Share

CHAPTER 3

Author: Kim.arcelle23
last update Last Updated: 2022-10-29 11:49:57

- Reeca -

Napaunat ako ng dalawang kamay ng magising. Napatingin ako sa bintana ng sumilip mula roon ang sinag ng araw. Humihikab ako na napatingin sa orasan. Takte alas-onse na pala ng tanghali. Grabe naman ang pagtulog ko, para akong pensiyonadang palaka. My goshhh nakakahiya kay Farrah.

Bumangon na ako at bumaba ng kama. Pumasok ako sa banyo para maligo para fresh ang mukha. Habang naghihilod ng katawan ay biglang sumagi sa aking isipan ang nangyari kagabi. Shocks! Kaya ako tinanghali ng gising dahil ang tagal kong nakatulog dahil sa kakaisip sa lalaking bisita nina Farrah. Sino kaya iyon? Bakit parang kakaiba ang dating nun? Kaano-ano ng aking kaibigan iyon at ganun na lamang tratuhin nila ang bisita nilang iyon. Pero infairness ang gwapo niya kahit parang matanda na siya tignan. Siguro kung makikita ko pa sa mas malapitan ang lalaking iyon ay tiyak makalaglag panty din yun. Ang gwapo tumindig at ang lapad ng katawan kahit nakasuot ng black formal suit. Hayss. Anu kaya ang pangalan niya?

Napapailing na lamang ako sa aking kabaliwan. Kung anu-ano pa ang tumatakbo sa utak samantalang natakot ako nang mahuli niya akong sumisilip sa bintana. Binilisan ko na ang pagbanlaw sa aking katawan. Nang matapos ay binalot ko ang aking katawan ng tuwalya at lumabas ng kwarto. Pumasok ako sa aking closet at pinili ang sando. Mainit kasi ngayon saka feel ko lang. Nagsuot lang din ako ng pambahay na short. Paminsan-minsan lang naman ako magshort saka okay na ito. Hindi naman bastusin dahil mas se xy pa nga magsuot ng damit si Farrah kahit andito lang sa bahay. Kaya halos hindi nawawala ang lagkit ng mga mata ng kaniyang nobyo na si Jackson dito. Minsan talaga nakakakilig ang dalawang love birds na iyon. Kapag nag-aaway lang minsan ay parang dragon si Farrah.

Matapos ko mag-blower ng buhok ay naglagay ako ng polbo sa mukha. Kunting kilay lang para kilay is life at lip balm para hindi putla. Nang magandahan sa sarili ay lumabas na ako ng aking kwarto.

May ilang kasambahay akong nakasalubong at masayang binati ko sila, binati rin naman nila ako pabalik. Nang makarating sa dining room ay mabilis akong dinaluhan ng ilang kasambahay para ipaghanda ako ng makakain. Hindi sila magkandaugaga sa pag-prepare ng pagkain. Minsan talaga nahihiya ako sa mga ito dahil hindi naman nila ako Amo pero kung ituring nila ako ay para ba akong prinsesa. Palaging alerto kung na saan ako at palaging may naka-ready na pagkain. Kapag nga sumasakit ang ulo halos mataranta ang mga ito at agad na tinatawag si Farrah. Kaya hindi ako nakakalimot magpasalamat sa mga ito dahil mabubuting kasambahay ang mga nandirito. Kaya minsan nakikipag-chikahan din ako sa kanila kahit ba parang ilang na ilang sila sa akin. Mababait kasi silang lahat.

“Manang Dahlia na saan po si Farrah?" tanong ko sa nakakatandang kasambahay na nagsalin ng juice sa aking baso.

“Umalis po ma'am kasama si Sir Jackson. Pero pabalik na rin po iyon." sagot nito sa akin.

“Ah okay. Kumain na po ba kayo?"

“Nako kanina pa po kami kumain. Mamaya tanghalian ay kakain na muli kami." nakangiti ito sa akin.

“Sumabay na po kayo sa akin. Halika kayo" tawag ko sa tatlong kasambahay na nakatayo sa bandang dulo ng mahabang table.

“Nako ma'am hindi na po busog pa po kami"

“Salamat po sa alok ma'am Reeca pero tapos na po kami."

“Wag mo kaming intindihin. Kumain ka na po ma'am"

Napangiti na lamang ako sa kanila. Sabagay palaging ganito, kahit anung alok ko sa mga ito ay never pang sumabay kumain ang mga ito sa akin. Nagpasalamat na lamang ako sa kanila. Matapos kong kumain ay maliliksi ang mga kasambahay na para ligpitin ang pinagkainan ko.

Lumabas ako ng dining room at naglakad palabas ng bahay. Marami pa rin ang bantay sa paligid at may matataas pang mga baril sa katawan. Ang tindi talaga ng security ng mansiyon nila Farrah at Jackson. Sanay na rin naman ako sa kanila na nakikitang ganun ang get up nila. Ang astig lang nila tignan.

Pumunta ako sa patio dahil favorite place ko ito. Ang dami pang mga bulaklak kahit may garden sa likod bahay. Umupo ako sa malambot na sofa ay niyakap ang throw pillow. Kinuha ko ang aking cellphone at para mag-scroll sa aking faceb*ok . Ilang minuto akong nakangisi habang natutuwa sa mga nakikita ko nang biglang may nag-notif sa screen. Message request iyon.

Hindi ako mahilig magbasa ng messages o magreply man lang dahil hindi ko naman sila kilala. Pero kung minsan kasi baka mga kakilala ko ang mga iyon bago pa ako mawalan ng alaala. Kaya ini-stalk ko muna. Hanggang stalk lang ang ginagawa ko lalo pa at hindi ko sila kilala. Madalas din ipaalala sa akin ni Farrah na wag akong magre-reply sa mga hindi ko kilala. Agad akong nagpunta sa messenger para basahin ang message na iyon.

*Rona Dominguez*

~ Hi Reeca! Ikaw na ba ito? Sana ikaw na ito. Ako to ang bestfriend mo si Rona. Kung nagtataka ka sa apelyido ko dahil kinasal na kami ni Juney. ~

~ Apat na ang anak ko Reeca. Kung nakikita mo sa profile picture ko. Saan ka na ngayon? Ang tagal na nating hindi nagkikita. Namiss kita sobra. ~

~ Ang dami kong gusto sabihin at itanong sa iyo. Please sana magreply ka. ~

Napanganga ako sa aking binasa. Pilit kong inaalala kung may kakilala o kaibigan ba ako na ang pangalan ay Rona. Maya-maya pa ay parang may pumitik sa aking utak. Kaya napahawak ako sa aking noo. Gosshh! Sumasakit na naman ang ulo ko sa tuwing pinipilit kong may alalahanin sa aking nakaraan.

“Ahh!" nabitawan ko sa aking kandungan ang hawak kong cellphone at nahulog sa aking paanan ang throw pillow.

“Reeca!" malakas na boses ni Farrah.

Kahit masakit ang ulo ko ay napaangat ako ng tingin at nakita ko na patakbong lumalapit sa akin si Farrah. Ang bilis nito at palaging to the rescue.

“What happened?" nag-aalalang tanong nito sa akin.

Umupo ito sa aking tabi at hinawakan nito ang aking ulo at magaan na minsahe. Madalas nito iyon gawin. Dahil yun na rin ang payo sa akin ni Dra. Ramirez para gumaan ang aking pakiramdam. Nang maginhawaan ay sinuklay ng kanay nito ang mahaba kong buhok.

“May naalala ka na naman ba?" tanong nito sa akin.

Napatingin ako sa aking kaibigan.

“May nag- message sa akin." mahina kong salita.

“What ?"

Agad nitong kinuha sa aking kandungan ang cellphone ko. Wala namang password kaya mabilis niyang nabuksan. Salubong ang magandang kilay nito at ilang sandaling tahimik.

“Kilala mo rin ba yan Farrah? Isa ba yan sa bestfriend natin?" tanong ko dito.

Umangat ang ulo nito sa akin. Tinitigan ako at parang ang lalim ng iniisip.

“Hindi. Hindi natin yan kilala. Wag mong rer-replyan yan at baka scammer"

“Scammer?" pagtataka ko.

“Oo , Kaya wag kang basta-bastang magre-reply sa mga ganito."

“Okay."

“Anung inalala mo at sumakit ang ulo mo?" Nakatitig ito sa akin.

“Nang mabasa ko ang pangalan niyang Rona. Parang may narinig na akong Rona dati. Hindi ko lang alam kung saan. Pero parang pamilyar." sagot ko at napatulala sa kawalan. Muli ay parang may pumitik na naman sa aking noo. Kaya bahagya akong napapikit.

“Don't force yourself to think about the things you can't remember, you will hurt even more"

“Sa totoo niyan Farrah, nanaginip ako nung mga nakaraan na mayroon daw akong bestfriend. Hindi ko maalala ang mukha at pangalan niya pero bata palang kami ay magkasama na kami. Tapos merun pa, parang nasa bahay ampunan kami kasi may nakita akong mga madre. Para siyang totoo pero panaginip lang iyon.

”Ilang beses mo napanaginipan ang mga iyon?"

“Maraming beses na rin. Hindi ko na naku-kwento sa iyo kasi hindi naman sumasakit ang ulo ko. Ang weird lang kasi parang totoo ang nasa panaginip ko." bahagya akong napangiti.

“At merun pa pala!" pagpapatuloy ko.

“May napanaginipan din pala akong nagta-trabaho ako sa isang restaurant bilang waitress" . napakamot ako sa aking pisngi. Pati kasi iyon ay napanaginipan ko pa ang weird talaga. Kahit anu na lang kasi napapanaginipan ko.

“Are you okay now?" tanong nito sa akin at hindi na pinansin ang mga sinabi kong kawirduhan.

“Okay na ako." nakangiti ako sa kaniya.

Napabuntong hininga na lamang ito sa akin. Parang ang lalim ng iniisip ng aking kaibigan.

“Saan ka galing? Tinanghali kasi ako ng gising eh."

“May pinuntahan lang kami saglit ni Jackson"

“Ahh" tumango na lamang ako.

“Sino yung mga bisita niyo kagabi?" tanong ko ulit dito.

Mabilis itong napalingon sa akin at parang nagulat.

“How did you know?"

“Napasilip kasi ako kagabi sa bintana. Ang dami mong bodyguards na nakahilera. Tapos may bumaba dun. Nakita pa nga kitang nag-bow sa lalaking bisita niyo. Uncle mo ba iyon?" napakagat labi pa ako habang sinasabi ko iyon.

“What? He ll no. Hindi ko siya uncle."

“Ay ganun. Mukhang matanda na kasi"

“Oh sh it, kapag narinig ka niyang sinabihan mo siyang matanda yari ka sa kaniya Reeca!" nanlalaki ang mga mata nito sa akin.

“Huh? Bakit naman? Saka di naman niya ako kilala bat ako matatakot sa kaniya" labas sa ilong kong salita. Ang sinungaling ko, samantalang nang mahuli niya akong sumisilip ay halos tumalon pati kaluluwa ko kaya hindi ako nakatulog.

Napapailing na lamang ito sa akin.

“Nakita mo ba siya ng malinaw kagabi?"

“Hindi. Malabo din mata ko eh."

“Yun naman pala eh. Tapos sasabihin mong matanda na yung tao." palatak nito sa akin.

Nagkatinginan kami sa isat-isa at sabay na natawa. Pero nagsalita ulit ito.

“Tara na sa loob"

“Sige"

~~~~~~~~~~

“Reeca sa tingin mo kaya mong magtrabaho sa papasukan mo?" tanong nito sa akin habang tinutulungan ako nitong maglagay ng ilang gamit sa aking maleta.

“Oo naman. Parang wala ka naman bilib sa akin bff!" nakaingos ko dito.

“Let her do what's she want to do. As long as she doesn't get hurt" biglang pasok ni Jackson sa pintuan.

Nakatikwas ang kilay ni Farrah sa pagbilang bungad ng kaniyang nobyo.

“Oh bakit ka andito? Akala ko ba may lakad kayo ng boss mo"

He just shrugged his shoulders at parang tinatamad na umupo sa aking kama.

“Dito muna daw ako." simpleng sagot nito.

Parang gusto kong matawa sa itsura ng mukha ni Farrah. Ayaw kasi nitong nasa paligid lang palagi ang kaniyang nobyo dahil palagi nitong pinapakialamanan ang mga desisyon ni Farrah. Madalas itong salungat sa kung anung sasabihin ni Farrah pero sa huli ang aking kaibigan pa rin naman ang nagwawagi.

“Bukas ba ay magsisimula na ako Farrah?" tanong ko sa aking kaibigan na nakabusangot ngayon. Umirap muna ito sa kaniyang nobyo bago humarap sa akin.

“Next year na lang kaya."

“Anu?" mulagat ako sa sinabi ni Farrah.

Mahinang bumulong si Jackson na hindi ko naintindihan ang sinabi.

“Wag ka na lang tumuloy dun. Dito ka na lang at mamuhay ng payapa. Mas okay dito."

“Farrah!" sabay naming bigkas ni Jackson.

Itong kaibigan ko talaga ay may something din kung minsan sa pag iisip. Bakit kaya ayaw nito akong magtrabaho at gusto akong dito na lang itira sa bahay nito. Kung sa ibang pagkakataon pa siguro ito ay baka matagal na akong pinalayas dahil naging palamunin na ako at nag-feeling mayaman pa.

“Bakit ba?" masamang tingin ang ibinigay nito sa kaniyang nobyo.

Umiling iling na lamang si Jackson at pasimpleng kinuha nito ang kaniyang cellphone.

“Basta siguraduhin mong hindi ka mapahamak dun. Kundi yari sa akin ang mang-aapi sa iyo doon" parang nanggigigil nitong salita.

Hindi ko alam bakit parang galit na galit itong si Farrah na baka ako ay mapahamak.

“Wag kang mag-alala pagbubutihin ko ang paglilinis ng bahay sa magiging Amo ko."

“What did you say?" singit ni Jackson at kunot noo na tumingin sa akin.

“Bakit hindi mo ba alam na kasambahay ang magiging trabaho ko dun?"

“What the--? Honey anu ang sinabi mong trabaho sa kaniya?" nagtataka ang mukha nito.

Nagkatitigan ang dalawang love birds at nag salita sa ibang lenggwahe na sila lang ang nakakaalam at ako naman ay parang alien sa aming tatlo. Nagkibit balikat na lamang ako at nilagay ang ilang mga abubot sa aking pouch para naman may pampaganda akong dala sa aking pagtatrabahuan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Meriam V. Castillo
kasambahay talaga trabaho mo baka nman sa bhay ka ni Nicolai
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE MAFIA LORD: Beautiful Nightmare   CHAPTER 14 HOT SPG!!!

    ~ Reeca ~Nagising ako mula pa kanina ng binuhat ako ng malakas na mga kamay ni Sir Vrikzor. Nakaidlip lang naman ako, pero hindi ko namalayan na pinag-uusapan na ako mag-aama. Kung tudo ako na wag gumawa ng mga bagay na mapaghalataang gising ako at baka ibalibag na lamang ako basta ni Sir Vrikzor. Sa katunayan nga niyan, para akong dinuduyan sa sobrang sarap ng pakiramdam. Ang bango-bango pa ni Sir pakiramdam ko ay gustong magwala ng lahat ng hormones ko sa katawan. Kung totoo nga ang sinasabi nito na ako ang kaniyang asawa ay wish ko lang, ayaw ko ng magising dahil baka maglupasay ako sa sama ng loob. “I know you were awake Honey Babe." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabing iyon ni Sir Vrikzor. Jusko kung kanina ay feel na feel ko ang sarap ng katawan ni Sir Vrikzor ngayon ay naglaho na nga. Napadilat ang mga mata ko. “Oh F**k!"“Ahh Sir sorry po!" hinging paumanhin ko nang bigla kong masampal sa kanang pisngi si Sir Vrikzor. “Babe" paos ang boses ni Sir Vrikzor ha

  • THE MAFIA LORD: Beautiful Nightmare   CHAPTER 13

    - Reeca -“Mommy wake up na ikaw." Isang boses ng anghel ang namulatan ko ngayon. Medyo hilo pa ako pero pinilit kong minulat ang mga mata ko.“N-neeca" “Mommy!" biglang sigaw ng bata. Nakaupo pala ito sa aking kinahihigaan kaya ang bilis lang nito na yakapin at pugpugin ng halik sa aking buong mukha.“Nagugutom ka na ba ngayon?" pag-aalala ko dahil baka nagugutom na ito at ito ako ngayon nakahiga at mukhang inatake na naman ata ng sakit ko. “Yes Mommy. We eat na po." sagot naman nito s sakin habang sinisipat ang buong mukha ko.Teka anu bang nangyari sa akin kanina? Nag-iisip ako ng biglang bumukas ang pintuan ng aking silid. Pumasok mula roon si Cecil at ang dalawa pang kasambahay na may bitbit na mga pagkain. Bumangon ako kahit na nakayakap na parang tuko sa akin si Neeca. Napansin ko na may table na pinasok sa kwarto ko at may apat na upuan. Ngumiti sa akin si Cecil na halata sa mukha ang pag-aalala ngunit yumuko na ito at tumalikod na habang nakasunod sa kaniya ang dalawa pan

  • THE MAFIA LORD: Beautiful Nightmare   CHAPTER 12

    ~ Reeca ~Sa paglipas ng mga araw, ngayon ko talaga napagtanto na parang may kakaiba, parang may mali sa paligid. Hindi ako matalino at magaling sa lahat ng bagay at inaamin ko iyon, pero may common sense naman ako. Iba talaga ang trato sa akin ng ibang maids dito. Hindi nila ako magawang makausap na para bang natatakot sila sa akin lalo pa kung andito kung minsan si Sir Vrikzor. Ang tanging nakakausap ko lang ay ang mayordoma na minsan ko lang din naman makausap lalo pa at namamahala ito ng buong kabahayan. Tanging si Cecil lang ang mapagkakatiwalaan ko, siya lang din ang bukod tanging kakwentuhan at katawanan ko. Hindi naman kami sinasawa ni Sir Vrikzor kapag nakikita kaming nag-uusap ni Cecil. Mukhang ayos lang naman kahit iisa lang ang expression ng mukha. Sabado ngayon at kakatulog lang nang hapon na ito si Neeca, habang nasa sariling kwarto rin si Zor at nagpapahinga. Sakto naman na umalis si Sir Vrikzor kasama nang napakarami nitong bodyguards na naka-black suit pa. Marami nama

  • THE MAFIA LORD: Beautiful Nightmare   CHAPTER 11

    Naanlipungatan ako ng makarinig ng mga mahihinang pag-uusap. Hanggang sa isang malakas na tili ng isang batang babae. It's Neeca.Napakurap ako saglit hanggang sa paunti-unting minumulat ang aking mga mata.“Yay my Mommy is waking up!" malakas na tili ni Neeca.Halos lumubog ito sa malambot na kama nang lumundag ito at pagapang na lumapit sa akin.“Mommy Goodmorning." malambing na tumabi ito si Neeca sa akin at niyakap ako ng kaniyang maliliit na mga braso. Naka-pajama pa rin ito.“Neeca? Goodmorning din" “Are you okay now Mommy? Daddy said you are sick daw po. Am i too much makulit Mommy kaya sick ikaw?" malungkot ang boses ni Neeca pati ang magandang mukha nito ay bakas ang pagkalungkot habang hinihimas nito ang buong mukha ko. “No baby. Super mabait ka. Hindi ka makulit. At saka wala naman akong sakit eh." kahit medyo antok at paos pa ang boses ko ay napaingos ako dahil wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa katawan ko bukod sa parang ang haba ata ng itinulog ko.“Are you oka

  • THE MAFIA LORD: Beautiful Nightmare   CHAPTER 10

    - Reeca -Kinahapunan, ay kompleto ang mag-aama sa malaking lamesa. Nahihiya man ako at gusto kong tumanggi makisabay dahil pakiramdam ko ay saling pusa lang ako. Pero ang bawat salita ni Sir Vrikzor ay parang may kapangyarihan kung kaya mabilis akong napasunod. Kung anu ang pwesto namin nung unang beses na kumain ako rito ay ganun muli kami ngayon, siguro sanayan na lang.Sobrang napakasarap ang nasa hapag kainan, nakakalaway naman talaga. Hindi ito puro lutong pinoy dahil puro meat at vegetables ang nasa hapag na napapanood ko kung minsan sa videos at movies. Ang dalawang bata naman ay tahimik na kumakain, at napaka ayos nila tignan. Tulad ng kanilang Daddy na parang hari kung kumilos. Ako naman ay isang mutsatsa na napasama sa pamilyang ito. Kahit gustong-gusto ko sulyapan si Sir Vrikzor ay nahihiya naman ako at baka mahuli na naman ako nitong tumitingin. Sa katunayan nga niyan kapag may pagkakataon na nakatalikod ito o kaya naman may ginagawa at hindi nakatingin sa

  • THE MAFIA LORD: Beautiful Nightmare   CHAPTER 9

    - Reeca -Malakas akong napasinghap ng apakan ng bruhang babae ang paa ko. Kaya napaangat ako ng ulo at masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya pero tumalikod na agad ito matapos ilapag ang dalang juice at dalawang babasaging baso at walang pakialam na nauna pang naglakad ito kaysa sa kasama nito.‘G*go yun ah.' nagngingitngit ang aking kalooban habang sinusundan ko na lamang ang mga ito ng tingin. Napatingin ako sa aking paa na bahagyang namula. Yumuko ako at pasimpleng tinanggal ang dumi na naiwan pa sa sapatos ng bruha na inapakan. “Are you okay Mommy?" nakayuko itong nakatingin din sa paa ko.“Wala nadumihan lang." ngumiti ako rito. Nagliwanag naman ang mukha ng magandang bata. “Can we eat this?" sabay turo nito sa sandwich na nakabalot pa sa tissue ang dulo para hindi marumihan kapag hahawakan.“Sure" kumuha ako ng isang sandwich at ibinigay rito. Masayang masaya naman ako habang pinagmamasdan ko ang magandang mukha ng batang ito. Ang swerte nam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status