Share

6. TLBAHM

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2022-12-08 17:17:52

[Amelia]

TINITIGAN niya ang mukha nito. Marami na siyang nakita na may pilat sa mukha pero hindi naman ganito, bakit gano'n? Parang hindi naman 'to pumanget. Kahit siguro tubuan ito ng pigsa sa mukha ay gwapo parin.

Napailing nalang siya. Kung ano-ano na naman ang naiisip niya. Dapat ay umalis na siya sa kinatatayuan dahil baka mamaya ay makita pa siya nito at magalit na naman sa kanya.

'Di yari na naman siya.

Akmang aalis na siya sa pagsilip ng marinig at nakita niya ang malakas na pagmumura nito.

"Damn this nightmare!" Kasabay no'n ay ang pagbato nito ng baso banda sa kinatatayuan niya.

Muntik na siyang mapasigaw sa gulat, mabuti nalang at mabilis niyang natakpan ang bibig niya dahil kung hindi ay tiyak na malalaman ng amo niya na narito siya sa kusina at nakatingin rito.

"Fuck! Fuck! Fuck!" Muling nagmura ito ng malakas.

Muli niya itong sinilip. Napalunok siya ng makita kung ga'no kadilim ang mukha nito. Parang galit na galit ito at handang manakal anumang oras.

Dahil sa takot na baka siya ang masakal nito sa oras na makita siya ay nagmamadali siyang umalis para bumalik sa kwarto niya. Mahirap na, baka mabali pa ang leeg niya dahil sa galit nito. Tiniis niya ang uhaw niya at humiga nalang. Bukas nalang siya iinom ng tubig, pati ang bubog sa sahig ay bukas nalang din niya lilinisin. Baka kasi mamaya pagpunta niya sa kusina ay naro'n pa ang amo niya.

Mahirap ng maputukan ng galit.

Hinawakan niya ang sariling leeg at saka marahas na lumunok. Ngayon ay nasisiguro na niya na nakakatakot nga ang amo niya.

PAGKAGISING niya ay nilinis niya agad ang bubog na nagkalat sa sahig. Natigilan siya ng makita na may bakas ng dugo sa pader.

Kinabahan siya.

Bakit may dugo? Bigla ay na-imagine niya na may inuuntog ang amo niya sa pader na 'yon kaya may dugo. Sa takot niya ay namutla siya at pinagpawisan.

Pero wala naman ibang tao rito maliban sa kanilang dalawa. Hindi kaya sarili nito ang inuntog?

Pinilig niya ang ulo.

Sino naman ang tanga na gagawa no'n? Napabuga nalang siya ng hangin. Wala na siyang pake kung kanino at saan galing ang dugo na 'yon, ang importante ay hindi sa kanya 'yon.

Matapos maglinis ay nagluto na siya para sa almusal ni Sir Damon. Habang naghihintay na matapos itong kumain ay kumain narin siya.

Nagtataka na tiningnan niya ang pagkain na hinain niya ng makita na walang bawas 'yon kahit kaunti. Parang hindi nagalaw alin man sa mga 'yon. Walang bakas na bumaba ang amo niya.

Hindi kaya may sakit ito? O wala lang talaga itong gana na kumain ngayon?

Nagkibit-balikat nalang siya. Kung kumain man ito o hindi ay wala na siyang pake ro'n. Kasambahay lang siya at wala siyang karapatan na mangialam sa bagay na 'yon.

Natapos niya na lahat ng gawain niya bago mananghalian. At tulad ng umaga ay wala na naman bawas ang mga pagkain na hinain niya rito para sa tanghalian.

'Ang mayaman nga naman, hindi nanghihinayang sa pagkain na nasasayang' Aniya sa isip niya habang nililigpit ang mga pagkain na dapat ay sa amo niya.

Dahil sa pagkabagot ay naglibot muna siya sa paligid. Walang sinabi si Miss Neil na hindi siya pwede na maglibot sa paligid, sa ikalawang palapag ay tuwing sabado lang siya pwedeng umakyat, sa dining area naman ay sa tuwing maghahain lang, 'yon lang ang bilin ng matanda.

Ikatlong araw palang niya sa mansion. At tulad ng inaasahan niya ay napakalawak dito, hindi masusukat ng tingin kung ga'no ito kalawak at kalaki. Lahat ng kagamitan sa paligid ay halatang mamahalin at magaganda ang kalidad, malayo sa mga nakita na niya no'n.

Nagningning ang mata niya ng tumingala at naggagandahang chandelier ang bumungad sa mata niya.

Sa paglilibot niya ay napunta siya sa isang pinto. May kulay pink na puso sa harap no'n at may nakalagay na—

'DO NOT DISTURB THE PRINCESS OF THIS HOUSE'

Ito marahil ang kwarto ng kapatid ng amo niya. Pumihit siya paharap para umalis na, gano'n nalang ang gulat niya ng bumangga ang mukha niya sa matigas na bagay.

Masakit ang ilong na napangiwi siya, pero agad din nawala ang ngiwi sa mukha niya at napalitan ng takot ng makita ang mukha ng amo niyang lalaki na madilim ang mukha na nakatingin sa kanya.

Napa-atras siya at ilang beses lumunok. Galit na galit ang mukha nito habang nakatingin sa kanya na para bang may nagawa siyang hindi nito nagustuhan, napansin din niya ang kamay nito na may benda.

"What are doing here idiot?"

Idiot? Tanga ang ibig sabihin no'n diba?

Binasa niya ang labi dahil tila nanuyo 'yon sa kaba niya. Ang dibdib niya ay malakas ang kabog dahil sa klase ng tingin nito sa kanya ngayon.

Ngayon na yata talaga siya masasakal!

Napaigik siya ng hawakan siya nito sa dalawang balikat at malakas na itulak sa pinto na nasa likuran niya.

"Aray ko naman po Sir!" Malakas siyang napadaing. Pakiramdam niya ay nadurog ang mga buto niya sa ginawa nito.

"Anong ginagawa mo ditong bobita ka? Sinong nagsabi na pwede ka pumunta sa lugar na 'to?" Nagniningas ang mga mata na tanong sa kanya ng amo niya habang nakayuko at nakatingin sa kanya.

Napansin niya sa kabila ng galit sa mga mata nito ay malungkot 'yon.

Napakasakit ng hawak ng amo niya sa balikat niya. Sigurado siya na mag-iiwan ng marka ang hawak nito do'n dahil bukod sa malaki ang kamay nito ay malakas pa 'to at malaking tao. Kailangan pa nga niya na tumingala para lang makita ang mukha nito.

"Sir, napadaan lang po ako dito. Promise po." Kabadong sagot niya. "H-Hindi po ako pumasok d'yan sa kwartong 'yan." Dugtong pa niya kung ito ang gusto nitong marinig.

"Get out." Maanghang na sabi nito at saka siya binitiwan.

Mabilis na tumakbo siya paalis at nagmamadaling pumasok ng kwarto. Hindi naalis ang sakit sa balikat niya kahit binitiwan na siya ng amo niya. Pakiramdam niya ay naiwan ang malaki nitong kamay sa balikat niya at nakadiin parin dahil masakit parin 'yon.

Malungkot na tiningnan niya sa salamin ang balikat na may pasa. Tama nga siya, nagmarka ang ginawa ng amo niya sa kanya. Maging ang likuran niya ay masakit din.

"Tiis lang, Amelia. Kaya mo 'yan!" Aniya sa sarili. Natigilan siya ng maalala ang kamay ng amo niya na may benda.

Galing ba sa kamay ng amo niya ang dugo na nakita niya sa pader? Sinuntok nito ang pader?

Pero bakit?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
curiosity kills you Amelia dpat susundin mo ang bawal Sobrang among tanga
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hay naku amelia huwag kang masyafong osyusera dyan ka mapapahamak
goodnovel comment avatar
Gia La Bratcillana
Nakakabwesit ang engot kht ba nmn sino magagalit
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   109. TLBAHM

    [Amelia] PUMIKIT siya habang kinkontrol ang sarili na huwag umiyak. Baka kasi masira ang makeup niya sa mukha. Nakakahiya naman sa makeup artist na nag-ayos sa kanya. Tumingin siya sa reflection niya sa salamin. Hindi maitatago ang kaligayan sa kanyang mukha. "Ang ganda mo, anak." Puri ng nanay niya na kapapasok lang. Nakabihis na rin ito, maging si Amon. "Opo, ate mommy, ang ganda niyo po lalo!" Puri ng anak niya. Ngumiti siya sa nga ito. "Syempre maganda si mommy dahil mana kay nanay." Aniya sabay gulo sa buhok ni Amon. "Di'ba sabi ko sa'yo mommy nalang o mama ang itawag mo sa akin." "Mommy naman, eh! Bakit mo po ginulo hair ko? Hindi na po ako pogi!" Reklamo ni Amon. Pareho silang natawa ng nanay niya. Paano ay ilang araw na nilang napapansin na palaging nakaayos ang buhok nito. Iyon pala ay may kaklase itong nagugustuhan ayon kay Alex. Nagpunta si Amon sa tapat ng salamin para ayusin ang buhok na nagulo. Kandahaba ang nguso nito kaya lalo silang natawa nang nanay

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   108. TLBAHM

    [Amelia]PINUNO muna niya ng hangin ang dibdib bago siya tuluyang pumasok. Ito ang kauna-unahang beses na nagpunta siya dito. Hindi lingid sa kaalaman ni Damon ang ginagawa niya ngayon sa lugar na ito.Naiintindihan niya kung bakit hindi sumama si Damon sa kanya. Maski ang nanay niya, mga kapatid ay hindi rin nagpupunta rito. Sa katunayan ay siya ang kauna-unahang dumalaw sa taong ito.Nag-angat siya ng tingin ng umupo ang lalaki na napakatagal na niyang hindi nakita. Matagal man silang hindi nagkita ay wala siyang nakapa sa dibdib na pananabik, bagkus ay puno siya ng galit at hinanakit.Tila nadoble ang edad ng tatay niya rito sa loob ng kulungan. Wala na ang matikas nitong pangangatawan. Sa sobrang payat nito ay duda siya kung kumakain pa ba ito."Anong nakain mo ang nagpunta ka rito? Nasaan ang nanay mong walang silbi? Masaya ba kayo na wala na ako sa buhay niyo?!" Mabagsik na tanong nito kasabay ng paghampas ng magkaposas na kamay nito sa ibabaw ng mesa na tila gusto pa siyang sak

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   107. TLBAHM

    [Damon]NOONG panahon na buhay pa ang magulang niya ay palaging sinasabi ng mga ito na darating ang araw na titibok ang puso niya at magmamahal ng sobra. Hindi siya naniwala do'n at tinatawanan lang ang mga sasabihin ng magulang niya. Hindi naman kasi siya naniniwala na may babaeng magpapaamo sa kanya. Sa dinami-dami ng babae na nakilala niya ay walang nakapagpatibok ng puso niya.Lalo na ng mamatay ang magulang niya. Sinarado na niya ang puso niya sa lahat—maliban sa kanyang mga kaibigan.Pero katulad nga ng sinabi ng magulang niya ay may babaeng dumating, hindi lang para pasigawin siya, galitin siya, inisin siya, kundi pinatibok din ni Amelia ng mabilis ang puso niya. Natuto siyang magselos na hindi naman niya naramdaman sa ibang babae. Kahit sa kaibigan pa niya ay nagseselos siya."Kuya, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Alex sa kanya. "Y-Yes, ayos lang ako." Sagot niya, kahit ang totoo ay nanginginig ang buo n'yang katawan sa nerbyos. Tatlong buwan na ang nakalipas ng maka

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   106. TLBAHM

    HAWAK niya ang kamay ni Amelia at hindi niya ito binibitiwan. Natatakot siya na baka panaginip lang ang lahat, na baka panaginip lang niya ang pagkagising nito. Nang suriin ito ng doktor ay nakatulog ito dahil sa matinding pagod na nararamdaman ng katawan dahil sa matagal na pagkakahiga. Kaya ngayon ay narito siya sa tabi nito para sa oras na magising ito ay siya ang una nitong makikita. Anim na oras na silang lahat naghihintay na magmulat ng mata si Amelia pero hindi na ito muling dumilat pa. Narito ang pamilya ng dalaga, kasama ang kanilang anak. Ang nanay nito ay umiiyak sa sobrang tuwa, maging ang mga kapatid. Nanlaki ang mata niya ng maramdaman ang pagganti ng hawak ni Amelia sa kanyang kamay, kasabay ng pagmulat nito ng mata. Nakatagilid parin ito ng higa kaya naman kitang-kita niya ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Ang tubo na nasa bibig nito ay inalis na ng doktor kaya nakita niya ang maliit na ngiti na gumihit sa labi nito. Parang bata na napahagulhol siya ng iyak

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   105. TLBAHM

    DAMON looks devastated while leaning against the wall. Magulo ang buhok ng binata at tila wala sa sarili. Limang araw na subalit wala parin response ang katawan ni Amelia. Some of her organs were hit and damaged severely. Tagumpay ang operasyon subalit ang paggising nito ay walang kasiguraduhan.Hindi niya kayang magtagal sa loob ng kwarto kung nasaan ang babaeng mahal na mahal niya. Tila dinudurog ang puso niya sa sakit at anumang oras ay tila mababaliw siya. Paulit-ulit na sinisisi niya ang sarili. Kung dumating lang sana siya agad para iligtas ito. He ran a trembling hand through his hair and began to cry like a child. "P-Please, babe... don't leave me." His sobbing and pleading spread throughout the hallway but he doesn't care. All he have in mind was all about her.Nagsibuga ng hangin ang mga kaibigan ni Damon na nakamasid lang sa kanya. They are right. Damon lost himself again like when he lost his parents and little sister. Mabigat sa dibdib ang ganitong tagpo para sa kanila.

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   104. TLBAHM

    [Amelia]HINAWAKAN niya ang mukha ng anak. "Pikit ka, Amon." Utos niya sa anak. Nakaalis na sina Cassandra at Frederick. Ngayon ay kailangan nilang lumabas sa ilalim ng mesa kaya inuutusan niyang pumikit ang anak para hindi nito makita ang bangkay sa sahig.Nakahinga siya ng maluwag ng pumikit ang anak. Nang lumabas siya sa ilalim ng mesa ay hinawakan niya sa kamay ang anak para alalayan. Pero naapakan ni Amon ang dugo dahilan para madulas ito."A-Ate mommy!" Malakas na iyak ni Amon ng makita ang dugo na nasa kamay.Tarantang tinakpan niya ang bibig ng anak ng kanyang kamay."Narinig niyo ba? Iyak ng bata 'yon, di'ba?" Ani ng isang tauhan ni Cassandra sa kasamahan. "Oo! Hanapin natin dali!" Sagot ng isa.Kinarga niya ang humihikbi pang si Amon at saka tumakbo palayo sa yabag na papalapit sa kanila. Halos magkatumba-tumba pa siya dahil mahaba ang suot n'yang wedding gown na hindi niya naisipan na hubarin kanina. "Huhuhu, b-bakit po nila tayo hinahabol, ate mommy?" Patuloy sa pag-iyak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status