Share

5

last update Last Updated: 2022-11-17 21:51:08

DIEGO

TULALA pa rin siya habang nakatunghay sa katawan ni Asher na nakahandusay sa lupa. Nanlamig ang buong katawan niya. Bakit gano'n? Bakit kailangan ganito ang mangyari? Gusto niya umiyak at sumigaw nang malakas ngunit hindi niya magawa.

Mayamaya pa ay dumami na ang tao sa paligid kasunod ang pagdating ng mga pulis at ilan pang crime staffs. Bago siya lumayo dinampot niya ang isang itim key chain na nalaglag at bulsa ni Asher.

Tahimik lang siya nakamasid hanggang sa lagyan na ng mga dilaw na lubid ang paligid kung nasaan si Asher.

Sino ang papatay sa kapatid niya? Bakit kailangan ngayon pa? kung kailan kakakilala lang nila. Napahilamos siya ng mukha. Ilan saglit pa ay dinala na ang katawan ni Asher. Hindi niya tuloy alam ang gagawin kaya nagpasya na muna siya maglakad lakad sa kung saan.

Hanggang sa mapatingin siya sa susi hawak niya. Naalala rin niya ang wallet ni Asher na napunta sa kaniya saka lang niya napagtanto na kay Asher pala ang wallet niya. Kaagad siya tumungo sa pinaka malapit na presinto upang magtanong.

"Puwede magtanong kung ano pangalan ng taong nabaril sa may malapit sa Adonis Club?"

Magalang niya tanong sa babaeng pulis sa may help desk. Wala kasi ibang pulis na naroon kun'di ito lang.

Tumingala muna saglit ang babaeng pulis sa kaniya bago nagsalita.

"Parang Reyes yata. Wait--" may tinignan ito sa may log book na asul.

"Reyes, Diego ang pangalan. Kilala mo ba ito? Kamag anak ka ba? Kaibigan?"

sunod-sunod na tanong nito.

Umiiling-iling siya.

"Nakita ko lang po dahil nasa loob din po ako ng fast food." Pag-amin niya sabay sinalaysay sa pulis ang itsura ng motor at dalawang taong nakasakay sa motor ngunit walang plate number.

"Gano'n ba. Sige, salamat sa kooperasyon mo. Ang alam ko dead on the spot na ang biktima dahil sa tama ng baril sa likod ng ulo."

Nanlamig siya. Bumigat ang dibdib niya. 

"Nasa morgue na ang bangkay ng biktima. Inaantay na lang na may dumating na kamag-anak."

"S-Sige ho, Ma'am. Salamat."

Nang makalabas ng presinto, nanginginig pa rin siya. Napagkamalan ang kapatid niya na siya dahil sa wallet niya. Sa madaling salita, patay na siya at siya ngayon si Asher Sandoval.

Piniling-piling niya ang ulo. Mali ito! Kailangan niya itama ang lahat. Sasabihin niya nagkapalit lang sila ng wallet ng kapatid niya at-- napahinto siya sa paglalakad pabalik sa loob ng presinto.

Anong mangyayari sa kaniya oras na aminin niya ang lahat? Mas lalong walang mangyayari sa buhay niya. Wala na ang kapatid niya na tutulong sana sa kaniya. Babalik siya uli sa pagbabanat ng buto sa pagta-trabaho. Sandoval na siya e'? May karapatan siya sa kung ano mayroon si Asher.

Huminga siya nang malalim at naglakad na palayo sa presinto. Habang naglalakad, naisip niyang puntahan ang kotse ni Asher na nasa Adonis Club. Nabanggit din sa kaniya ni Asher kung saan banda ang condo unit nito.

Kailangan niya muna makapag-isip ng sa gayon alam niya ang susunod na gagawin niya.

Pagkakuha sa kotse, binati pa siya ng security guard. Kiming tumango lang siya. Hindi siya sanay sa ganoon trato. Hindi niya naman nahirapan tuntunin ang condo unit ni Asher. Nasa loob din ng wallet nito ang key card at ilan master card.

Medyo nailang pa siya habang papasok ng condominium building pero nilakasan na lang niya loob niya. Kailangan niya umasta na siya si Asher ngayon. Pagkaayat sa 20th floor kung nasaan ang penthouse ni Asher. Napanganga siya dahil sa napakagarbong unit nito. Parang mansion na ito sa paningin niya.

Mamahalin lahat ng muwebles sa paligid. Tumingin din siya sa kuwarto ni Asher. Hindi niya maiwasan ang mainggit pero hindi rin niya maiwasan ang malungkot dahil wala na si Asher.

Sinilip din niya ang walk-in closet nito na may maraming black suit, polo, neck tie, mga sapatos at mga mamahaling relo na naka-display sa pinaka-gitna ng closet.

"Wow..." paghanga ang namutawi sa bibig niya.

Pa-simpleng naupo rin siya sa malambot na kama. Never pa siya nakahiga sa ganitong klaseng kama. Nalukot ang noo niya nang mapansin ang isang itim na sobre sa ibaba ng kama.

Isang death threat iyon na pinagdikit-dikit na letra mula sa diyaryo. Ano 'to? Ibig sabihin hindi basta napag-tripan ang kapatid niya kun'di may pumatay talaga rito. Kung gano'n sino? at bakit? Napaisip siya. Binuksan niya ang maliit na drawer sa gilid ng kama.

Doon niya natuklasan na hindi lang isa ang natatanggap na death threat ni Asher. Marami. Iba-iba man ang istilo ng mga sulat ay mukhang hindi ito pinapansin ng kapatid. Pero bakit? Naguguluhan na talaga siya.

Tinago niya ang mga sulat. Siguro kailangan niya tawagin ang matalik niya kaibigan. Hindi siya mapalagay kaya kailangan niya nang makakausap sa ganito problema.

Pagka-dial sa numero ni Kiko, sinagot naman nito ngunit mas nabigla siya sa malakas na sigaw ng kaibigan sa kabilang linya.

"Putang ina mo kang gago ka! Magnanakaw! Ikaw ba pumatay sa kaibigan ko ha?! Ikaw ba?! Balik mo ang selpon niya. Hayop ka!"

Napatanga siya sa labis na kabiglaan. Oo nga pala, malamang nabalitaan na nito ang nangyari. Patay na siya sa pagkakaalam ni Kiko.

"Ako 'to, Kiko. Si Diego." Kumbinsi niya sa kaibigan.

"Ulol ka. Pakyu! Balik mo ang selpon ng kaibigan ko kun'di susunugin kita ng buhay."

Bumuntong hininga siya.

"Ako nga ito. Pakyu ka rin! Magkita tayo para maniwala ka."

Biglang tumahimik ito sa kabilang linya.

"Multo ka na ba, Diego? 'No ba 'yan! Walang katakutan, Diego! Atapang a' tao ako pero takot ako sa multo." Garalgal na sabi ni Kiko.

Gusto na niya tumawa pero nagpigil siya.

"Magkita tayo sa paborito natin karinderya malapit sa may Intramuros. Ano G ka ba?"

"Sige ba! Pag nanloloko ka, babangasan ko talaga gilagid mo kung sino ka man."

Napailing na lamang siya. Sinabi niya bago mag alas dose ng tanghali sila magkita. Hindi rin niya kasi alam kung saan siya kakain kaya mas mabuti doon na lang para makausap din niya ang kaibigan.

Bahala na talaga pero hindi siya papayag na hindi mabigyan ng hustisya ang kapatid niya. May tao sa likod nang pagkamatay nito at naniniwala siya may hinala si Asher kung sino iyon.

"Pasensya kana, Asher kung gagamitin ko pansamantala ang katauhan mo. Huwag kang mag-alala aayosin ko 'to." Pabulong na bigkas niya saka yumuko at nagdasal para sa kapatid.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE LAST SANDOVAL   78

    BUNNY POV"I CHOOSE you and promise to choose you as my husband every day we wake up. I will love you in word and deed. I will laugh with you, cry with you, scream with you, grow with you, and craft with you. I'm madly in love with you, my husband," aniya na nagpipigil na maluha habang nakangiting nakatitig kay Diego.Mayamaya pa ay inabot naman ang isang microphone kay Diego."How lucky am I to call you mine? Your love and trust makes me a better person, each and every day. You are my every dream come true. Your love gives me hope. Your smile gives me joy. You make me a better man. When I am with you, everything else fades to the background. You flood my senses with joy. You are my life, my greatest gift. I'm so lucky to call you my loving wife. I love you so damn much."Walang pagsidlan ang sayang lumukob sa dibdib niya hanggang sa nagsalita ang pari at ianunsiyo ang pagiging mag-asawa nila kasabay ang masuyong paghalik ni Diego sa labi niya.Buhay na buhay ang mga tao sa paligid nil

  • THE LAST SANDOVAL   77

    BUNNY POVBLOCKBUSTER ang pelikulang pinagbibidahan niya at masayang-masaya siya sa lahat ng magagandang reviews at papuring natanggap niya. Kaliwa't kanan ang mga guesting niya sa mga talk shows at mall shows para mag-promote ng movie.Now, kasalukuyang nasa isang talk show siya."Let's do a FAST TALK with the most prominent leading lady of all time, please welcome.... Miss Bunny Smith," masiglang pagpapakilala ng host sa kaniya.Matamis siyang ngumiti sa camera."Thank you for having me.""We are so grateful na pinaunlakan mo ang aming paanyaya, Miss Bunny Smith. Kaya naman — hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. Dahil maraming usap-usapan, sa social media tungkol sa buhay pag-ibig mo. Totoo ba, Bunny Smith na ikakasala ka na?" diretsahan tanong ng host.Walang pag aalinlangan na tumango siya."Yes, it's true," kaagad niya sumagot.Isang bagay na gustong gusto niya ipagsigawan o ipagkalat sa lahat ang nalalapit na pagpapakasal niya.Malakas na hiyawan at palakpakan ang narinig niya g

  • THE LAST SANDOVAL   76

    BUNNY POVMAKALIPAS NG halos dalawang linggo, maayos na ang lagay ni Brooke, gayon din si Drake kaya naman nakalabas na ang mga ito ng hospital. Kahit papaano nakahinga na rin siya ng maluwag, daig pa niya nabunutan ng tinik sa dibdib habang pinagmamasdan ang kambal na maganang kumakain ng hapunan."So, okay na sila? Ikaw? Kailan ka magsimula sa shooting, puro mga eksena mo na lang ang kulang?" kapagkuwa'y tanong ni Alona.Nagpapasalamat talaga siya dahil mayroon siyang manager slash bestfriend na katulad nito na laging nandyan sa kanila."Next week. Pasabi kay bossing na pasensya na talaga sa delayed," nakangusong sabi niya."Oh sya sya— sasabihin ko. Maiwan ko muna kayo, may lakad ako ngayon. Bye kids! Bye, baks."Nang makaalis na si Alona, inasikaso na niya ang dalawa ng matapos ang mga ito kumain hanggang sa pinag-half bath niya ang mga ito para magsimula ng matulog. Habang binibihisan niya si Drake, tumunog ang door bell. Sabay pang nagkatinginan ang kambal, at saka tumitiling na

  • THE LAST SANDOVAL   75

    BUNNY POVNAPATITIG siya sa madilim na mukha ni Diego saka marahas na umiling. Hindi siya papayag na kunin na lang nito basta ang mga anak niya. No over her deád body!Umiling-iling siya sabay napatayo."Not gonna happened. Hindi ko ibibigay ang mga anak ko!" napalakas na ang boses niya."And ... why not?" nagtatakang nakatingin sa kaniya si Diego.Huh? At nakuha pa talagang tanungin siya? Héck!"Because, they're mine!"Tumayo na rin si Diego. Pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib nito saka mataman siyang tinignan."At ako ang Ama nila... Siguro naman deserve ko rin makasama ang mga anak ko.""K-Kailangan ko sila, Diego. Please— huwag mo silang ilayo sa'kin," naluluha niyang sabi.Hindi niya kakayanin. Mawala na ang lahat 'wag lang ang mga anak niya. Kaya niyang isakripisyo ang trabaho niya pero hindi ang pagiging isang Ina niya.Napaigtad siya ng maramdaman ang paghaplos ni Diego sa basang pisngi niya. Napaangat ang tingin niya sa mukha nito. Bakit ba nasasaktan siya lalo sa tuwing

  • THE LAST SANDOVAL   74 (1)

    BUNNY POV"TAHAN NA, pag bumalik siya at kalmado na, saka n'yo pag usapan ang tungkol sa mga bata," pang-aalo ni Alona sa kaniya habang nakayakap siya rito.Maraming tumatakbo sa isipan niya. Alam niya galit sa kaniya si Diego, kaya hindi imposibleng gumawa ito ng paraan para makasama at makuha sa kaniya ang kambal. Paano ang gagawin niya pag nagkataon? Paano sila? Paano ang nararamdaman niya para sa binata?"Natatakot ako, baks. Nakakatakot. Ayokong kunin niya sa'kin ang mga bata," naiiyak na paanas niya sa kaibigan.Hinihimas ni Alona ang likod niya."Mas may karapatan ka sa mga bata kasi ikaw ang Nanay, okay? Siguro nga galit siya pero kakalma rin 'yon. At saka, kung mahal ka niya talaga, papatawarin ka niya. Look-- mas mabuti kausapin mo na ang mga bata tungkol sa Ama nila, para naman pag bumalik si Diego at mag-demand siya na ipakilala siya sa dalawa ay kahit papaano may ideya ang kambal kung sino siya." Paliwanag nito sa kaniya."Magugulat sila for sure...." bulong niya."Aba' na

  • THE LAST SANDOVAL   74

    BUNNY POVNANLUMO siya nang makitang nanghihina ang dalawang anak niya habang may nakasaksak na IV Fluids sa mga kamay ng mga ito. Pakiramdam niya sinasakal siya kaya nahihirapan siyang huminga. Mahigpit na niyakap siya ni Alona. Hindi na niya napigilan ang maluha, walang Ina ang may gustong makitang may sakit ang mga anak. Napakasakit sa dibdib."Kailangan nila ng dugo para sa bloód transfusions, AB negative ang need," mayamaya ay banggit ni Alona sa kaniya.Humiwalay siya sa kaibigan at sumulyap sa mga anak na mahimbing na natutulog."Hindi ako -- fúck! saan pwede makakuha ng dugo?" nakaramdam siya ng kaba, kailangan niya maibigay kung ano ang kailangan ng mga anak niya."AB negative is a rare blood type, bakla. Wala available ang hospital but--"Naputol ang iba pang sinasabi ni Alona nang magsalita si Diego na nasa likuran lamang niya."I'm AB Negative."Parehas silang napatitig ni Alona kay Diego, kasabay ang pagtinginan nilang dalawa ng kaibigan. Bakit ba hindi nila naisip na may

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status