Share

3

last update Last Updated: 2022-11-17 21:48:59

DIEGO

ANG MALAKAS na pagsigaw ng Nanay niya ang nagpagising sa diwa niyang inaantok pa.

"Hoy, Diego! Nasaan na ang pera ko? Akin na at nang makabili na ko ng alak." Malakas na bulyaw ng Nanay Tinay niya.

Bumalikwas siya ng bangon at pakamot-kamot sa ulo habang kinukuha ang isang libo pera nasa bulsa ng bag niya. Inabot niya kaagad iyon sa Nanay niya na nakatayo sa hamba ng pinto ng kuwarto niya. Marahas naman nito kinuha ang pera.

"Ikaw, Diego. Maghanap ka naman ng ibang trabaho na malaki ang kitaan. Dapat pumasok ka na lang sa may Adonis. Malaki ang bigayan doon para naman may pakinabang ka sa'kin. Hindi 'yon kakarampot na pera lang ang binibigay mo!" Paasik na sabi ng Nanay niya.

Napabuga lang siya ng hangin at muling nahiga. Patuloy pa rin ito sa pagtalak sa kanya ng kung ano-ano. Sinasabi na naman nito na malaki ang utang na loob niya rito kaya kailangan niya ito bayaran dahil binuhay pa siya nito.

"Sana nga nilunok niyo na lang ako," pabulong na sambit niya habang nakatakip ng unan ang mukha niya.

Sawang-sawa na rin siya. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos paulit-ulit na lang ang Nanay niya sa pagtalak. Siya na nga ang napapagod, naririndi na ang tenga niya.

Naramdaman niyang tumigil na ang Nanay niya sa pagtatalak at lumabas ito ng bahay. Mabilis naman siyang bumangon at naglinis ng bahay. Alam niyang iinom at susugal na naman ito sa ibang bahay kaya tamang linis na lang siya ng bahay nila.

Matapos maglinis tinawagan siya ng operator niya sa jeep na puwede siya pumasada mamaya tanghali kaya naman nagmadali na rin siya magligo at magbihis. Pagkalabas ng bahay sakto naman nakatayo sa labas ng bahay nila si Angelica.

Ang anak ng baranggay captain sa lugar nila. Nagtatakang tumingin siya sa dalaga.

"Hi, Diego!" kiming ngumiti ito at kumaway. May hawak itong maliit na paper bag.

"Hello rin. Naparito ka?"

"Ahm, papasada ka na?"

Bakit alam nito papasada siya? Pinagmasdan niya mabuti si Angelica. Maputi, matangkad at medyo chubby ang dalaga. Maganda naman ito kung tutuusin. Ika nga ng iba, chubby is the new sexy daw.

"Oo, papasada ako ngayon. Bakit nga pala, may sasabihin ka?"

Nahihiyang inabot nito sa kanya ang maliit na paper bag.

"Nagluto kasi ako Menudo specialty ko 'yan. Baonin mo para may pagkain ka sa biyahe mo," malambing na wika ni Angelica sa kanya.

Masuyong ngumiti naman siya at kinuha ang paper bag. Kahit hindi sabihin ng dalaga, alam niyang interesado ito sa kanya. Tinanggap na lang niya ang bigay nito para hindi ito mapahiya tutal gutom na rin talaga siya. Wala kasi bigas at ulam kaya wala siyang makain.

"Salamat, Angelica. Kakainin ko ito mamaya," aniya sa dalaga at akmang lalakad na palayo nang tawagin uli siya ni Angelica.

"Diego, may messenger ka ba? i-add sana kita o kaya cellphone number. Kung ayos lang sa'yo?" tila nahihiyang tanong nito.

Napaisip naman siya. Ayaw talaga niya ibigay ang numero niya pero nahihiya rin naman siyang hindi pagbigyan ang dalaga. Sabagay, number lang naman hindi na lang niya siguro masyado papansinin kung sakali mag-text ito o tumawag.

Kaagad naman niya sinabi sa dalaga ang numero niya saka nagmadali na siyang umalis para maghanap buhay na. Pagkarating sa paradahan ng mga jeep kaagad na siya namasada. Inabot na siya ng gabi sa pamamasada ang kinita lang niya 650 pesos. Patayan ang hanap buhay. Nakakapagod subalit hindi maaari tamarin.

Pauwi na siya nang makasalubong niya uli ang kaibigan na si Kiko.

"Diego!" tawag ni Kiko sa kanya.

"Sakto ang uwi mo. May raket akong sasabihin sa'yo." Halata sa boses nito ang excitement.

Kunot noo tumingin siya sa kaibigan.

"Anong raket?"

Dumikit ito sa kanya at may binulong.

"May kakilala ako sa Adonis pumapasok. Kailangan nila ng bagong recruit at gusto nila macho at guwapo. Syempre, manok kita kaya ikaw agad ang inisip ko."

Marahan niyang tinulak si Kiko at tinakpan ang bibig.

"Ang taas ng utot mo abot hanggang bunganga mo!"

"Ay grabe siya!"

Bumunghalit siya nang tawa. 

"Ayoko pumasok sa--"

"Bentel mil ang isang gabi."

Napatanga siya sa sinabi ni Kiko. Talaga ba? Bente mil ang kikitain sa isang gabi lang.

"Puro mga bakla at mga matrona ang mga customer doon. Malay mo makahanap ka pa ng sugar mommy. Tang*na, tiba-tiba ka sa ganoon. Ganda pa naman ng katawan mo ganyan mga gustong-gusto nila." Panghihikayat ni Kiko.

Nakakatakam nga talaga ang ganoon kitaan. Napabuga siya ng hangin. Hindi niya yata kayang sumayaw ng brief lang ang suot o kaya naman gumalaw ng bakla. Hindi kaya ng sikmura niya.

"Hindi ko kaya." Tanggi niya.

Nagpatuloy na lang siya paglalakad habang naka-agapay pa rin si Kiko sa gilid niya.

"Bakit naman? Try mo lang. Puwede rin mag-waiter ka roon. Sasabihin ko sa kakilala ko roon."

"Ayos lang sa'kin ang waiter. Alam mo naman ako basta maayos na trabaho hindi ko tatanggihan."

"Sige, sabihan ko kaagad 'yon kakilala ko. Naiintindihan naman kita. Kung kasing pogi mo lang ako, pinatos ko na ang Adonis. Liligaya ka na magkakapera ka pa." Nakangising sabat nito.

Umiiling-iling siya. May punto ito pero hindi siya ang tipo ng lalaki papasok sa mga ganyan. Mas nanaisin pa niyang mapagod, mahirapan at mangalay sa hirap ng trabaho kaysa sumayaw ng n*******d para sa panandalian pera.

"Kung puwede lang i-share ang mukha ko sa'yo pinahiram na sana kita," pagbibiro niya.

"Kaya nga e. Saklap talaga. Pangit na nga, mahirap pa. Langaw siguro ako ng past life ko. Suko na ako!" 

Muling natawa naman siya sa banat nito.

"Bawal tayo sumuko hindi pa tayo mayaman," ngiting-ngiti sabi niya.

Kinagabihan matapos niya pumasada. Tinawag niya muli ang kaibigan nang makita ito nakatambay sa kanto.

Napaupo sila ni Kiko sa labas ng bahay niya nang makarating. Mula sa labas dinig na dinig niya ang boses ng Nanay na tila nag-aamok. Halatang lasing na naman ito. Naiiling na lang siya.

"Kailan ka tayo yayaman? Pag yumaman ka, isabit mo 'ko a. Huwag mong kakalimutan na mayroon kang pangit ngunit maaasahan na kaibigan."

Inakbayan niya ito at natawa.

"Tataya muna ako ng Lotto para matupad 'yon. Huwag kang mag-alala gagawin kitang kanang kamay ko." 

"Grabe! Sarap mangarap. Pagdadasal ko talaga na manalo ka o kaya yumaman ka." Seryosong sambit ni Kiko.

Huminga siya nang malalim. Well, sana nga. Nakakapagod na rin maging mahirap. Gusto naman niya maranasan lahat ng magagandang bagay sa mundo. Ang tanong kailan pa kaya mangyayari iyon. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE LAST SANDOVAL   78

    BUNNY POV"I CHOOSE you and promise to choose you as my husband every day we wake up. I will love you in word and deed. I will laugh with you, cry with you, scream with you, grow with you, and craft with you. I'm madly in love with you, my husband," aniya na nagpipigil na maluha habang nakangiting nakatitig kay Diego.Mayamaya pa ay inabot naman ang isang microphone kay Diego."How lucky am I to call you mine? Your love and trust makes me a better person, each and every day. You are my every dream come true. Your love gives me hope. Your smile gives me joy. You make me a better man. When I am with you, everything else fades to the background. You flood my senses with joy. You are my life, my greatest gift. I'm so lucky to call you my loving wife. I love you so damn much."Walang pagsidlan ang sayang lumukob sa dibdib niya hanggang sa nagsalita ang pari at ianunsiyo ang pagiging mag-asawa nila kasabay ang masuyong paghalik ni Diego sa labi niya.Buhay na buhay ang mga tao sa paligid nil

  • THE LAST SANDOVAL   77

    BUNNY POVBLOCKBUSTER ang pelikulang pinagbibidahan niya at masayang-masaya siya sa lahat ng magagandang reviews at papuring natanggap niya. Kaliwa't kanan ang mga guesting niya sa mga talk shows at mall shows para mag-promote ng movie.Now, kasalukuyang nasa isang talk show siya."Let's do a FAST TALK with the most prominent leading lady of all time, please welcome.... Miss Bunny Smith," masiglang pagpapakilala ng host sa kaniya.Matamis siyang ngumiti sa camera."Thank you for having me.""We are so grateful na pinaunlakan mo ang aming paanyaya, Miss Bunny Smith. Kaya naman — hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. Dahil maraming usap-usapan, sa social media tungkol sa buhay pag-ibig mo. Totoo ba, Bunny Smith na ikakasala ka na?" diretsahan tanong ng host.Walang pag aalinlangan na tumango siya."Yes, it's true," kaagad niya sumagot.Isang bagay na gustong gusto niya ipagsigawan o ipagkalat sa lahat ang nalalapit na pagpapakasal niya.Malakas na hiyawan at palakpakan ang narinig niya g

  • THE LAST SANDOVAL   76

    BUNNY POVMAKALIPAS NG halos dalawang linggo, maayos na ang lagay ni Brooke, gayon din si Drake kaya naman nakalabas na ang mga ito ng hospital. Kahit papaano nakahinga na rin siya ng maluwag, daig pa niya nabunutan ng tinik sa dibdib habang pinagmamasdan ang kambal na maganang kumakain ng hapunan."So, okay na sila? Ikaw? Kailan ka magsimula sa shooting, puro mga eksena mo na lang ang kulang?" kapagkuwa'y tanong ni Alona.Nagpapasalamat talaga siya dahil mayroon siyang manager slash bestfriend na katulad nito na laging nandyan sa kanila."Next week. Pasabi kay bossing na pasensya na talaga sa delayed," nakangusong sabi niya."Oh sya sya— sasabihin ko. Maiwan ko muna kayo, may lakad ako ngayon. Bye kids! Bye, baks."Nang makaalis na si Alona, inasikaso na niya ang dalawa ng matapos ang mga ito kumain hanggang sa pinag-half bath niya ang mga ito para magsimula ng matulog. Habang binibihisan niya si Drake, tumunog ang door bell. Sabay pang nagkatinginan ang kambal, at saka tumitiling na

  • THE LAST SANDOVAL   75

    BUNNY POVNAPATITIG siya sa madilim na mukha ni Diego saka marahas na umiling. Hindi siya papayag na kunin na lang nito basta ang mga anak niya. No over her deád body!Umiling-iling siya sabay napatayo."Not gonna happened. Hindi ko ibibigay ang mga anak ko!" napalakas na ang boses niya."And ... why not?" nagtatakang nakatingin sa kaniya si Diego.Huh? At nakuha pa talagang tanungin siya? Héck!"Because, they're mine!"Tumayo na rin si Diego. Pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib nito saka mataman siyang tinignan."At ako ang Ama nila... Siguro naman deserve ko rin makasama ang mga anak ko.""K-Kailangan ko sila, Diego. Please— huwag mo silang ilayo sa'kin," naluluha niyang sabi.Hindi niya kakayanin. Mawala na ang lahat 'wag lang ang mga anak niya. Kaya niyang isakripisyo ang trabaho niya pero hindi ang pagiging isang Ina niya.Napaigtad siya ng maramdaman ang paghaplos ni Diego sa basang pisngi niya. Napaangat ang tingin niya sa mukha nito. Bakit ba nasasaktan siya lalo sa tuwing

  • THE LAST SANDOVAL   74 (1)

    BUNNY POV"TAHAN NA, pag bumalik siya at kalmado na, saka n'yo pag usapan ang tungkol sa mga bata," pang-aalo ni Alona sa kaniya habang nakayakap siya rito.Maraming tumatakbo sa isipan niya. Alam niya galit sa kaniya si Diego, kaya hindi imposibleng gumawa ito ng paraan para makasama at makuha sa kaniya ang kambal. Paano ang gagawin niya pag nagkataon? Paano sila? Paano ang nararamdaman niya para sa binata?"Natatakot ako, baks. Nakakatakot. Ayokong kunin niya sa'kin ang mga bata," naiiyak na paanas niya sa kaibigan.Hinihimas ni Alona ang likod niya."Mas may karapatan ka sa mga bata kasi ikaw ang Nanay, okay? Siguro nga galit siya pero kakalma rin 'yon. At saka, kung mahal ka niya talaga, papatawarin ka niya. Look-- mas mabuti kausapin mo na ang mga bata tungkol sa Ama nila, para naman pag bumalik si Diego at mag-demand siya na ipakilala siya sa dalawa ay kahit papaano may ideya ang kambal kung sino siya." Paliwanag nito sa kaniya."Magugulat sila for sure...." bulong niya."Aba' na

  • THE LAST SANDOVAL   74

    BUNNY POVNANLUMO siya nang makitang nanghihina ang dalawang anak niya habang may nakasaksak na IV Fluids sa mga kamay ng mga ito. Pakiramdam niya sinasakal siya kaya nahihirapan siyang huminga. Mahigpit na niyakap siya ni Alona. Hindi na niya napigilan ang maluha, walang Ina ang may gustong makitang may sakit ang mga anak. Napakasakit sa dibdib."Kailangan nila ng dugo para sa bloód transfusions, AB negative ang need," mayamaya ay banggit ni Alona sa kaniya.Humiwalay siya sa kaibigan at sumulyap sa mga anak na mahimbing na natutulog."Hindi ako -- fúck! saan pwede makakuha ng dugo?" nakaramdam siya ng kaba, kailangan niya maibigay kung ano ang kailangan ng mga anak niya."AB negative is a rare blood type, bakla. Wala available ang hospital but--"Naputol ang iba pang sinasabi ni Alona nang magsalita si Diego na nasa likuran lamang niya."I'm AB Negative."Parehas silang napatitig ni Alona kay Diego, kasabay ang pagtinginan nilang dalawa ng kaibigan. Bakit ba hindi nila naisip na may

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status