Share

7. TLBAHM

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2022-12-09 17:03:51

[Amelia]

"PINAPAABOT ni tita Neil, Amelia." Ani Nelson at may iniabot na may kalakihan na bag na kulay itim sa kanya. "Ngayon lang daw niya naibigay kasi kakatapos lang ipatahi."

Kunot ang noo na tinanggap niya ang iniabot nito. Nang buksan niya 'yon ay nakaramdam siya ng excitement. Mga maid's uniform 'yon na katulad ng napapanood niya sa mga Japanese animè. Napangiwi siya ng mapansin kung ga'no kaikli 'yon.

"Teka, Nelson. Nagkamali yata ng pagpapatahi si Miss Neil, tingnan mo." Pinakita niya rito kung ga'no kaikli ang palda, sigurado siya na hindi aabot sa tuhod niya ang haba no'n, baka nga hindi pa aabot sa kalahati ng hita niya. Hindi siya sanay na magsuot ng maiikling shorts o bestida na maikli. Mas sanay siya sa mga lumang pantalon o pajama na mahahaba.

Napakamot nalang si Nelson sa ulo. "Sinabi ko na nga 'yan kay Tita. Ang sabi niya bagay daw 'yan sayo kasi mukha ka daw manika." Namula na ang mukha ni Nelson sa huling sinabi.

Napakamot siya sa ulo. Wala na siyang magagawa dahil 'yon ang binigay sa kanya, pero kung siya ang masusunod ay hindi niya gusto na suutin 'yon, dahil tiyak siya na pagnaglinis siya ay makikita ang kuyukot niya at panty niya.

"Bilin din ni tita Neil na araw-araw ka na magsuot ng uniform dahil 'yon ang gusto ni Sir Damon." Dagdag pa ni Nelson.

Tumango nalang siya rito. "Sige, Nelson."

Nakaalis na si Nelson. Naiwan siyang problemado habang hawak ang uniporme na para sa kanya.

"Grabe naman ang ikli nito." Nasabi nalang niya. Napangiwi siya ng kumirot ang likod at balikat niya. "Di bale, susuutin parin kita kasi kailangan." Baka magalit na naman ang amo niya sa kanya paghindi pa siya nagsuot ng uniporme. Ipapakiusap nalang niya kay Miss Neil na palitan ito ng mas mahaba sa linggo pagbalik nito.

Hinawakan niya ang balikat at mahinang hinilot 'yon. Lalo siyang napangiwi dahil mas sumakit 'yon dahil sa ginawa niya. Binaba niya ang manggas ng suot niyang tshirt. Sigurado siya na mangingitim na 'to kinabukasan. Mabilis na sinuot niya sa kwarto ang uniporme niya at saka nagmamadaling lumabas, kailangan na kasi niya magluto.

Nang matapos magluto ay naghain na siya para sa gabihan ng amo niya. Nagulat pa siya at tila nanigas ang katawan niya dahil ng maghain siya ay nakaupo na ito na parang hari. May lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa malayo.

Pinagpapawisan siya ng magawi ang mata nito sa kanya, kung kanina ay malungkot ang mata nito ngayon ay mabagsik na habang nakatingin sa kanya.

Wala naman siyang ginagawa pero kung makatingin ay parang may nagawa siyang kasalanan.

Dahil sa takot sa presensya nito ay nanginginig ang mga kamay niya habang hinahain sa harap nito ang mga pagkain.

"Damn it!" Malakas na mura nito ng matumba ang baso ng tubig sa pagitan ng mga hita nito dahil sa panginginig ng kamay niya.

Alam niya ng mga oras na 'to ay namumutla siya dahil sa maghalong kaba at takot.

"S-Sorry po, Sir." Gusto niyang punasan ang basa nitong pants pero wala naman siyang hawak na pamunas, saka baka magalit lang 'to lalo sa kanya paghinawakan niya ito.

"Ang dali lang ng trabaho mo. Pero hindi mo magawa ng maayos. Ganyan ka ba katanga?!" Malakas na bulyaw nito sa kanya.

Napayuko siya para hindi makita ang galit na mata ng amo niya. Nasaktan siya sa sinabi nito sa kanya pero kailangan niyang tiisin ang mga sinabi nito dahil kasalanan naman niya.

"Get out idiot!"

Sa takot ay nagmamadali siyang naglakad paalis, pero sadyang malas talaga 'ata ang araw na 'to sa kanya dahil nag ekis ang mga paa niya dahilan para madapa siya.

"Arrraayy..." Mabuti nalang at hindi nauna ang mukha niya sa matigas na marmol na sahig, kung hindi ay sigurado siya na basag na ang mukha niya ngayon.

Nanlaki ang mata ng maalala na nakapalda siya ng maikli ngayon at naka-pantý lang siya. Nagmamadali siyang tumayo at tumakbo paalis na hindi tumitingin sa amo niya na hindi niya alam kung nakatingin ba o hindi sa kanya.

Nakakahiya!

Pulang-pula ang mukha niya ng makarating ng kusina. Naghalo ang nararamdaman niyang kahihiyan ngayong araw.

Mahina niyang tinuktukan ang ulo. "Ang tanga mo, Amelia. Ang tanga mo talaga!"

'Di bale, iisipin nalang niya na hindi nangyari 'yon sa kanya. Ngayong araw ay walang nangyari...

Tama.

Walang nangyari.

KINABUKASAN ay sinilip niya muna kung nasa mesa na ang amo niya bago naghain. Nakahinga siya ng maluwag ng hindi niya ito nakita.

Mabuti naman.

Hindi niya kasi alam kung pa'no haharap dito ngayon. Naalala niya pa kung pa'no niya natapunan ng tubig ito.

Nakakahiya talaga.

Pagkatapos maghain ay nagmamadali siyang bumalik sa kusina at kumain mag-isa. Napapangiwi parin siya dahil masakit parin ang balikat at likod niya. Pagkatapos kumain ng umagahan ay naghintay muna siya ng isang oras bago lumabas.

Pagkatapos ng isang oras ay nagpunta na siya ng dining room, dahan-dahan pa siyang sumilip ro'n para tingnan kung wala na ba talaga ang amo niya.

Kumunot ang noo niya ng may humarang na malapad na dibdib sa pagsilip niya. Napatayo siya ng tuwid ng makita ang amo niya na nakakunot ang noo habang nakayuko at nakatingin sa kanya.

"A-Ah, eh, kasi... m-magliligpit na po ako." Kanda-utal na paliwanag niya habang nakayuko kahit na wala pa itong sinasabi.

Tulala siya habang nakatingin sa likuran nito habang naglalakad palayo. Wala na pala ito sa harapan niya habang nagpapaliwanag siya. Dahil sa kaba ay hindi niya namamalayan na umalis na pala ito sa harapan niya.

Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya ay mabubulyawan na naman siya nito.

NAKAKABORING. Paulit-ulit lang ang ginagawa niya araw-araw. Walang pagbabago. Pero pagnaiisip naman niya kung ga'no kalaki ang sahod niya ay sumisigla siya.

Gusto niya sana na maglibot pero pagnaiisip niya na baka makita na naman siya ni Sir Damon ay magalit na naman 'to sa kanya at masaktan na naman siya. Masakit pa ang balikat at likod niya, kaya ayaw niya na madagdagan pa 'yon. Mas gusto nalang niya na tumambay sa kusina kaysa ang maglibot, mahirap na baka makasalubong niya ang amo niya.

"Ang ganda mo d'yan lalo sa suot mo, Amelia. Nagmukha ka lalong manika." Namumula ang mukha na papuri ni Nelson sa kanya.

"Sus, nakakita ka lang ng legs, eh!" Biro niya rito kahit ang totoo ay nabibilib siya rito. Hindi 'to katulad ng ibang lalaki na pagnakakita ng hita o balat ng babae ay parang hayok sa laman at nanlalaki ang mga mata na susundan ka pa ng tingin. Gano'n kasi sa lugar nila, pagmay dumaan na babae na nakasuot ng maikling shorts ay kanya-kanyang sipol ang mga lalaking manyak.

"Uy, hindi ah!" Namumulang tanggi ni Nelson sa sinabi niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (14)
goodnovel comment avatar
reader
oa sa ka artehan at katangahan ang gnwa ng writer sa babae. hndi nakakagnda ng story. nakakaumay. ulet ulet
goodnovel comment avatar
Anita Valde
Araw Araw nlang BA Amelia
goodnovel comment avatar
Elisa Patena
unlock please.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   109. TLBAHM

    [Amelia] PUMIKIT siya habang kinkontrol ang sarili na huwag umiyak. Baka kasi masira ang makeup niya sa mukha. Nakakahiya naman sa makeup artist na nag-ayos sa kanya. Tumingin siya sa reflection niya sa salamin. Hindi maitatago ang kaligayan sa kanyang mukha. "Ang ganda mo, anak." Puri ng nanay niya na kapapasok lang. Nakabihis na rin ito, maging si Amon. "Opo, ate mommy, ang ganda niyo po lalo!" Puri ng anak niya. Ngumiti siya sa nga ito. "Syempre maganda si mommy dahil mana kay nanay." Aniya sabay gulo sa buhok ni Amon. "Di'ba sabi ko sa'yo mommy nalang o mama ang itawag mo sa akin." "Mommy naman, eh! Bakit mo po ginulo hair ko? Hindi na po ako pogi!" Reklamo ni Amon. Pareho silang natawa ng nanay niya. Paano ay ilang araw na nilang napapansin na palaging nakaayos ang buhok nito. Iyon pala ay may kaklase itong nagugustuhan ayon kay Alex. Nagpunta si Amon sa tapat ng salamin para ayusin ang buhok na nagulo. Kandahaba ang nguso nito kaya lalo silang natawa nang nanay

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   108. TLBAHM

    [Amelia]PINUNO muna niya ng hangin ang dibdib bago siya tuluyang pumasok. Ito ang kauna-unahang beses na nagpunta siya dito. Hindi lingid sa kaalaman ni Damon ang ginagawa niya ngayon sa lugar na ito.Naiintindihan niya kung bakit hindi sumama si Damon sa kanya. Maski ang nanay niya, mga kapatid ay hindi rin nagpupunta rito. Sa katunayan ay siya ang kauna-unahang dumalaw sa taong ito.Nag-angat siya ng tingin ng umupo ang lalaki na napakatagal na niyang hindi nakita. Matagal man silang hindi nagkita ay wala siyang nakapa sa dibdib na pananabik, bagkus ay puno siya ng galit at hinanakit.Tila nadoble ang edad ng tatay niya rito sa loob ng kulungan. Wala na ang matikas nitong pangangatawan. Sa sobrang payat nito ay duda siya kung kumakain pa ba ito."Anong nakain mo ang nagpunta ka rito? Nasaan ang nanay mong walang silbi? Masaya ba kayo na wala na ako sa buhay niyo?!" Mabagsik na tanong nito kasabay ng paghampas ng magkaposas na kamay nito sa ibabaw ng mesa na tila gusto pa siyang sak

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   107. TLBAHM

    [Damon]NOONG panahon na buhay pa ang magulang niya ay palaging sinasabi ng mga ito na darating ang araw na titibok ang puso niya at magmamahal ng sobra. Hindi siya naniwala do'n at tinatawanan lang ang mga sasabihin ng magulang niya. Hindi naman kasi siya naniniwala na may babaeng magpapaamo sa kanya. Sa dinami-dami ng babae na nakilala niya ay walang nakapagpatibok ng puso niya.Lalo na ng mamatay ang magulang niya. Sinarado na niya ang puso niya sa lahat—maliban sa kanyang mga kaibigan.Pero katulad nga ng sinabi ng magulang niya ay may babaeng dumating, hindi lang para pasigawin siya, galitin siya, inisin siya, kundi pinatibok din ni Amelia ng mabilis ang puso niya. Natuto siyang magselos na hindi naman niya naramdaman sa ibang babae. Kahit sa kaibigan pa niya ay nagseselos siya."Kuya, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Alex sa kanya. "Y-Yes, ayos lang ako." Sagot niya, kahit ang totoo ay nanginginig ang buo n'yang katawan sa nerbyos. Tatlong buwan na ang nakalipas ng maka

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   106. TLBAHM

    HAWAK niya ang kamay ni Amelia at hindi niya ito binibitiwan. Natatakot siya na baka panaginip lang ang lahat, na baka panaginip lang niya ang pagkagising nito. Nang suriin ito ng doktor ay nakatulog ito dahil sa matinding pagod na nararamdaman ng katawan dahil sa matagal na pagkakahiga. Kaya ngayon ay narito siya sa tabi nito para sa oras na magising ito ay siya ang una nitong makikita. Anim na oras na silang lahat naghihintay na magmulat ng mata si Amelia pero hindi na ito muling dumilat pa. Narito ang pamilya ng dalaga, kasama ang kanilang anak. Ang nanay nito ay umiiyak sa sobrang tuwa, maging ang mga kapatid. Nanlaki ang mata niya ng maramdaman ang pagganti ng hawak ni Amelia sa kanyang kamay, kasabay ng pagmulat nito ng mata. Nakatagilid parin ito ng higa kaya naman kitang-kita niya ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Ang tubo na nasa bibig nito ay inalis na ng doktor kaya nakita niya ang maliit na ngiti na gumihit sa labi nito. Parang bata na napahagulhol siya ng iyak

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   105. TLBAHM

    DAMON looks devastated while leaning against the wall. Magulo ang buhok ng binata at tila wala sa sarili. Limang araw na subalit wala parin response ang katawan ni Amelia. Some of her organs were hit and damaged severely. Tagumpay ang operasyon subalit ang paggising nito ay walang kasiguraduhan.Hindi niya kayang magtagal sa loob ng kwarto kung nasaan ang babaeng mahal na mahal niya. Tila dinudurog ang puso niya sa sakit at anumang oras ay tila mababaliw siya. Paulit-ulit na sinisisi niya ang sarili. Kung dumating lang sana siya agad para iligtas ito. He ran a trembling hand through his hair and began to cry like a child. "P-Please, babe... don't leave me." His sobbing and pleading spread throughout the hallway but he doesn't care. All he have in mind was all about her.Nagsibuga ng hangin ang mga kaibigan ni Damon na nakamasid lang sa kanya. They are right. Damon lost himself again like when he lost his parents and little sister. Mabigat sa dibdib ang ganitong tagpo para sa kanila.

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   104. TLBAHM

    [Amelia]HINAWAKAN niya ang mukha ng anak. "Pikit ka, Amon." Utos niya sa anak. Nakaalis na sina Cassandra at Frederick. Ngayon ay kailangan nilang lumabas sa ilalim ng mesa kaya inuutusan niyang pumikit ang anak para hindi nito makita ang bangkay sa sahig.Nakahinga siya ng maluwag ng pumikit ang anak. Nang lumabas siya sa ilalim ng mesa ay hinawakan niya sa kamay ang anak para alalayan. Pero naapakan ni Amon ang dugo dahilan para madulas ito."A-Ate mommy!" Malakas na iyak ni Amon ng makita ang dugo na nasa kamay.Tarantang tinakpan niya ang bibig ng anak ng kanyang kamay."Narinig niyo ba? Iyak ng bata 'yon, di'ba?" Ani ng isang tauhan ni Cassandra sa kasamahan. "Oo! Hanapin natin dali!" Sagot ng isa.Kinarga niya ang humihikbi pang si Amon at saka tumakbo palayo sa yabag na papalapit sa kanila. Halos magkatumba-tumba pa siya dahil mahaba ang suot n'yang wedding gown na hindi niya naisipan na hubarin kanina. "Huhuhu, b-bakit po nila tayo hinahabol, ate mommy?" Patuloy sa pag-iyak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status