Share

CHAPTER 2

Author: Kim.arcelle23
last update Last Updated: 2022-10-28 08:53:36

- Reeca -

“Everything's normal Ms. Abenejo. Nakikita ko rin ang pag- progress ng mga galaw mo, at ang panaginip mo na paulit-ulit mong nakikita ay sa tingin ko ay paunti-unti mo nang tinatanggap sa sarili mo that's why you handled it very carefully." nakangiti sa akin si Dra. Ramirez.

“Salamat po ng marami Doc, sa tingin ko kaya ko na talaga ang mag-trabaho para hindi na nakakahiya kay Farrah." sumulyap ako sa aking kaibigan na nasa aking tabi.

She rolled her eyes.

“Anung nakakahiya? Mas nakakahiya siguro kung di kana gumaling dahil ayaw mong tulungan ang sarili mong gumaling. Remember" pinag-krus pa ni Farrah ang magkabilang braso nito payakap sa kaniyang sarili.

Tumawa lamang si Dra. sa aking kaibigan. Mabuti na lamang at sanay na sa aming dalawa si Dra kahit madalas akong pagalitan ni Farrah. Minsan kasi talaga matigas at makulit ako. Mabuti na lamang talaga may bestfriend akong kayang sakyan ang minsan kong kabaliwan at may pagkalutang din.

Matapos nang ilang pang pag-uusap ay nagpaalam na kami. Sakay sa magandang kotse ni Farrah. Nasa dulong bahagi kami nakaupo habang ang driver at isang bodyguard ang nasa unahan. Merun din kaming back-up bodyguards na ang dalawa ay nasa unahan at tatlo Naman ang nasa hulihan nang aming sinasakyan. Daig pa ang presidente ng pilipinas. At ako ang alalay ni Farrah. Nakakatawa lang kasi palaging ganito ang eksena namin sa tuwing sinasamahan ako ni Farrah.

Huminto kami sa isang sikat na fastfood chain para kumain dito sa jollibee. Kapag ganitong kainan na ay talagang nawawala na ang hiya ko sa katawan. Kain lang ako ng kain, kasama din namin ang lahat ng bodyguards ni Farrah.

“Farrah sa tingin mo mabait ang magiging Boss ko?" tanong ko sa aking kaibigan habang kagat-kagat ang malutong na manok.

Napataas ang isang kilay ni Farrah habang sumusubo ng spaghetti.

“Mabait siguro. Depende kung paano mo aayusin ang trabaho mo sa kaniya syempre mabait yun sa iyo. Eh kung palpak aba'y natural lalabas ang ugali nun." sabay kibit balikat itong sagot sa akin.

“Sana mabait siya Farrah, Saka pagbubutihin ko ang pagtatrabaho para makaipon ako. Balak ko kasing magtrabaho sa ibang bansa"

“What?!" napalakas ang boses ni Farrah h

halatang nagulat ito sa aking sinabi. Nabitin tuloy ang sinusubo nito. Napatingin tuloy sa aming gawi ang ilang mga kumakain maski ang ibang mga bata.

Napatikhim tuloy ako.

“Shhhh ang lakas naman ng boses mo." mahina kong bulong na alam ko namang abot ito sa kaniyang pandinig.

“Eh ikaw kasi Reeca! Pabigla-bigla ka ng sinasabi. Bakit gusto mo mag-ibang bansa?" parang bigla itong nakonsume dahil sa aking sinabe.

“Bakit ba bawal na ba? Gusto ko makaipon para sa future ko. Syempre gusto ko rin makaranas ng maayos na buhay, yung pinagpaguran ko talaga. Kaya balak ko sa ibang bansa magtrabaho yung malaki ang sweldo, malay mo mahanap ko dun ang the one ko - Afam." sabay inom ko ng coke.

Namilog ang mga mata ng aking kaibigan at napaawang ang bibig, ilang sandali muna itong nakatitig sa akin at parang nahimasmasan Kaya mariin na tumingin sa akin si Farrah na para bang marami siyang gusto sabihin.

“Ayaw mo ba sa bahay mag- stay na lang?"

“Syempre gusto ko, nasanay na nga ako sa bahay mo eh kasi lahat ng mayroon sayo ay mayroon din sa akin. Feeling ko nga para akong prinsesa, pero syempre hindi naman ganun kakapal ang mukha ko Farrah, at alam ko ang limitasyon ko. Hindi ako habang buhay nakatira sa inyo ni Jackson. Inampon niyo lang ako. Kaya once na magkaipon ako at makapag-trabaho sa ibang bansa, hindi ko kayo makakalimutan ni Jackson." mahabang paliwanag ko.

Nakatitig ito sa akin at nakita kong pasimpleng humaplos ito sa kaniyang kaliwang tenga. Ngayon ko lang din napansin na may earpiece itong suot. Nakalugay kasi ang mahabang buhok nito kaya natatakpan ang magkabilang tenga.

“Gusto mo na bang mag-asawa?" tanong ni Farrah at pinagpatuloy na ang kinakain.

“Hmmm di naman, bata pa ako. Gusto ko lang mag-enjoy sa buhay. Para kasi akong nakulong nang napakahabang panahon matapos ko maaksidente. Gusto ko maalala kung ano ba pinaggagawa ko six years ago." napadighay na ako sa huling lagok ko ng coke.

“Eh pa'no mo nasabing gusto mo ng Afam?" mapilit na tanong ni Farrah.

Itong si Farrah talaga ay makulit, kailangan may matinong sagot sa lahat ng katanungan. Kapag hindi ko naman masyado sinasagot ng maayos ay hindi ako tinatantanan kaya no choice ako kundi magsalita.

“Wala trip ko lang, para maganda ang lahi?" parang gusto ko humalakhak nang makita ko ang disgusto sa mukha ng aking kaibigan.

“Alam mo Reeca, siguro kailangan na nating umuwi at kung anu-ano ang mga pinagsasabi mo. Baka kapag nainis ako sa iyo ay ibalik kita kay Dra. Ramirez." malakas na umirap ito sa akin.

“Galit ka na nyarn?" pang-aasar ko dito.

“Whatever".

~~~~~~~~~~

Kasalukuyan kaming nanood ng movie ni Farrah ngayong gabi. Tamang kain pa ako ng popcorn habang nakataas pa ang dalawang paa ko sa glass table na para bang ako ang may-ari ng buong kabahayan. Si Farrah naman ay nakade-kwatro na nakaupo at yakap-yakap ang throw pillow.

“Ms. Farrah!"

Sabay kaming napalingon sa malakas na boses tumawag kay Farrah. Isa ito sa bodyguard dahil naka- all black ito at may earpiece.

Hindi nagsalita ang aking kaibigan, pero nakita ko sa mga mata nito ang pagsenyas bilang pagtango.

“Dito ka muna Reeca, or kung gusto mo mauna ka nang umakyat ng kwarto mo para makapagpahinga ka na."

“Sige" sagot ko.

Sinundan ko na lang siya ng tingin papalayo at lumabas siya kasama ng kaniyang tauhan. Ako naman ay binalik ang mata sa tv at pinagpatuloy ang pagkain ng popcorn.

Matapos ang 30 minutes ay hindi pa rin bumabalik si Farrah. Nawalan na rin ako ng gana manood kaya tumayo na ako at pinatay ang tv. Napansin kong may lumapit sa aking kasambahay.

“Ako na po bahala ma'am. Umakyat na daw po kayo sa kwarto ninyo"

“Sige salamat" nginitian ko ito at iniwan na ang natirang pagkain.

Nang makaakyat sa hagdan ay nagpalinga-linga ako maski sa baba ay tumingin ako kung makikita ko ba si Farrah pero wala talaga. Sabagay palagi naman niya kasi iyon ginagawa. Pumasok ako sa aking kwarto at napatingin sa wall clock. It's already 10 in the evening. Mabuti na lang at nakapag shower na ako kanina bago kami manood ng movie ni Farrah. Kaya magto- toothbrush na lang ako. Pumasok ako sa banyo at mabilisang sepilyo lang ang ginawa ko.

Matapos ang ilang sandali ay pinatay ko na ang ilaw ng sa aking kwarto, at pasimple akong lumapit sa bintana. Ito madalas ang ginagawa ko sa gabi dahil para hindi napapansin sa baba sa labas ng bahay na sumisilip ako. Dahan-dahan kong hinawi ang makapal na kurtina at maliit lang na siwang ang ginawa ko para hindi ako mapansin. Nakita ko ang maraming bodyguards na nakalinya sa magkabila na para bang may dadaan na hari sa gitna. Parang kakaiba ata ngayon, hindi tulad ng mga nakaraang mga araw. Marami ang bantay pero hindi ganiyan na para bang sasabak sa gyera. As in sobrang dami nila. Anu kayang merun? May problema kaya? Kaya siguro tinawag kanina si Farrah ng kaniyang tauhan dahil may problema. Pero dahil wala naman akong makuhang sagot sa sarili kong tanong ay nagkibit balikat na lamang ako. Akmang lalayo na sana ako sa bintana nang makita ko ang pagdating ng isang mamahaling itim na kotse. Isa itong Land cruiser at may kasunod pang apat na mga sasakyan.

Dahil curious ako ay maingat kong nilakihan ang malaking bukas ng kurtina. Nakita ko ang patakbong lapit ni Farrah, andito pala siya. Nauna bumaba ang mga nasa hulihang sasakyan at parehas na naka-all black din pero naka suit at may suot silang black shades. Men in black ang OOTD nila. Parang mga bodyguards ng presidente ang datingan ng mga ito. Ang pang huli ay bumaba sa driver seat ang walang iba kundi si Jackson na tulad din nang men in black ang outfit. Lumapit si Farrah dito at nangunyapit sa braso ng kaniyang boyfriend. How sweet naman.

May isang men in black na lumapit sa Land cruiser at pinagbuksan ang nasa huling pintuan. Nagulat ako nang may isang tao ang bumama mula roon. Sabay-sabay na nagsisaludo ang lahat ng mga tauhan ng makitang bumaba ang lalaking bumaba.

Hindi pa naman masiyado malinaw ang aking mata kaya di ko matitigan ang lalaking bumaba sa Land cruiser pero sa klase ng tindig at laking tao nito parang kakaiba ito. Pero base sa paningin ko kahit malabo ay gwapo ito kahit na parang matanda na. Sino kaya ito? Lumapit si Farrah dito at biglang nag-bow sa lalaki.

Napasinghap ako ng wala sa oras. Parang nagsasalita si Farrah habang nakatingin lamang ang lalaki sa kaniya. Si Jackson naman ay nasa likuran lang ng aking kaibigan. Gusto ko pang titigan ng maayos ang lalaking iyon dahil parang kakaiba. Nagalaw tuloy ng bahagya ang kurtina dahil sa kakagalaw ko para makalapit pa sa bintana. Pero parang mali ang naging desisyon ko sa buhay.

Biglang napaangat ang mukha ng lalaking kausap ni Farrah at saktong nàhuli ako na sumisilip. Parang gusto ko tuloy mahimatay dahil para akong magnanakaw na nahuli. Sa paraan ng tingin nito ay nunuot ang lamig na umabot sa aking laman at buto. Bigla akong nanginig at kulang nalang ay lumabas ang puso sa lakas ng tibok.

Shocks! Bakit sobrang gwapo nito. Ang dami ko nang nakikitang gwapo pero kakaiba ito kahit mukhang matanda na. Pero parang kakaiba ang tingin nito sa akin. Oh my gosh! Hindi kaya bawal akong tumingin sa taong iyon dahil ang sama ng tingin sa akin.

Mabilis kong sinara ang bintana at kulang nalang ay lumipad sa aking kama. Jusko baka magalit sa akin si Farrah dahil nakikichismis pa ako gabing-gabi na. Oh no!

Binalot ko nang husto ang aking katawàn ng makapal na comforter dahil feeling ko anu mang oras ay bibitayin ako. Hindi ko malimutan ang paraan ng tingin ng lalaking gwapo sa akin . Jusko po.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Meriam V. Castillo
sino kaya Yun c Nicolai siguro, baka asawa mo sya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE MAFIA LORD: Beautiful Nightmare   CHAPTER 14 HOT SPG!!!

    ~ Reeca ~Nagising ako mula pa kanina ng binuhat ako ng malakas na mga kamay ni Sir Vrikzor. Nakaidlip lang naman ako, pero hindi ko namalayan na pinag-uusapan na ako mag-aama. Kung tudo ako na wag gumawa ng mga bagay na mapaghalataang gising ako at baka ibalibag na lamang ako basta ni Sir Vrikzor. Sa katunayan nga niyan, para akong dinuduyan sa sobrang sarap ng pakiramdam. Ang bango-bango pa ni Sir pakiramdam ko ay gustong magwala ng lahat ng hormones ko sa katawan. Kung totoo nga ang sinasabi nito na ako ang kaniyang asawa ay wish ko lang, ayaw ko ng magising dahil baka maglupasay ako sa sama ng loob. “I know you were awake Honey Babe." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabing iyon ni Sir Vrikzor. Jusko kung kanina ay feel na feel ko ang sarap ng katawan ni Sir Vrikzor ngayon ay naglaho na nga. Napadilat ang mga mata ko. “Oh F**k!"“Ahh Sir sorry po!" hinging paumanhin ko nang bigla kong masampal sa kanang pisngi si Sir Vrikzor. “Babe" paos ang boses ni Sir Vrikzor ha

  • THE MAFIA LORD: Beautiful Nightmare   CHAPTER 13

    - Reeca -“Mommy wake up na ikaw." Isang boses ng anghel ang namulatan ko ngayon. Medyo hilo pa ako pero pinilit kong minulat ang mga mata ko.“N-neeca" “Mommy!" biglang sigaw ng bata. Nakaupo pala ito sa aking kinahihigaan kaya ang bilis lang nito na yakapin at pugpugin ng halik sa aking buong mukha.“Nagugutom ka na ba ngayon?" pag-aalala ko dahil baka nagugutom na ito at ito ako ngayon nakahiga at mukhang inatake na naman ata ng sakit ko. “Yes Mommy. We eat na po." sagot naman nito s sakin habang sinisipat ang buong mukha ko.Teka anu bang nangyari sa akin kanina? Nag-iisip ako ng biglang bumukas ang pintuan ng aking silid. Pumasok mula roon si Cecil at ang dalawa pang kasambahay na may bitbit na mga pagkain. Bumangon ako kahit na nakayakap na parang tuko sa akin si Neeca. Napansin ko na may table na pinasok sa kwarto ko at may apat na upuan. Ngumiti sa akin si Cecil na halata sa mukha ang pag-aalala ngunit yumuko na ito at tumalikod na habang nakasunod sa kaniya ang dalawa pan

  • THE MAFIA LORD: Beautiful Nightmare   CHAPTER 12

    ~ Reeca ~Sa paglipas ng mga araw, ngayon ko talaga napagtanto na parang may kakaiba, parang may mali sa paligid. Hindi ako matalino at magaling sa lahat ng bagay at inaamin ko iyon, pero may common sense naman ako. Iba talaga ang trato sa akin ng ibang maids dito. Hindi nila ako magawang makausap na para bang natatakot sila sa akin lalo pa kung andito kung minsan si Sir Vrikzor. Ang tanging nakakausap ko lang ay ang mayordoma na minsan ko lang din naman makausap lalo pa at namamahala ito ng buong kabahayan. Tanging si Cecil lang ang mapagkakatiwalaan ko, siya lang din ang bukod tanging kakwentuhan at katawanan ko. Hindi naman kami sinasawa ni Sir Vrikzor kapag nakikita kaming nag-uusap ni Cecil. Mukhang ayos lang naman kahit iisa lang ang expression ng mukha. Sabado ngayon at kakatulog lang nang hapon na ito si Neeca, habang nasa sariling kwarto rin si Zor at nagpapahinga. Sakto naman na umalis si Sir Vrikzor kasama nang napakarami nitong bodyguards na naka-black suit pa. Marami nama

  • THE MAFIA LORD: Beautiful Nightmare   CHAPTER 11

    Naanlipungatan ako ng makarinig ng mga mahihinang pag-uusap. Hanggang sa isang malakas na tili ng isang batang babae. It's Neeca.Napakurap ako saglit hanggang sa paunti-unting minumulat ang aking mga mata.“Yay my Mommy is waking up!" malakas na tili ni Neeca.Halos lumubog ito sa malambot na kama nang lumundag ito at pagapang na lumapit sa akin.“Mommy Goodmorning." malambing na tumabi ito si Neeca sa akin at niyakap ako ng kaniyang maliliit na mga braso. Naka-pajama pa rin ito.“Neeca? Goodmorning din" “Are you okay now Mommy? Daddy said you are sick daw po. Am i too much makulit Mommy kaya sick ikaw?" malungkot ang boses ni Neeca pati ang magandang mukha nito ay bakas ang pagkalungkot habang hinihimas nito ang buong mukha ko. “No baby. Super mabait ka. Hindi ka makulit. At saka wala naman akong sakit eh." kahit medyo antok at paos pa ang boses ko ay napaingos ako dahil wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa katawan ko bukod sa parang ang haba ata ng itinulog ko.“Are you oka

  • THE MAFIA LORD: Beautiful Nightmare   CHAPTER 10

    - Reeca -Kinahapunan, ay kompleto ang mag-aama sa malaking lamesa. Nahihiya man ako at gusto kong tumanggi makisabay dahil pakiramdam ko ay saling pusa lang ako. Pero ang bawat salita ni Sir Vrikzor ay parang may kapangyarihan kung kaya mabilis akong napasunod. Kung anu ang pwesto namin nung unang beses na kumain ako rito ay ganun muli kami ngayon, siguro sanayan na lang.Sobrang napakasarap ang nasa hapag kainan, nakakalaway naman talaga. Hindi ito puro lutong pinoy dahil puro meat at vegetables ang nasa hapag na napapanood ko kung minsan sa videos at movies. Ang dalawang bata naman ay tahimik na kumakain, at napaka ayos nila tignan. Tulad ng kanilang Daddy na parang hari kung kumilos. Ako naman ay isang mutsatsa na napasama sa pamilyang ito. Kahit gustong-gusto ko sulyapan si Sir Vrikzor ay nahihiya naman ako at baka mahuli na naman ako nitong tumitingin. Sa katunayan nga niyan kapag may pagkakataon na nakatalikod ito o kaya naman may ginagawa at hindi nakatingin sa

  • THE MAFIA LORD: Beautiful Nightmare   CHAPTER 9

    - Reeca -Malakas akong napasinghap ng apakan ng bruhang babae ang paa ko. Kaya napaangat ako ng ulo at masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya pero tumalikod na agad ito matapos ilapag ang dalang juice at dalawang babasaging baso at walang pakialam na nauna pang naglakad ito kaysa sa kasama nito.‘G*go yun ah.' nagngingitngit ang aking kalooban habang sinusundan ko na lamang ang mga ito ng tingin. Napatingin ako sa aking paa na bahagyang namula. Yumuko ako at pasimpleng tinanggal ang dumi na naiwan pa sa sapatos ng bruha na inapakan. “Are you okay Mommy?" nakayuko itong nakatingin din sa paa ko.“Wala nadumihan lang." ngumiti ako rito. Nagliwanag naman ang mukha ng magandang bata. “Can we eat this?" sabay turo nito sa sandwich na nakabalot pa sa tissue ang dulo para hindi marumihan kapag hahawakan.“Sure" kumuha ako ng isang sandwich at ibinigay rito. Masayang masaya naman ako habang pinagmamasdan ko ang magandang mukha ng batang ito. Ang swerte nam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status