihira naman matirhan iyon. May usapan na lang sila na magkikita muli kaya nang palabas na sila ng fast food chain. Kinuha ni Asher ang wallet at ilan ID's niya habang pinahawak naman nito sa kaniya ang makapal na wallet nito na punong-puno ng credit card.

"Ano pala ang birthday mo?" tanong ni Asher habang naglalakad na sila sa labas ng fast food chain.

"May 15."

Pagak na natawa ito.

"Buti na lang at hindi binago ang birthday mo. May 15 talaga ang birthday natin."

Napangiti na rin siya at least may isang bagay pala sa kaniya ang totoo...ang kaarawan niya.

"Sige, Asher. Magkita na lang tayo mama--"

Naudlot na ang iba pa niya sasabihin ng may malakas na putok ang umalingawngaw kasabay ang pagtumba ni Asher sa harapan niya. Napasulyap siya sa dalawang taong nakasakay sa motorsiklo. Walang plate number at naka-full face helmet pa. Tang'na!

"Asher!!" sigaw niya sa pangalan ng kapatid habang duguan na humandusay ito sa lupa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE LAST SANDOVAL   60

    BUNNY POVANG LAKAS ng kabog ng dibdib niya, kulang na lang mag rambol ang mga bituka niya sa sobrang kabang nararamdaman. Hindi niya inaasahan na si Diego pa ang makakakita kay Drake nang maligaw ang anak."Mommy, sorry po," nakangusong hingi ng tawad ni Drake sa kaniya.Bumuntong hininga siya. Nakarating na sila sa tinutuluyang hotel. Lumuhod siya upang magpantay siya sa anak."Natakot si Mommy, Nak. Huwag na huwag ka ng lalayo kay Mommy ha. Masisiraan ako ng bait pag may nangyari sa'yo hindi maganda." Ani niya kay Drake."Sorry again, Mommy. Promise, hindi na mauulit 'yon." Nagtaas pa ito ng palad.Kiming ngumiti siya. "Sige na mag-sleep na," utos niya. Sumilip din siya kay Brooke na mabilis nang nakatulog, marahil sa pagod lalo na panay lakad at takbo ang ginawa nila kakahanap kay Drake.Iyon na siguro ang isang bagay na kinakatakutan ng lahat ng magulang, ang mawala ang anak. Para siyang sinasakal sa bawat minuto o oras ang lumilipas na hindi niya mahanap ang anak. Kulang na tawa

  • THE LAST SANDOVAL   59

    DIEGO POV"WOW! So nice here, Dada!" abot tenga ang ngiti ni Amber sabay tingin sa kaniya.Ngumiti siya bilang ganti at kinurot ang maliit nitong ilong. So cute!Kasalukuyang nasa Ocean Park sila dito sa Hongkong, tinawagan kasi siya ni Michelle, niyaya siya nito sumama dahil gusto ni Amber kasama siya mamasyal ng mga ito. Sino ba siya para tumanggi sa cute na cute na magandang dilag na nakahawak ngayon sa kamay niya."Thank you, Diego." Sambit ni Michelle habang naglalakad sila."For what?""For always there for Amber." Ngumiti siya kasabay ang marahang paghila sa buhok nito. "Sus! Drama mo! Sinama mo lang ako rito para ako sumagot ng pasyal nyo eh." Pang aasar niya kay Michelle na ikinatawa naman nito."Kasama na 'yon sa plano eh." Natatawang turan naman ni Michelle.Napapailing na lamang siya. Kahit paano naging close sila, parang mag bestfriend, normal na sa kanila ang mag asaran kung minsan."I want to ride there--" wika ni Amber sabay turo sa parang hot air balloons na umiikot

  • THE LAST SANDOVAL   58

    BUNNY POV"I'LL ACCEPT the offer." Nakangiting sabi niya kay Alona.Pumalatak ito sa tuwa dahil sa binalita niya. "Thank God! Good choice, baks. Set aside mo muna ang inis mo kay Paolo, work is work muna para na rin sa kambal.""Of course, para sa kanila ang lahat ng ginagawa ko." Malamyos niya sabi saka niyakap ang kaibigan at Manager na si Alona."So, tuloy kayo ng Hongkong ng mga bata?" Paniniyak na tanong nito.Hindi pwede hindi sila matuloy sa Hongkong, nangako na siya sa kambal na ipapasyal ang mga ito sa Disney Land sa Hongkong.Tumango siya. "Yeah, may ticket na kami, bukas ang flight namin. Three days and two nights kami. Ikaw muna bahala.""Fine. Ako na bahala, need mo 'yan, need nyo ng mga bata ang mag relax at mag enjoy tapos laban uli." Pinapalakas talaga ni Alona ang loob niya sa tuwing pinanghihinaan siya ng loob. Matamis siya ngumiti sa kaibigan. "Thank you, baks."DISNEY LAND HONGKONGBAKAS sa mga mukha ng kambal ang excitement at enjoyment habang namamasyal sila sa

  • THE LAST SANDOVAL   57

    BUNNY POVSINALUBONG siya agad ni Alona sa entrance ng building ng VideoMax Enterprise Inc. kung saan isa siya sa mga promising artist. Napatingin siya sa malaking poster nila ni Paolo malapit sa hallway, poster iyon ng movie nila na "Kagat"."Oh Baks, ano ba ang good and bad news na sinasabi mo?" bungad niya agad kay Alona.Impit na tumili ito, parang baklang kinikilig na mukhang naiihi lang ang peg."Sabi ni Bossing may bago na tayo co producer at executive producer...and guest what--""W-Wait!" tinampal niya ng mahina ang bibig ni Alona. "Bagong executive producer? at co producer? bakit? at saka, anong konek sa'kin?"Sumimangot ang mukha ni Alona sabay taas ng kilay. "Kung pinapatapos mo sana ako magsalita, noh? Tapusin ko pwede? Tupiin kita sa tatlo eh!"Natatawang tumango na lang siya kay Alona."Naghahanap daw talaga si Bossing ng bagong executive producer, syempre, 'di naman lahat ng artist, mabenta sa masa, kaya need ng pang malakasan support. Sakto lang talaga na may nag offe

  • THE LAST SANDOVAL   56

    BUNNY POV "DIEGO?" Napaawang ang mga labi niya habang nakatitig sa binata nakatayo sa harapan niya.Bakit ba parang huminto ang oras, tila nag slow motion ang paligid nang makita niya ang binata? Sa tagal ng panahon na inasam niya makita ito, bakit ngayon pa? Bakit ngayon lang? Bakit nagpakita pa ito? Bakit?She heard he cleared his throat and smile at her."Uhm, Hi..." tila nahihiyang sambit nito habang siya naman ay hindi pa rin makapagsalita sa kabiglaan.What the heck?! "Ahm, D-Diego...W-Why are you here? I mean, how did you know where I live?" marahan niyang tanong sa binata."I have my ways. Are you free? Ahm, gusto ko lang magkausap tayo, you know there's so--""I'm sorry, Diego. Wala naman na tayong dapat pag usapan pa, besides...past is past. Kung ano man ang nangyari before, hayaan na natin. Huwag na natin ungkatin pa," putol niya sa sinasabi ni Diego.Totoo naman, wala na dapat pag usapan. What for? Closure? Tsk!"B-Bunny-- gusto ko lang mag-sorry sa'yo, gusto kong ayusin

  • THE LAST SANDOVAL   55

    BUNNY POV"OH MY GOD! In just five days, umabot na ng ten million views ang movie! Grabe much!" Tumitiling balita ni Alona sa kaniya.Kasalukuyan nasa condo siya nagpapahinga dahil sa halos dalawang linggo kabi-kabilang guesting sa mga tv shows at radio station para mag-promote ng bagong pelikula niya.Umikot ang mga mata niya sabay napailing dahil sa kaingayan ng kaniyang baklang manager na si Alona. Naging kaibigan niya ito dahil kapitbahay niya ito noon nangupahan siya malapit sa kung saan nakakulong ang kaniyang Mommy.Mas madali kasi niya madalaw ang Mommy niya kaya doon siya naghanap ng town house na mauupahan."Ang ingay mo baks." Sita niya sa kaibigan.Naup

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status