Share

5. TLBAHM

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2022-11-28 12:44:13

[Amelia]

NAPAPIKIT SIYA NG malakas na ilapag ng amo niya ang lata ng softdrink sa ibabaw ng mesa.

"Nagtatago po-ibig ko pong sabihin, nagtago 'yong ipis dito sa ilalim..." napalunok siya dahil tila nanunuri ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "H-Hinabol ko para... para patayin 'yong ipis." Ngumiti siya rito pero sa tingin niya ay baka nagmukhang ngiwi ang kinalabasan no'n.

"Such a liar." Pinilig nito ang ulo.

Nang muling tumingin ito sa kanya ay napatayo siya sa kaba dahilan para makalimutan niya na nasa ilalim siya ng mesa. "Aaaarrraayyy." Napadaing siya sa sakit ng ulo ng mauntog siya.

"Simula pagkabata ko, wala pa akong nakita maski isang ipis o langaw sa pamamahay ko."

Gumapang siya paalis sa ilalim ng mesa. Nang makatayo ay humawak siya sa tuktok ng ulo niya at saka yumuko sa lalaking nasa harapan. "Pasensya na po, Sir Damon. Hindi na po mauulit." Nakangiwing sambit niya.

Hindi niya magawa na tingnan ang lalaki dahil sa palagay niya ay nanunuri na naman ang mga tingin nito, na pinakaayaw niya sa lahat ng uri ng tingin sa mundo. Pakiramdam niya kasi ay iba ang sinusuri nito sa kanya na hindi niya mabatid kung ano.

Hindi na 'to muli pang nagsalita at iniwan na siya. Akala niya ay matatawag na naman siya na bobita nito. Mabuti nalang at hindi. Napabuga siya ng hangin at hinawakan uli ang masakit na ulo. Napangiwi siya dahil nakapa niya na mayro'ng bukol 'yon.

Ikalawang araw palang niya at sa dalawang araw na 'yon ay nagalit narin niya 'to ng dalawang beses. Baka mapagalitan pa siya ni Miss Neil pagnalaman 'to.

Bakit kasi bumaba rito sa kusina ang amo niya? Akala niya talaga ay hindi ito lumalabas ng kwatro maliban pagkakain lang.

Mahina niyang kinutusan ang sarili. "Tanga mo naman, Amelia, malamang gusto uminom ng softdrinks kaya bumaba."

Mahina siyang nagpapadyak ng paa dahil sa inis sa sarili. "Kaasar naman, dalawang beses ko na siyang nagagalit." Buong araw niyang dinala ang kahihiyan sa araw na 'yon.

Ngayon ay may bago na siyang idadagdag sa mga dapat niyang gawin simula ngayon, at 'yon ang hindi na galitin o inisin ang amo niya. Hindi na dapat siya makagawa ng bagay na ikakagalit o ikaiinis nito sa kanya. Baka mamaya hindi nito dagdagan ang sahod niya at wala pa siyang makuha na bonus dahil inis sa kanya.

'Sayang ang bonus, Amelia' Aniya sa utak.

Kailangan lang niya magtiis. 'Yong tipong papasok sa tainga ang mga salita nito at ilalabas niya sa kabila. Hindi niya kailangan damdamin dahil walang mangyayari kung gagawin niya 'yon. Hindi na siya makakahanap ng ganito kalaking sahod para sa walang pinag-aralan na tulad niya.

Pumikit siya at pilit na sinisiksik sa utak ang lahat ng pwede maitulong ng trabaho niya sa pamilya niya.

Tama. Para sa pamilya niya na hirap na hirap ay gagawin niya ang lahat. Susundin at tutuparin niya ang mga plano niya.

Siya yata si Amelia. Ang babaeng walang inaatrasan!

MALAKAS na tawa ni Nelson ang maririnig sa buong kusina. Napabusangot nalang siya dahil nagawa pa nito na tawanan siya sa mga ikinuwento niya tungkol sa nangyari kagabi at kanina.

Kanina niya pa gustong-gusto na batuhin 'to ng patatas na hawak niya dahil naaasar siya sa paraan nito ng pagtawa.

"Anong nakakatawa, Nelson?" Hinugasan niya ang mga patatas na dala nito. Naluluha ang mata ni Nelson habang nakatingin sa kanya.

"Wala naman." Medyo nakatawa pa na sabi nito. "Sa sunod kasi pakiayos 'yong palusot."

"Wala na kasi akong maisip na palusot. Saka kahit sino naman kasi matatakot sa amo natin, ikaw hindi ka ba natatakot sa kanya?"

Natigilan ito. "Oo nga, nakakatakot talaga si Sir Damon. Galit man siya o hindi, nakakatakot talaga siya."

"Yan nga ang sinasabi ko sa'yo. Kaya nga nagtago agad ako. Nakakatakot kasi ang amo natin." Pagnaaalala niya kung paano 'to tumingin ay nakakaramdam siya ng kaba.

"Di'ba sinabi sayo ni tita Neil na wag ka magpakita sa amo natin. Dapat kasi nag-ingat ka. Mamaya kainin ka ni Sir ng buhay." Pananakot pa ni Nelson.

Napalunok siya.

"N-Nangangain si Sir ng buhay?" Ito ba ang dahilan kaya hindi dapat siya makita ng amo nila? Kaya ba nagbilin si Miss Neil na wag hayaan na makita o maabutan siya? Dahil isang uri si Sir Damon ng halimaw na kumakain ng tao?

Malakas na tumawa si Nelson. "Namumutla ka, Amelia. Binibiro lang naman kita." Tumigil 'to sa pagtawa at seryoso na tumingin sa kanya. "Hindi siya nangangain ng tao, Amelia. Pero halimaw si Sir Damon sa ibang paraan kaya mag-ingat ka nalang."

HINDI MAALIS sa isip ni Amelia ang sinabi ni Nelson sa kanya.

Halimaw sa ibang paraan? Sa anong paraan naman kaya? Ang akala niya no'ng una ay daig pa ng isang halimaw ang amo niya, pero sa nakikita niya ngayon ay hindi naman pala.

Balewala sa kanya ang pagalitan siya ng pagalitan nito. Ang mahala sa kanya ngayon ay magawa ng maayos ang dapat niyang gawin.

Kailangan na hindi na siya magkamali ngayon. Dahil sa kamay niya nakasasalay ang pangangailangan ng pamilya niya. Siya lang ang maaasahan ng mga 'to kaya hindi siya pwedeng bumigay nalang.

PUPUNGAS-PUNGAS pa siya habang naglalakad papunta ng kusina para uminom ng tubig. Alas dose palang ng gabi kaya antok na antok pa siya. Natigil siya sa paghakbang ng makarinig ng ingay mula sa kusina.

Medyo kabado pa siya na sinilip kung tama ba ang hinala niya.

Nanlaki ang mata niya at napaawang ang labi niya. Tama nga ang hinala niya na ang amo niya ang nasa kusina, ang nakapagpa-awang ng labi niya ay dahil hubad baro 'to!

Sanay na siya na makakita ng mga lalaki na walang suot na pang-itaas mapa-bata man o matanda, dahil sa kanilang lugar ay maraming palakad-lakad na mga lalaki ro'n na walang suot na damit dahil sa mainit na panahon at 'yong iba naman ay feeling matcho.

Pero iba ngayon....

Ngayon lang siya nakakita ng lalaki na maganda ang pangangatawan. May muscles ito sa tiyan na tinatawag ng mga kababata niya na ABS ba 'yon o TABS? Ah basta 'yon na 'yon. Matangkad talaga at matipuno ang katawan ng amo niya.

Masyadong malaki, parang bakulaw.

Napanganga na naman siya ng makita kung paano 'to uminom ng tubig. Umaalon ang lalamunan nito at bawat lagok ay napapalunok siya.

Hinawakan niya ang pisngi niya. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Naiinggit yata siya sa paraan nito ng pag-inom.

Magaya nga 'yon bukas.

Wala ng laman ng ilapag ng amo niya ang baso na hawak sa mesa. Humawak din ang dalawang kamay nito sa gilid ng mesa at parang wala sa sarili na nakatingin sa kawalan. Napansin din niya na pawis ang mukha at katawan nito, maging ang paghinga nito ay mabigat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
hay tlagang hnd marunong umiwas Pasaway Ka tlaga Amelia
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ayan kana naman amelia baka makita ka na naman ng amo mong masungit
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   109. TLBAHM

    [Amelia] PUMIKIT siya habang kinkontrol ang sarili na huwag umiyak. Baka kasi masira ang makeup niya sa mukha. Nakakahiya naman sa makeup artist na nag-ayos sa kanya. Tumingin siya sa reflection niya sa salamin. Hindi maitatago ang kaligayan sa kanyang mukha. "Ang ganda mo, anak." Puri ng nanay niya na kapapasok lang. Nakabihis na rin ito, maging si Amon. "Opo, ate mommy, ang ganda niyo po lalo!" Puri ng anak niya. Ngumiti siya sa nga ito. "Syempre maganda si mommy dahil mana kay nanay." Aniya sabay gulo sa buhok ni Amon. "Di'ba sabi ko sa'yo mommy nalang o mama ang itawag mo sa akin." "Mommy naman, eh! Bakit mo po ginulo hair ko? Hindi na po ako pogi!" Reklamo ni Amon. Pareho silang natawa ng nanay niya. Paano ay ilang araw na nilang napapansin na palaging nakaayos ang buhok nito. Iyon pala ay may kaklase itong nagugustuhan ayon kay Alex. Nagpunta si Amon sa tapat ng salamin para ayusin ang buhok na nagulo. Kandahaba ang nguso nito kaya lalo silang natawa nang nanay

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   108. TLBAHM

    [Amelia]PINUNO muna niya ng hangin ang dibdib bago siya tuluyang pumasok. Ito ang kauna-unahang beses na nagpunta siya dito. Hindi lingid sa kaalaman ni Damon ang ginagawa niya ngayon sa lugar na ito.Naiintindihan niya kung bakit hindi sumama si Damon sa kanya. Maski ang nanay niya, mga kapatid ay hindi rin nagpupunta rito. Sa katunayan ay siya ang kauna-unahang dumalaw sa taong ito.Nag-angat siya ng tingin ng umupo ang lalaki na napakatagal na niyang hindi nakita. Matagal man silang hindi nagkita ay wala siyang nakapa sa dibdib na pananabik, bagkus ay puno siya ng galit at hinanakit.Tila nadoble ang edad ng tatay niya rito sa loob ng kulungan. Wala na ang matikas nitong pangangatawan. Sa sobrang payat nito ay duda siya kung kumakain pa ba ito."Anong nakain mo ang nagpunta ka rito? Nasaan ang nanay mong walang silbi? Masaya ba kayo na wala na ako sa buhay niyo?!" Mabagsik na tanong nito kasabay ng paghampas ng magkaposas na kamay nito sa ibabaw ng mesa na tila gusto pa siyang sak

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   107. TLBAHM

    [Damon]NOONG panahon na buhay pa ang magulang niya ay palaging sinasabi ng mga ito na darating ang araw na titibok ang puso niya at magmamahal ng sobra. Hindi siya naniwala do'n at tinatawanan lang ang mga sasabihin ng magulang niya. Hindi naman kasi siya naniniwala na may babaeng magpapaamo sa kanya. Sa dinami-dami ng babae na nakilala niya ay walang nakapagpatibok ng puso niya.Lalo na ng mamatay ang magulang niya. Sinarado na niya ang puso niya sa lahat—maliban sa kanyang mga kaibigan.Pero katulad nga ng sinabi ng magulang niya ay may babaeng dumating, hindi lang para pasigawin siya, galitin siya, inisin siya, kundi pinatibok din ni Amelia ng mabilis ang puso niya. Natuto siyang magselos na hindi naman niya naramdaman sa ibang babae. Kahit sa kaibigan pa niya ay nagseselos siya."Kuya, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Alex sa kanya. "Y-Yes, ayos lang ako." Sagot niya, kahit ang totoo ay nanginginig ang buo n'yang katawan sa nerbyos. Tatlong buwan na ang nakalipas ng maka

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   106. TLBAHM

    HAWAK niya ang kamay ni Amelia at hindi niya ito binibitiwan. Natatakot siya na baka panaginip lang ang lahat, na baka panaginip lang niya ang pagkagising nito. Nang suriin ito ng doktor ay nakatulog ito dahil sa matinding pagod na nararamdaman ng katawan dahil sa matagal na pagkakahiga. Kaya ngayon ay narito siya sa tabi nito para sa oras na magising ito ay siya ang una nitong makikita. Anim na oras na silang lahat naghihintay na magmulat ng mata si Amelia pero hindi na ito muling dumilat pa. Narito ang pamilya ng dalaga, kasama ang kanilang anak. Ang nanay nito ay umiiyak sa sobrang tuwa, maging ang mga kapatid. Nanlaki ang mata niya ng maramdaman ang pagganti ng hawak ni Amelia sa kanyang kamay, kasabay ng pagmulat nito ng mata. Nakatagilid parin ito ng higa kaya naman kitang-kita niya ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Ang tubo na nasa bibig nito ay inalis na ng doktor kaya nakita niya ang maliit na ngiti na gumihit sa labi nito. Parang bata na napahagulhol siya ng iyak

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   105. TLBAHM

    DAMON looks devastated while leaning against the wall. Magulo ang buhok ng binata at tila wala sa sarili. Limang araw na subalit wala parin response ang katawan ni Amelia. Some of her organs were hit and damaged severely. Tagumpay ang operasyon subalit ang paggising nito ay walang kasiguraduhan.Hindi niya kayang magtagal sa loob ng kwarto kung nasaan ang babaeng mahal na mahal niya. Tila dinudurog ang puso niya sa sakit at anumang oras ay tila mababaliw siya. Paulit-ulit na sinisisi niya ang sarili. Kung dumating lang sana siya agad para iligtas ito. He ran a trembling hand through his hair and began to cry like a child. "P-Please, babe... don't leave me." His sobbing and pleading spread throughout the hallway but he doesn't care. All he have in mind was all about her.Nagsibuga ng hangin ang mga kaibigan ni Damon na nakamasid lang sa kanya. They are right. Damon lost himself again like when he lost his parents and little sister. Mabigat sa dibdib ang ganitong tagpo para sa kanila.

  • THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID   104. TLBAHM

    [Amelia]HINAWAKAN niya ang mukha ng anak. "Pikit ka, Amon." Utos niya sa anak. Nakaalis na sina Cassandra at Frederick. Ngayon ay kailangan nilang lumabas sa ilalim ng mesa kaya inuutusan niyang pumikit ang anak para hindi nito makita ang bangkay sa sahig.Nakahinga siya ng maluwag ng pumikit ang anak. Nang lumabas siya sa ilalim ng mesa ay hinawakan niya sa kamay ang anak para alalayan. Pero naapakan ni Amon ang dugo dahilan para madulas ito."A-Ate mommy!" Malakas na iyak ni Amon ng makita ang dugo na nasa kamay.Tarantang tinakpan niya ang bibig ng anak ng kanyang kamay."Narinig niyo ba? Iyak ng bata 'yon, di'ba?" Ani ng isang tauhan ni Cassandra sa kasamahan. "Oo! Hanapin natin dali!" Sagot ng isa.Kinarga niya ang humihikbi pang si Amon at saka tumakbo palayo sa yabag na papalapit sa kanila. Halos magkatumba-tumba pa siya dahil mahaba ang suot n'yang wedding gown na hindi niya naisipan na hubarin kanina. "Huhuhu, b-bakit po nila tayo hinahabol, ate mommy?" Patuloy sa pag-iyak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status