Share

2. TLBAHM

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2022-11-28 12:43:52

READ AT YOUR OWN RISK!!!

ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!!

(This story is TRAPPED SERIES#2)

RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️

[Amelia]

MARAMI siyang nakain dahil nilagang baka ang ulam nila. Nakainom din siya ng softdrink dahil ang dami no'n dito sa kusina. Ayon kay Miss Neil ay pwede niyang kainin at inumin ang lahat ng narito sa kusina, kaya tuwang-tuwa siya, hindi kasi siya nakakakain ng mga ganito o nakakainom ng mga ganito sa kanila dahil talagang hirap na hirap ang buhay nila.

"Ito nga pala ang recipe book ko." Iniabot nito sa kanya ang maliit na parang libro. "Pumili ka lang ri'yan ng lulutuin mong putahe pagwala ka ng maisip na lutuin." Dagdag pa nito.

"Sige po—"

"Ang paglilinis ng kwarto ni Sir ay tuwing sabado, dapat ay wala siya sa kwarto niya pagnaglinis ka?"

Hindi man lang siya nito pinapatapos lagi magsalita na para bang palagi itong nagmamadali.

"Pa'no ko po malalaman kung wala siya sa kwarto?" Tanong niya. Maganda na 'yong sigurado.

"Mga alas-dyis ng gabi. Kaya dapat sa loob ng isang isang oras ay tapos ka na maglinis ng kwarto niya."

Tumango siya. Nakakatakot ba talaga ang amo nila? Parang kinakabahan na agad siya hindi pa man niya ito nakikita.

"Oo nga pala ito pa. Dapat bago pumatak ng alas-otso ng umaga, alas-dose ng tanghali at alas-otso ng gabi ay nakahain na ang mga pagkain sa mesa. Wag na wag mong hahayaan na maabutan ka niya at makita ka niya, naiintindihan mo ba?"

Ilang beses siyang napalunok bago tumango.

"Paano po pagnaabutan niya ako?" Kabadong tanong niya. Namamawis na tuloy kilikili at singit niya sa kaba.

Sumeryoso pa lalo ang mukha ni Miss Neil. "Katapusan mo na."

Halos maubos niya ang isang basong tubig na hawak niya dahil tila nanuyo ang lalamunan niya sa mga sinabi nito sa kanya. Kailangan lang niya sundin ang lahat ng bilin nito para wala maging problema.

Dahil sa oras na magkamali siya, katapusan na niya at baka mapalayas siya ng wala sa oras.

Hinawakan siya ni Miss Neil sa balikat at seryoso ang mga mata na tumitig sa kanya. "Hindi nagpapalayas si Sir Damon ng tauhan, sila ang kusang lumalayas. Kaya kung makakatagal ka ay maganda dahil baka taasan pa niya lalo ang sahod mo."

Natuwa naman siya ng marinig na baka taasan nito ang sahod niya pagnagtagal siya, kaso lang pakiramdam niya ay may paninindak ang boses ni Miss Neil sa kanya kaya napalunok na naman siya.

"Kaya mo 'yan, Amelia. Sana magtagal ka na. Naha-hagard narin kasi ako kakahanap ng kasambahay sa mansion na 'to. Nasisira na ang beauty ko." Bigla ay parang problemado na ito ngayon. Kumibot-kibot pa ang makapal nitong labi. "Hindi pwede na palagi nalang ganito. Baka hiwalayan na ako ng jowa ko pagpumanget na ako dahil sa konsumisyon rito."

Mahina siyang natawa. "Joker ka po pala." Nawala ang ngiti niya ng sinamaan siya nito ng tingin.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Nakataas ang kilay na tanong nito.

Hindi siya umimik at nag-iwas nalang ng tingin dahil nagbubukas-sara ang ilong nito ngayon habang nakatingin sa kanya.

"Basta sundin mo lahat ng bilin ko para mabuhay ka pa ng matagal sa mansion na 'to—"

"Po?!" Mabuhay? Bakit, may posibilidad ba na mamatay siya? Sa takot ay napahawak siya sa damit nito.

"Jusme kang bata ka. Binibiro lang kita!" Tumatawang sabi nito habang nagbubukas-sara ang butas ng ilong at nag aalugan ang makapal na labi.

Hindi tuloy niya sure kung tawa ba 'yon o magta-transform na 'to para maging isang nakakatakot na nilalang.

"Basta sundin mo lang lahat ng bilin ko para walang problema at magtagal ka. Sayang ang malaking sahod na makukuha mo at ang bonus na matatanggap mo kada-taon." Paalala nito sa kanya. Tumingin ito sa suot na relo. "Bukas ka na magsimulang maglinis, sa ngayon ay ang panggabihan na pagkain lang ang kailangan mong asikasuhin para kay Sir Damon."

Huling bilin nito bago tuluyan umalis.

Sana lang talaga ay matagalan at makaya niya ang lahat ng bilin nito.

KANINA pa nakaalis si Miss Neil. Dahil unang araw niya ngayon ay sinabihan siya nito na bukas na siya magsimula, tanging pagkain lang mamayang gabihan ng amo niya ang gagawin niya.

Masaya siyang nagpagulong-gulong sa kama niya na malambot. Hindi niya akalain na magiging kumportable ng sobra ang kwarto niya, hindi katulad sa bahay nila na manipis na banig lang ang sapin sa malamig na semento.

Umupo siya sa gilid ng kama. Hindi niya mapigilan ang malungkot ng maalala ang nanay at mga kapatid niya. Bago siya umalis ay nangutang lang siya ng isang kaban na bigas kay Aling Nena, ang mabait at may malaking tindahan sa lugar nila. Tiwala din kasi ito sa kanya na magbabayad siya. Sa edad niyang disi-otso ay marami na siyang napasok na trabaho tulad ng pagiging tindera, mag alaga ng mga aso, magbantay ng bata, maging taga-plantsa tuwing sabado at maglako ng kung ano-ano para dagdag income. Hindi na kasi kaya ng nanay niya na tumanggap ng maraming labada sa isang linggo kaya kapos na kapos sila. Hindi narin naaasahan ang tatay niya. Lima silang magkakapatid at siya ang panganay. Matagal na siyang huminto ng pag-aaral dahil hindi talaga kaya na hindi siya tumulong sa nanay niya. Bukod sa mahina ang katawan ng nanay niya ay hikain din ito at sakitin din ang dalawa niyang kapatid, kaya hindi man niya gusto na huminto ng pag-aaral ay wala siyang pagpipilian.

Nakaramdam siya ng konsensya. Siya ay masarap ang kinakain dito, samantalang ang pamilya niya ay magtitiis sa dalawang garapon na alamang na niluto niya bago siya umalis.

Hindi kasi pwede bumale ng pera hanggang hindi siya umaabot ng labinlimang araw. Kaya hindi pa siya makakapagpadala ng pera sa mga ito.

Di bale babawi nalang siya sa oras na magkapera siya. Bibili talaga siya ng karne ng baboy pag uwi niya at magsisigang dahil 'yon ang paborito ng nanay niya, pero dahil wala silang pera ay puro gulay at alamang lang ang pinagtitiisan nila. Bibilhan din niya ng mga tsokolate ang mga kapatid niya na tiyak na ikatutuwa ng mga 'to.

Para magawa niya lahat ng gusto at plano niya, ang kailangan lang niyang gawin ay magsipag at magtiis, dahil balang araw ay para din sa kanila 'yon, at sa mga kapatid na nag-aaral.

Nilabas niya ang lukot na papel na nasa bulsa ng pantalon niya at saka 'yon itinabi. Dito nakasulat ang kontak number ni Aling Nena, dito kasi niya ipapadala ang pera at ito na ang bahala na mag abot sa nanay niya. Wala kasi silang cellphone kaya kay Aling Nena niya ipapadala ang pera sa oras na makabale na siya.

Lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa kusina. Muntik na siyang mapatalon sa gulat ng may makasalubong siyang lalaki na sa tingin niya ay nasa benta mahigit ang edad. Matangkad ito, may kapayatan at may hitsura.

Kinabahan siya.

Hindi kaya ito ang amo niya? Dahil nakita siya nito ay katapusan na niya?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
goodnovel comment avatar
8514anysia
nako Amy hehe gulat ka
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
oh sino yong nakita ni amelia yong amo nya bang halimaw
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   109. TLBAHM

    [Amelia] PUMIKIT siya habang kinkontrol ang sarili na huwag umiyak. Baka kasi masira ang makeup niya sa mukha. Nakakahiya naman sa makeup artist na nag-ayos sa kanya. Tumingin siya sa reflection niya sa salamin. Hindi maitatago ang kaligayan sa kanyang mukha. "Ang ganda mo, anak." Puri ng nanay niya na kapapasok lang. Nakabihis na rin ito, maging si Amon. "Opo, ate mommy, ang ganda niyo po lalo!" Puri ng anak niya. Ngumiti siya sa nga ito. "Syempre maganda si mommy dahil mana kay nanay." Aniya sabay gulo sa buhok ni Amon. "Di'ba sabi ko sa'yo mommy nalang o mama ang itawag mo sa akin." "Mommy naman, eh! Bakit mo po ginulo hair ko? Hindi na po ako pogi!" Reklamo ni Amon. Pareho silang natawa ng nanay niya. Paano ay ilang araw na nilang napapansin na palaging nakaayos ang buhok nito. Iyon pala ay may kaklase itong nagugustuhan ayon kay Alex. Nagpunta si Amon sa tapat ng salamin para ayusin ang buhok na nagulo. Kandahaba ang nguso nito kaya lalo silang natawa nang nanay

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   108. TLBAHM

    [Amelia]PINUNO muna niya ng hangin ang dibdib bago siya tuluyang pumasok. Ito ang kauna-unahang beses na nagpunta siya dito. Hindi lingid sa kaalaman ni Damon ang ginagawa niya ngayon sa lugar na ito.Naiintindihan niya kung bakit hindi sumama si Damon sa kanya. Maski ang nanay niya, mga kapatid ay hindi rin nagpupunta rito. Sa katunayan ay siya ang kauna-unahang dumalaw sa taong ito.Nag-angat siya ng tingin ng umupo ang lalaki na napakatagal na niyang hindi nakita. Matagal man silang hindi nagkita ay wala siyang nakapa sa dibdib na pananabik, bagkus ay puno siya ng galit at hinanakit.Tila nadoble ang edad ng tatay niya rito sa loob ng kulungan. Wala na ang matikas nitong pangangatawan. Sa sobrang payat nito ay duda siya kung kumakain pa ba ito."Anong nakain mo ang nagpunta ka rito? Nasaan ang nanay mong walang silbi? Masaya ba kayo na wala na ako sa buhay niyo?!" Mabagsik na tanong nito kasabay ng paghampas ng magkaposas na kamay nito sa ibabaw ng mesa na tila gusto pa siyang sak

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   107. TLBAHM

    [Damon]NOONG panahon na buhay pa ang magulang niya ay palaging sinasabi ng mga ito na darating ang araw na titibok ang puso niya at magmamahal ng sobra. Hindi siya naniwala do'n at tinatawanan lang ang mga sasabihin ng magulang niya. Hindi naman kasi siya naniniwala na may babaeng magpapaamo sa kanya. Sa dinami-dami ng babae na nakilala niya ay walang nakapagpatibok ng puso niya.Lalo na ng mamatay ang magulang niya. Sinarado na niya ang puso niya sa lahat—maliban sa kanyang mga kaibigan.Pero katulad nga ng sinabi ng magulang niya ay may babaeng dumating, hindi lang para pasigawin siya, galitin siya, inisin siya, kundi pinatibok din ni Amelia ng mabilis ang puso niya. Natuto siyang magselos na hindi naman niya naramdaman sa ibang babae. Kahit sa kaibigan pa niya ay nagseselos siya."Kuya, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Alex sa kanya. "Y-Yes, ayos lang ako." Sagot niya, kahit ang totoo ay nanginginig ang buo n'yang katawan sa nerbyos. Tatlong buwan na ang nakalipas ng maka

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   106. TLBAHM

    HAWAK niya ang kamay ni Amelia at hindi niya ito binibitiwan. Natatakot siya na baka panaginip lang ang lahat, na baka panaginip lang niya ang pagkagising nito. Nang suriin ito ng doktor ay nakatulog ito dahil sa matinding pagod na nararamdaman ng katawan dahil sa matagal na pagkakahiga. Kaya ngayon ay narito siya sa tabi nito para sa oras na magising ito ay siya ang una nitong makikita. Anim na oras na silang lahat naghihintay na magmulat ng mata si Amelia pero hindi na ito muling dumilat pa. Narito ang pamilya ng dalaga, kasama ang kanilang anak. Ang nanay nito ay umiiyak sa sobrang tuwa, maging ang mga kapatid. Nanlaki ang mata niya ng maramdaman ang pagganti ng hawak ni Amelia sa kanyang kamay, kasabay ng pagmulat nito ng mata. Nakatagilid parin ito ng higa kaya naman kitang-kita niya ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Ang tubo na nasa bibig nito ay inalis na ng doktor kaya nakita niya ang maliit na ngiti na gumihit sa labi nito. Parang bata na napahagulhol siya ng iyak

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   105. TLBAHM

    DAMON looks devastated while leaning against the wall. Magulo ang buhok ng binata at tila wala sa sarili. Limang araw na subalit wala parin response ang katawan ni Amelia. Some of her organs were hit and damaged severely. Tagumpay ang operasyon subalit ang paggising nito ay walang kasiguraduhan.Hindi niya kayang magtagal sa loob ng kwarto kung nasaan ang babaeng mahal na mahal niya. Tila dinudurog ang puso niya sa sakit at anumang oras ay tila mababaliw siya. Paulit-ulit na sinisisi niya ang sarili. Kung dumating lang sana siya agad para iligtas ito. He ran a trembling hand through his hair and began to cry like a child. "P-Please, babe... don't leave me." His sobbing and pleading spread throughout the hallway but he doesn't care. All he have in mind was all about her.Nagsibuga ng hangin ang mga kaibigan ni Damon na nakamasid lang sa kanya. They are right. Damon lost himself again like when he lost his parents and little sister. Mabigat sa dibdib ang ganitong tagpo para sa kanila.

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   104. TLBAHM

    [Amelia]HINAWAKAN niya ang mukha ng anak. "Pikit ka, Amon." Utos niya sa anak. Nakaalis na sina Cassandra at Frederick. Ngayon ay kailangan nilang lumabas sa ilalim ng mesa kaya inuutusan niyang pumikit ang anak para hindi nito makita ang bangkay sa sahig.Nakahinga siya ng maluwag ng pumikit ang anak. Nang lumabas siya sa ilalim ng mesa ay hinawakan niya sa kamay ang anak para alalayan. Pero naapakan ni Amon ang dugo dahilan para madulas ito."A-Ate mommy!" Malakas na iyak ni Amon ng makita ang dugo na nasa kamay.Tarantang tinakpan niya ang bibig ng anak ng kanyang kamay."Narinig niyo ba? Iyak ng bata 'yon, di'ba?" Ani ng isang tauhan ni Cassandra sa kasamahan. "Oo! Hanapin natin dali!" Sagot ng isa.Kinarga niya ang humihikbi pang si Amon at saka tumakbo palayo sa yabag na papalapit sa kanila. Halos magkatumba-tumba pa siya dahil mahaba ang suot n'yang wedding gown na hindi niya naisipan na hubarin kanina. "Huhuhu, b-bakit po nila tayo hinahabol, ate mommy?" Patuloy sa pag-iyak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status