Share

CHAPTER 4

- Reeca -

I woke up early morning to prepare my self. Lunes ngayon at ngayong araw na ring ito ay ihahatid ako ni Farrah at Jackson sa magiging amo ko bilang isang kasambahay. Dapat nung nakaraan pa ako hinatid pero marami daw gagawin si Farrah at hindi niya ako maihahatid. Ang sabi ko nga ako na lang ang pupunta at ibigay na lang address ay ayaw naman at baka daw maligaw lang ako dahil hindi daw napupuntahan ng kung sinung-sino simpleng tao ang lugar na pupuntahan ko.

“Bakit ang dami mong dalang gamit? Parang ayaw mo nang bumalik pa rito ah" salubong ang mga kilay ni Farrah sa akin na para bang hindi nagustuhan ang nakikita habang nakatingin sa malaking backpack ko at malaking maleta. Parang mag-aabroad ang datingan ko.

Nagkibit balikat lamang ako.

“Wala lang, gusto ko lang." tipid na ngumiti ako.

Umikot lang ang mga nito sa akin na parang wala ng magagawa.

Mabilis na lumapit sa akin ang dalawang bodyguards at kinuha ang backpack ko at maleta at sabay na lumabas.

Paglabas namin ay nakita ko sa driver seat si Jackson naka-shades pa ito ng black at may earpiece sa kaliwang tenga. Napalingon ako sa paligid dahil naka-ready rin ang tatlong sasakyan na itim na mukhang back-up pa namin.

“Farrah ang awkward naman, kasama pa ba ang mga yan" nakanguso ako sa mga taong naka-itim.

“Obvious ba?"

“Ang gara naman. Ihahatid niyo lang naman ako sa magiging amo ko. Hindi dadalhin sa palasyo" napakamot ako sa aking ulo.

Humarap sa akin si Farrah na seryoso ang mukha.

“Ito lang ang masasabi ko sayo Reeca. Maging matapang ka at lumaban ka kung kinakailangan. Kung anu ang sasabihin ni Master sa iyo ay sundin mo. Sa kaniya ka lang makikinig okay?"

Nagulat ako sa sinabi ni Farrah. Bakit parang kakaiba at may laman ang sinasabi nito.

“Sinong Master?"

“Your Boss"

“Bakit parang tinatakot mo ako Farrah kaya sinasabi mo yan?"

“Because you need to know it. At yang binigay ko sa iyong cellphone ay dapat wag mong iiwan sa katawan mo okay? Once na may nakaaway ka ay tawagan mo agad ako at susugod ako." matapang na sabi nito.

“Naguguluhan ako sayo Farrah!"

Napailing na lamang ito sa akin.

“Pumasok na tayo sa loob dun ko ipapaliwanag" hinawakan ako nito sa aking kamay at sabay na naglakad.

Agad na binuksan ng isang bodyguard ang pinto ng kotse at inalalayaan akong mauna makapasok at panghuli si Farrah. Nang makapag- seatbelt ay agad na pinaandar ni Jackson ang kotse. Ang sasakyang ito ay bullet proof na para bang sasakyan ng isang presidente.

“Ilang oras tayo makakarating dun?" panimula ko.

“Almost three hours" Jackson answered.

“Ahh" marahan akong tumango. Ang tagal pala ng biyahe. Mukhang makakatulog pa ata ako sa tagal.

“Come here" nagsenyas ng kamay si Farrah para lumapit ako sa kaniya.

Umusog ako paharap sa kaniya. May kinuha itong rectangular shape na kulay blue box. Binuksan nito iyon at kinuha ang kwintas na nasa loob. Manipis lang ang kulay rose gold ng necklace at may maliit na bilog na pendant.

“For you"

Nanlalaki ang aking mga mata sa sinabi ni Farrah sa akin. Bakit naman ako nito bibigyan ng kwintas , alam naman nitong hindi ako mahilig sa mga burloloy sa katawan bukod sa relos.

“Nako wag na" pagtanggi ko.

“No, kailangan mo ‘to."

“Hindi ko kailangan yan Farrah. Magtatrabaho ako dun bilang kasambahay. Hindi magmo-model"

“Tsk. Wag ka na maraming salita isuot mo na ito"

Agad na hinawakan ako ni Farrah sa aking balikat kaya wala na akong nagawa ng basta na lamang niya sinuot sa aking leeg ang necklace.

“Para saan ba to?" napanguso na lamang ako.

“Gift ko sayo."

“Gift? Hindi ko naman birthday"

“Basta. Anyways ipapaalaala ko lang sayo na magiging Nanny ka at hindi na kasambahay."

“Anu?" pagtataka ko.

“Kailangan daw ni Master ng bagong Nanny sa dalawang anak niya."

“Bakit ka pumayag? Hindi naman ako marunong mag-alaga ng mga bata." nawindang kong salita dito.

“Yun kasi ang available. Saka kaya mo yun. Para naman matuwa ang mga bata at may bagong mag-aalala na sa kanila." Umayos ng pagkakaupo si Farrah at pasimpleng kinuha nito ang IPad.

“Ilang taon na ba ang mga bata?"

“Si Zor is five years old and Neeca is three years old."

Parang biglang may gumuhit sa aking isipan at kumabog ng malakas ang aking dibdib ng marinig ko ang dalawang pangalan na binanggit ni Farrah sa akin.

“Okay." simpleng tango ko.

“Dont worry, mababait at matatalino ang mga bata. Hindi mo na nga alagain si Zor. But Neeca is a Daddy's girl." napalingon ako sa sinabi ni Farrah.

“Siguro magandang mag-alaga ang mag-asawa sa mga anak nila." bulalas ko.

“Master is always busy but he make sure that he can still have a time for his kids. Even looking at her lovely wife is one of his top priority." singit ni Jackson.

“Jackson!" angil ni Farrah sa kaniyang nobyo.

“What? Give her some hints. Gusto mo ako na lang ang magku-kwento ---”

“Stop! Ako na magsasalita kesa sayo at baka kung anu pa ang masabi mo."

Ako naman ay natahimik na lamang sa usapan ng lovebirds. Madalas talaga ay mga weird ang mga ito.

“Master's name is Nickolai Vrikzor Straugher. He is our Boss too."

“Boss?" gulat ko sa sinabi ni Farrah.

Marahan na tumango si Farrah.

“Yes, Kaya wag kang mag-alala dahil hindi ka mapapahamak dahil kilala namin si Master. He is good but dangerous"

“Paano mo nasabi?" tanong ko.

“Basta, anyways idlip ka muna para pagdating natin dun ay may lakas ka."

Nakatingin lamang ako sa aking kaibigan habang ito naman ay nagta-type sa kaniyang IPad. Inayos ko na lamang ang aking sarili para umidlio dahil mahaba-habang byahe pa naman ito. Sayang din naman kung di ko pa tulugan. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pagbikat ng talukap ng aking mga mata.

Napabalikwas ako ng bigla na lamang nauntog ang ulo ko sa likod ng upuan ng biglang kumabig ng malakas si Jackson sa minamaneho nitong sasakyan.

“F**k! Bilisan mo Jackson!" malakas na sigaw ni Farrah.

Halos lumuwa ang aking mga mata ng makita ko ang hawak ni Farrah na 45 caliber sabay hagis kay Jackson. Habang ang aking kaibigan naman ay may hawak na ng baril.

“Oh God!" malakas akong napatili ng marinig ko ang malalakas na putok ng baril na nagpaulan sa aming sinasakyan.

“Yumuko ka Reeca, don't worry dahil bullet proof itong kotse natin." matapang na sabi ni Farrah.

Maliksi akong sumunod at yumuko rin. Pero nakita ko pa na nagbukas ng bintana si Farrah at nilabas niya ang kaniyang kamay at walang takot na pinagbabaril ang kung sino mang kaaway nito.

Pakiramdam ko pati paghinga ko ay nakalimutan ko na dahil sa pangyayari. Nanigas ako sa aking pagkakayuko habang nakatakip ang magkabilang kamay ko sa aking mga tenga at matinding napapikit dahil ayaw ko ang nakikita ko sa ginagawa ni Farrah.

*Oh God. Anu po ang nangyayari? Iligtas mo po kami sa kapahamakan.* piping dasal ko.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Jackson ng kotse at kulang nalang ay lumipad kami. Wish ko lang sana ay wala kaming makasalubong na mga malalaking truck at baka bigla kaming mategi. My goodness, kung hindi kami mapapahamak sa bumabaril sa amin ay sa kabanggaan naman kami matuluyan. Gosh! Anu ba itong iniisip ko. Masiyadong negative eh ayaw ko pa syempreng mag- goodbye earth, Hindi pa nga ako nagkaka- jowa man lang.

“Its okay now Reeca" biglang tapik sa akin ni Farrah.

Napaangat naman ang aking mukha pero bakas pa rin ang matinding takot dahil sa pangyayari.

“Farrah" maluha-luha kong salita sa pangalan nito.

“Shhh it's okay. Wala na sila dahil pinaiwan ko na sa mga tauhan ko." yumakap sa akin ang aking kaibigan.

“Peeo anu ba ang nangyari?" naguguluhan kong tanong. Takot na takot pa rin kasi ako.

“Its just a weak enemies. Mga mahihinang nilalang."

Paunti-unti akong umayos ng pagkakaupo. Napatingin sa bintana na may bakas ng bala ng baril pero hindi naman natuluyang nabasag.

“Okay we will go straight to Master." napatingin ako sa pagsasalita ni Jackson na nakahawak pa ang isang kamay nito sa earpiece.

Binigyan ako ng isang bottled water ni Farrah kaya kinuha ko iyon. Nanginginig pa ang aking mga kamay habang umiinom ng tubig. Habang ang dalawang kasama ko naman ay naging tahimik. Si Farrah na may ay mas lalong tumindi ang pagtipa sa kaniyang IPad.

Pinilit ko na lamang na ipikit ang aking mga mata kahit na para pa rin akong lutang ng sandaling ito. Hindi ako maka-move on sa nangyare.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Meriam V. Castillo
ay update na Ang ganda
goodnovel comment avatar
Meriam V. Castillo
halla Ms A ang ganda Ng story, feeling ko Anak nya Yung 2 bata
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status