Share

Chapter 2

Observe

Sa halos 45 minutes na tinakbo ng kotse niya ay narating din niya ang matayog na building ng eksklosibong pahayagan. Ang Origin. Pagka-park niya ng kotse ay tinungo na agad nila ang opisina ng pinaka-head manager ng Origin.

"Good morning, Ma'am Mayyete Solano." Biglang nag-angat ng tingin ang kanyang tinawag.

"Oh, hi Lalaine Xerano." Tumayo ito nang lumapit siya rito. "Have a seat Lalaine and Kulot."

"Thank you Ma'am." they both utter.

"So, ano ho ang paguusapan natin ma'am? Is there's a new update for my mission?"

"Yes. Here..." Itinulak nito ng bahagya ang silver gold envelope na parang isang invitation card. "Buksan mo Lalaine."

Kinuha niya iyon. Then she frowns when she had read the sparkles letter on the back of it.

"VIP Invitation?"

Tumango ito na may ngiti sa labi. "Read it,"

Binuksan niya iyon at binasa. "Origin print media. You are invited to the Rinaldi FundWill Organization Night." Pagkabasa niya niyon ay lumingon siya sa manager.

"Finally, you will be going to your first step, Lalaine." Ngumiti ito. "Ayon sa scoop, isa sa VIP invited guest si Maximus Luciano."

"The Mafia Boss?" namutawi sa kanyang labi.

"Exactly. Maximus is already here in the Philippines three days ago before the said event. Bukas ang party, kaya kahapon pa siya nandito sa Pilipinas."

"I thought, dito siya naka based sa Philippines?" naguhulohan niyang tanong sa kausap.

"Yes, but he's not totally residing here. Iyon ay dahil Leader siya ng isang organizations, right? Marami siyang mga illegal business all around the world, especially on his own land. Italy."

Napatango-tango siya. "So, how can I know if he's really going to that party, kung wala naman akong idea sa hitsura ng mukha niya. Can you show me some pictures of him? Malabo kasi yung bigay ng origin."

"I haven't. Ako rin ay hindi ko siya kilala sa mukha." Kumunot ang noo niya. "Lalaine, it is your mission to found out who is really that man. Gawin mo ang lahat para makilala at matukoy mo kung sino ba talaga si Maximus Luciano."

"But, Ma'am—"

"No but's Lalaine. Tapos na natin napagusapan 'to last week together with the board of directors, right?"

She sighed. "Okay, I'll try..."

"Don't just try, but do it because it is your mission, Lalaine. Do it!"

"Yeah, I know. But I think, mahihirapan ako. Finding someone that you didn't recognize yet. It is like you're finding a ghost."

Ngumiti ito. "May tiwala kaming lahat na makikilala mo rin siya, at naniniwala rin kaming makakaharap mo rin siya. Just believe in yourself. Sa ganda mo kayang iyan, hindi siya lalapit sa 'yo? Oh, come on darling. The Origin, don't hired an ugly employee to this mission. It's a waste of time. kaya mo 'yan. Marami kaming umaasa na magagawa mo ang iyong mission sa loob ng dalawa o hanggang tatlong buwan."

Huminga siya ng malalim. "I'm hoping that he will notice and approach me that night, so that hindi na ako maghahanap ng isang tao na parang multo."

Tumawa ang kanyang kausap at si Kulot na nasa harapan niya.

"Ma'am Lalaine, may tiwala ako sa diyosang taglay na kagandahan mo. Kaya huwag ka mag-alala, hindi lang yung subject mo ang makakapansin sa 'yo sa party. Kundi lahat halos doon ng kalalakihan ay papansinin ka." Nakakindat pang wika ni Kulot sa kanya.

"Magdilang anghel ka sana." Tugon niya rito.

"So, are you ready for tomorrow's event, Lalaine?" Tanong ng top manager sa kanya.

"Yes, ma'am. Even I am a little bit nervous. Yes." Sabi niya na may pagbuga pa ng hangin.

"No, don't get nervous, Lalaine. You should apply all the confidence that we built up to you. You trained well, gamitin mo 'yon para makuha ang atensyon ng subject mo."

Tumango siya. "Okay, I will."

"Bukas, may pupunta sa townhouse mo. They helped you and get you ready to that party. Huwag ka nang sumama sa kanya bukas, Kulot."

"Okay ho, Ma'am." Sagot ni kulot rito.

"Let's proceed. Of course, are you ready for your new identification name, as Lala Escalante?" Tanong nito na sa kanya na nakatingin.

"Yeah, I am also ready to be called, Lala."

"Good Lalaine Xerano, the a.ka. Lala Escalante. Congratulations, I hope you will trap or tame the vague Mafia lord..."

Pagkatapos nilang magusap ng manager at ng top management ay gumayak na sila Kulot sa parking area.

"Ma'am Lalaine, good luck sa 'yo para bukas, huh. Kaya mo 'yan." Sabi agad nito nang nasa loob na sila ng kotse niya.

"K-Kinakabahan ako sa papasukin ko kulot. Isang Mafia 'yon eh. Paano kung ipa-salvage ako non? My God, I can't even imagine my life to end so very soon."

Tumawa ito ng matinis sa kanyang sinabi. "Hindi 'yan ma'am. Magagandahan pa nga ata yun sa 'yo. Lalo at single pa yung Mafia na 'yon eh."

Hinagisan niya ito ng masamang tingin. "Hindi ko iniisip 'yan Kulot." Sagot niya rito habang nagda-drive patungo sa sikat at mamahaling restaurant.

"Nako ma'am. Aakitin mo lang naman siya. You remember that. Aakitin mo siya. Alam mo ma'am, sa mga nababasa ko pa naman sa mga pocketbooks. Ang popogi ng mga Mafia character. Astig at maaangas rin sila." Sabi nito.

"It's only a fictional. Kaya huwag kang magpapaniwala sa kathang isip lang. Mag research ka sa G****e para malaman mo ang totoong mukha ng mga mafia."

Umingos ito. "Ayoko. Tama na sa akin yung isipin na perfect package sila as a boyfriend, ma'am."

Napapailing na lang siya rito. But somehow, bigla siyang napaisip sa sinabi nito sa kanya. Pero ang iniisip naman niya ay kung paano naman kung hindi siya mapansin ng Maximus na 'yon?

Hay nako, problema 'to. I dragged myself into this mess. Wala ng urongan ito. Ngayon pa ba ako susuko kung kailan tapos ko na ang lahat ng paghihirap ko sa training? No. I should accomplish this mission, para sa trabahong naghihintay sa akin sa Origin.

After she and Kulot order their meal, kwento nang kwento si Kulot ng kahit na anong topic sa kanya. She did not listen well dahil okupado pa rin ang isip niya sa gagawing misyon.

She heavily sighed.

She was occupied with a random thoughts nang aksidenteng napalingon siya sa isang sulok ng restaurant na iyon. Dumako agad ang mga mata niya sa isang lalaki na bahagyang nakaharap sa kanya ang puwesto.

She silently observed the man who sits meters away from her. May kasama itong tatlo pa na kalalakiha. Sa tingin niya may seryosong meeting ang nagaganap sa mesa ng mga ito. She glued her eyes at the man who has no time to stare at her direction.

The man has a clean but messy hair, creased forehead, a strong set of eyebrows, thick long lashes, eyes that darkly sparkling, straight pointed nose line and of course, a perfect shadow of beard along his jaw and chin, and most of all the man owns kissable and warm lips. Peeking at the man is like you are glaring in the top 100 perfect handsome face in the world. Isama pa na maganda at perpekto ang pangangatawan nito.

Hm... How about, I'll try my luck to this man? Aha, matingnan nga kung uubra ang kasanayan ko sa training sa kanya. Hm...

"Kulot," tawag niya sa kasama niyang busy pa rin sa kakasalita.

"Ano 'yon ma'am?"

Umangat ang gilid ng labi niya. "You look at that man." Bahagyang ininguso niya rito ang dereksyon ng lalaki. "Wearing a black polo long sleeve."

"Hala ma'am, putek, ang pogi niya. Crush mo ma'am?" Tanong nito.

"Tumingin ba siya sa akin?"

"Hindi,"

"You observed then. Pag-lumingon 'yan, Crush ako niyan."

"Ay, ganon? Sige ma'am, sige. Tingnan nga natin kapag lumingon 'yan si kuya, iyo na siya." Nakangisi nitong sagot.

Tumango siya. "Watch out, Kulot." Pinungay niya ng bahagya ang mga mata at tumingin sa dereksyon ng lalaki. She then slowly rose up to her chair and sway her wavy ash-blonde wavy long hair. "Waiter..." She sexily called the attention of the server. Then tucked the strands of her hair in the back of her ear.

"Nako ma'am, tumingin nga sa'yo. Lintek ma'am pogi ni koya, shet..." Mahinang usal ni Kulot na parang kinikilig.

She smiled a bit and then she peek him in two seconds. Nakatingin nga ito. Ramdan niya ang pagsunod ng tingin ng lalaki sa kanya nang pino siyang umupo sa kanyang upuan.

She wet her lips at nang napatitig siyang muli sa lalaki, napasinghap siya ng bahagya. Iyon ay dahil nagkasalubong ang mga mata nila, nakita niya ang mariin nitong titig.

Shit! He was looking here in my direction. Pangatawanan mo 'yan Lalaine, pangatawanan mo 'yan. Her mind whispered.

Wala sa isip na kinindatan niya ng isang beses ang lalaki. Then he never looked back at him again dahil sa nailang siyang bigla. At mas naiilang siya dahil ramdam pa rin niya ang titig ng lalaki sa dulo ng kanyang mga mata.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hula ko sya si maximus na mission mo at sya din yong lalaki na humila sayo sa party nuon
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
hahaha Gawain ko yan nung dalaga pa ako haha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status