Share

Chapter 4

Tattoo

Nagsitaasan agad ang kilay ng dalawang bading na napatingin kay kulot. Wari'y hindi sumang-ayon sa sinabi nito.

"Naku mareng Alodia, napaka ambisyosa ng kulot na itetch!"

"True mare! Kung hindi pa natin 'yan na make-over kanina. Magmukha kayang tao 'yan ngayon?"

"Away n'yo na naman ako. Akala ko ba friends na tayo? Hmp, mga panget na bakla kayo!" Umirap si Kulot sa dalawa na ikinangiti niya.

Natatawang niyakap naman ng dalawa si Kulot.

"Itong kutong-lupa na ito, hindi na mabiro."

"True! Hoy dugyot! Huwag ka magpabebe sa amin. Tirisin ka namen."

Napapailing na lang siya sa tatlo. Tahimik niyang isinuot ang mataas na takon na pinadala rin ng Origin sa kanya kasama nang damit niya na susuotin sa party.

Hindi niya masyado nagustuhan ang damit niya. It is because the dress showed too much of her skin. Pero wala naman siyang magawa dahil iyon ang ipinadalang damit niya. Nakalantad na halos ang kanyang tayong-tayo na dibdib, pati na rin ang kanyang makinis na likod. Advantage na lang na medyo mahaba ang kanyang buhok kaya hindi na rin siya masyadong maiilang sa halos nakalantad na dibdib.

Isinuot rin niya ang kanyang simpleng hikaw, kwintas at saka wristwatch. Then she practiced her stunning walk while the three were still chatting.

"Wow..." The three murmured.

Nakakaakit siyang humarap sa tatlo at kinindatan ang mga ito.

"Ang ganda. Perfect na perfect ang beauty mo... Totoo kang, Diyosa."

"Kabog na kabog, Barbie. May nanalo na..." Tili rin ng isang bading.

"Ma'am, natotomboy na naman ako sa 'yo," wika naman ni kulot na wari'y natutulala.

She laughed in a bit. "Hey, do I look glamorous at this? Do you think I can even seduce someone at the event?" she asked while gleaming her eyes.

"Barbie, for sure lahat ng kalalakihan ay maaakit sa 'yo mamaya," wika ni Rc sa kanya.

"Truelalo, baka mag-unahan pa silang magpakilala sa 'yo kapag dumaan ka na mga harapan nila. Look, sa mala diyosa mo ba namang kagandahan at kaseksihan. Nako, pak na pak! Kabogera kang tunay teh!" Wika rin ni Alodia na ang lakas maka good vibes.

"Basta ma'am. Ingat ka doon sa party ah? Huwag ka magpapabastos sa kanila. Bigyan mo agad ng sapak ma'am kapag may manyakis na lumapit sa 'yo." Pahayag naman ni Kulot na himig nagaalala para sa kanya.

"Don't worry Kulot, kaya ko ang sarili ko." Tanging nasabi niya habang nakangiti rito.

____

"Ma'am, tawagan n'yo ho agad ako kung magpasundo na ho kayo," the driver instructed her, pagkatapos siyang pagbuksan nito ng pinto ng kotse.

"Sure manong, I will." Ang sagot niya rito.

"Sige ma'am, aalis na ho muna ako. Salamat."

Ang Origin pa rin ang nagdikta na ihahatid siya roon sa party ng isang kotse na pagaari ng kompanya, at susundoin siya pagkatapos ng party.

Nasa tapat na siya nang napakalaking mansion at napakalawak na bakuran ng Rinaldi Resident, napasinghap siya dahil sa hindi niya inaasahan na parang hotel o kastilyo ang bahay na iyon. Sa labas pa lang ay makikita mo nang napakayaman ng may-ari niyon. Ang tataas rin ng mga pader na nakapalibot sa buong bahay na iyon.

"Good evening ma'am, will you please present your invitation before going inside the party?" wika ng isang security personnel na nakatalaga sa bukana ng gate.

"Sure," sang-ayon niya saka niya kinuha sa loob ng purse ang kanyang Vip invitation card.

"You may go inside, ma'am. Enjoy the Rinaldi Goodwill Organization Event,"

"Thank you," tugon niyang nakangiti rito.

Pagkapasok sa loob ng malawak na chateau ay may nag-assist agad sa kanya na isang babae patungo sa hardin kung saan ginaganap ang eleganteng pagdiriwang.

She immediately scans the whole and well-arranged garden nang iniwan na siya ng waitress. Napakalawak ng hardin, the warm rushlight is flashing around the garden. The music, the elegant stage, the arrangement of the table and chairs. Lahat ng iyon ay nasa mga tamang ayos. May dalawa pang magkaharap na liquor bar area. At meron din sa gitnang dulo.

She was also silently scanning and scrutinizing the people who were busy chatting with the other guests. Tulad niya, mga maiikli, sexy at daring  din ang suot ng mga kababaihan. Habang ang lahat naman ng lalaki ay naka formal suit and coat.

"Hi miss," may isang lalaking ngumiti at bumati sa kanya.

She scan the handsome guy. Maya-maya ay ngumiti siya rito. "Hello,"

"Enjoy the party?" tanong nito.

Tumango siya rito ng bahagya. "Yuh." Maikli niyang tugon rito.

"Good," ang sabi nito.

Magsasalita pa sana ito ng may humila rito na isang babae. Before they leave her direction isang masamang tingin muna ang iniwan ng babae sa kanya.

What's wrong with her? Kung boyfriend n'ya yung lumapit sa akin. Aba, hindi ko kasalanan 'yun.

Napapailing nalang ako sa isang tabi.

Ano ba 'yan. Tatayo lang ba ako rito at magmamasid sa lahat ng mga kalalakihan? Sa dami ba naman nila, paano ko malalaman kung sino sa kanila si Maximus? Oh my, goodness, I hope I have a clue if who is he. I hope someone can help me to find out who is the Mafia Lord. Hay nako, ang hirap maghanap ng hindi mo alam o kung sino ang hinahanap mo. Lalaine, galaw-galaw na. Hindi mo siya makikita kung nasa iisang puwesto ka lang. She thought to her mind.

Huminga siya ng malalim. Ngumiti at humakbang na nakakatawag ng pansin sa bawat hakbang niya sa kanyang dinadaraanan.

The music perfectly played while she was walking through the middle of the event. Nginingitian niya ang mga bisita nang may mapapalingon sa kanya. She also whispers 'Hi' to those men who greeted her along the way.

She sexily sways her hips, body, and hair. Dumiretsyo ang hakbang niya sa gitna ng bar area.

"Lady's drink, please?" wika niya sa bartender na nakanganga at nakatulalang nakatitig sa kanya. Pinitik niya ang kanyang daliri sa harapan nito nang hindi pa rin ito gumagalaw.

"Y-yes, ma'am?"

"I need wine, please?"

"W-wait a minute, ma'am." Sagot ng lalaki na natataranta.

Maya-maya ay dumating rin ang kanyang order. She immediately swallows it then faces the crowd-Umiinom siya ng alak habang iniisa-isa ang mukha ng mga kalalakihan sa buong paligid.

Sino ba sa inyo si Maximus? Ghad, paano ko ba siya makikilala ngayong gabing ito? Any clue, please...

Nang maubos ang kanyang iniinom na wine ay lumipat naman siya sa kabila. Ngumiti siya sa lalaking bartender na naroon.

"Can I have a glass of wine, please?"

Tulad ng isang lalaki sa kabilang bar ay nakatulala rin ito habang nakatingin sa kanya.

"Hey," tawag niya sa pagkatulala nito.

"Quit staring. Just give her request!"

Napasinghap siya nang may baritonong tinig ng isang lalaki ang nagsalita sa tabi niya. She did not saw his face dahil doon agad siya nakasulyap sa kaliwang braso nitong nakatupi ang puting polo. The guy places his arms on the top of the table near to her arms. Napasulyap siya sa kamay nito na may mga burdang tattoo hanggang sa kanyang braso.

"Alone, Bellissima?" nagsalita muli ang lalaki na siyang nagpasinghap sa kanyang tahimik na pagmamasid sa mga tattoo nito sa lantad na kamay at braso.

Bellissima? It is an Italian word if I'm not mistaken.

She heaves a sighed then she decides to faces the man on her back with her sweetest smile and glinting eyes. Tumingala siya para makita ang buong mukha nito. Ngunit agad naman niyang nabawi nang bahagya ang mga ngiti nang masilayan na niya ang mayari ng kabuoang mukha ng lalaking iyon.

Oh, shit! Siya 'yon. What is he doing here?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
haha baka si ya na hinahanap mo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status